Chapter XLV: Duty of an Empress

L O R A

Kung nakamamatay lamang ang pag-iisip, kanina pa sana ako walang buhay rito. Masyado nang maraming nangyayari—sa sobrang dami ay parang puputok na ang utak ko para lang maproseso ang lahat. Sa katunayan, nais ko na lamang maging avarie nang makatakas na ako sa magulong mundong ito.

Una, ilang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin nasosolusyunan ang problema namin tungkol sa mga cannibal. I've been in Area 77 for just a few hours, but a lot of news regarding the cannibal attacks already flooded my mail. Maraming mafia ang binawian ng buhay at marami rin ang kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon ngayon.

Pangalawa, hindi pa man ito kumpirmado ngunit unting-unti na ring nasisira ang Frontier Horizon. Based on other reports, there are more than three cannibals that managed to pass through the protective barrier. If this continues, we'll completely lose our hold to balance. The Dijon Island will be in pure chaos.

Pangatlo, kung totoo nga ang sinabi ni Uncle Izeno, nasa malaking peligro si Yzra. And since it's an order from the Pantheon, we can't do anything unless we've decided to break the codex.

I'm just as lost as Arima. I don't know what to do anymore.

"Lora." Agad akong nahatak pabalik sa realidad nang tawagin ako ng kagigising pa lang na si
Arima. Matapos ang komprontasyon niya sa kaniyang ama ay nawalan siya ng malay. Siguro ay dahil na rin sa labis niyang pag-iyak. "Where's Cyllan? Is he okay?" tanong niya gamit ang kaniyang namamalat na boses.

"You don't need to worry about him," I said, trying to calm her down.

"What about his punishment?" Ang kaniyang noo ay nakakunot habang ang kaniyang mga mata ay nababalot ng pag-aalala.

"He can't set foot on to the Alvarezes' ground again, unless the punishment is lifted. But that's all, like I told you, you don't have to worry about him," paninigurado ko sa kaniya.

Inilibot niya ang kaniyang mata sa kuwarto. Sinuri niya itong mabuti, mula sa apat nitong pader hanggang sa kamang kaniyang kinahihigaan ngayon. Ang kaniyang pag-aalala ay agad napalitan ng pagkalito. "This is not my room. Where am I? Where are we?" takang tanong niya sa akin.

"You're on our base, The Parliament's headquarters," panimula ko. "You're banished from Deathstalkers's HQ. Like Cyllan, you can't also set foot on Alvarezes' ground," pagpapaliwanag ko sa kaniya, dahilan upang lumiwanag ang kaniyang mukha.

"That means I'm free from my father's orders, right?" she exclaimed. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan bago sinagot siya ng isang iling. Mabilis namang napawi ang kaniyang saya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"After you lost your consciousness, Uncle Izeno knew I was listening through your earpiece. Your effort wasn't put in vain, he told me what happened to your sister—" Hindi natapos ang aking sasabihin dahil mahigpit niya akong hinawakan sa aking braso at marahas na hinatak papalapit sa kaniya.

"Where is she? Tell me, where is she?" apuradong tanong niya sa akin. Pinigilan ko ang aking sariling mapairap. This girl still gets on my nerve.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin. "Your father told me that the Pantheon ordered Yzra to infiltrate the Lair."

"And he agreed?!" Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad na bumangon.

"We can't do anything, Arima. Just. . .cut it out."

"You told me you'll break the codex just to find my sister!"

"We both know that's only a metaphor!" I threw my hands in the air. Whenever the Pantheon is involved, we can do nothing. We're completely helpless, just like earlier. Kung 'di lang si Acelet Ansatsu ang nakausap namin kanina, nasisigurado kong hindi kami makalalabas nang buhay mula sa Pantheon.

"You're a coward," mahinang bulong niya ngunit hindi ito nakaligtas sa aking pandinig. Tila nagpantig naman ang aking tainga at tumaas ang aking kilay. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

"What did you just call me?" nagtitimping tanong ko sa kaniya.

"You're a coward, Lora."

"I dare you to say that again."

"Why? Hindi ba totoo—" Malakas ko siyang tinulak, dahilan upang panandalian siyang mawalan ng balanse. Mapang-asar siyang ngumisi sa akin kaya lalong kumulo ang aking dugo. I tried to kick her side, but she blocked it with her arms.

"Ako pa ang duwag, Arima?" Binigyan ko ng isang malakas na suntok ang kaniyang kanang braso. "Since our childhood, who stood up for Yzra?" Sinuntok ko siya sa kaniyang kaliwang braso. "It's me! Me! Me!" Nanggagalaiti akong nagpakawala ng mga suntok sa kaniyang magkabilang braso.

Bahagya akong napatigil sa paggalaw ng aking mga kamao at napadaing nang walang pasabing tinuhod niya ako sa aking sikmura. Nang ako'y matumba'y agad siyang dumagan sa akin at hinawakan ako sa aking leeg.

"Sa una ka lang magaling!" sigaw niya't mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa akin.

"Wala kang. . .  utang. . .  na loob," sambit ko sa pagitan ng aking mabigat na paghinga. Hindi na rin ako nakatiis pa't ginantihan na rin siya. Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

"Both of you, enough!" Sabay kaming napabitaw ni Arima sa isa't isa nang marinig namin ang bulyaw ng aking ina. "What's gotten into your head? Naiwan lang kayo saglit, nagkagulo na kayo," panenermon niya't lumapit sa amin upang tulungan kaming tumayo.

"You've just turned eighteen, Lora, and you're looking for a fight already?" pangangaral ni mom habang ako'y pinapagpagan.

"Tsk." Napairap na lamang ako.

"Hay, you could've inherited anything from your father. Bakit ang pasensya niya pa?" aniya sa kaniyang sarili at napailing-iling. Nilingon niya ang aking pinsan.

"Your mother's here to talk to you, Arima," pamamalita niya. Saktong may kumatok sa pinto at marahan itong binuksan. Nagningning ang mata ni Arima.

"Mom!" Tumakbo siya papunta kay Aunt Arize at sinalubong ito nang mahigpit na yakap. "I don't know what to do anymore," aniya't binaon ang kaniyang mukha sa balikat ng kaniyang ina.

Hinimas-himas naman ni Aunt Arize ang likod ni Arima upang pagaanin ang kaniyang loob. "Hush now. I'll take it from here," turan niya, dahilan upang mapakalas mula sa yakap si Arima.

"What are you planning to do? Gusto ko ring tumulong."

"You're not coming with me," matigas na saad ng aking tiyahin sa aking pinsan. "It's my duty to protect you and your sister. Kung sasama ka sa akin, lalo lang kitang malalagay sa kapahamakan."

"But—"

"I'm not here to hear your arguments, Zivi. Kung hindi mo rerespetuhin ang desisyon ko, hindi ko itutuloy ang plano." Hindi na nakakibo pa si Arima. Binalingan ng tingin ni Aunt Arize ang aking ina.

"I will hold on to your words, Iris." Tumango naman ang aking ina.

"Take care, Arize."

"Wait, you're leaving already?" gulat na tanong ni Arima. Hindi niya inaasahan na ang pagbisita ng kaniyang ina ay siya ring pamamaalam nito bago magtungo sa isang delikadong misyon.

"We can't make Yzra wait a little bit longer. Be strong, Arima. I'll be back soon," tuluyang pagpapaalam ni Aunt Arize at lumabas ng silid. Nanatiling nakatayo lamang si Arima, tulala.

Wala naman akong ibang maramdaman kung hindi pagkamangha para sa aking tiyahin. I wonder, someday, when I have children of my own, will I be abled to fulfill my duty as an empress too?

-

Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

FEBRUARY 22, 2022 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top