Chapter XLIX: The Lair
PASIKAT PA lang ang araw, nagtungo na kaagad ang mag-ina sa pinakadelikadong lugar ngayon sa isla, ang lungga ng mga cannibal. Kagaya ng ibang kagubatan, nagsisitayugang puno ng narra ang pumapaligid sa kanila. Nagkalat din ang mga baging na nakabitin sa naglalakihang mga sanga ng puno.
Labis na ipinagtataka ni Yzra ang katahimikan na nadatnan nila. Dahil sa malalakas nilang pang-amoy, alam na dapat ng mga cannibal na may ibang nakapasok sa kanilang lungga; ngunit wala kahit isang cannibal ang sumalubong sa kanila.
"The forest is too peaceful," kumento ni Arize na tumutugma sa kutob ng kaniyang anak. "They're very aggressive to hide. Just what are they up to?" tanong niya sa kaniyang sarili at masuring inilibot ang tingin sa paligid.
Lumuhod si Yzra upang tingnan ang lupa, umaasang makakita ng mga bakas ng paa na magtuturo sa kanila kung nasaan ang direksyon patungo sa gitna ng lungga. Labis naman siyang nabigo nang mapagtantong maputik ang daan. Mukhang umulan sa parte ng kagubataang kanilang kinanonooran at nabura lahat ng tanda ng mga naninirahan dito.
"By the way, anak. You didn't bring a gun with you, right? How are planning to infiltrate the lair without it?" tanong ni Arize sa anak habang hinahawi ang baging na parang isang kurtina. Sa katunayan ay alam niya na ang isasagot ni Yzra rito, ngunit nais niyang marinig ang boses nito upang magkaroon man lang ng ingay ang kahina-hinalang tahimik na gubat.
"Guns are useless when you're in a close combat with a cannibal. I realized that when some of them followed us on our way to Medallion City," panimula ni Yzra at tumingin sa bughaw na langit na nahaharangan ng mga dahon. "They don't falter even after getting their hearts pierced with bullets. They're too ignorant to know pain."
Nagsimulang mag-awitan ang mga ibon. Kung madalas ay tanda ito ng kapayapaan, iba ang dating nito para kay Yzra. Mula sa bulsa ng kaniyang suot-suot na camouflage na pantalon, inilabas niya ang pares ng itim na guwantes at isinuot ito.
"Are they coming?" tanong ni Arize at sumandal sa likuran ni Yzra. Nakahanda ang kaniyang kamay na hugutin ang katana.
"Strangely. . . no one's coming," ani Yzra at binaba ang kaniyang mga kamay. Masyado niya nga lang bang iniisip ang lahat?
Pinaikot ni Yzra ang kaniyang balikat at inunat ang kaniyang mga buto. Kahit na naghilom na ang kaniyang mga sugat at pasa, salamat sa ininom niyang gamot, ramdam niya pa rin ang tensyon at pagod ng kaniyang katawan sa mga laban niya kahapon.
Hindi niya rin inaasahang mapapanatili niya ang kontrol sa kaniyang dugo. Ilang beses na siyang muntikang mapaslang ng mga cannibal, ngunit nanatili siya sa kaniyang wisyo.
"Maybe I wasn't angry enough," isip ni Yzra at sinara-bukas ang kaniyang kamao.
"Pinaghintay ba namin kayo?" Nanlaki ang mata ni Yzra nang isang kamay na kasinglaki ng kaniyang mukha ang humawak sa kaniyang braso. Nang iangat niya ang kaniyang tingin, isang taong may kulay pilak na buhok at kulay bughaw na kutis ang sumalubong sa kaniyang titig. Sa mukha nito'y may nakapintang nakakapanindig-balahibong ngiti.
"Get away from me." Malakas na sinipa ni Yzra ang cannibal sa sikmura, dahilan upang siya'y mabitawan nito't bahagyang mapaatras.
Paano. Iyan ang tanong na pumasok sa isipan ni Yzra. Nanatili naman siyang alerto, ngunit paano siya nalapitan ng cannibal nang hindi niya namamalayan? Paano niya hindi napansin ang presensya nito?
"Yzra!" Nilingon ni Yzra ang kaniyang inang sumigaw ng kanilang pangalan. Nadatnan niya itong nakikipagsayaw sa pagmamay-aring katana.
"Don't worry about me," tugon ni Yzra sa kaniyang ina at binalik ang kaniyang tingin sa cannibal na katunggali. Kumpara sa ibang cannibal, ang kaharap niya'y may haba ng buhok na umaabot sa baywang.
"I'm facing the group's leader." Ikinuyom ni Yzra ang kaniyang kamay. Sa sobrang higpit, kung wala ang guwantes na kaniyang suot ay nasugatan niya na ang sariling kamao gamit ang kaniyang mga kuko. "I can't let my guard down."
Kung sa nakaraang araw ay pinagdududahan pa ni Yzra ang tunay na intensyon ng kaniyang ama, ngayon ay natitiyak na niyang pinapunta siya rito upang mamatay.
Nakangiting sumugod ang cannibal sa kaniya. Ang mga nagtutulisan nitong kuko ay mainam na nakalinya; handang-handa upang dakmain ang puso niya mula sa kaniyang dibdib. Ilang sentimetro na lang ang layo ng kamay ng cannibal mula sa kaniya, ngunit hindi natinag ang dalaga at nanatili sa kaniyang puwesto. Gamit ang kaniyang puwersa, pinigilan niya ang cannibal—isang segundo bago tuluyang lumapat ang mga kuko nito sa kaniyang balat.
"We should've killed your kind when we had the chance," singhal ni Yzra sa kaniyang katapat at mas lalong hinigpitan ang pagkakawak sa pulsuhan nito. Lumawak naman ang ngiti ng kaniyang kalaban.
"Paumanhin, binibini, ngunit hindi kita maunawaan." Nanlaki ang mata ni Yzra nang maramdaman niya ang pagtagos ng kuko nito sa kaniyang balat. Agad niyang binitawan ang kamay ng cannibal at tumalon paatras upang palayuin ang distansya sa pagitan nilang dalawa.
Maisusumpa niyang nanatiling mahigpit ang hawak niya sa cannibal kaya imposibleng makagalaw ang kamay nito kahit isang milimetro. Masuring inisip at tiningnan ni Yzra kung saan siya nagkamali. Napakagat siya nang mariin sa kaniyang labi nang mapansin ang kuko ng cannibal. Hindi man malaki ang diperensya, nasisigurado niyang humaba ang mga ito.
Paano.
"Yzra!" Sa muling pagsigaw ng kaniyang ina, nadama ni Yzra ang pagliit ng kaniyang paningin at ang pagbigat ng kaniyang mga talukap. Ginamit naman ng kaharap niyang cannibal ang oportunidad upang siya'y atakihin. Sa pamamagitan ng matatalas nitong kuko, nagawa nitong sugatan ang dalaga mula sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang tiyan.
"Mom. . ." nanghihinang bulong ni Yzra at napahawak sa kaniyang sentido. Sa bawat pagkirot ng kaniyang ulo ay siya ring pagbigat ng kaniyang paghinga. ". . . run."
"No! You are not gonna sacrifice yourself for me," pag-angal ni Arize sa sinusuhestiyon ng kaniyang anak. Kahit nagsisimula nang mangalay ang kaniyang mga braso kawawasiwas sa kaniyang katana, mas binilisan pa niya ang pagkitil sa mga cannibal na walang tigil sa pagsugod sa kaniya.
Mahinang tumawa si Yzra. Isang pilyang ngiti ang naiwan sa kaniyang labi. "Let me rephrase." Pinalagutok niya ang kaniyang buto sa leeg. "Hide from me."
Bago pa maproseso ng punong cannibal ang sitwasyon ay natagpuan nito ang sariling ulong nakahiwalay na mula sa kaniyang katawan.
"Paano. . ." Bago pa man tumama ang katawan nito sa maputik na lupa ay inihagis ni Yzra ang ulo nito papunta sa kaniyang kauri, dahilan upang mabaling ang atensyon ng mga ito sa dalagang pumaslang sa kanilang pinuno.
Dinilaan ni Yzra ang kaniyang ibabang labi, tila isang gutom na tigre. "Should we beat my record?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top