Chapter XLIV: Treason

A R I M A

"Alvarez, where are you going?" narinig kong tanong ni Kathnyce sa akin ngunit hindi ako tumigil sa paglalakad.

"Arima, wait up!" sigaw naman ni Lora pero mas binilisan ko pa ang aking paglalakad. Wala na akong oras na aaksayahin pa. Sisiguraduhin kong sa pagkakataong ito, hindi lang ako tatayo at mananahimik.

"Arima." Hinawakan ni Lora ang aking kanang kamay, dahilan upang ako'y mapatigil. "Tell me what's the plan. You're not alone in this."

Huminga ako nang malalim, pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Loris, I need you to track Yzra as soon as possible. Cyllan and Lora, you're coming with me."

"Track? Oh please, let's not waste our time. Aren't we going to talk to Izeno Alvarez already?" takang tanong naman ni Kathnyce.

"There's no way my father will easily tell us the whereabouts of my sister." Sa paglabas namin mula sa gusali, agad kong tinungo ang sasakyan ni Galen.

"I'll borrow your car, Galen. Don't worry, I'll return the favor to you as soon as possible," pagpapaalam ko ngunit hindi ko na rin hinintay ang kaniyang pahintulot at agad lumulan sa kaniyang kotse. Sinundan naman ako nina Lora at Cyllan.

Galen gave me his car keys through an open window of the car. "Take care," tipid niyang sabi na sinagot ko naman ng tango.

Binuhay ko ang makina ng sasakyan at madiing tinapak sa gas pedal ang aking kanang paa. Matulin na tumakbo ang sasakyan.

I'm coming for you, father.

"You've heard what the eldest Ansatsu daughter have said, right?" tanong ni Lora at nilingon si Cyllan na nakaupo sa backseat.

"About what?" takang tanong naman ni Cyllan habang pinapatunog ang kaniyang mga buto sa kaniyang mga daliri.

"It's. . .nevermind. Baka masyado ko lang iniisip," ani naman ni Lora at nilipat ang kaniyang tingin sa labas ng bintana.

Pagdating namin sa harap ng mansion, bago pa kami magawang harangin ng mga tauhan ni dad ay binaba ko ang bintana at inilabas ang aking kamay na may baril.

"Get out of my way!" sigaw ko at nagpakawala ng ilang bala. Agad naman silang tumabi sa daanan kaya naging madali ang pagbabalik namin sa mansion.

"Where's dad?" tanong ko sa aming esquire na nagkaabang sa pintuan ng aming mansion.

"Nasa pagpupulong po siya ngayon, kamahalan."

"Lora, you have access to BRIA, right?" tanong ko sa aking pinsan habang patuloy pa rin ako sa paglalakad. Tinanggal ko ang suot-suot kong jacket at inihagis ito kung saan. Agad naman itong pinulot ng aming esquire.

"I do, now, what's the plan?" tanong ni Lora at kinuha mula kay Cyllan ang kaniyang laptop.

"Cause a blackout to Mariana. Cyllan and I will infiltrate the meeting."

"Are you sure about this, Your Highness? What we're about to do may be considered as treason. The Parliament may be abled to negotiate my punishment, but for you, there'll be no negotiation," nag-aalalang tanong ni Cyllan sa akin pero hindi ko ito masyadong inalintana. Desidido na ako. I'd rather be killed by a person than be killed by my own conscience.

"Don't anger uncle too much, Arima." Inabutan niya kami ni Cyllan ng tig-isang earpiece. "Sabihan niyo lang ako kapag handa na kayo."

Sinimulan naming tahakin ni Cyllan ang daan patungo sa Mariana. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay ramdam ko ang pagkain sa akin ng pagdadalawang-isip. Alam kong sa mga mata ni dad, mali itong gagawin namin pero ito lang ang nakikita kong paraan upang maitama ang lahat.

"After knocking out the board, you'll leave the room and I'll deal with my father alone," paglilinaw ko ng plano kay Cyllan. Gumuhit sa kaniyang mukha ang pag-aalinlangan at pag-aalala. "Hear my command, Marquess Gonçalves," matigas kong wika.

". . . As you wish, Your Highness. . ."

- X -

"Greetings, father." Itinutok ko sa kaniyang leeg ang isang dagger. Mahigpit niya namang hinawakan ang aking kamay upang siguraduhing hindi lalapat sa kaniyang balat ang talim na aking hawak-hawak.

"Anong sa tingin mo ang ginagawa mo, Arima?" nagtitimping tanong sa akin ni dad. Ang kaniyang mga ngipin ay nagngingitngit sa galit. Pahigpit nang pahigpit ang kaniyang mga kamao sa aking pulsuhan, dahilan upang manghina ang aking kamay. Ngunit imbis na bitawan ang talim na aking hawak ay madiin ko itong isinaksak sa mesang kahoy na nasa harapan namin parehas.

"You can try asking for your knights, but I'm afraid that they're asleep." Hinugot ko ang dagger mula sa mesa't kinayod ito sa bakal niyang upuan. "Why don't you dance with me in this dark room, father?"

"Stop this madness, Arima!" Inihagis ko ang dagger papunta sa kaniyang direksyon. Mabilis naman siyang yumuko upang iwasan ito. "Anak, we can talk about this. You can tell me what's wrong."

"I can tell you what's wrong?" Sarkastiko akong napatawa. "I've been telling you this whole time, father! Pero may nangyari ba?! May napala ba ako?!" Malakas kong sinipa ang kaniyang upuan, dahilan upang tumumba siya kasama nito.

"Hindi naman ito iyong pinangako mo sa akin, dad, noon!" Punong-puno ng poot kong hinawakan siya sa kaniyang kuwelyo. "Hindi naman ito ang napag-usapan natin nila mom noon!" Isang malakas na suntok sa dibdib ang ibinigay ko sa kaniya.

"Why are you being like this?!" Mas lalong nagliyab ang nararamdaman kong galit sa kaniya dahil alam kong sinasadya niya lamang na hindi ako patulan—ayaw niya akong labanan.

Bakit hindi niya ako tratuhin kung paano niya tratuhin ang kapatid ko? Sa ginagawa ko ngayon, ako ang mas karapat-dapat na parusahan. Ako dapat ang nasa posisyon ni Yzra ngayon.

"Hurt me, father! Stab me, shot me! Gawin niyo na lahat ng gusto niyo, ibalik niyo lang si Yzra. . ." Hindi ko na napigilan pa't umagos ang aking mga luha pababa sa aking pisngi. Sa muling pagkakataon, naging mahina ako sa harap ng aking ama. Sinubukan ko naman pero hindi ko pa rin pala kaya.

"Just tell me where Yzra is. . ." hagulgol ko sa kaniya. "Just this once, let me save her." Mas lalong umagos ang aking mga luha nang magsibalikan sa aking alaala na tila isang pelikula ang mga pagkakataong wala akong nagawa.

Every losing trainings of mine.

When mom was held hostage.

The time when she once became an executioner for Black Parade.

During her lonely birthdays.

The guilt never stops eating me. Dahil alam kong may magagawa ako pero sa mga panahong 'yon, mas pinili kong manood lamang.

"Just this once, father. . . let's save her."

-

Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

JANUARY 27, 2022 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top