Chapter XLIII: It Must Be Done

9 hours before the sighting. . .

Y Z R A

"How was your sleep, Your Highness?" bungad sa akin ni Eden nang maimulat ko ang aking mata. Inilibot ko ang aking tingin. Nabalot ng pagtataka ang aking isipan nang matagpuan ko ang aking sarili sa aking kuwarto.

"What am I doing here, Eden?" tanong ko sa kanila. Isang buntong-hininga naman ang nagmula sa kaniya. Mukhang isang 'di magandang balita ang kaniyang dala.

"Ang emperador mismo ang magpapaliwanag sa'yo, kamahalan." At tuluyang nakumpirma ang aking hinala dahil sa kaniyang naging sagot.

Napahawak ako sa aking ulo. Pakiramdam ko'y sasabog na ito. Ang huli kong naaalala ay magkausap kami ni Loris. Pero bukod doon, malabo na ang lahat.

"This might help you, Your Highness," ani Eden at inabot sa akin ang isang tableta na hindi pamilyar sa akin. "You were under the highest dosage of tranquilizer. This will ease your headache," pagpapaliwanag niya.

I was tranquilized? Why? Did I lose control again?

"What happened? Where's my sister? Where's Lora?" sunud-sunod kong tanong.

"They're still in Medallion City." Napatingin ako sa pinto ng aking kuwarto nang marinig ko ang boses ng aking ama. Matikas siyang nakatayo sa pintuan habang paulit akong sinasaksak ng kaniyang matalim na titig. "As for why you are here, we performed an extraction."

Lalong bumigat ang pakiramdam ng aking ulo. Paulit-ulit kong iniisip kung may nalabag ba akong batas o utos, ngunit ang lahat talaga ay malabo. Lahat ng nangyari kagabi (bukod sa pag-uusap namin ni Loris) ay hindi ko matandaan.

"Worry not, you're not in trouble," saad ng aking ama habang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin. Nais kong umatras pero dahil ako'y nasa aking kama, limitado lamang ang aking mga galaw. "We need to extract you, for the Pantheon has a secret mission designated for you," pagpapatuloy niya't umupo sa gilid ng aking kama.

"A secret mission?"

"You're going to infiltrate The Lair. . .alone." Kumirot ang aking dibdib. Ang mga emosyon na matagal ko nang hindi nararamdaman ay muling bumalot sa aking puso.

"And you've agreed?" malamig kong tanong. Naramdaman ko ang panginginig ng aking kamay pero pilit ko itong itinatago.

"Wala akong dahilan para tumanggi, Yzra," he naively answered.

"That's a suicidal mission, father." Ang aking mga salita ay tila 'di niya naririnig—papasok sa isang tainga, lalabas sa kabila. Sinenyasan niya si Eden upang iwanan kaming dalawa. At bago pa ako makaangil, sinunod kaagad siya ng rehente nang hindi ako nililingon.

"You should've just kill me when I was younger." Akala ko, pinakamalupit na ang pagpapahirap niya sa akin. At nagkamali ako. Mas may hihigit pa pala sa sakit na nararanasan ko.

Bakit ba naging ganito? Nasa akin ba talaga ang mali? Wala na ba siyang natitirang pagmamahal sa akin bilang aking ama?

"Let's make a deal, Yzra." Diretso niya akong tiningnan sa aking mga mata. "You only have to carry out this mission for two weeks. If you manage to stay alive, I'll find a way to control your Keres' Blood."

Ikinuyom ko ang aking kamay. Gusto kong magalit pero hindi ko magawa. Tanging awa para sa aking sarili ang aking nararamdaman.

Nanatili akong tahimik.

"You'll be leaving in an hour. Prepare yourself," saad niya bago tumayo at tinungo ang direksyon papalabas ng aking silid. Pero bago siya tuluyang makaalis, akin siyang tinawag.

"Father." Siya'y natigilan. Akala ko'y muli akong makaririnig ng kaniyang pagkamuhi sa akin, ngunit ni isang salita ay wala siyang tinuran. "Do you really want me to do this?"

"It must be done, Yzra."

- X -

"HINDI KAMI nandito para manggulo," wika ni Loris at sinubukang lumapit sa Ansatsu ngunit agad siya nitong pinagbataan.

"Another step, Loris Saiz, and I'll kill these three," walang emosyon nitong sabi at inilabas mula sa kaniyang bulsa ang isang remote.

Agad na napatingin si Lora sa mga leeg ng mga kasama nilang nabihag. Doon niya lamang napansin na nakasuot pala ang mga ito ng espesyal na kulyar na ginagamit sa mga bilanggo ng Pantheon.

"Listen—"

"Saiz!" sigaw ni Lora na bumalot sa buong opisina ng Ansatsu. "She. . .she's not lying. Once she press that button, their heads. . .will explode." Hindi mapigilan ni Lora ang panginginig ng kaniyang boses. Ang kaniyang katawan ay nababalot ng kaba.

Siya ang nakaisip ng plano. Kung mapapahamak ang isa man sa kanila, hindi lamang siya maitatakwil ng kaniyang ama. Hindi rin niya kakayaning dalhin ang konsensyang dulot nito.

"Help me, Lora. . . I don't wanna die," mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Arima sa kaniyang pinsan.

"What do you want, Acelet Ansatsu?" tanong ni Lora habang pilit niyang nilulunok ang kaniyang kaba. "Anong gusto mong gawin namin para lamang pakawalan mo sila?"

Umupo ang Ansatsu sa kaniyang upuan na nasa likod ng mesa. Pinagdaop nito ang kaniyang mga kamay at ipininatong ang kaniyang baba dito. Ipinikit niya ang kaniya mga mata. "I have no intention to kill one of you. But securing the Pantheon is my duty. Unless you are no longer a threat, you're not free to go," panimula niya.

"So tell me." Minulat niya ang kaniyang mga mata at matalim na tiningnan ang kaniyang mga panauhin. "What's the real reason why you're infiltrating the Pantheon?"

"Yzra Alvarez was kidnapped last night," sagot ni Kathnyce. "And the only lead we've got is that Pantheon got something to do with her disappearance. That's why we're here."

"Yzra Alvarez, you say? I must have misheard her name then. . .Setting that aside, you're here looking for an answer, aren't you? You must question Izeno Alvarez then."

"My father?" takang tanong ni Arima.

"Last week, my father, Beauregard and your father had a private meeting. I have no idea what they're talking about, but I've heard that lady's name," pagpapaliwang ni Ansatsu at tumayo mula sa kaniyang pagkakaupo. "Now that you have another lead, I guess it's time to leave the Pantheon, don't you think?"

"You're letting us go?" muling tanong ni Arima.

"Yes."

"Why are you helping us?" Hindi maiwasang magsuspetsa ni Lora sa naging aksyon at pakikitungo sa kanila ng Ansatsu.

"I'm not trying to help you. I'm just returning a favor."

-

Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

OCTOBER 11, 2021 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top