Chapter XLI: Broken Barrier

L O R A

"What's happening. . ." mahinang bigkas ni Arima at natulala. Maging ako ay hindi rin maintindihan ang nangyayari. Anong ginagawa ng tatlong cannibal sa loob ng siyudad? Paano nila nalagpasan ang Frontier Horizon?

"No way. Did the barrier just break?" nababahalang tanong ko sa aking sarili. Imposibleng nagtagumpay sila sa kanilang ritual. Wala namang nabanggit kanina si Saiz na may nagaganap na kaguluhan sa Area 77.

"Let's go, Galen!" utos ni Arima. "Continue driving the car!" sigaw niya't sinimulang yugyugin si Da Silva, na siyang ikinabigla naman ng binata. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi. Hindi siya maaaring makita ni Da Silva na nagkakaganito.

"Arima, calm down," pagpapakalma ko sa kaniya ngunit tila hindi niya ako naririnig.

"Ano bang ginagawa mo?! Bakit hindi ka kumikilos?! Patakbuhin mo ang kotse!" pagwawala niya't mas nilaksan pa ang pagyugyog kay Da Silva.

"Arima, I said calm down!"

"Calm down?! How can I calm down?! We're going to die! Hindi tayo p'wedeng mamatay! Ayoko pang mamatay—"

Agad siyang natigilan nang lumapat sa kaniyang pisngi ang aking palad.

"Listen to me, Arima." Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. "Get it together, okay? Hindi tayo mamamatay. Kaya natin silang labanan," pagpapalakas ko ng kaniyang loob pero mukhang hindi nakakarating sa kaniya ang aking mensahe. Nanatili ang kaniyang tingin sa mga cannibal na nasa labas.

Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata ang takot. Nanginginig ang kaniyang mga kamay at malamig din ang pakiramdam ng mga ito.

"Hindi natin sila p'wedeng hayaang makalapit sa mga tao. We have to go, Lora. Arima can't fight with her state right now," ani Cyllan habang hinahanda na niya ang kaniyang sarili sa magaganap na labanan. He wore his thick black jacket and reload his gun's magazine.

"You think we can handle them?" tanong ko sa kaniya habang kinakasa na rin ang sarili kong baril. Napabuntong-hininga na lang siya.

"If I say run, you better run, Lora."

"If you die, I'll kill you for the second time."

Palabas na sana kami ng sasakyan ni Cyllan nang hawakan ni Arima ang tig-isa naming braso. "Please be safe," saad niya na parang isang batang humahabol sa magulang nito bago umalis.

"Don't worry, we got this," paninigurado ko kay Arima. "Da Silva, I trust you to stay and protect Arima," bilin ko naman sa aming kasama.

"Are you sure you two can manage?" tanong niya naman sa akin. Tumango ako bilang sagot bago naglakad patungo sa kinaroroonan ng tatlong cannibal na aming nakita.

"Keres' Blood will be quite handy right now. We barely have a gun," ani Cyllan habang papalapit kami. Napabuntong-hininga na lang ako.

Sa buong buhay naming pagsasanay, palaging kapuwa mafia lang ang aming nakakatunggali. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na cannibal ang aming makakaharap. At hindi lang isa, kung hindi tatlo pa. Kung sinusuwerte nga naman kami.

Bukod sa taglay nitong lakas na lagpas sa kakayahan ng isang normal na tao, wala na kaming alam tungkol sa kanila.

"Let's hope that the few bullets we have are enough to deal with them," sagot ko sa kaniya bago pinangunahan ang labanan.

Since we didn't manage to bring extra ammunitions, I targeted their heads, chests, and stomachs first where the three vital organs are. Bahagya silang napatigil at napaatras sa aking ginawa, ngunit hindi nila ito alintana at nagsimulang tumakbo papunta sa aming direksyon.

"Damn it!" sigaw ko at tumakbo papalayo upang panatilihin ang malayo kong distansya mula sa aming mga kalaban. Sumunod naman sa akin si Cyllan habang pinapaulanan pa rin ng bala ang mga cannibal gamit ang isang pistol na nakuha niya lang galing sa dashboard ng gamit naming sasakyan.

"I'm barely damaging them—"

"Watch out!" sigaw ko nang makita kong may binato ang isang cannibal sa aming direksyon, pero huli na ang lahat. Hindi na nakaiwas pa si Cyllan at tumama ang isang maliit na patalim sa kaniyang balikat. Bahagyang siyang napadaing dahil sa sakit na dulot nito.

"I've got nine bullets left." Napakagat na lang ako sa aking labi hanggang sa magdugo ito. Ashanti at Shantrini, bakit niyo ba kami pinapahirapan nang ganito?

Muli ko silang pinatamaan sa mga parte ng katawan nila na binaril ko kanina. Mas bumilis ang paglabas ng dugo sa kanilang katawan ngunit wala pa rin itong apekto sa kanilang lakas at bilis—hindi sila nanghihina.

"Please tell me you have bullets left," sabi ko kay Cyllan at mariing napapikit. Napasalampak na lamang ako sa lupa nang iiling niya ang kaniyang ulo. "Dapat bang hindi na lang tayo nakialam?"

"Huwag kang magdrama diyan. Kailangan pa nating hanapin ang pinsan mo, hindi ba?" pagpapalakas niya sa aking loob.

"Paano kaya kaagad napatumba ni Yzra iyong mga cannibal na sumunod sa atin noon?" I thought out loud. Kung nakita ko lang ang mga bangkay ng mga cannibal noon, baka mayroon na akong ideya kung paano namin malulusutan ang sitwasyon ngayon.

Napagulong kami papalayo sa isa't isa ni Cyllan nang tumalon papunta sa amin ang isang cannibal. Nakaramdam ako nang panlulumo sa aking kaliwang paa nang magawa itong hawakan ng kalaban namin gamit ang malakas niyang kamay. Gamit ang baril kong walang bala, buong puwersa kong sinalaksak ang bibig ng cannibal nang akma nitong kakagatin ang aking hita.

"Damn you and your whole race!" sigaw ko at mas lalong nilaliman pa ang pagkakapasok ng baril sa kaniyang lalamunan. Agad ko itong hinugot nang magsimulang umatake ang dalawa pang cannibal. I kicked the closest cannibal away from me when I caught it off guard. Sinalag ko ang atake ng dalawa pang cannibal gamit ang baril, ngunit wala itong silbi bilang pananggalang sa kanila. Sa isang iglap, nahati ito sa dalawa dahil sa taglay nilang pambihirang lakas.

"Leave her alone!" Malakas na hinampas ni Cyllan ang isa sa ulo gamit ang may kalakihan na bato, dahilan upang panandalian itong mapatumba.

Natigilan kaming dalawa nang makarinig kami ng sunud-sunod na busina. Maya-maya lamang ay isang kumakaripas na kotse ang nagtungo papunta sa amin. Mabilis kaming tumabi ni Cyllan nang sa gayon ay hindi kami masagasaan katulad ng tatlong cannibal na ngayo'y nasa ilalim na ng kotse.

"Ayos lang ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Arima sa amin. Ang kaniyang noo'y punong-puno ng pawis.

"Mukhang marami-raming sugat na ang natamo ng mga cannibal," ani Cyllan habang sinusuri niya ang mga nilalang na nasa ilalim ng kotse. "Hindi na sila makakagalaw pa," dagdag niya pa. Napatango-tango na lamang ako.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyari. Hindi pa rin nawawala ang kaba sa aking dibdib.

We were very lucky that we only dealt with three of them. That was a very close call. Kung marami ang nakalagpas sa Frontier Horizon, natitiyak kong wala pang limang minuto ay babagsak ang buong siyudad ng Medallion kasabay namin.

"We have to go. Naghihintay na sina Saiz sa atin," pagpapaalala ni Da Silva sa amin. "Magpahinga muna kayo ni Cyllan. May first aid kit din diyan sa likod para magamot niyo ang mga sugat na inyong natamo," dagdag ni Da Silva. Inabot naman sa amin ni Arima ang first aid kit.

"Wait. Kailangan nating makasigurado na hindi na sila makakapanggulo pa sa siyudad," wika ni Cyllan at kumuha ng syringe mula sa first aid kit na tinutuloy ni Da Silva. Itinusok niya ito sa kabilang braso niyang walang sugat at kumuha ng dugo.

Sa pamamagitan syringe, pinatakan niya ng Curtain Fall ang bawat cannibal sa kanilang mga bibig.

"They're not gonna mess with us again."

-

Hi there! It's me, Dakureimi. I know it's been a long time and I want you to know that I really appreciate your patience.

We have already reached the climax of the book one! Thank you for staying with me for this long. Hopefully, matapos ko na ang story before this year ends. But of course, depende pa rin iyon sa schedule ko.

I've also created a new trailer for Frontier Horizon. Sana magustuhan niyo~

As always, thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

JULY 20, 2021 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top