Chapter XL: Sighthings

"I JUST received a message from Galen," pamamalita ni Arima kina Cyllan at Lora. "We're definitely gonna be in trouble," dagdag pa nito at napabuntong-hininga.

"What did he say?" takang tanong ni Lora habang nananatili pa rin ang kaniyang atensyon sa harap ng screen ng kaniyang laptop. Imbis sagutin ang pinsan, inabot na lang ni Arima ang kaniyang telepono kay Cyllan na siyang nakaupo sa tabi ni Lora.

"To save Yzra, meet me at the lobby. Hurry. . ." pagbabasa ni Cyllan sa mensaheng natanggap ni Arima. Mabilis namang sinara ni Lora ang kaniyang laptop.

"Then let's go," aya niya sa pinsan at nakababata habang nagmamadali niyang tinungo ang kaniyang damitan. Mula roon ay nilabas niya ang isang FN SCAR na baril.

"What are you waiting for?" tanong niya sa mga kasama na napatulala. Napailing-iling na lang si Cyllan habang isang ngiti naman ang gumuhit sa labi ni Arima.

"You're such a sly, Lora."

"I know."

Pinangunahan ni Lora ang paglabas sa kaniyang silid. Nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa paligid-alerto kung sakaling may makasalubong silang tauhan ng kaniyang tiyuhin. Maingat namang sumunod sa kaniya sina Arima at Cyllan. Pinapanatiling tahimik ang mga yabag ng kanilang paa nang sa gayon ay hindi matunton ang kanilang binabalak na pagtakas.

"I'll drop that rifle if I were you, Your Highness." Isang lalaki ang biglang nagpakita sa kanilang likuran-ang tauhang inatasan ng emperador na magbantay sa kanila.

"But you're not me," nakangising sagot naman ni Lora at tinutok kay Velasco ang hawak-hawak na baril. "Mauna na kayo sa baba, Arima. Susunod na lamang ako."

Nakatinginan muna sina Arima at Cyllan bago magkasabay na tumango. Tinungo nila ang daan papunta sa asensor, ngunit agad silang napahinto nang makarinig sila ng isang putok ng baril. Ipinutok ni Velasco ang isang revolver sa kanilang direksyon.

"This fool!" sigaw ni Lora na nasundan ng dalawang putok ng baril. Namimilipit sa sakit na napaluhod si Velasco nang tumama sa kaniyang parehong hita ang dalawang bala na pinakawalan ng dalaga.

Hinagis ni Lora papunta kay Cyllan ang baril na kaniyang hawak-hawak bago umupo upang pantayan ang tauhan nilang mapang-ahas. Nanlilisik ang mga mata, marahas na kinuwelyuhan ni Lora si Velasco. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya ay kulang na lang na mapunit ang kuwelyo ng lalaki.

"You're forgetting your place," ani Lora habang nagngingitngit ang kaniyang mga ngipin.

Nagsimula silang palibutan ng iba pang mga kawal, ngunit dahil sa nadatnan nilang nangyayari, tila napako ang kanilang mga paa sa kani-kaniyang kinatatayuan. Mas lalong bumigat ang atmospera nang malakas na tinulak ng galit na prinsesa ang lalaki sa pader. Dahan-dahang tumayo si Lora.

"All of you. . . You only have two options: die now by my hands or live longer until the emperor executed you."

- X -

"Please tell me you have a lead regarding Yzra's whereabouts," bungad ni Arima sa binatang kanilang kinita. Hindi na maganda ang timpla ni Lora kaya kung ang lahat hirap nila'y mapupunta lang sa wala, hindi na alam ni Arima ang gagawin upang mapakalma pa ang kaniyang pinsan.

"I do. Follow me," tipid na sagot naman ni Galen.

Nang makasakay sila sa sasakyang dala-dala ni Galen, inabot ng binata ang isang tablet kay Cyllan na kasalukuyang nakaupo sa shotgun seat.

"What is that for?" takang tanong ni Arima.

"Watch the clip," tugon ni Galen bago pinaharurot ang kotse.

Pinindot ni Cyllan ang screen ng tablet, dahilan upang lumabas mula rito ang isang pamilyar na mukha. Seryoso ang kaniyang ekspresyon at makikita ang kaniyang pagmamadali dahil sa magulong paggalaw ng kamera.

[ It would have been easier if Galen already told you the situation since I have already explained everything to him. But here we are. . . ]

"I'm getting dizzy; he's moving too much!" pagrereklamo ni Arima habang minamasahe ang kaniyang sentido.

"Quiet!" paninita naman sa kaniya ni Lora na taimtim na nakikinig sa mensahe.

[ After what happened last night, I was called back to our headquarters. I have no intention staying here at Area 77 for too long, but I was told Pantheon was planning something. And you probably guess it already—Yzra is part of their plan. I'm on my way to investigate and I need back up, so hurry. ]

Natahimik ang buong loob ng kotse matapos ang mensahe. Sa bawat segundong lumilipas ay tila bumibigat na rin ang hangin sa ere.

"Kung gano'n. . . Ang ibig bang sabihin ni Loris ay mismong Pantheon ang nagpadakip sa kapatid ko?" naguguluhang tanong ni Arima. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng kaniyang utak ang mga salitang tinuran ni Loris sa kanilang napanood-hindi siya makapaniwala.

"Let's not assume anything yet. Ang tanging alam lang natin ay parte ng isang malaking plano ang inyong kapatid. Paano kung may nais tumutol sa plano na iyon at siya ang may kagagawan?" ani Cyllan, dahilan upang umamo ang mukha ni Arima. Nakuha niya ang pinupunto ng binata.

"Pero si Velasco-"

"Hindi ko na siya poproblemahin kung ako sa'yo. Mananatiling tikom ang kaniyang bibig kung gusto niyang mabuhay," pagputol ni Lora sa sasabihin ni Arima.

"Paano kung hindi?"

"He fears death more than anything. Kung magsusumbong siya, natitiyak kong hindi siya papatakasin ni uncle. Wala siyang ibang magagawa kung hindi tumakbo na lang palayo at magtago kung saan hindi siya matutunton," paninigurado ni Lora sa kaniyang pinsan. Hindi na sumagot pa si Arima at dumungaw na lang sa bintana ng kotseng kanilang sinasakyan.

Humampas ang malakas na hangin sa kaniyang pisngi. Sa hindi malamang dahilan, imbis na maging payapa ang kaniyang isipan ay mas lalong kinutuban si Arima. Idagdag mo pa ang makulimlim na langit.

'Kumalma ka, Arima' iyan ang tatlong katagang paulit-ulit sa kaniyang isipan. Nahatak siya pabalik sa realidad nang huminto ang sasakyan.

"Ba't tayo tumigil?" takang tanong niya sa kaniyang kaibigang nagmamaneho ng kotse ngunit katahimikan lamang ang sumagot sa kaniya. Bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang mapansin niyang malagkit ang tingin ng kaniyang mga kasama sa harapan ng kotse. "Ano bang tinitingnan niyo diyan-"

Naputol ang kaniyang sasabihin nang mapansin makita niya ang tatlong lalaking naglalakad sa damuhan sa 'di kalayuan. Kulay asul ang mga balat nito at kumikinang ang kulay abo nilang buhok sa ilalim ng araw.

"What is happening. . ."

-

Thank you for reading Frontier Horizon! Please don't be shy to leave a comment if you enjoy this chapter. I love to know what do you think about every update.

MARCH 30, 2021 UPDATE
Not edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top