Chapter VIII: Survivor
Y Z R A
Tahimik akong nakaupo sa backseat habang pinapanood ang tanawin sa labas. Kung tutuusin ay wala na akong masyadong makita maliban na lang sa pagsayaw ng mga sanga ng puno sa hangin dahil sa sobrang dilim.
Kasalukuyan kaming nakasakay sa bagong imbensyon ni Lora, ang self-driving model one o SEDRIMO kung tawagin niya. Mula sa components hanggang sa mechanism, lahat ng ito ay galing sa malawak na kaisipan ni Lora. Sinigurado niya ring mahigpit ang system nang sa ganoon ay walang sinuman ang makaka-hack nito.
"Malayo pa ba tayo?" tanong ni Arima na nakaupo sa tabi ko. Wala sa sariling napailing ako't kinuha ang earphones mula sa aking bulsa. Ipinasak ko ito sa aking tainga ngunit iniwan itong walang tugtog. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata at iniwan muna ang realidad.
- X -
"Nakikita kong may bago ka na namang sinasaliksik. Maaari niyo bang sabihin sa akin kung tungkol saan ito, mahal na prinsesa?" Nanatili ang tingin ko sa test tube na naglalaman ng sample ng 'dugo' mula sa lalaking pinatay namin kanina ni Arima.
"May nakita ba kayong kakaiba sa dugong inyong hawak-hawak?"
"This isn't a blood, Eden," sagot ko sa kaniya bago maingat na nilagay sa slide ang isang patak ng sample gamit ang dropper. Pagkatapos ay inilagay ito sa stage ng microscope.
"Kung ganoon, ano iyan?" tanong niya sa akin kaya napairap na lang ako. Ayoko sa lahat nang may nang-iistorbo sa akin sa tuwing may ginagawa ako.
"You're showing emotions again, Your Highness."
"Then stop asking question, Eden. I'm trying to figure out what kind of chemical or element this is. I'm positive that it's also a conductor of electricity," pagpapaliwanag ko't muling tiningnan sa ilalim ng microscope ang sample. Walang epekto ang niligay kong formula. Napakamot na lang ako sa aking noo. Nauubos na ang mga paraan na alam ko.
"Electricity?"
"May particles ng copper sa liquid. Besides, that guy is an android. It needs eletricity to function." Itinuro ko ang ulo ng lalaki na kinabitan ko ng iba't ibang aparatus.
"Are you planning to create an android of your own?" Muli akong napairap sa kaniyang naging tanong. Kung hindi lang siya si Eden, kanina ko pa siya pinalabas ng laboratoryo ko.
"Well, what do you think?"
"Androids will be a threat to the mankind someday. That's what I think, Your Highness..."
"Your Highness!" Iminulat ko ang aking mata't nakitang malapit sa akin ang mukha ni Cyllan. Napakurap ako nang ilang beses bago napagtanto ang nangyayari sa paligid.
Napatingin ako sa labas ng bintana at halos wala na akong makita dahil sa sobrang bilis ng aming takbo.
"SEDRIMO, slow down!" Lora commanded the system. Kita ko sa kaniyang galaw ang pagkapanik. Ang kaniyang mga daliri ay halos mapudpod sa bilis niyang magtipa ng mga code.
"System error."
"SEDRIMO, reboot!"
"System error."
"What's going on?" tanong ko kay Cyllan at tinulak siya papalayo sa akin. Napatingin ako kay Arima sa aking gilid at kitang-kita ko ang takot sa kaniyang mukha.
"SEDRIMO's system is hacked," pagbibigay linaw sa akin ni Cyllan at bumalik sa kaniyang pwesto upang tulungan si Lora sa pagresolba ng problema.
"We're talking about the system made by Lora here," kumento ko't humalukipkip. Napakaimposible ng sinasabi nila. Ang buong system ng Alvarez ay gawa at pinapamahalaan niya; kahit kailan ay hindi pa na-hack ang system.
"Lora, if we die, you're the one to blame!" paninisi ni Arima gamit ang kaniyang nanginginig na boses.
"Oh, shut up, Arima!" Ang tensyon sa loob ng sasakyan ay pataas nang pataas at hindi ito nakakatulong sa amin.
"SEDRIMO, system shut down."
"System error."
"It's not working, Yzra! We're going to die! I don't want to die!" Ang mata ni Arima ay unti-unting nanubig. Napatingin ako sa kamay niya nang hawakan niya nang mahigpit ang aking kamay.
"We're now outside of the Frontier Horizon," pamamalita ni Cyllan sa amin. Itinabig ko ang kamay ni Arima at kinuha ang aming mga armas sa ilalim ng upuan.
"Darn it! We're going to crash! Prepare yourselves," balala sa amin ni Lora pero imbis na sundin siya ay pinakawalan ko ang sarili ko mula sa seatbelt. Binuksan ko ang pinto't tumalon papalabas ng kotse dala-dala ang aking baril. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Arima sa pangalan ko bago ako bumagsak sa mga damo at malakas na sumalpok ang sasakyan sa isang malaking puno.
Ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa isang malaking bato, dahilan upang sumuka ako ng dugo. Ang buong katawan ko ay hindi ko magalaw sa sobrang sakit. Napahawak ako sa aking noo nang may tumulong dugo mula rito.
"Bull spit." Pinilit kong itayo ang sarili ko kahit na sa bawat galaw ko ay tila may nababaling buto. Magliliyab ang kotse mamaya-maya lang. Kailangan kong kumilos kung gusto ko silang mailigtas.
Dala-dala ang aking baril, ika-ika akong tumakbo papunta sa kanilang direksyon. Bare it, Yzra. You can't feel anything, remember?
Mas lalo ko pang binilisan ang aking takbo nang makarinig ako ng sigaw at umalingawngaw ito sa buong lugar. They're coming. Deity knows how I want to swear right now.
"Lora... Lora, wake up." Malakas kong tinapik-tapik ang kaniyang pisngi ngunit hindi ito gumagana. Nanatiling sarado ang talukap ng kaniyang mata. Agad kong sinuri ang buo niyang katawan kung may malala bang pinsala siyang natamo. I clicked my tongue when I saw a big chunk of glass stabbed in her side.
"Cyllan, wake up! Cyllan! Cyllan!" sigaw ko't niyugyog siya. Wala na akong oras. Kailangan na naming makaalis dito o mauubusan ng dugo si Lora. Napatingin ako sa Frontier Horizon na isang kilometro ang layo sa amin. Sampung minuto ang aabutin bago ako makarating doon.
Maaabutan kami ng mga cannibal kung iisa-isahin ko sila. Hindi na kakayanin ng katawan ko kung bubuhatin ko silang tatlo.
Napatingin ako sa hood na ngayon ay nasa damuhan at tumalsik sa sobrang lakas ng impact na dulot ng pagkabangga. Dali-dali kong tinungo ang trunk ng sasakyan at kinuha ang lubid na nakatabi roon.
Lalo kong binilisan ang aking pagkilos nang muli kong marinig ang kanilang mga sigaw. Papalapit na sila nang papalapit. Maingat kong inihiga silang tatlo sa hood at nang masiguradong hindi sila malalaglag mula rito ay itinali ko sa aking baywang ang lubid.
Nagsimula akong tumakbo papunta sa Frontier Horizon, hila-hila ang hood na hinihigaan nilang tatlo. My knees are trembling and right now, I can't feel the upper part of my body.
Napadura na lang ako nang maramdaman ko muli ang pag-akyat ng pulang likido sa aking lalamunan. I'm not gonna die right now. I need to save them.
"You better be proud of me now, father." Gumuhit ang isang ngisi sa aking labi. Hindi pa man kami gaanong nakakalayo sa kotse ay sumabog na ito, dahilan upang tumalsik at tumumba ang aking nanghihinang katawan.
"Another bull spit." Ang dugo na kanina pa tumutulo mula sa aking noo ay humaharang na sa aking paningin. Gamit ang aking kamay na nababalot na sa dugo, dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang mapagtanto kong may mali. Halo-halong emosyon ang aking naramdaman at hindi ko na malaman kung ano ba ang dapat. Isang cannibal ngayon ang nakatayo sa aking harapan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top