Chapter VII: An Entertainment
L O R A
"Hindi mo dapat ginawa 'yon," saad ni Arima pagkapasok na pagkapasok namin sa penthouse. Napairap na lang ako dahil sa pagkairita. Nakailang ulit na siyang sabi at kanina pa ako naririndi. Nangyari na ang nangyari, hindi ko na mababawi iyon kahit naisin ko pa.
"If auntie and uncle know about what happened today, I'm sure they'll be disappointed," dagdag niya pa na agad ko namang sinagot ng tatlong iling. Doon siya nagkakamali.
"They'll be proud, I'm sure of that," nakangisi kong wika. "Isa pa, hindi ako ang unang nanakit. It's a self-defense, or at least, that's what people here call it," punto ko pero halata sa mukha niya na hindi siya sang-ayon dito.
"Napatawag tayo sa detention, Lora," pagpapaalala niya sa akin na kinibit-balikat ko lang. Dahil nga ang babaeng 'yon ang unang nanakit, hindi ako naparusahan. Sa huli ay nakalabas kami sa detention office nang walang pasakit. Most of the students looking at us like they're gonna pee their pants, and I'm liking it.
"What do you want for dinner?" tanong sa amin ni Yzra na kalalabas lang mula sa kaniyang kwarto. Nakapagpalit na pala siya ng damit sa loob ng maikling oras na nag-uusap kami ng kaniyang nakakatandang kapatid. Kasalukuyan niyang ipinupusod ang buhok upang hindi ito humarang sa kaniyang mukha.
"Fugu."
"They don't sell puffer fish here as an ingredient," kontra ni Arima kaya agad na naningkit ang aking mga mata. Wala ba siyang sasang-ayunan na desisyon ko?
"It's fugu then," ani Yzra kaya agad na nagningning ang mata ko. Finally, I can taste it! Puffer fish contains tetrodotoxin which makes it lethally poisonous and can lead to death. Only chefs who have qualified after three or more years of rigorous training are allowed to prepare such fish! My mother isn't a great cook and so is my dad, but thankfully, Yzra is!
"Saan ka nakabili?" hindi makapaniwalang tanong ni Arima sa kapatid. Hindi ko maiwasang ngumisi dahil sa muling pagkakataon, nanalo ako sa kaniya.
"Not gonna tell," tipid na sagot naman sa kaniya ni Yzra bago tinungo ang kusina. Dinaig ko pa ang isang sabik na bata at dali-dali siyang sinundan. Mula sa pagkuha niya ng puffer fish sa munting aquarium hanggang sa kung papaano niya linisan at tanggalan ito ng lamang-loob ay nakasunod at nakapokus sa kaniya ang aking mga mata.
"Did you just... no way." Nakataas-kilay ko naman siyang nilingon. What's up with her? "Hindi sa atin yung isda! Bakit mo kinuha?"
"Too lazy to explain." Napasabunot na lang si Arima sa kaniyang sarili. Tumikhim ako para pigilan ang tawa na kumawala sa akin.
"Wala kang dapat ipag-alala, Arima. Binili 'yan ng inyong kamahalan." Sabay nabaling ang atensyon namin ni Arima kay Cyllan na kakarating lamang.
"Noong isang araw, nakita ko siyang pinupuno ang tanke bago inilipat ang isda mula sa plastic," dagdag niya pa. Nakahinga naman ng maluwag si Arima. Napangiwi na lang ako. What a kill joy. I'm still having fun while looking at her frustrated face.
"Kumusta yung pinapagawa ko sa'yo?" tanong ko kay Cyllan, dahilan upang iabot niya sa akin ang isang folder na naglalaman ng mga papeles.
"Pinagawa? Tungkol naman saan?" usisa ni Arima at lumapit sa akin upang makibasa sa mga papeles na hawak-hawak ko ngayon.
"Just about an entertainment," sagot ko naman sa kaniya bago nilipat sa susunod na pahina para ipagpatuloy ang pagbabasa.
"Hey, wait! Hindi ko pa tapos basahin yung first page!"
"Ikaw na lang ang nakikibasa. Should I adjust for you?" pabalang na sagot ko sa kaniya pero bahagya akong nagdalawang-isip sa sinabi ko nang mapansin ko ang pag-iiba ng kaniyang ekspresyon. She's running out of patience.
"Are we already assigned in a mission?" tanong ko naman kay Cyllan nang makabasa ako ng mga detalye tungkol sa isang lugar.
"Your guess?" nakangising tanong niya naman sa akin pabalik.
"Dinner's ready. Change your clothes first."
- X -
Napasandal ako sa aking inuupuan at dumighay nang malakas dahil sa kabusugan. Never taste something that flavorful before. A fugu chirinabe and sashimi, a puffer fish's fried skin as a side dish. All of them savor like heaven.
"Can you be more lady-like?" pang-aasar sa akin ni Cyllan na hindi ko na lang pinansin. Sa totoo lang ay gusto ko pang kumain pero marami kaming nasarapan kaya ang hinanda ni Yzra na hapunan ay kulang pa para sa amin.
"Now, aren't you bored? Do you want something fun as an entertainment?" tanong ko na nakakuha sa atensyon ni Yzra. She's the hardest one to impress that's why it is such a flattery if you get her attention.
"What's your suggestion?" she asked me. I can't help but to get too excited to tell her what's on my mind.
"Let's go on a mission," sagot ko sa kaniya, dahilan upang manatili siyang nakatitig sa akin. I guess, she's waiting for more information? I don't know. It's really hard to read someone if their expression is blank.
"She's talking about a secret agent mission, not an organization," paglilinaw ni Arima na tinanguan ko naman bilang pagsang-ayon.
"What is it about?" walang emosyong tanong ulit ni Yzra at binaling ang tingin kay Arima.
"Iyan ang hindi ko alam," sagot sa kaniya ng nakakatandang kapatid.
"Cannibal hunting," simpleng sagot ni Cyllan. Agad na kumunot ang noo ni Arima habang mas sumeryoso naman ang mukha ni Yzra.
"We're going out of the Frontier Horizon? Isn't it dangerous?" tanong ni Arima habang nananatili ang kunot sa kaniyang noo. Iwinaksi ko naman ang aking kamay.
"Don't talk funny, Arima. We are the danger! What's wrong about going out of the Frontier Horizon if we've been living their since birth?"
"Enough talk. I'll take a bath. Prepare the guns and ammunitions," paalam sa amin ni Yzra at tinungo ang kaniyang kwarto.
"Geez! Both of you are making me crazy," reklamo ni Arima pero nauna nang tumayo para ayusin ang mga gamit na aming kakailanganin.
"I'll make you go crazier, then," natatawang sabi ko bago sinundan siya sa armory. Kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha ay alam kong iritang-irita na siya sa akin.
"Cyllan! You better get a hold of your girlfriend!"
"I'm not his girlfriend!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top