Chapter VI: Lowlife
L O R A
Napatakip ako sa aking mga mata nang biglang dumilim ang aking kwarto't sumilaw sa akin ang blue light na nagmumula sa laptop na nasa harapan ko ngayon. Napalingon ako sa aking likuran nang makarinig ako ng mahihinang tawa. Nakita ko ang isang anino na naglalakad papalapit sa akin.
"Hindi mo ba ako tatantanan, Cyllan?" tanong ko sa kaniya nang siya'y makalapit. Suot-suot niya ang malokong ngiti sa kaniyang labi. Imbis na sagutin ako ay hinalukipkip niya ang kaniyang mga braso at sumandal sa pader. Napailing na lang ako't bumalik sa aking ginagawa.
Kasalukuyan kong binabasa ang research na pinasa sa akin ni Yzra. At habang tumatagal, mas lalong lumalalim ang interes ko sa kaniyang mga gawa. It's about the guys they fought the other day. She believes that they're not humans nor Mafias and definitely not cannibals. She's not sure yet but based on her researches, they're someone elses and she wants to find that out. Nakakapanghinayang lang at hindi niya muna ito maipagpapatuloy sa ngayon dahil nga pinadala kami rito sa loob ng siyudad ng Medallion.
"Ano ba 'yang binabasa mo?" tanong niya't sumilip sa gilid ko. Dali-dali ko namang itinulak papalayo ang kaniyang mukha.
"This is meant for Yzra and I only. Now, go back to your room," pagtataboy ko sa kaniya. Umakto naman siyang nililinis ang kaniyang tainga.
"That's an order, Marquess Riel," seryoso kong saad kaya bahagyang napaawang ang kaniyang bibig sa gulat. Hindi sa lahat ng oras ay makikipagbiruan ako sa kaniya.
"Lock the door when you leave," huling habilin ko bago tinungo ang aking kama at humiga at ipinikit ang aking mga mata. Wala pang tatlong segundo ay narinig ko na ang kaniyang paggalaw.
"If Arima is approachable and her sister is as cold as ice, you're the hybrid of them. Geez... I don't know what to do to the three of you anymore."
- X -
"Hindi na ako natutuwa sa mga pagtitig nila," reklamo ko habang nananatili ang tingin sa aking dinadaanan. Kitang-kita ko sa sulok ng aking mga mata kung papaano sila 'magbulungan' at husgahan kami ng aking mga pinsan isa-isa.
"Akala mo kung sino makapaglakad. Mga baguhan lang naman sila rito."
"Tingnan mo, ni hindi man lang sila tumitingin sa direksyon natin."
"Mga patay-malisya. Hindi na ako magtataka kung mga spoiled brat ang tatlong 'yan."
"Hindi ko akalaing ganito pala kakitid ang utak ng mga tao rito. Kung pwede ko lang silang patayin lahat para tumahimik na ang mundo ko," kumento ni Arima, halata sa kaniyang mukha ang pagkairita.
"Where's Cyllan?" tanong ni Yzra kaya naman napatigil kaming tatlo. Magsasampung minuto na kaming nakarating sa unibersidad na ito pero hindi niya pa rin naipaparada ang kotseng ginamit namin?
"There he is," pagturo ni Arima sa lalaking kasalukuyang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ngayon. Yzra clicked her tongue in dismay, shaking her head.
"This fool... Does he really wants to draw attention to us?" hindi makapaniwalang tanong ko sa aking sarili. "Let's go. May kailangan pa pala akong bilhin sa cafeteria," aya ko kina Arima at Yzra nang makita kong tumatakbo siya patungo sa aming direksyon.
Walang pagdadalawang-isip naman na sumunod sa akin ang dalawa. They have nothing to worry about. I've studied the map before coming here. Habang naglalakad ay inilabas ko ang aking phone mula sa bulsa ng pantalon na suot-suot ko. Good thing, walang uniform ang paaralang ito.
To: Cyllan Gabriel Gonçalves <codename:DM1111;CORA>
Don't bother to follow us until you get rid of your fangirls.
Dahil mabilis ang proccessing system ng CORA, agad niyang natanggap ang aking mensahe at sumagot pabalik.
From: Cyllan Gabriel Gonçalves <codename:DM1111;CORA>
To: <codename:BF0704;CORA>
Why I can sense your jealousy from here?
Hilarious! Imbis na sagutin siya ay isinilid ko na lang pabalik ang aking phone sa bulsa. Wala akong mapapala kung makikipagsagutan ako sa kaniya. If our conversation continues, we may intefere other important interactions through CORA and I always ended up fixing it; don't want it to happen again.
"Five soda-flavored lollipop," saad ko sa shopkeeper.
"Hindi na ako magtataka kung lalabas ka ng Frontier Horizon nang bungi-bungi," kumento ni Arima pero nagkibit-balikat na lang ako. I don't have a choice. Sugar keeps my brain cells active.
Agad kong kinuha mula sa counter ang limang lollipop na aking binili at inabot sa kahera ang aking bayad. "Keep the change," ani ko nang akmang may iaabot pa sa akin ang kahera. Hindi ko kailangan ng barya sa akin. Pampabigat lang ang mga iyon.
"Pero, ma'am-"
"Pabili na lang ako ng blue lemonade," singit ni Arima na tinanguan ko naman kaya hindi na umalma ang kahera. Binuksan ko ang balot ng isang lollipop at sinubo ito habang naghihintay kami. Matapos na gawin ang inumin na in-order ni Arima ay hindi na rin kami nagtagal at agad na lumabas ng cafeteria.
"Damn!" sigaw ko nang tisurin ako ng isang maugat na paa, dahilan upang malaglag sa sahig ang lollipop na nasa aking bibig. That's strike two.
"Oops... sorry," mapang-asar na wika ng babae. Walang emosyon ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Ang kaniyang mukha ay punong-puno ng kolorete.
"This clown got nerves," bulong ko na tanging sina Yzra at Arima lang ang makarinig at makakaintindi. Pilit na pinigilan ni Arima ang tawa na kumawala sa kaniya habang ngumisi naman sa akin si Yzra.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Pasalamat ka't hindi nasira ang mamahalin kong sapatos," dagdag niya pa kaya lalo akong nainis. This girl... Kaya kong bilhin ang buhay niya sa isang pitik lang.
"Let's go. Baka pagbayarin ko na ang babaeng 'to sa laki ng oras na kinakain niya sa oras natin," bulong ni Arima sa aking tainga at hinila ako papalayo. Pero naudlot ito nang hatakin ako ng babae pabalik.
"Kinakausap pa kita-"
"Do not touch me!" sigaw ko't tinabig ang kamay niyang nakahawak sa aking braso. Napakagat ako sa aking ibabang labi nang maramdaman ko ang 'pagtapik' niya sa aking pisngi.
"Lora, let's go. You're drawing too much attention," sita sa akin ni Yzra gamit ang kaniyang malamig na boses. Napakuyom na lang ako ng aking kamao.
Nagkamali si Cyllan tungkol sa akin. Unlike my cousins, I'm the one with the shortest temper. I've got teach this girl a lesson.
Sinugod ko ang babae at pinilipit ang kaniyang kanang braso. Inilagay ko ito sa kaniyang likod bago isinandal siya sa pader. "Lora!" sigaw ni Arima pero hindi ko ito pinansin. Ang aking paningin ay nagsisimulang mandilim.
"No lowlife can touch me, remember that. Now, go! Before I'll make you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top