Chapter V: Yugen University
Multimedia: Cyllan
-
A R I M A
Isang linggo na ang nakalipas simula nang pumasok kami ng Medallion at nanirahan sa penthouse na ito. Maliban sa pagbuti ng kalagayan nina Duchess Kathmana at Duke Thunder, wala na kaming ibang narinig na balita mula sa aming mga magulang patungkol sa mga nangyayari sa Area 77. Siguro ay masyado nang marami ang kanilang ginagawa kaya't wala na silang panahon upang tawagan kami.
Sabado ngayon at bagot na bagot na ako sa kakanood ng detective cartoon or anime, whatever! "Her response is too obvious. No wonder she'll get caught later," kumento ko habang pinapanood ang episode kung saan isang lalaki ang namatay nang sumabog ang kaniyang kotse. Kung mayro'n nga lang akong ibang mapapanood ay kanina ko pa pinalitan ang palabas.
Napabuntong-hininga na lang ako. Kung mayro'n nga lang akong makakasama maliban kina Yzra at Lora, kanina ko pa tinawag ito para lumabas kami. Magkaibang-magkaiba talaga ang mundo naming tatlo. Si Yzra ay maghapong nakakulong sa kaniyang kwarto. Si Lora naman ay may inaasikaso sa kaniyang laptop.
"Princess Rima, can I talk to you?" Nabaling ang atensyon ko kay Cyllan nang tawagin niya ang aking pangalan. May dala-dala siyang folder na naglalaman ng mga papeles.
"Sure," sagot ko at pinindot ang space bar sa aking laptop upang i-pause ang aking pinapanood. Sinenyasan ko siyang umupo sa aking harapan.
"By the way, can we drop the honorifics? I mean, we're outside of the organization and we're definitely not in the mission. So, please?" ani ko. Hindi man kami gaanong kalapit ni Cyllan sa isa't isa ay gusto kong maging komportable siya sa mga panahong makakasama niya kami. At mangyayari lang iyon kung kakalimutan namin panandalian ang mga ranggo na namamagitan sa amin.
"Wala akong karapatan upang tawagin kayo sa inyong pangalan lamang. Mas nakakataas kayo sa akin at nararapat lang na kayo'y aking igalang." I shoved my hands, ignoring his statement.
"Then let's put it this way, Marquess Riel. That's an order, you have no other choice. Any disobedience will cause you harm," nakangising wika ko. Napakamot na lang siya sa kaniyang batok.
"Okay, back to the topic. Tungkol saan ang nais mong pag-usapan natin?" tanong ko, dahilan upang lumiwanag ang kaniyang mukha at inabot sa akin ang folder na kanina niya pa hawak-hawak.
"Bago tayo umalis, ipinagbilin sa akin ng emperatris ang tungkol sa mga papeles na 'yan. Sinabi niya na kailangan niyo 'yang pirmahan bago sumapit ang ikalawa niyong linggo rito," saad niya at tumango-tango na lang ako. Binuksan ko ang folder at bumungad sa akin ang tatlong enrollment form sa isang unibersidad. Bahagyang napataas ang aking kilay.
"Yugen University?"
"Iyan ang paaralan na papasukan natin simula ngayon. We need to blend in to their kind of society in order to not raise any suspicion," sagot niya.
"That's not gonna happen, Cyllan. Their kind of society will only bore us. Yzra and Lora will completely disagree!" I protested but he just shrugged.
"They left us no choice. It's Empress Iris's order and those who plan to disobey will be punished." I sighed in defeat. I was not punished before and I don't want to experience it.
"Parte ng curriculum nila ang ROTC, bukod do'n ay nagtuturo rin sila ng martial arts," wika ni Cyllan para kahit papaano ay mapagaan ang loob ko pero wala itong epekto.
"That's kinda good to hear, but not enough to interest the two of us." Sabay kaming napatingin ni Cyllan sa dalawang dalaga na ngayon lang lumabas mula sa kanilang lungga.
"Sanay na akong maparusahan," maikling saad ni Yzra at nagtungo sa aking tabi. Wala pa ring pagbabago. Her eyes are blank and so is her emotion.
"So am I!" Lora exclaimed and threw her hands in the air. Napakamot na lang ako sa aking noo, walang ideya kung papaano ko kukumbinsihin ang dalawa.
"Fine, this is my last card. If this won't work, I don't know which will convince the both of you." Inabot sa amin ni Cyllan ang tatlo pang folder na hawak-hawak niya. Nang buksan ko ito ay nakita ko ang profile ng walong estudyante.
"Silang walo ang pinaghihinalaang parte ng mga organisasyon na nag-aaral sa Yugen. Dahil wala namang nakakakilala sa kanila sa totoo nilang pangalan, walang makapagsabi kung saang organisasyon sila galing," pagpapaliwanag ni Cyllan na aking ikinabigla. That was unexpected.
"Who knows you're just making these lies?" tanong ni Lora at tiningnan si Cyllan gamit ang kaniyang nag-aapoy na mata.
"It's not my doing, you know that well, Lora. I rather hurt you with truth than comfort you with lies," sagot ni Cyllan at tiningnan ang aking pinsan diretso sa kaniyang mga mata.
"You better be telling the truth." Nabaling ang atensyon namin nang biglang magsalita ni Yzra. "Because if you're not, I'll break your cervical bone with my bare hands." Nanatili kaming tulalang tatlo habang pinapanood namin si Yzra na maglakad pabalik sa kaniyang kwarto.
Did I just heard it right? I know she didn't said it directly but she definitely agreed with Aunt Iris's order, right? Wow... I don't know what to say right now.
"Okay, I'm in. Yzra already agreed, I don't want to be a kill joy here," pagbabasag ni Lora sa katahimikan at bumalik na rin patungo sa kaniyang kwarto.
Napatingin naman ako sa isang folder na hawak-hawak ko. "Hey! What about your enrollment forms?!"
"You deal with it," sagot sa akin ni Yzra na bahagyang binuksan ang kaniyang pinto't sumilip upang sagutin ako. Magsasalita pa lang sana ako nang isara niya na ang pinto. Napairap na lang ako.
Napatingin ako sa aking phone nang maramdaman kong itong mag-vibrate. Lalo akong nainis nang mabasa ko ang e-mail ni Lora gamit ang Communication Operator and Reports of Alvarez.
From: Lora Francé Bourbon <codename:BF0704;CORA>
To: <codename:BF1204;CORA>
Ikaw na rin ang bahala sa akin. Salamat!
(P.S: Don't try anything stupid. You don't want to taste my wrath, do you?)
Sa sobrang inis ay inihagis ko ang aking phone sa aking tabi. Hindi na ako natutuwa inaasal nila. Ako ang mas nakakatanda pero bakit ako ang laging nauutus-utusan?
"Do you need my help, Arima?"
"Just help me get over with it!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top