Chapter LIV: Final Day
KUMPARA SA una niyang araw, mas lumabis ang pag-aalala ni Yzra para sa kaniyang kapakanan. Hindi madaling kalaban ang mga cannibal—nagtataglay ang mga ito ng hindi pangkaraniwang lakas. Magaling man ang kaniyang ina sa pakikipaglaban, hindi ito maikukumpara sa kakayahan nito noong kabataan. Kung siya'y mapupuruhan, siguradong madedehado ang kaniyang ina sa dami ng kalaban.
"If it wasn't for my mother, I could easily consider this place as my grave." Pinilit ni Yzra'ng tumayo kahit ang kalahati ng kaniyang katawan ay wala nang maramdaman. "But I cannot die right now," isip ni Yzra at kumuha ng AK47 sa dala-dala niyang gamit.
"Can you really fight, anak?" alalang tanong ni Arize at pasimpleng sinusulyapan ang kaniyang anak habang pinapanatili ang atensyon sa kagubatan.
"Father didn't give me a choice, mother," sagot ni Yzra at mabilis na tinutok ang hawak-hawak na baril sa sangang gumalaw at pinanggalingan ng kaluskos.
"You should run, anak."
"No, this is my mission," matigas na pagtanggi ni Yzra at nagpakawala ng dalawang bala na siyang tumama sa ulo at dibdib ng cannibal na nagtangkang tumalon papunta sa kanila.
Umalingawngaw ang bawat putok ng baril sa kagubatan. Sa bawat oras na may magtatangkang lumapit sa kanila ay hindi nagdadalawang-isip si Yzra na kalabitin ang gatilyo. At sa tuwing may makakalagpas kay Yzra, nakahanda si Arize upang tagpasin sila pira-piraso.
"Hindi dapat kayo pumunta rito!" sigaw ng isang cannibal at nagpakawala ng isang palaso sa direksyon ni Yzra. Dahil sa pamamanhid ng kaniyang katawan ay hindi kaagad nakagalaw ang dalaga upang umilag. Tinamaan nito ang kaniyang kaliwang kamay.
Pilit na pinigilan ni Yzra ang humiyaw sa sakit. "Kayo ang hindi dapat pumatay ng kauri namin!" singhal niya't sunod-sunod na pinaputukan ang direksyon ng cannibal.
"Wala kaming pinapatay!" Labis na lang ang gulat ni Yzra nang may tumama sa kaniyang paa na isang nakabilog na dahon at may mitsa—parang isang granada.
"Get down, Yzra!" wika ni Arize at buong tapang tinapon pabalik ang nakabilog na dahon. Sumabog ito sa ere. Maigi na lamang at hindi ito kasing lakas ng modernong granada. Wala itong masyadong naidulot na pinsala.
"I'm out of bullets."
"We'll use the grenades."
"It's too dangerous. We will catch everything on fire."
"We don't have other options, anak," pangangatwiran ni Arize sa anak. "After you throw it, we have to run. It will buy us some time para makalayo."
Walang ibang nagawa si Yzra kung hindi sumang-ayon sa kaniyang ina. Kinuha niya ang granada at hinila ang safety pin.
"Screw it!" Matapos itapon sa direksyon ng mga kalaban ang granada ay pinilit na ihakbang ni Yzra ang kaniyang mga paa upang makalayo. Sinubukang akayin ni Arize ang anak, ngunit tinabig nito ang kaniyang kamay.
"You have to run, mother! Leave me, I'll be fine!"
- X -
"START THE chopper!" sigaw ni Loris sa kaniyang mga tauhan at mabilis na inayos ang sarili para sa labanan.
"I thought we're waiting for orders, anak," ani Lorel. Kita sa kaniyang mukha ang pag-aalala.
"The forest is on fire, ma. It will be a minute or two before the Pantheon organizes the bombing to take a chance on the opportunity," sagot ni Loris sa ina at nagmamadaling isinuot ang kaniyang bullet proof vest.
"Yzra has been there for three days already. She's probably tired of fighting those smurfs. She won't last long with the forest fire," dagdag pa ni Loris at pumasok sa asensor para umakyat sa rooftop.
"Sheesh, you're not yet even married, but you're already fond of her?" pang-aasar ng nakakatandang kapatid ni Loris.
"Now is not the time, Cadenza," nagtitimping tugon ni Loris bago tuluyang sumarado ang pinto ng asensor.
"Inform the emperor of the Deathstalkers that we will be performing the extraction now."
"Yes, Your Highness."
Labis na lamang ang pagkabahala ng binata dahil sa sitwasyon ngayon. Sa simula pa nga lang ay hirap na siyang makaisip kung papaano matutukoy ang lokasyon ni Yzra. Wala siyang sapat na oras upang makapagplano.
Nang makarating sa rooftop, hindi na nag-aksaya si Loris at lumulan sa helikopter. "Can you also contact the princess of The Parliament? She might have something that can help us."
"Yes, Your Highness."
Sa malayo pa lang ay kitang-kita na ni Loris ang makapal na usok na pumapaligid sa kagubatan. Nahagip niya rin ng kaniyang mata ang mga cannibal—base sa porma ng pagtakbo nito na gumagamit ng mga kamay at paa—na tumatakbo papalayo sa apoy at tumutungo sa direksyon ng siyudad.
"This is not good."
[Lora Bourbon speaking.]
"Do you have Yzra's exact location?"
[And if I do?]
"Listen, Bourbon. We don't have time for chitchat right now. The Lair is on fire, and Yzra—"
[Yeah, yeah, already knew about that. And you might want to hurry up because I just heard a second ago that The Pantheon is already on their way.]
Magsasalita pa sana si Loris nang ibaba ng dalaga ang tawag. Napahilamos na lamang sa kaniyang mukha si Loris.
"We have received the coordinates, Your Highness. Permission to proceed."
"Granted." Walang ibang magawa si Loris kung hindi ipagdaop ang kaniyang mga kamay. Tatlong buwan pa lang simula nang sila'y magkakilala, at wala silang ibang koneksyon bukod sa kanilang pag-iimbestiga sa mga android. Gayunpaman, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Yzra.
"I'm probably just feeling sorry for her. . . Yeah. . . naaawa lang ako sa kaniya." Hindi maintindihan ni Loris kung saan nauugat ang kaniyang nararamdaman. Ngunit alam niyang ang mga ito ay hindi importante ngayon.
"Your Highness, another aircraft is approaching."
"Can you confirm if it's The Pantheon's?" tanong ni Loris sa isa niyang tauhan, dahilan upang kumuha ito ng largabista at sinuri ang kabilang helikopter.
"Negative, Your Highness. Eli Hildegard from the Deathstalkers is recognized on the aircraft."
"What's our ETA?"
"Estimated time of arrival is one minute, Your Highness."
"Prepare for extraction," utos ni Loris at sinimulang ikabit ang kable sa suot-suot niyang vest. Matapos tiyaking ito'y matibay at ligtas, isinuot niya rin ang isang respirator at naghanda sa pagbaba.
"Your Highness, we have five minutes to secure the target. After that, we have to go to a higher altitude and we wouldn't have a chance to extract the target any further," pagpapahayag ng piloto na sinagot lamang ng binata ng isang tango bago tumalon pababa ng helikopter.
Sa pag-apak ng kaniyang mga paa sa lupa, bumungad kay Loris ang nagbabagang mga puno at makapal na usok. Umalingawngaw ang mga sigaw ng cannibal na binabalot ng hinagpis at sakit.
"Yzra!" sigaw ni Loris at pinilit na sinuyod ang makapal na usok. "Where are you, Yzra?!" Bakas sa kaniyang boses ang desperasyon.
"I know you're alive! Please give me a sign!"
Agad na napahinto sa paglalakad ang binata nang may maramdaman siyang humawak sa kaniyang paa. Mabilis siyang yumukod upang mapagtanto kung nahanap niya na nga ba ang taong kaniyang hinahanap.
"Yzra?" Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito upang linisin ang mga abong lumapat sa maputi nitong balat. "Thank Ashanti and I found you. . . It's okay, I'm here now." Hindi na siya nag-aksaya ng oras at sinuotan din ito ng sariling respirator.
"Mo. . .ther," nanghihinang ani Yzra at tinuro ang direksyon patungong timog. Ang kaniyang kamay ay nanginginig at nagtamo ng paso.
"She'll be alright. Eden is already on his way to her," paninigurado ni Loris at dahan-dahang binuhat ang dalaga.
"We're on our way back to the chopper. Cover us," wika ni Loris sa radyong nakakabit sa kaniyang balikat. "I need you to stay awake for me, Yzra. Can you do that?" baling niya sa dalaga na sinagot naman nito ng marahang tango.
"We're ready to go up. Proceed to extraction," utos ni Loris nang matapos niyang tiyakin ang seguridad ng kableng nakakabit sa kanila ni Yzra.
Sa kanilang pag-akyat ay saktong nasilayan din nila ang pag-akyat ni Eden kasama ang ina ni Yzra na walang malay. "See? I told you, she'll be fine," nakangiting saad ni Loris sa dalaga.
"Let's headback to the headquarters. We can't let the Pantheon see us here—" Labis na lang ang pagkabigla ni Loris nang yumanig sa kanila ang isang pagsabog.
"Eden. . . Mother. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top