Chapter LIII: Still Here

"SAIZ," TAWAG ni Lora sa binatang kalalabas lang mula sa lagusan. Nawala sa mukha nito ang bakas ng kapilyuhan at ito'y napalitan ng pagkaseryoso.

"I'm sorry, Lora, but what you have to say has to wait," turan ni Loris at nagmamadaling kinuha ang itim niyang abrigo sa esquire ng mga Bourbon.

"Why are you in a rush? What did the old man tell you?" takang tanong ni Lora at sinundan ang binata habang ito ay naglalakad palabas ng mansyon.

"I have no time to waste, Lora. I have something big to prepare. I'll explain it to you when I finally can." Dali-daling sumakay si Loris sa kaniyang kotse at walang paapaalam na umalis. Nanatiling nakatayo si Lora sa tapat ng pinto at tinanaw ang sasakyang mabilis na humarurot.

"Something must have happened," kumento ni Cyllan, dahilan upang lingunin siya ng dalaga.

"How can you say so?"

"Ganiyang-ganiyan din ang itsura niya noong biglang nawalan ng malay si Yzra," wika ni Cyllan at inakay si Lora papasok muli sa loob ng mansyon.

"The old man you're referring to—it's dad, right?" singit naman ni Arima. "Bakit niya naman kakausapin si Loris?"

"How would I know? He didn't tell us, remember?" sarkastikong sabi ni Lora sa kaniyang pinsan kaya't napairap na lamang si Arima.

"That was rhetorical, Lora. I was just thinking out loud, okay?" inis na saad ni Arima. "Going back to what we are talking about, what's our plan now?" pag-iiba niya ng usapan bago pa sila tuluyang magkainitan ng kaniyang pinsan.

"If I was right about everything, they probably have a laboratory to conduct their researches and trials. We need to locate it," sagot naman ni Lora at nagsimulang magtipa sa kaniyang tablet na siyang kaaabot lang ng kanilang esquire.

"Do you have any idea where should we start looking?" tanong ni Cyllan sa kaniyang kababata. Inilahad ni Lora ang kaniyang kamay na parang may hinihingi sa binata. Agad namang nakuha ni Cyllan ang ibig sabihin nito at inabutan ang dalaga ng isang lollipop.

"We'll start here in Area 77," panimula ni Lora at binulugan ang isang lugar sa may kanluran ng mapa. "Our people have amplified strength and enhanced intelligence. We also have no irregularities: we don't crave for human flesh and no generalized cyanosis. We are the successful experimental subjects."

"Therefore, the laboratory is probably close to us," wika ni Cyllan, senyales na nakakasunod siya sa pinupunto ni Lora.

"Correct."

"But why are you encircling The Pantheon? Don't tell me we are going back there?" hindi makapaniwalang tanong ni Arima sa kaniyang pinsan. Minsan na silang nabigong pasukin ang lugar na iyon. Malabo ang tiyansang magtatagumpay sila ngayon.

"They govern the Area 77, Arima."

"But we almost died! We're lucky enough that Acelet Ansatsu spared us."

"I will plan it thoroughly this time."

- X -

MARAHANG MINULAT ni Yzra ang kaniyang mga mata nang matamaan ito ng sinag ng araw. Napabuntong-hininga na lang siya nang maramdaman niya kung gaano kabigat ang kaniyang katawan. Bukod sa pagkirot ay nakaramdam din siya ng pangangalay. Maingat niyang tinaas ang kaniyang kanang kamay at tinapat ito sa kaniyang mukha upang protektahan ang kaniyang mata sa liwanag.

"I lost it again. . ." bulong niya sa kaniyang sarili. Napapalatak na lamang siya nang walang alaalang bumalik sa kaniya tungkol sa mga kaganapan kagabi.

"Do I truly want to live that badly?" Isang malungkot na ngiti ang puminta sa kaniyang mga labi. Dahil sa mga salitang kaniyang binitawan ay natandaan niya kung gaano siya pinagmamalupitan ng mundo. "Come to think of it, I was not even born but the world once tried to kill me already—"

"And I was, still am, glad that you survived," singit ni Arize nang madatnan niya ang kaniyang anak na nagmumuni-muni. Habang natutulog si Yzra ay naisipan niya munang mag-ikot sa kagubatan upang magmanman at maghanap na rin ng mga halamang gamot.

"Really? I thought you were scared of me," kumento naman ni Yzra habang sinusubukan niyang tumayo upang matulungan ang kaniyang ina sa mga dala nito.

"I told you I was not, anak," pagdedepensa ni Arize sa kaniyang sarili at sinenyasan si Yzra na huwag niya nang ituloy ang kaniyang ginagawa. "Your body is still exhausted, don't force it."

"Mother, has it ever cross your mind how my life will be if I was normal? Like if I wasn't born prematurely?"

"We will never be here in The Lair, that's for sure," pabirong sagot ni Arize at mahinang tumawa. Agad naman itong naudlot nang mapansing hindi natawa ang anak. "I'm getting too comfortable, ain't I?"

"No, I guess you're just telling the truth. Without Keres' Blood, I doubt I'll be the organization's representative."

"Hmm, I disagree. Sa tingin ko, ikaw pa rin ang pipiliin ni Izeno."

"Why? Because I looked just like him?"

"Yes? That could be a factor, yes."

"If that's the case, I will be long gone," malumanay na wika ni Yzra. Ang kaniyang boses ay may bahid ng kalungkutan at kaunting kasayahan. "Today will be my fourth death anniversary."

Mahinang tumawa si Yzra nang mapansin ang ekspresyon ng kaniyang ina. "Seriously, mother, what do you think of me? A thirteen-year-old me wouldn't survive a Black Parade," pagpapaliwanag niya.

"But you did!"

"Yeah, with the help of my blood. And I almost die by the way."

"I'm sorry, anak." Iyon na lamang ang nawika ni Arize.

"It's all in the past, mother. And I'm still here." Kahit papaano ay gumaan ang loob ni Yzra. Ngayon lamang sila nagkausap nang ganito ng kaniyang ina. "Hindi ko nga lang magalaw ang buong katawan ko," pagbibiro ni Yzra.

Natigil ang usapan ng mag-ina nang makarinig sila ng kaluskos mula sa likuran ng mga punong nakapaligid sa kanila. Nagpapahiwatig na nandiyan na muli ang kanilang mga kalaban.

"You've got to be kidding me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top