Chapter L: The Alvarez Incident

WALANG PAG-AALINLANGANG sinugod ng mga cannibal si Yzra. Ang kanilang mga nagtatalasang kuko ay humihiwa sa kaniyang balat, ngunit hindi ito alintana ng dalaga. Sa kaniyang isipan, nais niya lamang patumbahin ang bawat nilalang na makikita niyang gumalaw.

Mariin namang pinikit ni Arize ang kaniyang mga mata at sinandal ang kaniyang likod sa malaking troso ng narra. Hindi man niya nasasaksihan ang kasalukuyang nangyayari, malinaw sa kaniyang mga tainga na isang madugong labanan ang nagaganap. Mula sa kaniyang kinaroroonan, rinig na rinig niya kung paano mapunit ang mga balat ng mga cannibal. Nasisimula na ring bumalot sa kaniyang ilong ang metalikong amoy ng dugong dumadanak. Dahilan upang manumbalik sa kaniyang isipan ang mga nangyari noon.

Kasalukuyang nag-uusap sina Izeno at Arize para sa nalalapit na unyon nang marinig nila ang malakas na hiyaw ng dalaga. Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng binata.

"It's father again. I need to help Iris. I promise, I won't be long," paalam ni Izeno sa nobya. "You stay here, okay?"

"Don't worry about me. Just make sure Iris is alright," tugon naman ni Arize habang pinapanood ang nobyong tumakbo papalabas ng silid.

Sa bawat minutong lumilipas, dumadagdag ang kaba sa dibdib ni Arize. Upang mapanatag ang kaniyang loob, napagdesisyonan niyang alamin ang nangyayari sa pamamagitan ng pagsilip sa bintana. Sa labas ng mansyon ay natanaw niya ang kaniyang nobyong nakatayo sa harapan ng kapatid nitong duguan at walang malay. Nakita niyang gumalaw ang bibig ng kaniyang nobyo, ngunit masyado itong malayo upang mabasa ang mga salitang tinuturan nito. Napaatras na lamang siya sa mga susunod na pangyayari.

Nasaksihan niya kung paano pinunit ni Izeno ang kamay ng ama nito mula sa kaniyang katawan. Nagsimulang umingay ang paligid—puro sigaw at daing ang maririnig. Muling sinilip ni Arize ang nangyayari at nakitang kahit sinong humadlang sa kaniya ay kaniyang kikitilin ang buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ni Arize na nagtataglay ang kaniyang nobyo ng Keres' Blood. At base sa pagkakakilala niya kay Izeno, alam niyang hindi nito aatakihin ang sariling ama kung wala ito sa impluwensya ng kaniyang dugo.

"Mijo!" Mula sa labas ay narinig ni Arize ang boses ng Ginang Alvarez at ang pagbukas-sarado ng pinto. Agad na natauhan siya't sinundan ang ginang palabas, ngunit bago pa man niya ito maabutan ay napaslang ito sa kaniyang harapan. Napatakip siya sa kaniyang bibig at pilit pinipigilan ang kaniyang pagsigaw.

Nais man niyang tumakbo ay napako na kaniyang paa sa lupa. Ang kaniyang tuhod ay lalong nanghina nang dahan-dahang maglakad papalapit sa kaniya ang binata. Napalundag ang kaniyang mga balikat nang bumagsak ang binata sa kaniyang harapan.

Ang mukha nito ay puno ng kalungkutan. Sa mga mata nito'y makikita ang kahungkagan.

"I just want to protect her."

Nanumbalik si Arize sa realidad nang isang parte ng katawan ang lumipad sa kaniyang direksyon. Mula sa kaniyang taguan ay rinig niya ang bawat tadyak at talsik ng dugo. Mukhang wala nang natira sa grupo ng cannibal na lumusob sa kanila—tanging mga bangkay na lamang.

"I. Want. More. Blood," rinig niyang wika ni Yzra na sinasabay nito sa kaniyang mabigat na padyak sa walang buhay na katawan ng mga cannibal.

Muling napapikit nang mariin si Arize nang marinig niyang maglakad ang kaniyang anak. Ang mga hakbang nito ay mabagal na tila ba may hinahanap.

"Found them." Tumakbo si Yzra papalayo, dahilan upang makahinga siya nang maluwag. Base sa mga salitang binitawan ng kaniyang anak, nasa impluwensya pa rin ito ng kaniyang dugo. Kung siya'y matatagpuan nito, walang kasiguraduhan na makikilala siya nito.

- X -

"YOUR HIGHNESS, you've been summoned by your uncle to the Mariana." Umirap ang mga mata ni Lora sa binalita ng kanilang katulong. Ang kaniyang tiyuhin ang taong pinakaayaw niyang makita sa araw na ito.

"Why am I needed?"

"Paumanhin ngunit wala pong binanggit sa akin."

"Can it wait? I'm currently entertaining a guest here, as you can see," pangangatwiran ni Lora at tinuro si Loris na nakaupo sa katapat na sofa.

"Mr. Saiz is also summoned, Your Highness." Napahawak sa kaniyang baba ang dalaga. Ang mga nagaganap na pagpupulong sa Mariana ay para lamang sa mga opisyales ng Alvarez-Bourbon. Upang imbitahin ng kaniyang tiyuhin ang isang estranghero ay lubos nakataka-taka.

"Bullspit. Have they heard about the ruckus we made at the Pantheon?" Napasapo na lang ang dalaga sa kaniyang noo. Ang dami niya nang iniisip at dadagdag pa ito. Kaunti na lamang at malapit na siyang masiraan ng bait.

"You seemed nervous," pagbabasag ni Loris sa katahimikan. Kasalukuyan nilang tinatahak ang tunnel na siyang kunektado sa Mariana (na nakatayo sa mansion ng mga Alvarez). Hindi rin naman kalayuan ang distansya sa pagitan ng mansion ng dalawang pamilya. Mas maigi na rin ang ganitong paraan upang hindi maalerto ang kung sino mang katunggali nilang mga organisasyon sa kanilang bawat kilos.

"An outsider is currently using the Bourbon's secret tunnel, how can I be calm?" sarkastikong tugon naman ni Lora.

Wala pang kalahating oras ay nakarating na sila sa kanilang patutunguhan, ang Mariana. Hindi tulad ng dati, tatlong opisyales ang wala sa kani-kanilang upuan ngayon: ang emperatris at ang mga prinsesa ng Alvarez.

Gusto mang ipamukha ni Lora sa kaniyang tiyuhin ang kinahinatnan ng kaniyang mga gawa at desisyon, alam niyang hindi ito ang tamang oras. Ramdam na ramdam niya ang bigat ng atmospera sa silid. Mukhang hindi maganda ang magiging katapusan ng pagpupulong na 'to.

"Please take a sit in anywhere vacant, Mr. Saiz," ani Izeno at itinuro ang tatlong bakanteng upuan. "I will not delay this meeting any longer," panimula niya nang makaupo na ang lahat.

"All of you are already aware about the chaos that's been going on outside, and I'm afraid to say that the current situation pushed the Pantheon to make a decision we are all trying to avoid." Lumiwanag ang hologram sa gitna ng mahabang mesa. Doon makikita ang mga labi ng mafia na binawian ng buhay sa pakikipaglaban nila sa mga cannibal.

"The Pantheon claimed that all of these are beyond their control and beyond repair. The only solution with a high chance of success they can see is the extinction of cannibals—they will bomb The Lair."

"NO! Yzra is still there! Your wife, Aunt Arize is still there! You can't just let the Pantheon kill them!" pagpoprotesta ni Lora. "Ganoon ka na ba kawalang kuwenta?! Maging ang sarili mong pamilya ay hindi mo na kayang protektahan?!" Ang kaniyang buong katawan ay nanginginig sa galit.

"Anak, calm down. Your uncle will prepare an extraction team for them, right, Izeno?" wika naman ni Iris habang hinihimas-himas ang likuran ng kaniyan anak. Nanatili namang tahimik si Izeno.

"I want your word, Izeno," mariing wika ni Lora.

"They will be saved," maikling tugon ng kaniyang tiyuhin. "This meeting is adjourned. I will speak with Mr. Saiz privately."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top