Chapter IX: Don't Care

A R I M A

Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Tila tumakbo ako sa aking panaginip at habol-habol ko ang aking hininga. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at natagpuan ang aking sarili sa aking kwarto. Paano ako napunta rito?

Kinapa ko ang aking buong katawan at doon ko napag-alaman na punong-puno pala ako ng gasgas at sugat. Dahil doon, bumalik din sa aking alaala ang pangyayari kagabi. Si Yzra? Nasaan ang kapatid ko?

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at lumitaw ang aking ina.

"Maigi't gising ka na. Nagdala ako ng pagkain nang sa gano'n ay makainom ka na rin ng gamot," nakangiting bungad ni mom sa akin at inilagay ang tray ng pagkain sa bedside table.

"Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't may inaasikaso pa kayo sa Area 77?" nalilitong tanong ko sa kaniya.

"Nagpadala sa amin ang kapatid mo ng isang mensahe. Noong nalaman naming nasa panganib kayo, hindi na kami nagdalawang-isip at pumunta kaagad dito."

"Kung ganoon ay nasaan si Yzra? Ligtas ba siya? Hindi ba siya napuruhan?" sunod-sunod na tanong ko kay mom pero agad akong kinutuban nang lumungkot ang kaniyang mukha.

"Mom, answer my question. Nasaan ang kapatid ko?" pag-uulit ko sa aking tanong. Ramdam ko ang pagbigat ng atmospera na nakapaligid sa amin. Diretso akong tiningnan ni mom sa aking mga mata.

"We don't know, sweetie. Nang dumating kami rito, wala na siya. Wala kaming ideya kung saan siya nagpunta. Natagpuan na lang namin ang kaniyang telepono sa sanaw ng dugo," sagot sa akin ni mom. Bumigat ang aking pakiramdam.

"Nagpadala na ba kayo ng mga tauhan na maghahanap sa kaniya?" Bahagya akong nabigla nang sagutin ako ni mom ng isang iling. Bakit hindi pa sila nakilos?

"Ano pang hinihintay natin? Yzra might be in a great danger. We need to find her, mom! We need to save her!" Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Mom, bitawan mo ako. Kailangan kong hanapin si Yz-"

"Hindi ka maaaring lumabas sa silid na ito, Arima." Napatingin ako sa lalaking pumasok sa aking kwarto. Ang kaniyang nagyeyelong mata ay diretsong nakatingin sa akin. Parang tinitingnan ang aking buong pagkatao.

"Dad..."

"Mas makakaigi kung magpapahinga ka na lang dito," dagdag niya pa.

"Then at least send someone to rescue her, dad. Please, I'm begging you," pagmamakaawa ko pero mukhang wala itong epekto sa kaniya. Nanatiling walang ekspresyon ang kaniyang mukha, isang katangian na namana sa kaniya ng aking kapatid.

"It's perilous, Arima. We can't risk our people." Nangunot ang noo ko sa naging sagot ni dad. Hindi ako makapaniwala.

"Yet we can risk my sister? We can risk Yzra? This is very unbelievable," kumento ko na alam kong hinding-hindi magugustuhan ng aking ama.

"That's the consequence of your disobedience."

"But!" Umatras ang aking dila nang mapansin kong umigting ang panga ni dad. Napayuko na lang ako't napatingin sa baba. "Nothing."

"But don't you think that's too much, uncle?" Napatingin kaming lahat kay Lora na bigla na lang pumasok sa silid. Nakasakay siya sa isang wheelchair at may swero sa kaniyang kanang kamay. "I'm sorry, uncle, but I beg to disagree. She's your daughter after all," pagpapaliwang ni Lora.

"I'm not a monster!" sigaw ni dad na umalingawngaw sa buong kwarto. Ang kaniyang mukha ay nanggagalaiti. Ang kaniyang mga ugat ay nagsisilabasan sa kaniyang noo. Nanlilisik at namumula ang kaniyang mga mata.

"You need to calm down, Izeno," pagpapakalma sa kaniya ni mom na mukha namang umepekto. Dahan-dahang bumalik sa walang ekspresyon ang mukha ni dad. Napahilot na lang siya sa kaniyang sentido.

"Don't try to defy me again," matigas na wika ni dad, halata ang pagbabanta sa kaniyang boses. Dali-daling siyang lumabas ng aking kwarto at malakas na ibinalibag ang kwarto. Agad naman siyang sinundan ni mom.

Ibinaling ni Lora ang kaniyang tingin sa akin. "You're still the same, Arima," saad na, dahilan ng aking pagtataka. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ko makuha ang kaniyang pinupunto.

"You pretend you care about your sister but you actually don't." Napataas ang aking kilay. Hindi ko nagugustuhan ang mga salitang nanggagaling sa kaniyang labi.

"Kung wala kang magandang sasabihin, mas maiging lumabas ka na lang ng kwarto," sagot ko sa kaniya na kinibit-balikat niya lang.

"Kanina lang ay napakasigasig mo tungkol sa paghahanap kay Yzra. Anong nangyari?" tanong niya sa akin at mapang-asar na tumingin sa akin. "Agad kang tumahimik dahil natatakot ka sa inyong ama. Ni hindi mo man lang magawang ipagtanggol ang iyong nakababatang kapatid."

"That's enough, Lora. I don't wanna hear you talking," suway ko sa kaniya ngunit nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Hindi ba't ganoon ka rin noong mga bata pa tayo? Laging napaparusahan si Yzra sa mga kasalanang ginawa mo pero hindi mo magawang magsalita't magsabi ng katotohanan sa inyong ama dahil natatakot ka. Laging siya ang pinipili mo sa tuwing magsasanay tayo kahit alam nating dalawa na kapag nasasaktan ka niya ay isa na namang kaparusahan ang kaniyang mararanasan."

"Hindi iyon ang intensyon ko, Lora."

"Sa pagkakaalam ko, ikaw rin ang dahilan ng maagang kapanganakan ni Yzra. Her birth was actually due on October but your mother gave birth on August because of your carelessness. Yes, it's true. Ano nga naman ang nalalaman ng isang sanggol na walong buwan lang gulang? Pero nalagay pa rin sa kapahamakan ang buhay ng kapatid mo dahil iniligtas ka ng inyong ina."

"Enough, Lora! You don't know a thing," muling suway ko sa kaniya dahil hindi ko na kinakaya. Masyadong masakit ang mga salitang kaniyang binabatawan.

"I know everything, Arima. Matagal na akong nanahimik at ngayong may tsansa na akong makapagsalita, lulubos-lubusin ko na. Ngayon, muling nalagay sa alanganin si Yzra. Niligtas niya tayo; humihinga tayo ngayon dahil sa kaniya. Utang natin ang buhay natin sa kaniya. But here you go again, you'll obey your father and forget about your sister. What's new anyway? You always don't care about her and I know you never will."

"You're wrong about that, Lora. You don't know how much I felt useless everytime I can't to anything to protect her. Please believe me when I say I do. I always care for her," pagpapaliwanag ko. Ang mga luha ko ay nagbabadya nang pumatak pero ayokong umiyak ngayon sa harapan ni Lora. Lagi niya na lang nakikitang mahina ako at ngayon, gusto ko naman maging malakas sa paningin niya.

"That's a relief hearing that from you, but you have to show her, Arima. Show Yzra that you really do care. Dahil hindi man nagsasalita si Yzra, matagal na siyang nasasaktan. Matagal na siyang nagdudusa."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top