Chapter IV: Façade

Y Z R A

Minulat ko ang aking mata nang maramdaman kong huminto ang sinasakyan naming kotse. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa sobrang haba ng biyahe. Walang paalam akong bumaba at agad na pumasok sa building kung saan nakatayo ang penthouse na pagmamay-ari ng Alvarez. Hindi na ako nag-abalang dalhin ang aking mga gamit pagkat nandiyan naman si Cyllan. Trabaho niya iyon at hindi sa akin.

Dahil nasa pinakamataas ang penthouse, upang mapabilis ang aking pagpunta roon ay gumamit ako ng elevator at pinindot ang 100th floor. Habang naghihintay na makarating sa palapag na aking destinasyon, hinalukipkip ko aking mga braso at panandaliang ipinikit ang mga mata. Inaalala ang huling napag-usapan namin ng aking ama.

"Arima's safety must be secured. If she's harm or hurt, you know what will happen."

Iniling ko ang aking ulo upang maalis sa aking isipan ang emosyong nagsisimulang umusbong pero wala itong epekto. Sa huli ay hindi ko maiwasang mainggit. Bakit ba hindi pa ako nasasanay?

Simula pagkabata, iba na ang pakikitungo sa akin ni dad. Kahit na si Arima ang mali ay laging ako ang nakakagalitan. Kung sa pagsasanay ay matatalo't masasaktan ko siya, kailangan kong maparusahan. Ni pagtawa o pag-iyak ay hindi ko magawa dahil lubos akong pinagbabawalan. I was raised to be an empty vessel.

Kasabay ng pagbukas ng aking mga mata ang pagbukas ng pinto sa elevator. Inaayos ko ang aking tayo bago humakbang papalabas. Sumalubong sa akin ang isang napalaking silid na nahahati sa pitong parte: the living room, the kitchen, the armory and of course, the four bedrooms. Inilibot ko ang aking mata upang ipamilyar ang aking sarili sa magiging tirahan namin simula ngayon.

Hindi ito ang unang beses na makakapunta ako rito pero matagal-tagal na rin simula nang maparito ako. Limang taon pa lang ako noong huling punta namin dito at ang tanging natatandaan ko lang na detalye ay may palikuran sa bawat kwarto. Hindi naman kami tumatanggap ng kahit sinong bisita kaya hindi na rin kinakailangan ng banyo sa may silid-tanggapan.

The living room isn't that much. Just a luxurious chandelier hanging in the center and a maroon U-shaped sofa that compliments the color tan walls and circles the cozy fireplace. Bookshelves was placed in the four corners of the room.

On the other hand, kitchen took the bigger space in the penthouse. It's even larger than the living room. Drawers circles the kitchen: dishwashers, refrigerated, and warming. In between of those drawers, there lies a lavatory, a beverage station, a stove and range and a pot filler. The two double-door fridge was placed at the both end of the drawers. There really isn't a dining table but the the black countertops at the center are big enough to be eaten on.

Agad kong tinungo ang kuwarto na nakabukod sa tatlong kwarto ngunit laking pagtataka ko nang may makita akong mga gamit na nakalagay na rito.

"Cyllan," bulong ko sa aking sarili nang mapagtanto kong puro panlalaki ang mga gamit. Mula sa damit hanggang sa mga pandekorasyon. Napangiwi na lang ako. Kung susubukan ko siyang palipatin ng kwarto ay alam kong hindi siya papayag. Nasisigurado kong magkaparehas lang sila ni Lora ng ugali 'pagkat sila'y nagkakasundo. Hindi sila papayag puwera na lang kung pipilitin mo sila pero wala akong balak mag-aksaya ng laway para lang doon.

Ibinaling ko ang aking atensyon sa tatlong kuwarto at isa-isang sinilip kung papaano ang ayos nito sa loob. Hindi ako nagdalawang-isip na angkinin ang kuwarto na malaki at puro kulay itim at puti ang mga kagamitan. Bukod do'n ay napapaligiran ng bookshelf ang kama, dahilan upang pahirapan akong makita mula sa pinto. My ideal room.

Isinara ko ang pinto mula sa aking likuran at sinimulang ikutin ang aking bagong kuwarto. May ilan pa akong kailangan ayusin dito para ito ay lumuwag pero tsaka ko na lang ito iisipin kapag tuluyan na akong naging komportable. Sa ngayon, gusto ko munang magbabad sa tubig at pakalmahin ang aking utak. These passed few days, I've thinking about a lot of things and I don't have time to relax.

Matapos mapuno ang bathtub, pinabula ko muna ang tubig bago tuluyang inilubog ang aking katawan. Isinandal ko ang aking batok sa dulo at ipinikit ang aking mga mata. Akala ko makakalma na ang aking isipan pero kusang nanumbalik sa akin ang mga nangyari noon. Sa pag-agos ng aking luha, ramdam ko na agad ang pagkalunod ko sa aking emosyon. Mabilis na nanikip ang aking dibdib.

"She's your child, Izeno."

"Wala akong anak na halimaw."

Stop...

"Happy birthday, Your Highness!"

"Where's mom and dad?"

I don't want it, so stop...

"A revolver with my name carved on it?"

"Happy birthday, Arima."

Please stop...

"What's wrong, mom?"

"Don't touch your mother!"

Napahilamos na lang ako at tuluyang nawalan ng pag-asa. I've been running away from my past but why it still haunts me? I did my best to be fine, but why did I ended up faking it? I don't want this façade; I don't want to wear this mask.

Umahon ako't nagbanlaw. Binalot ko ang aking sarili sa isang bathrobe bago tumingin sa isang salamin. Habang pinupunasan ang buhok, sinusubukan kong ngumiti nang masaya't totoo pero nakakailang subok na ako subalit hindi ko pa rin ito magawa-gawa. Maybe I won't be able to take off this mask. I guess I can't be myself forever. Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Agad naman itong napawi nang may magbukas ng pinto.

"Yzra, code red!" pamamalita ni Arima, kita sa kaniyang mukha ang pagpapanik. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa sala. Naabutan naming seryosong nakikipag-usap sila Cyllan at Lora sa isang hologram.

"Are they alright?" rinig kong tanong ni Lora nang makalapit kami sa kanilang puwesto. Nanatiling seryoso ang mukha ko habang hinihintay ko ang pagsagot ni Aunt Iris. Marahan niyang iniiling ang kaniyang ulo. "But they're going to be. We're not gonna let them die."

"Any other reports about the incident?" tanong ni Arima.

"Inaasikaso na namin ang lahat. I already sent the reports to Cyllan in case you want to have a copy." Nabaling ang tingin ng dalawa kay Cyllan.

"Should we come back?"

"No, Yzra. It's better if you stay there. You don't need to worry about us, darling. Susunod kami diyan kung talagang delikado na," mabilis na tugon ni Aunt Iris.

"Thunder and Kathmana are already in a critical state. Hihintayin pa ba nating kayo ang mapahamak?" tanong ni Lora, ang kaniyang boses ay punong-puno ng pag-aalala para sa pamilyang naiwan namin sa Area 77.

"Simula nang mabuhay tayo sa mundong ito, lagi na nating kakambal ang pahamak, anak. Gumagawa lang tayo ng paraan para makaligtas. At ngayon, gano'n din ang gagawin natin."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top