Chapter II: The Ritual

Multimedia: Yzra

-

Y Z R A

Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan nang muling bumalik sa aking alaala ang napag-usapan sa aming pagpupulong kanina. Why do cannibals always bring trouble? We, neutrals, are the ones who get pestered everytime.

Hindi kami dapat nangingialam sa problema ng mga avarie pero heto kami ngayon, ililigtas sila mula sa mga cannibal. Hindi pa sa amin tuluyang nabibigay ang lahat ng detalye pero isa lang ang masasabi ko. Foolishness.

Idinilat ko ang aking mga mata at pinaglaruan ang mga bulang nakapaligid sa akin. Nagsisimula nang mangulubot ang aking balat dahil sa tagal kong nakababad sa tubig. Napabuntong-hininga na lang ako ulit pagkat wala naman akong magagawa. Kahit maraming plano pa ang mabuo sa aking isipan, hindi nila ako pakikinggan. Kailanman ay wala akong karapatan.

Nabaling ang tingin ko sa pinto ng banyo nang marinig kong may pumasok sa aking kwarto. Agad akong nagbanlaw at binalot ang aking sarili gamit ang bathrobe. Maingat akong gumalaw at walang ingay na kinuha ang revolver mula sa dresser. Itinago ko ito sa aking likod bago lumabas ng banyo.

"Naliligo ka pala. Akala ko umalis ka na naman nang walang paalam," bungad ni Lora sa akin nang makita niya ako. Agad kong nilapag ang hawak-hawak kong baril sa bedside table na malapit sa aking kinatatayuan.

"That was long time ago," tipid kong sagot sa kaniya bago tinungo ang aking kama para kuhanin ang damit na nakahanda doon. Awtomatiko naman siyang tumalikod mula sa akin para makapagbihis ako nang matiwasay.

"Ano nga bang pumasok sa isip mo no'n at bigla kang umalis?" Bahagya akong napahinto sa aking ginagawa dahil sa kaniyang naging tanong. Unti-unting bumalik ang memorya sa aking isipan.

Walang payak na rason kung bakit gusto kong umalis no'n. Basta ang alam ko lang, gusto kong makaalis sa impyerno na ginagawa ng aming ama. Kung hindi nga lang siguro ako hinanap ni Arima noon at naabutan ni Eden, baka matagal na akong wala sa loob ng apat na pader na ito.

"Oo nga pala, ayaw na ayaw mo nang nagpapaliwanag. Fine, I'll just ask another question. Alam mo na ba ang dahilan kung bakit kailangan na rin nating mag-ingat sa mga cannibal?" tanong niya sa akin. Tinapos ko muna ang aking pagbibihis bago siya sinagot.

"No," simpleng sagot ko. Agad niya akong nilingon at binigyan ng isang nakakalokong ngisi.

"Gusto mong malaman?" tanong niya ulit at para makaiwas sa pagsasalita ay sinagot ko na lang siya sa pamamagitan ng pagtango. "If you really want to know, then you better use some bribery."

Simula pagkabata ay kasama ko na si Lora. Kung kakalkulahin, mas matagal ko pa siyang nakasama kaysa kay Arima dahil sa utos na pinataw sa akin ng aming ama. Dahil doon ay kabisadong-kabisado ko na ang ugali niya. The way she talks right now, I know she can provide me some good information.

"I'm currently working on my research." Sanay na kaming mag-usap sa ganitong paraan kaya alam kong nakukuha niya na ang gusto kong iparating. Hinawakan niya ang kaniyang baba at nag-isip nang mabuti.

"We all know that Frontier Horizon is a natural barrier that lies within the horizon and protects the avaries from cannibals, right?" I just nodded to answer her.

"From what I've heard, cannibals figured out how to void it. I was unable to hear it all, but mom described it as an occult activity, a ritual." Nanatiling walang emosyon ang mukha ko kahit na dahan-dahan nang napupuno ng katanungan ang aking utak.

"What kind of ritual?"

"Hindi ako nakakasigurado noong una pero noong tiningnan ko ang Information Network of Alvarez, hindi lang ang mga avarie ang nanganganib, pati rin tayong mga mafia ay nasa hindi magandang sitwasyon. Dahil bago nila masira ang Frontier Horizon, kinakailangan nila tayong patumbahin," pagpapaliwanag niya kaya lalo pa akong nagkaroon ng interes.

"Hindi ba't makakasama sa kanila ang Curtain Fall na dumadaloy sa ating dugo?" tanong ko.

"Iyan na yata ang pinakamahabang pangungusap na sinabi mo. But to answer your question, you're right. Curtain Fall can destroy their whole system if they drink even just a single drop, but we serve as their sacrifice not as their prey." Agad naman akong nabigyan linaw pero hindi pa rin ako kumbinsido.

"We can fight them." She nodded in agreement.

"Yes, we can fight them. But they're supernaturals while we're mere humans. We're still humans, Yzra. Dugo lang ang pinagkaiba."

"There is always another way," pagsalungat ko sa kaniya na sinagot niya ng isang iling. "Kanina pa sana nila sinabi kung may naiisip silang ibang paraan para maisalba ang lahi nating mga mafia. Sa ngayon, sumunod muna tayo sa kanila. Para rin sa kaligtasan natin."

Hindi na ako nagbalak na sumagot pa dahil alam ko namang hindi niya maiintindihan ang pinupunto ko. Ibang mundo ang papasukin namin. Malayong-malayo sa mundong kinalakihan namin. Maaaring ang mga ginagawa namin dito sa Area 77 ay hindi namin maaaring gawin sa Medallion. At ang mga hindi namin maaaring gawin dito sa Area 77 ay marapat naming gawin sa bayan na 'yon. Idagdag mo pa ang libo-libong avaries na aming makakasalamuha't hindi mapapagkatiwalan. Iniisip ko pa lang ay ramdam ko na agad ang nagbabagang apoy ng impyerno na aming dadanasin.

"Isa pa, hindi mo na kakailanganing umalis nang walang paalam. Magiging malaya ka na," wika niya na parang wala lang sa akin ang nangyari noon.

"They're not coming with us?"

"Well, do you want them to come?" tanong niya pabalik sa akin kaya pinili ko na lamang manahimik. Tumayo siya sa aking harapan.

"Lady luck is already on your side. Don't push it away just because you don't want to communicate. You already suffered enough when you were still a child," ani niya't tinapik ako sa balikat.

"Bago ko nga pala makalimutan, pinabibigay sa'yo ni Aunt Arize." Nabaling ang aking tingin sa isang kulay itim na kahon na katamtaman lang ang laki. It's not my birthday today and even it is, no one can remember it. What is that for?

"I already know what you're thinking. Huwag kang mag-alala, natingnan ko na kung anong nasa loob nito. Sabi ni auntie, para raw 'yan sa paglipat natin sa Medallion," pagpapaliwanag niya. Doon bumalik sa aking isipan ang tungkol sa aking olandes na buhok at kulay abong mga mata. Right. Different composition of blood, different genetics, and of course, different appearances.

"I'll take my leave," paalam niya at naglakad papalabas ng aking kwarto.

"Don't forget about the deal!" rinig kong sigaw niya bago niya tuluyang sinarado ang pinto at iniwan ako ritong nag-iisa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top