Chapter I: Uncalled Meeting
Multimedia: Arima
-
A R I M A
Madilim at malawak. Bawat taong nakakapasok dito ay iyan ang sinasabi. But that's normal, isn't it? Especially when the place is built for 'squeezing informations' and 'cleaning up mess'.
Nabalik ako sa realidad nang umingay ang paligid. The loud engines of chainsaws filled the whole building. Wala na akong magagawa. Mas pinili niyang ubusin ang pasensya ko kaysa magsalita.
Hindi mawala-wala sa aking labi ang ngiti habang pinapanood ko silang paghiwalay-hiwalayin ang katawan ng walang malay na lalaki. Nagtatalsikan ang dugo nito sa aking puting damit ngunit ayos lang. In fact, it gives me more satisfaction.
Sa wakas ay wala na rin ang lalaking nagbigay ng hirap sa akin sa loob ng isang oras. Ilang beses ko siyang binigyan ng pagkakataon para magsalita pero sinayang lang niya ang mga ito. Mas pinili niyang maging walang silbi. Wala kaming nakuha kahit isang impormasyon kung bakit nila kami sinusundan at kung sino ang nag-utos sa kanila. Tuluyan niya lang inubos ang libre kong oras.
Nilingon ko si Yzra na nakatayo sa aking tabi't walang emosyong pinapanood din ang pagkitil sa buhay ng lalaki. Ang kaniyang mga mata ay blangko. Hindi na rin naman bago sa akin 'yon. Simula nang humantong siya ng tatlong taong gulang, hindi ko na siya nakitang ngumiti o umiyak man lang. Hindi ko nga alam kung nagagawa niya bang masaktan. Ilan beses na rin siyang sumailalim sa test ngunit iisa lang ang resulta. She can't feel anything except rage.
"What's the plan?" tanong ko sa kaniya, dahilan upang lingunin niya ako. Pinagkrus niya ang kaniyang mga braso sa kaniyang dibdib.
"You're the eldest, you should know." Napabuntong-hininga na lang ako. Kaya ko siya tinatanong para malaman kung may iba pa siyang balak. Napatingin ako sa aking relo bago binalik ang tingin sa aming mga tauhan.
"Knights," pagtawag ko sa mga lalaking nakaitim na kasama namin sa organisasyon. Agad ko namang napukaw ang kanilang atensyon. "Kayo na ang bahala rito. Linisin niyo ang dugo't sunugin niyo lahat ng ebidensya pati na ang katawan niya. You already know what to do with the ashes."
"Roger-"
"Leave his head untouched. It's mine," dagdag ni Yzra kaya bahagyang kumunot ang noo ko. "For your collection? That's risky," pagsalungat ko sa kaniyang ideya.
"For researches," tipid na sagot niya kaya lalong kumunot ang noo ko. "Hindi ba dapat dugo niya ang kuhanin mo?" nakataas-kilay na tanong ko.
"I already did but that won't be enough. Let's go," aya niya sa akin at nauna nang maglakad papalabas ng Butchery.
- X -
Pagod na pagod kong isinabit sa coat rack ang hinubad kong black coat. Ngayon lang ako napagod nang ganito sa buong buhay ko. Nanunuyo ang aking lalamunan at nagsasakitan ang aking katawan. Unti-unting nagbabadyang bumagsak ang aking mga talukap. Mukhang kailangan ko nang bumalik sa pag-eensayo bukas.
"Saan kayo galing?" Napatalon ako sa gulat nang may kumausap sa akin. Ngayon ko lang narinig ang boses niya. Huwag mong sabihing...
Napahawak ako sa dagger na nasa bulsa ng aking puting pantalon at nilingon ang taong kumausap sa akin. Agad akong napabitaw nang makita ko ang kaniyang mukha.
"Lora?" Naningkit ang mata ko't sinuri siya mula ulo hanggang paa. Blonde hair, purple eyes and a geeky outfit. It's really her!
"Lora!" Hindi ako makapaniwalang nakaupo sa harapan ko ngayon ang babaeng matagal ko nang hindi nakikita. Matapos kasing mamatay ang tumatayong duke't dukesa ng kanilang organisasyon ay nagdesisyon si Uncle Loren na huwag munang pumunta rito. "What brings you here?" tanong ko sa kaniya.
"Don't worry, hindi ikaw ang pinunta ko," sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa laptop na kanina pa niya kinakalikot. Napangiwi na lang ako. Since childhood, Lora and I couldn't agree to same things. Hindi na ako magtataka kung magiging ganito ang pakikitungo niya sa akin lalo na't sampung taon na ang nakalipas simula noong huli kaming magkasama.
"You better change your clothes. Magsisimula na ang pagpupulong maya-maya. Baka mangamoy lang 'yang dugo na nasa damit mo habang nasa Mariana tayo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Meeting? What's going on?" takang tanong ko sa kaniya pero sinagot lang niya ako ng isang kibit-balikat. "Fine. I'll change my clothes. I'll be back in two minutes," paalam ko sa kaniya't iniwanan siya sa lobby.
"Kahit huwag ka nang bumalik!" pahabol na sigaw niya kaya napairap na lang ako. They can't start the meeting without me, so what her wishing for will be impossible.
Agad akong nagbihis nang makarating ako sa aking kwarto. Pagkatapos ay naisipan ko munang dumaan sa laboratoryo para sabihan na rin si Yzra dahil natitiyak kong hindi niya pa nalalaman ang tungkol sa pagpupulong.
"Good evening, Your Highness," bati sa akin ni Eden, ang kanang-kamay ng aming ama, nang magkasalubong kami sa pasilyo. Ningitian ko naman siya upang batiin pabalik. "Nasabihan na ba kayo tungkol sa magaganap na pagpupulong?" tanong niya.
"Yes, Lora told me. But, what's up? Bakit bigla-bigla silang nagpatawag ng meeting?" tanong ko, umaasang may makukuhang sagot mula sa kaniya pero ako'y nabigo.
"Pasensya na, kamahalan, ngunit walang ibang nakakaalam kung anong rason maliban sa emperador at kay Emperatris Iris."
"Hindi sinabi sa'yo ni dad?" paninigurado ko't tiningnan siya diretso sa kaniyang mga mata upang malaman ko kung nagsisinungaling ba siya sa akin. Tiningnan niya rin naman ako pabalik bago tumango.
"Okay, you may go," wika ko. Yumuko naman siya para magbigay galang habang ako'y muling naglakad sa pasilyo.
Hindi pa man ako tuluyang nakakarating sa laboratoryo, nakita ko si Yzra na papalabas na mula roon. Tumakbo ako papunta sa kaniya't sinabayan siya sa paglalakad.
"What do you want?" tanong niya sa akin nang hindi ako nililingon. Napangiwi naman ako dahil sa mensaheng nais niyang iparating sa akin. Hindi sa lahat ng oras na lalapit ako ay may kailangan ako sa kaniya.
"There's an upcoming meeting," wika ko na nakakuha naman sa kaniyang atensyon. Nilingon niya ako gamit ang kaniyang walang emosyong mukha.
"I'm not coming."
"Paniguradong hindi papayag si dad sa gusto mong mangyari," pagsalungat ko sa kaniya. Ibinalik niya muli ang tingin sa kaniyang harapan.
"Kailan ba siya pumayag sa mga ginawa ko?" Hindi ko namalayang nasa tapat na pala kami ng Mariana. Kusang bumukas ang pinto kaya nakapasok kami agad. Bumungad sa amin ang mga taong kanina pa naghihintay sa amin.
"Since everyone is here, let's start!" masiglang sabi ni Aunt Iris at tumayo mula sa kaniyang upuan. "Good evening, everyone. I'm Iris Bourbon and I'll be the chairwoman of the meeting for today."
"Enough talk, proceed to the main point," my dad commanded impatiently. Mula sa aking puwesto ay kitang-kita ko ang pag-irap ni auntie dahil sa panunuway na ginawa ni dad.
"In the last meeting, napag-usapan natin ang magaganap na transaksyon sa mga San Jose. Pero dahil sa kasalukuyang nangyari sa kanilang lider, hindi na matutuloy ang pag-aangkat ng mga armas para sa susunod na misyon." Para akong binuhusan ng tubig sa aking narinig. Hindi p'wedeng maisantabi ang susunod na misyon dahil malaking pera ang kapalit nito! Malulugi ang aming underground business at bababa ang ranggo ng Alvarez sa Mafia Pantheon!
"And they accused us for the crime we haven't done?" walang kasiguraduhan na tanong ni Lora sa kaniyang ina ngunit isang iling ang isinagot sa kaniya nito.
"They cannot operate without their leader. We have to find another organization that will provide us the 'goods' that we need," pagpapaliwanag ni Aunt Iris.
Paano? Mahirap makahanap ng business partners sa Area 77. Halos lahat ay nagsasaksakan patalikod. Bibihira lang ang mga taong tapat.
"Ironic," kumento ni Yzra.
"Bakit hindi na lang natin sila 'paamuhin'? Wala silang lider kaya magiging madali lang ang magaganap na labanan," suhestiyon ko pero kitang-kita ko na agad sa mukha ng aking tiya na hindi siya sang-ayon dito.
"Marami na tayong kakumpetensya at hindi na natin maaaring dagdagan iyon lalo na't nagsisimula nang gumawa ng aksyon ang mga cannibal." Agad na nabuo ang pagtataka sa aking isipan. What makes the cannibals a threat for us?
"Mom, we were born beyond the Frontier Horizon. We have Curtain Fall running in our veins. They can't harm us," saad ni Lora ngunit agad itong kinontra ni Aunt Iris.
"Yes, they can, sweetie. Because if they can't, Fernando San Jose would still be alive."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top