YOU

"Tulala ka na naman Eris!" Irap ni Keira sa akin.

Napatingin akong bigla sa kanya, kumakain siya ng ice cream sa harapan ko. Vacant kasi namin ngayon kaya magkasama kaming dalawa. I'm still out of my mind because of what happened last night! I can still remember it clearly! Everything!

"Bes..." Tawag ko sa kanya.

Bored niya akong tinapunan ng tingin.

"What is it Eris?" She asked.

Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung papaano ko ikukwento sa kanya.

"Keira, kagabi may nangyaring kakaiba!" Pagsisimula ko.

"What happened? Did that jerk ask you to come back to his life because he misses you so much and he realize that he still fucking want you in his life? Oh come on Eris! Don't tell me you will still believe that jerk after what he did to you? Kaya ka nasasaktan kasi naniniwala ka agad! Nagpapaloko ka agad! UMAASA KA AGAD!" She suddenly burst out.

"Alam mo Keira kaya ka din nasasaktan kasi hindi ka muna nakikinig sa sasabihin ng tao!" I sarcastically said.

"Oh edi sorry na, ano ba kasing nangyari? Kung tungkol na naman yan sa putangina mong ex-boyfriend ay hindi ko nalang iyan papakinggan." She said.

"Hindi to tungkol sa kanya!" Naiirita ko ng sabi.

"Tungkol ba kasi saan?" Naiirita na din siguro siya sa akin.

"Tungkol to dun sa sinusulat kong story sa wattpad." Sambit ko.

"Oh anong nangyari?" Bored na tanong niya sa akin, alam ko kasing kabaligtaran ko siya, she doesn't like reading books, unlike me. Nabubuhay ako sa imahinasyon.

"Alam mo kagabi biglang nabura yung mga sinulat ko, dapat ay tapos na iyon kagabi pero bigla iyong nabura! Noong una ayaw lang mapublish pero biglang ganoon nalang! Ewan ko! Naguguluhan ako kasi nabubura siya ng kusa pagkatapos ay bigla pang nagtype mag-isa! Na-engkanto na ba ko?!" I finally said it.

"Baka naman nanaginip ka lang?" She sipped her juice in front of me.

"Hindi bes! Tingnan mo to!" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at agad kong pinindot ang wattpad para magbukas iyon pagkatapos ay pinakita ko ang huling chapter na siyang kusang nag-update kagabi.

"Nakita mo yang mga linya na yan? Hindi ako ang nagsulat niyan!" Halos pasigaw ko ng sabi habang tinuturo ko ang mga linya.

"Baka naman sinulat mo yan tapos di mo lang natandaan?" She sound like she's not interested, para bang wala naman siyang pakealam, like it was just a simple thing!

"Hindi! Alam ko ang nangyari kagabi bago ako mahimatay! Nagtype siya ng kusa at napublish ng kusa ng wala akong ginagawa!" Halos maghysteria na ako.

"Baka naman nagdadrugs ka na?" She asked.

"HA?!" Bigla akong napasigaw kaya napatingin sa amin ang mga tao sa loob ng canteen. Bigla tuloy akong nahiya kaya napatahimik akong saglit.

"Ano ka ba naman! Bakit mo naman naisip yun!" Mahina pero mariin kong tanong sa kanya.

"Alam mo Eris, baka sa kakapanuod mo lang yan ng mga anime at korean drama o kaya naman sa kakabasa mo ng wattpad." Simpleng sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako, sa tingin ko ay hindi naman siya maniniwala kahit anong gawin ko, iisipin lang niya yung mga normal na nangyayari. Kasi napaka-imposible naman kasi ng nangyari sa akin kagabi.

"Siguro nga bes." Sabi ko bago ko napatulalang muli.

Narinig ko ang isang OA na paghinga nya ng malalim kaya napatingin ako sa kanyang muli.

"Eris, pumasok ka na sa room niyo. Malapit ng magtapos ang vacant, siguro sa pagod mo lang yan kaya nakakaimagine ka ng kung ano-ano, siguro kulang ka sa tulog o kaya naman ay dahil hindi ka makamove-on sa gago na yun tapos sinasabayan mo pa ng kakabasa ng wattpad kaya ganyan, wag mong masyadong intindihin yan at mahirap mag-alaga ng bestfriend na may saltik sa utak." Aniya.

Napangiti ako ng konti dahil sa sinabi niya, tumango ako at sinabit ko ang bag ko sa aking balikat.

"Mauna na ko." Sabi ko bago nakipag-beso sa kanya.

"Ingat bes!" Sigaw niya bago kumaway sa akin habang papalayo ako sa kanya ay kumaway din ako ng medyo nakalayo na ako.

Naglakad ako patungo sa aming classroom, nang makarating ako doon ay napaupo ako sa pinakadulong upuan kung saan katabi ko ang mga kaibigan ko na ngayong taon ko lang naging kaklase.

Napabuntong hininga ako at kinapa ang cellphone ko bago ko binuksan ang application na wattpad.

"Lalaban ako." I read the last line of the chapter, that was Jack Anthony said while he was hanging on the bridge.

"Oy! Bakit naman ganoon ang ginawa mo kay Baby Jack?" Bigla akong napatingin kay Jeanne na para bang naiinis sa akin.

"Huh?" Pinatay ko yung cellphone ko.

"Bakit mo naman muntikan ng patayin si Jack! Nakakainis ka naman e! Papaano kung mahulog si Jack doon? Wag mo siyang papatayin ha?" Pahysteriang sabi ni Jeanne

"Hindi ko nga mapatay-patay e." Wala sa sarili kong sabi.

"Ano?! Balak mong patayin ang asawa ko!??" Sigaw niya sa akin, napatingin pa ang ilang kaklase namin dahil sa sinabi niya.

"Tumahimik ka nga Jeanne! Hindi nga namatay di ba? Hindi!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Oh baka magpatayan pa kayo?" Singit ng isa naming kaklase sa usapan naming dalawa, napailing nalang ako at umupo ng ayos.

"Wag mong patayin si Jack! Please bes! Papaano na sila ni Erika? Number one fan mo pa naman ako e! Maka-EriJack pa naman ako." Parang bata niyang sabi.

"EriJack, tss." I rolled my eyes.

"Kita mo to! Kita mo Nikka?! Siya yung writer noon pero parang di siya natutuwa sa story niya!" Inis na sabi ni Jeanne kay Nikka.

"Sshh! Hinaan mo nga 'yang bunganga mo Jeanne." Saway ko sa kanya dahil sa takot na baka may ibang makarinig na nagsusulat ako ng istorya.

"Eh baka naman dahil sa ex-boyfriend niya, di ka talaga nag-iisip Jeanne!" Natatawang sabi ni Nikka.

"Ha? Oo nga no! Eh?! Teka! Kaya ba muntik mo ng patayin si Jack? OH MY GOSH!" Sigaw ni Jeanne at napahawak pa siya sa bibig niya.

"Hindi nga namatay sabi!" Sigaw ko sa kanya sa sobrang iritasyon ka.

"Hihi, buti naman." Aniya bago tingnan ang cellphone niya, agad niyang pinindot ang wattpad at binuksan ang library niya patungo sa aking story.

"Lalaban ako." She read the last line.

"Ang taray ni Bebe Jack ko dito bes!" Natatawa niyang sabi, Jeanne is the only friend of mine who's reading my story, Keira, Nikka and others doesn't like reading a book.

Pero si Jeanne at Keira ang pinaka-close ko sa lahat ng kaibigan ko, si Nikka kasi ay medyo hindi kami close, pero cool naman kaming dalawa at nalaman din niyang nagsusulat ako since madaldal itong si Jeanne, kaya silang tatlo lang ang nakakaalam.

"Yeah." Pagsang-ayon ko sa kanya, kung ikukwento ko ba iyon kay Jeanne ay maniniwala din ba siya sa akin? Tss, sa tingin ko hindi rin.

Nang matapos ang klase ay umuwi ako agad, malayo ang school ko sa bahay namin kaya ng makauwi ako ay parang napakabigat na ng katawan ko.

"Ma?" Tawag ko ng makapasok na ako sa loob ng bahay.

"Oh, kumain ka na? Nagluto ako ng ulam--"

"Busog po ako." Sambit ko.

Parang napansin ng mama ko ang pagkamatamlay ko kaya napabuntong hininga siya.

"Sige na, pumanik ka na para makapagpahinga ka na din." Aniya.

Tumango ako at lumapit sa kanya para halikan ang pisngi niya.

"Goodnight, ma." Sabi ko bago ako pumanik sa taas at agad nahiga sa kama kahit hindi pa ako nakakapagbihis.

I'm so tired to do anything. Gusto ko lang mahiga.

Nakatulala akong muli sa kisame ng aking kwarto, pagod na pagod na ako.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko ng may naramdaman akong nagvibrate. Cellphone ko ba yun? Agad kong kinapa ang cellphone ko at tiningnan ko kung notification ba, ngunit wala naman.

Nang maibaba ko ang cellphone ko sa kama ay napatingin ako sa laptop ko, hindi kaya...

Agad kong binuksan ang laptop ko at agad nanlaki ang mata ko ng makita kong kusa itong napunta sa My Works at kusang nagtatype ng panibagong chapter.

Napahawak ako sa bibig ko ng makita kong kusa itong nagtatype.

"Nadulas ang kamay ni Jack sa pagkakahawak sa bakal kaya muntik na siyang mahulog, mabuti na lamang ay nakakapit siyang muli sa isa pang bakal na nakausli..." Pagbasa ko sa mga salitang kusang nagtatype.

"Ngunit, nahihirapan na siya... Masyadong mabigat ang kanyang katawan para sa isang kamay na nakakapit sa manipis na bakal... Naisip na ni Jack kung ito na ba ang kanyang katapusan, dito nalang ba iyon magtatapos?" Napahawak ako sa bibig ko.

"Naiinis siya sa kanyang sarili dahil sa padalos-dalos niyang desisyon, maski siya ay hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang pumunta sa tulay na iyon para tumalon..." Napatulala ako.

I know why he suddenly go there, it's because I said so! I'm the writer of this fucking story!

Pero bakit ganto?! Sinong nagsusulat nito? May nakakaalam bang ibang tao sa wattpad account ko?

"Nangangawit na ang kanyang kamay, hindi na niya yata kaya kaya muntik na siyang..." Natigilan ako at napahawak sa aking laptop.

"Oh my gosh! Wag!" Sigaw ko at pilit kong binabackspace ang aking laptop pero patuloy ito sa pagsusulat.

"Wag kang bibitaw!" Mas lalo akong nataranta, ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit ko siya bigla nalang papatayin.

Hinawakan ko ang screen ng aking laptop dahil pakiramdam ko ay wala na din naman akong magagawa dahil sa tingin ko ay may ibang taong nakakaalam nito at siya ang nagdudugtong nito.

Who could it be?

Pero ang mas kinabigla ko ay noong biglang may isang kamay ang humila sa aking kamay na nakahawak sa screen.

Sa isang iglap ay napahawak ako sa isang bakal, fuck!

Nasaan ako?!

Kumalabog ang aking dibdib at napatingin sa ilalim ko, may taong nakahawak sa kamay ko...

Muntik na akong makabitaw sa bakal dahil sa gulat, who is that guy? Is that... is that...

JACK?!

Teka! Ayaw mag-sink in sa utak ko! Nandito ako ngayon sa tulay habang nakahawak sa bakal ang kaliwang kamay ko at yung kanang kamay ko naman ay nakahawak kay Jack-- or whoever he is! At kung bibitaw ako sa bakal na kinakahawakan ko ngayon ay pareho kaming mahuhulog sa ilog at sabay na malulunod. FUCK!

"Who are you!?" Sigaw ng lalaking hawak-hawak ko.

"This is not the right time to ask for that!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ang daming tanong sa isip ko katulad nalang ng paano ako bigla napunta dito eh kanina lang nasa kwarto ako! And yes! I'm still wearing my uniform! Damn!

What should I do? What should I do?!! Nangangawit na ako! Hindi ako malakas! Mahina lang ako! Babae ako at may nakakapit sa aking mabigat na lalaki!

"WAAAHHH HUHUHU! MAMA KO!" Naiiyak kong sigaw.

"MAHUHULOG NA TAYO HUHUHUHU! AYOKO PANG MAMATAYYY!!" Sigaw ko pa ulit, inisa-isa ko na ang masasayang araw sa buhay ko dahil alam ko ng eto na ang katapusan ko, kung panaginip lang ito ay sana magising na ako! Binabangungot ba ako?

"MAMA KO! HUHUHU SORRY SA LAHAT NG MGA KALOKOHAN KO KUNG MINSAN DI KO SINUSUNOD YUNG UTOS MO! BIBILI NA TALAGA AKO NG SUKA PAG INUUTASAN MO KO KASO HULI NA ANG LAH-- AYYY!!" Muntik na akong makabitaw sa bakal kaya mas lalo akong naiyak.

"KEIRA BESTIE KO SORRY KUNG MINSAN INAAWAY KITA DAHIL HINDI MO KO TINITIRAN NG ICE CREAM! SORRYY HUHUHUHU! JEANNE SORRY KUNG HINDI KITA SINASAMA SA MGA STORY KO SA WATTPAD HUHUHUHU!" Naramdaman ko na ang lahat ng luha na tumutulo sa mata ko. Dito na ba ako mamatay?

Teka, kung ito yung mundo na ginawa ko...

Si Erika! Si Erika pupunta siya dito!

"Stop crying! Will you?!" Sigaw ng lalaking nakakapit sa akin.

"Ikaw ba si Jack Anthony bebe ko??" Pasigaw kong tanong sa kanya.

"How did you know my name?" Tanong niya.

"WAAAHHH HUHUHUHU! IKAW NGA! IKAW NGA SIYA!" Naiiyak na tuloy ako lalo dahil pakiramdam ko ay nababaliw na talaga ako, pakiramdam ko ay hindi ako mamatay sa pagkalunod dahil mamatay ako sa pagkabaliw.

"STOP CRYING! Bibitaw ako! Save yourself after that!" Sigaw niya.

Napatigil ako sa pag-ngawa ko, bibitaw siya? Magpapakamatay siya?! NO WAY!

Nang maramdaman kong bibitawan na niya ako ay mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya.

"ANONG GINAGAWA MO?! MAMATAY TAYONG PAREHO KAPAG DI PA KO BUMITAW!" Sigaw niya sa akin.

"HINDI PWEDE! MAMATAY KA KAPAG BUMITAW AKO!" Sigaw ko pabalik.

"LOOK MISS! I DON'T KNOW WHO ARE YOU! AND I UNDERSTAND THAT YOU DON'T WANT TO SEE PEOPLE DIE IN FRONT OF YOU BUT WE DON'T HAVE A CHOICE! KUNG HINDI PAREHO TAYONG MAMATAY!" Sigaw pa niya lalo.

I looked at him, nanghihina na ang kamay ko at nangangawit, pakiramdam ko hihiwalay na ang buto ko sa akin but I can't just let him die! I don't know why!

Nakita kong bumagsak ang luha ko sa pisngi niya.

"Sabi mo..." Napahikbi ako "Lalaban ka!" Sigaw ko.

Nakita kong nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko para bang nablangko ang utak niya.

"Kumapit ka lang sa akin, wag kang bibitaw! Dadating dito si Erika kasama ang mga kaibigan nyo!" Hindi ko alam kung bakit at papaano ko nagiging matapang ngayon, I used to be a crybaby but what happened now? Well, mataray lang naman talaga ako pero hindi ako matapang.

Why can't I just let him die? Tutal naman ay iyon ang gusto ko noong una!

"How sure?" Natatawa niyang sabi, damn! How can he managed to laugh even in this situation?!

"I'm just sure!" Sigaw ko.

Napatingin ako sa kamay kong namumula na, papaano ko nakatagal ng ganto?! May superpowers na ba ako?!!

"OH MY GOSH! OH MY GOSH! OH MY GOSH!" Napatingala ako at may nakita akong babaeng... babaeng kamukha ng nasa imahinasyon ko... I guess she's Erika.

Nataranta ang mga kasama niya ng makita kaming dalawang nakasabit sa tulay.

"Tumawag kayo ng mga rescuer!" Sigaw ni Erika habang inaabot ang kamay ko ngunit hindi niya iyon maabot, kaya naman ay ang mga kaibigan nilang lalaki ang umabot ng kamay ko, nagtulong-tuloy silang lahat para mai-angat ako. May ilan pang nakikisaling mga napapadaan lang sa tulay para tulungan kaming makaalis doon.

"Omygod Jack!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Erika ng makaligtas kami. Nakahiga lang ako sa tulay at hinahabol ang aking hininga.

What just... happened?

Am I still... alive?

"Hey! Are you alright?" Agad niya akong hinawakan sa kamay at napainda agad ako sa sakit. Are you really Jack? My precious Jack Anthony?

Napapikit ako ng mariin, how come? I don't understand what I don't understand! Oh my gosh! Nababaliw na ako! Nababaliw na talaga ako!

"S-Sorry..." Aniya.

Tumingin siya kila Erika at sa iba pang supporting character na ginawa ko. Nagagawa-gawa ko lamang. Lahat sila ginawa ko lang, what the hell...

"Mababaliw na yata ako..." I whispered.

"Eh?" Nagtatakhang sabi ni Erika, nagkatinginan pa silang dalawa ni Jack. I'm talking to the characters I made. Oh shit...

"Oh, hang on there. Just-- I'll just call the ambulance." Natatarantang sabi ni Erika bago siya magdial sa cellphone niya.

Looking at Erika, she's totally different from me, she's prettier on person. I thought imagining her would be enough but seeing her on person makes me want to cry. Sobrang ganda niya, yung malalaking mata niya, pagiging skinny niya na kayang kabugin lahat ng model na nakikita ko, yung full bangs niya, she's definitely the person I want to be.

Tumingin ako kay Jack, he's hotter and sexier on person. He looks like some Gods on Greek Mythology. He's totally the same with the person I made just in my mind, how would I end up seeing them in person? Yung mukha niyang lakas makapang-anime, kagaya na rin ni Erika na mukhang manika. Bagay na bagay silang dalawa.

Baliw na ba ako? Nakadrugs ba ako? Nakuha ba ako ng mga drug addict sa kanto at pinatikim ako ng drugs kaya ako nakakaimagine ng ganto?

Nananaginip lang ba ako?

Sinubukan kong tumayo kahit ang sakit-sakit ng katawan ko.

"H-Hey..." Tila di pa alam ni Jack ang gagawin nya, kung tutulungan ba ako o hindi.

But when I saw the ambulance para na akong tuluyang mababaliw na. Hindi dahil sa ambulansya kundi dahil sa nakikita ko.

I saw a letters written on nowhere.

"To be continued..." I read it before everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top