WONDERED

Nasaan ako? Anong klaseng lugar 'to? Bakit ako nandito? Anong tawag dito? Does it really... exist?

Tumingin-tingin ako sa aking paligid, where am I?

Napakunot ang noo ko ng marealize kong pamilyar ang lugar na ito. This is the place that I made for Jack...

"Is this Jack's office?" Tanong ko sa aking sarili.

It's probably it is.

Nang may isang anino akong nakita sa hindi kalayuan ay dahan-dahan akong lumapit doon.

And then I saw a familiar built of body. He's holding a gun.

"Anong gagawin mo dyan?" Tanong ko sa kanya.

"Pangseself-defense ko lang tapos-- AAAAHHHHHHHHH!!!"

"AAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" Napasigaw din ako sa sobrang gulat ko sa kanyang biglaang pagsigaw.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw na naman ni Jack.

"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!" Napasigaw na naman ako dahil sa sigaw niya pero this time ay napahawak na ako sa tenga ko at napapikit ng mariin dahil sa sobrang gulat.

Balak ba nya akong bigyan ng heart attack haaa?!

"Tumigil ka nga sa pagsigaw mo!" Nakarecover na siguro si Jack kaya napatigil na nya ako.

"Eh ikaw kasi! Bigla ka nalang sumisigaw!" Singhal ko sa kanya.

"Eh ikaw nga bigla-bigla nalang lumilitaw!" Napatahimik tuloy ako sa sinabi niya.

"Mushroom ka ba ha? Bakit ba bigla ka nalang sumusulpot? Are you following me? Are you a stalker? Are you spy or what?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Anong mushroom? Anong following-following? Anong stalker at spy? Mukha ba akong ganoon!?" Inis na tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, para bang hinuhusgahan na nya ako sa isip niya.

"Uhmm... Hindi naman, mukha ka lang alien!" Aniya pagkatapos ay bigla nalang niya akong tinutukan ng baril.

Napataas bigla ang aking dalawang kamay dahil sa sobrang gulat. Wow, ako pa talaga ang alien ngayon.

"W-What are you doing?" Nanginginig kong tanong sa kaniya.

"I was wondering... who are you?" He said while he's still pointing the gun on me.

"I'm.... I-I'm E-Erised." Mabilis kong sabi.

"San ka nag-aaral?" Tanong niya sa akin.

Napatingin ulit ako sa baril na hawak niya, bakit bigla nalang niya akong tinutukan ng baril? Gago ba siya?

"Sagot!" Sigaw niya kaya naman napapikit ako ng mariin.

"Sa La Concepcion University Philippines." Mabilis kong sabi.

"Walang ganyang paaralan dito." He said in a baritone voice.

"K-Kasi ano, ano kasi yung kuwan-- imbento ko lang yun! Pangarap ko kasing magkaroon ng sariling paaralan, ganoon! Yun nga, tama ganoon nga." Pero noong sinasabi ko iyon ay parang kinukumbinsi ko lang ang sarili ko.

He suddenly put the gun down, kaya naman nakahinga na ako ng maayos.

"Papaano ka nakapasok dito?" Nanlaki ang mata ko ng maalala kong matindi nga pala ang siguridad dito sa building na ginawa ko para sa kanya.

"A-Ano kasi..." Ayaw mag-function ng mayos ang utak ko kaya hirap na hirap akong mag-isip ng idadahilan ko.

"Jack!" Napatigil kaming pareho ng biglang may pumasok sa loob ng opisina ni Jack.

"Are you..." Hindi matuloy-tuloy ni Erika ang sasabihin niya, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at tila ba may pilit siyang inaalala.

"She's the girl who saved me." Napatingin akong bigla kay Jack dahil sa sinabi niya.

"Oo tama! Siya nga!" Nakangiting sabi ni Erika habang tinuturo ako.

"Ang tagal naming pinaimbistigahan kung sino ka pero wala ni isang nakakakilala sayo and besides we don't know everything about you except from the school uniform you're wearing that time pero ang nakapagtatakha ay walang ganoong paaralan dito." Aniya.

"By the way, I'm Erika del Rosario and you are?" Naglahad siya ng kamay sa akin, napatingin ako doon bago ko marealize na dapat ay tanggapin ko iyon.

"Erised del Valle." I tried my best to make my smile genuine but it turns out to look like a sarcastic one.

"Erised del Valle?" Parang napaisip siya sa pangalan ko. Siguro ay napansin din niyang medyo magkahawig ang aming pangalan.

Hell yeah, nakuha ko nga ang pangalan mo sa aking pangalan.

"Wow, our name are little bit the same." Parang manghang mangha siya sa kauntig pagkakatulad ng aming pangalan.

"Y-Yeah..." I awkwardly said.

Gusto kong magtatalon sa tuwa ngayon dahil nakita ko na sila pero it turns out na natatakot ako, kinakabahan at naiinis sa kanila. Bakit ganoon?

"Papaano ka nga pala napunta dito?" Tanong ni Erika sa akin.

"Erika, stop asking too many questions." Ani Jack.

Napatingin kaming pareho sa kanya ni Erika dahil sa kanyang bigla nalang pagsasalita.

"But I just want to know her better, hindi ba ay nakakahanga siya because she saved you?" Ani Erika.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Jack, it looks like he wanted to ask that too pero parang pinipigilan lang niya ang sarili niya sa pagtanong ng marami sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit.

"So, ayun... Papaano ka napunta dito?" Erika asked.

Parang namutla ako sa tanong niya, hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagsinungaling sa araw na ito.

"A-Ano kasi... Nabalitaan kong pinapahanap nyo daw ako!" Biglang nagpop up sa utak ko iyon dahil nabasa ko iyon sa wattpad na nag-update.

"H-How did you know? It was a private imbestigation." Nagtatakhang tanong ni Erika.

Mas lalo akong namutla dahil sa sinabi niya. Shit! I should be more careful. Dapat ay mag-ingat na ako sa mga sinasabi ko sa kanila, my gosh.

"Erika, stop asking! Ako ang nagsabi sa kanya... Di ba?" Humarap sa akin si Jack at binigyan ako ng 'sumakay-ka-na-lang-look' mabilis kong nakuha ang ibig niyang sabihin kaya naman tumango nalang ako.

"Oo, tama! Ganoon nga ang nangyari." I tried to smile again.

"Ganoon ba?" Parang nagtatakha pa din si Erika sa mga nangyayari.

"Yeah, and we need to talk about something important Erika, hintayin mo nalang ako sa labas or umuwi ka nalang dahil wala ka namang dapat pang hintayin dito." Malamig na sabi ni Jack.

Nakita kong nagbago ang expression ng mukha ni Erika, para bang nasaktan siya sa masasakit na salitang binitawan ni Jack sa kanya. Damn it Jack Anthony.

Ang harsh talaga kahit kaylan! Gigil niya si ako.

Teka! Bakit ba ako magrereklamo? Ako ang gumawa sa kanya, ako din ang nagbigay sa kanya ng ganoong ugali. My gosh! This is insane!

"O-Okay? Mauna na ko." Yumuko pa ng kaunti si Erika and when are eyes met bahagya syang ngumiti sa akin but I know that it was just a tired smile at nagiging mabait lang siya sa akin dahil first of all, mabait naman talaga siya.

Ngayon nagkakaroon na ako ng konting pagsisisi dahil ginawa kong ganito ang ugali ni Jack. My boyfriend are used to be like him when I first met him... I mean my ex.

He's a jerk, a totally jerk, an asshole! The motherfuckiest to all motherfucker! I thought he will change, I thought years are enough for him to change, I thought he will change for me.

But I guess once an asshole, will always be an asshole.

I never thought that we will end up like this. Napakawalang kwentang dahilan.

Siguro ay wala na ring pag-asa itong si Jack, dahil kahit mismo ang pinaggayahan ko sa kanya ay hindi nagbago. Kung anong kinasama nya noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Nagbalat kayo lang panandalian ngunit lumabas din ulit ang totoo niyang ugali pagkatapos ng ilang taon.

"Hey, come here." Pautos niyang sabi sa akin.

Patago akong umirap dahil sa kanya, feeling boss! Kung malaman kaya niya na ako lang ang gumawa sa kanya ano kaya ang maari nyang maging reaction?

He will probably beg for me to give him another billions of money o hindi naman kaya ay maraming babae na maikakama niya whenever he wants.

And now, again, nagsisisi na ako na ganyan ang ginawa ko sa kanya. Sana pala ay ginawa ko nalang siyang mabuting tao sa gayon ay hindi pa siya nakakasakit ng iba. Palagi nalang niyang sinasaktan si Erika, and I hate him for hurting her, mabait na tao si Erika.

Kung alam ko lang... Kung alam ko lang talaga na ganto pala ang mga fictional character, na nakakaramdam din pala sila for real. Na nabubuhay pala talaga sila at nasasaktan din sila...

I should be more careful at giving them a plot twist in their story, kung alam ko lang talaga.

Sana ay hindi ko nalang siya pinagtangkaan na patayin sa may tulay.

Kung alam ko lang na dahil doon ay mahihila niya ako at mapapasok ako sa kabaliwan na to! Dito sa lugar na na 'to, na hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

Pero alam ko kung saan ako sunod na mapupunta pagkatapos nito.

Paniguradong sa mental hospital ang diretso ko nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top