ON
Nagising na ako pero hindi ko pa rin dinidilat ang mata ko dahil sa sobrang pagod ko kaya hinayaan ko muna ang sarili ko ng nakapikit bago ko yinakap ng mas mahigpit si Yuhan.
Naramdaman kong bahagya akong tinulak nito kaya naman mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko hanggang sa bandang huli ay yinakap ako nito pabalik, hanggang sa maramdaman kong sinisiksik na niya ang ulo niya sa leeg ko habang yakap niya ako kaya naman bahagya akong napangiti, kahit kaylan talaga 'tong kapatid ko, kunware pa na ayaw niya sa akin.
T-Teka, bakit parang may abs si Yuhan?
Mabilis akong napadilat para tingnan siya, biglang nanlaki ang mata ko ng makita kong hindi si Yuhan ang kayakap ko.
"S-Sino ka?!" Sigaw ko sa mukha niya.
Nakita kong napadilat din yung lalaki pero antok na antok pa rin siya hanggang sa magising na siya ng tuluyan.
"E-Erised?!" Sigaw niya bago siya napalayo sa akin.
"Christian?!" Sigaw ko pabalik bago ako napatayo sa kinahihigaan ko.
"Bakit ka napunta dito sa kwarto ko?!" Tanong niya bago siya umupo rin, nahulog ang kumot kaya naman nakita ko yung katawan niya dahil wala siyang suot ng damit.
Napahawak ako sa bibig ko dahil nakita ko yung--oh lala-- Oo! Ang landi ko, hindi ko alam kung bakit ako nandito, ang alam ko ay si Yuhan ang katabi kong matulog doon sa condo ni Jack, papaano ako napunta dito sa kwarto ni Christian?!
"Bakit ka nandito? Hindi naman ako lasing kagabi ah?" Nagtatakhang tanong niya sa akin.
"Hindi ko rin alam kung bakit ako nandito." Pa-hysteriang sigaw ko, bigla na naman akong napatingin sa katawan niya.
"Hindi ka ba talaga nagsusuot ng damit kapag natutulog? Meron ka naman sigurong..."
Sabay kaming napatingin sa 'thing' niya, napahawak ako sa bibig ko dahil hindi siya agad nakasagot, ibig sabihin ba noon...
"Oy! Oy! Meron akong suot na boxer!" Dipensa niya bago siya tumayo sa kama kaya nakita kong naka-boxer nga siya pero bakit niya pinakita sa akin! Alam ba niyang manipis lang ang mga boxer at nakikita ko yung... NO!
Napatakip ako sa mata ko, oh my gosh, my innocent eyes, my innocent mind, my innocent soul.
"Wag mo ngang takpan yung mata mo na para bang hindi ka pa nakakakita nito." Reklamo niya sa akin habang nagsusuot siya ng pants pero hindi pa rin niya tinatakpan yung abs niya kaya naman pasimple kong tinitingnan yun-- well, you can't blame me! Kung kayo nasa sitwasyon ko paniguradong titingnan nyo din yun, duh.
Pero napatigil ang pagsulyap-sulyap ko sa katawan niya ng marealize kong wala sa tabi ko si Yuhan!
OMG!
Naiwan si Yuhan kila Jack! Papaano na si Mama ko? Nag-aalala na yun sa amin panigurado, pero teka... Di ba maikling oras lang naman akong nawawala dito?
"May cellphone ka ba?" Mabilis kong tanong kay Christian.
"Uhh, may tao pa bang walang cellphone ngayon?" Tanong niya sa akin pabalik bago niya hinagis sa akin ang cellphone niya, bago ko binuksan ang cellphone niya ay tiningnan ko ulit yung abs niya habang nagsusuot siya ng shirt bago ko binalik yung tingin ko sa cellphone niya.
"Password?" Tanong ko.
"Erised." Aniya kaya naman napataas ang kilay ko bago ko napatingin sa kanya dahil ang tinatanong ko ay password niya hindi pangalan ko.
"Ang sabi ko 'erised' ang password ng cellphone ko." Pag-uulit niya.
"Wag mo nga akong lokohin."
"Hindi ako nagbibiro, try mo man." Paghahamon niya sa akin kaya naman sinubukan ko iyon kahit alam kong hindi iyon magbubukas pero mabilis akong napanganga ng makita kong nagbukas nga iyon.
"Fuck!" Sigaw ko dahil nakita kong bumukas iyon, napatingin ako kay Christian pabalik, may kilala ba siyang Erised bukod sa akin? Well, fuck. Napaka-dalang ng pangalang Erised, iyon ay kung mayroon pang tao na Erised din ang pangalan bukod sa akin.
"Wag mo kong tingnan na ganyan na para bang ang weird ko." Sabi niya bago niya kinuha ang leather jacket na nakasabit sa kung saan at pumasok siya sa banyo.
"Don't tell me type mo ko?" Tanong ko sa kanya.
Bigla siyang sumilip mula sa banyo bago niya ako kinindatan kasabay ng pag-arte niyang binaril ako, napahawak tuloy akong bigla sa dibdib ko kung saan niya ako kunwareng binaril bago siya pumasok ulit sa banyo. Napailing nalang ako bago ko dinial ang-- wait, hindi ko kabisado ang number ni Mama.
Napakagat ako sa labi ko hanggang sa marealize kong kabisado ko ang number ni Jeanne kaya naman iyon nalang ang dinial ko.
"H-Hello?"
"Sino 'to?"
"Jeanne, ako 'to. Si Eris--"
"OH MY GAHD! SAAN KA NAPUNTA ERISED?! NO I MEAN NASAAN NA KAYO NI YUHAN?! SINASABI KO NA NGA BA KANINA PA KAYO NANDITO DAHIL KANINA PANG 7:00 PM NAG-UPDATE YUNG STORY-- WAIT, KUNG GANOON SAAN KAYO NATULOG?! OH MY GAHD! NAKAUWI KA NA BA? OH MY GAHDDD!! MAMAMATAY NA YATA AKO SA KABA AT HINDI AKO NAKATULOG BUONG GABI KAKAISIP SA'YO HUHUHU"
Bahagyang nakalayo sa akin ang cellphone ni Christian dahil sa sobrang lakas ng sigaw ni Jeanne, hindi ko tuloy marinig ng ayos pero isa lang ang alam ko, nag-aalala siya sa akin.
"Teka nga! Kalma lang Jeanne, let me explain." Pagpapakalma ko sa kanya.
"Ge, kalma na ko." Aniya.
"Hindi ko kasama si Yuhan--"
"WHAT?! HINDI MO KASAMA SI YUHAN?! IBIG SABIHIN NAIWAN SIYA DOON SA KABILANG MUNDO?! OH MY GAHD! PAPAANO KUNG HINDI KA NA MAKABALIK DOON--"
"KALMA NGA SABI!" Sigaw ko din pabalik sa kanya.
"Ge." Tipid na sagot niya.
"Hindi ko nakasama si Yuhan, teka. Ano nga ulit yung oras nung huling update?" Tanong ko sa kanya.
"7:00 pm."
"Anong oras na ba ngayon?"
"7:00 am."
"Ahh-- ANO?! 7:00 am na?! Ibig sabihin kagabi pa ako nandito?! Kagabi pa ako natutulog kasama sa iisang kama si Christian?!" Sigaw ko sa kanya kaya naman nakita kong sumilip ulit si Christian mula sa banyo bago napataas ang kilay niya sa akin.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya bago ko kinalma ang sarili ko.
"Teka, sino si Christian?! OMG! Ibig sabihin wala ka sa bahay nyo? Ibig sabihin hindi ka bumalik sa pwesto mo kung saan ka nawala?" Tanong sa akin ni Jeanne.
"Oo, shit! Papaano na ko nito? Papaano na kapag hinanap sa akin ni Mama si Yuhan?" Tanong ko sa kanya.
"Wait, kagabi tumawag sa akin yung mama mo, hinahanap ka niya sa akin, nung naisip ko palang na bigla kang nawala naisip kong napunta ka na doon sa alam mo na, sorry bes pero nagsinungaling ako sa mama mo, ang sabi ko nasa party tayo ng kaklase natin, surprise party, sabi ko uuwi ka rin naman, hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin, sorry talaga bes." Aniya.
"No, no, no, it's okay, it's not your fault Jeanne." Paliwanag ko sa kanya.
"Pero wag kang change topic masyado Erised, tinatanong ko kung sino si Christian."
"Si Christian yung nakilala kong lalaki kanina-- I mean kahapon lang, hinatid niya ako sa bahay, tapos ayun! Napunta ko kila Jack, tapos nasama ko si Yuhan tapos ayun nga! Dito ako nagising sa kwarto ni Christian."
"Wait, you mean nagising ka sa kwarto niya at OMG! Magkatabi kayo sa kama?!" Sigaw ni Jeanne kaya bahagya akong napalayo sa cellphone bago ko dinikit ulit ang tenga ko doon.
"Oo." Awkward na sabi ko.
"Cute ba siya?! OMG~! Gwapo ba siya? Baka naman mukha lang siyang tambay sa kanto ha?"
"Actually he's cute, my abs pa nga hihi."
"Kyaahh! Pero teka! Wala tayo sa tamang panahon para magtanungan ng abs, ang problemahin natin ay papaano mo sasabihin sa mama mo na nawawala si Yuhan?" Tanong niya sa akin.
"Teka, sinabi mo bang kasama ko si Yuhan?"
"Hindi yata, wala naman akong nabanggit." Sabi niya.
Napaisip ako ng idadahilan ko pero wala akong maisip hanggang sa biglang lumabas na si Christian sa banyo na mukhang nakapaghilamos na at nakapagtoothbrush na.
"Jeanne, patayin ko na 'tong tawag, bye." Sabi ko sa kanya bago ko pinatay na ang tawag at inabot ko kay Christian ang cellphone niya.
"Thanks." Tumango lang siya sa akin bago siya napatitig sa suot ko.
"You're still wearing your uniform." Aniya.
Napatingin ako sa damit ko, oo nga no? Parang hindi pa rin ako nagpapalit nitong nakaraan, bakit parang palagi nalang akong nakauniform at nakasuot ng leather jacket? Weird.
"Actually Christian, hindi ko talaga alam kung papaano ako napunta dito, but thank you kasi hindi mo ako nireport sa pulis, plus pinahiram mo pa ako ng phone mo. So... Thank you?" Awkward na sabi ko sa kanya.
"You're welcome, basta ikaw. Alam mo namang dito lang ako palagi sa'yo, kapag may kaylangan ka puntahan mo lang agad ako or tawagan mo lang ako. I'm your savior." He winked at me.
I rolled my eyes bago ko siya hinampas sa braso niya pero natawa lang siya.
"Oh siya, uuwi na ako. Salamat talaga." Sabi ko bago ako akmang lalabas na ng kwarto niya ng bigla niya akong hinawakan sa braso ko kaya naman napahinto ako bago ako napatingin sa kanya.
"Kumain ka muna dito." Awkward na sabi niya.
"Hindi na, kaylangan ko na talagang umuwi, paniguradong nag-aalala na yung mama ko."
"Kung ganoon, hatid na kita sa inyo." Sabi niya sa akin.
"Hindi na, nakakahiya na." Medyo pabebe pang sabi ko.
"S-Sige, sigurado ka?" Tanong niya sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa labas ng bahay niya at masasabi kong maganda yung bahay niya pero obvious na isang tao lang ang nakatira doon.
"Salamat ha?" Sabi ko ulit at tumango lang siya sa akin.
Papara na sana ako sa sasakyan ng bigla kong kinapa ang bulsa ko para kumuha sana ng pera doon pero napatigil ako bigla-- shit! Wala nga pala sa akin yung wallet ko.
Awkward akong napatingin kay Christian na nakatingin lang sa akin na para bang nagtataka siya sa kinikilos, awkward akong napangiti sa kanya bago ako kumurap-kurap pa para magpacute.
"Nakalimutan ko pala yung wallet ko, pwede bang ihatid mo ulit ako sa amin?" Nagpapacute na tanong ko sa kanya.
Nakita kong natawa siya dahil sa pagpapacute na ginagawa ko sa kanya.
"Sure." Nakangiting sabi niya sa akin bago kami nagtungong dalawa sa motor niyang nakaparado, inabot niya sa akin ulit ang isang helmet kaya naman mabilis ko iyong sinuot bago ako umangkas ulit sa kanya.
"Humawak ka ulit ng mabuti sa akin." Paalala niya.
Humawak ako sa baywang niya pero naramdaman kong bumibilis na naman ay takbo niya at kung hindi ako yayakap sa kanya ay baka mahulog ako kaya naman yinakap ko na siya ng mahigpit.
Narinig kong natatawa siya dahil natatakot na naman ako sa bilis niyang magdrive.
"Thanks." Sabi ko sa kanya ng makababa na ako sa kanyang motor.
"You're welcome... Nandyan ba yung mom mo?" Tanong niya.
"Yup, gusto mo siyang makita? Pasok ka muna..."
"Huwag na, mukhang ayaw sa akin ng Mom mo." Natatawang sabi niya sa akin. "By the way, mauna na ako. If you need me, just call me okay? Don't forget na savior mo ako." Tinapik niya ako sa braso ko kaya naman ng magkatama ang balat namin ay para akong bahagyang nawala sa sarili ko hanggang sa muli na siyang umalis at pinaandar ng mabilis ang motor.
Napahinga nalang ako ng malalim bago naglakad patungo sa bahay namin, napansin kong hindi ko mabuksan ang pinto kaya naman mabilis kong kinuha ang susi sa bulsa ko, nakakapagtaka kung bakit ako nagkaroon ng susi sa bulsa ko pero pinagpatuloy ko nalang ang pagbukas ko.
Nakakapagtaka dahil pagbuksan ko palang ng pinto ay biglang may umihip na malamig na hangin kaya naman napatingin ako sa buong paligid ko at napahinto ako ng makakita ako ng isang lalaking nakabeanie at may hawak na patalim.
"Holdap 'to."
Nagkatitigan kaming dalawa bago niya dahan-dahang binaba ang hawak niyang patalim.
"Saan ka ng galing?" Inosenteng tanong niya samantalang kanina ay tinututukan niya ako ng patalim.
"Hindi ko rin alam, bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanya at nagkibit balikat naman siya.
"Nanghoholdap lang ako dito, nang-aano ka eh." Sagot niya.
"Uhh, anong lugar 'to? Papasok lang ako sa bahay ko tapos bakit-- bakit ako napunta dito?!" Tumingin-tingin pa ulit ako sa paligid ko at nakita kong wala talagang tao dito, halos nasa tabi kami ng dagat at madilim sa lugar na 'to.
"Ako nga dapat nagtatanong niyan, sino ka ba!" Sigaw niya sa akin.
"Ako? Ako si Erised, ikaw sino ka?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, naka-all black siya at mukhang ready na siyang mangholdap talaga pero ang nakakapagtaka ay hindi ako natatakot sa hawak niyang kutsilyo.
"Ramon pangalan ko pero tawag sa akin ng mga co-holdaper ko ay Monie. Alyas lang."
"Monie?" Napatigil ako para mag-isip kung saan ko narinig ang pangalan na yun.
Hanggang sa unti-unting nalaglag ang panga ko.
"NANDITO NA NAMAN AKO?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top