IS

"Woah, kamukha nga niya!"

"Sheez! Siya ba yung baliw na babae sa story ni Jack Anthony?"

"Of course she's not! But you know what, they're both crazy."

"Shh! You're too loud! Baka marinig ka niyan at matagpuan ka nalang naming lumulutang sa ilog pasig."

"Yeah, she's a war freak! Wag kang maingay."

"What's her name again?"

"Erised del Valle."

"Oh my god! Magkamukha sila ng pangalan nung author!"

"Yeah, pero paniguradong hindi siya iyon! She's stupid you know."

"Sabagay, nasa mukha naman niya na tatanga-tanga siya."

Napatigil ako sa paglalakad ko at napatingin sa isang kumpulan ng mga babae na di kalayuan sa akin. Tiningnan ko sila mula ulo hanggang paa bago ko silang binigyan ng nakakatakot ng tingin.

Nakita kong nanlaki ang mata nilang lahat bago nag-iwas ng tingin sa akin.

I sighed. Kanina ko pa pinipigilan ang inis ko sa kanila pero patuloy sila sa pag-uusap nila ng mga walang katuturang bagay.

"Wag nyo nga akong pagusapan kapag nakatalikod ako, sabihin nyo yan ng harapan, mga duwag." Inis na sabi ko sa kanila.

"Kapag narinig ko ulit na pinag-uusapan niyo ako, hindi lang paglutang ng katawan nyo sa ilog pasig ang sasapitin nyo." Mataray na na sabi ko sa kanila bago ko sila talikuran.

"Totoo naman di ba?!" Napatigil ako sa paglalakad ko dahil umaapila pa ang isang gaga.

"Ilang beses ka ng nagbalik-balik sa pagiging Grade 12 kahit ang totoo niyan ay matandang gurang ka na--" I cut her off sa pamamagitan ng pagsipa sa kanya.

Agad siyang napaupo sa sahig dahil sa ginawa ko sa kanya. Narinig kong napasigaw ang mga kasamahan niya dahil sa gulat.

Napakunot ang noo ko ng may marealize akong isang bagay.

"Woah! Sorry, hindi agad kita nakilala. You're one of the hoes of Justin Castillo, right?" Taas noo kong tanong sa kanya.

Nakita kong nagulat siya dahil sa sinabi ko.

"Sheez, hindi ko alam na nawalan na pala ng taste si Justin. Kaya siguro iniwan niya ako but anyways, it's my pleasure na iniwan niya ako 'cause I don't deserve a jerk like him. A hoe and a jerk fits perfectly together, but the thing is... meron siyang mahigit isang daang babae and you're just one of them." Nang-iinsulto kong sabi sa kanya.

"Sumusobra ka na!" Sigaw ng isang kasamahan niya at akmang sasabunutan ako pero nahawakan ko agad ang kamay niya.

"Gusto mo bang mamatay?" Tanong ko sa kanya bago ko tinaas ang isang kilay ko.

"ARRRRRGGGGGGHHHH!" Sigaw niya sa akin, hindi ako nagpatinag sa sigaw niya. I'm not scared.

Nang maramdaman kong may isa sa mga kasamahan niya ang titira sa akin sa likod ay agad ko iyong sinangga. Someone in my left grab my hair but when I kick her ass ay napabitaw siya.

Pinaikutan ako ng halos sampong babae, siguro hindi sila takot na mabali ang mga magagandang kuko nila. Mas matatangkad sila sa akin, pero ano ngayon?

I dodged the first punch at sinipa ko sa tiyan ang isa. I gave them my hardest punches and kicks, I usually do punches kasi alam kong mas masasaktan sila dito. Sanay akong makipag-away kung iyon ang tanong niyo, madalas akong masangkot sa gulo kahit pilit kong iniiwasan iyon.

I stopped when someone grabbed my neck, what the fuck?! I almost choke mabuti nalang at medyo mabilis ako. I gave her an upper cut that caused her to passed out.

"One down." I whispered.

Nang may makita akong may susuntok sa akin mula sa gilid ko ay agad kong hinila ang buhok ng isa sa mga kasamahan niya para maiharang ko ang mukha niya sa paparating na suntok ng kasamahan niya.

Napanganga ang sumuntok ng makita niyang tumabingi ang ilong ng kaibigan niya, maski ako ay nagulat dahil sa nangyari pero hindi mapigilan ang ngiti ko dahil sa reaksyon niya.

Magkano kaya magagastos nila sa pampaayos ng mukha?

"Oh my gosh..." Hinawakan niyang ilong niya at nakita niya ang dugo sa kamay niya and then boom! She passed out.

"Two down." I whispered.

Nang mapatingin sa akin ang babaeng sumuntok sa kaniyang kaibigan ay agad kong inapakan ang paa niya bago pa niya ako masaktan, I smacked her face continuously and when I saw a coming punch on my peripheral vision I dodge it pagkatapos ay pinag-untog ko silang dalawa.

"Sleep well." Bulong ko sa kanila ng makita kong nahimatay ang dalawang iyon.

Nang halos sabay-sabay silang umatake ay umiwas lang ako, hanggang sa sila-sila nalang din ang nag-away dahil sa kani-kanila lang din tumatama ang bawat atake nila.

Dahan-dahan akong umalis sa away nila, pagkatapos ay pinanuod ko silang nagkakasakitan. Look at these bitches.

Nang makita ko ang paparating na Principal ng school kasamahan ang mga Student Council ay agad akong nagtatakbo.

Pero wala akong makitang daan kung saan hindi nila ako makikita kaya naman natago muna ako sa malaking puno.

Maingat akong sumilip sa rambol ng mga babaeng iyon, nahuli sila ng Principal. Oh sinong bobo ngayon?

"Pst!" Agad akong napatingin sa isang lalaking nakaleather jacket na black. Nang tingnan ko lang siya ay agad siyang lumapit sa akin.

He grabbed my arms pero sinipa ko siya sa kayamanan niya.

"Aray--" Agad kong tinakpan ang bibig niya para hindi siya makagawa ng kahit anong ingay.

Nang sumenyas siya sa akin na hindi na siya ulit magsasalita kaya naman binitawan ko na ang bibig niya.

"I'm just going to help you to get out of here." He mouthed.

"May tao ba dito?" Rinig kong tanong ng isang student council. Fuck!

"Let's go." Aniya bago ako hilahin, nagmamadali kaming lumapit sa isang motorbike. Ang ganda nito!

"Suotin mo yan." Inabot niya sa akin ang isang helmet.

"How about you?" I asked him.

"Of course, I have another one." Aniya bago kinuha iyong isa pang helmet. Agad kong sinuot iyon at umangkas sa kanya.

"Let's go!" He said before he drives his bike faster than I thought. Napakapit ako ng mahigpit sa kaniya. Who ever he is, I don't care. I don't really care if he's a bad person kasi mukha siyang gangster or they so called jejemon sa kanto. Tinulungan niya ako so... we're okay.

"Saan yung bahay niyo?" Tanong niya sa akin.

Pareho kaming nakasuot ng leather jacket, I always wear this jacket because it's my style and I guess ganto rin ang style niya.

"Diretso ka lang diyan tapos kaliwa tapos diretso lang ulit pagdating sa may tapat ng malaking bahay kumanan ka tapos ayon na yung bahay namin." Paliwanag ko.

"Alright!" He said before he make it more faster. Napasigaw ako sa tulin noon.

Nang makatapat na kami sa bahay ko ay halos magkandabuhol-buhol na ang buhok ko kaya hindi ko mai-alis ng ayos ang helmet. Kaya naman tinulungan niya akong tanggalin iyo.

"Thanks for the ride." Sabi ko bago ko siya tinalikuran para makapasok sa bahay namin.

"Wait!" Napatigil ako at napalingon sa kanya, tinaas ko ang isang kilay ko para maipakitang naghahantay ako sa idudogtong niya.

"By the way, napanuod kita habang nakikipag-away sa mga babae." Aniya.

Napatagilid ang ulo ko sa sinabi niya. "At hindi mo man lang ako tinulungan?" Tanong ko.

"Kasi mukhang hindi mo naman kaylangan ng tulong." Nangangapa niyang sagot.

Napangisi ako dahil sa sinabi niya, lumapit ako sa kaniya at sinapak ko ang braso niya.

"I like you." Diretsong sabi ko sa kanya habang natatawa.

Nakita kong napaiwas siya ng tingin sa akin habang nakangiti, mas lalo siyang gumagwapo kapag nakangiti siya.

"Don't get me wrong." Mabilis na sabi ko sa kanya, napatingin siya sa akin at agad niyang pinunasan ang kamay niya sa leather jacket niya ay naglahad ng kamay sa akin.

"By the way, I'm Christian but you can call me babe." He winked at me and I rolled my eyes at him.

"Akala ko mahiyain ka, mali pala ako. You're a jerk." Pangri-realtalk ko sa kaniya bago ko tiningnan ulit ang kamay niyang nakaiwan sa ere.

"Hindi ba pwedeng ilagay nalang yung kamay mo para makapagshakehands na tayo? I want to introduce myself properly, can you please cooperate?" Inis na tanong niya sa akin.

"Woah! Look at this jerk." Sabi ko bago ko tinaggap ang kamay niya para makipag-handshake.

"I'm Eris, Erised del Valle. I don't care who you are but thanks for the ride, I wished we don't see each other again. Bye!" Sabi ko sa kaniya bago ako nagtatakbo papasok sa gate namin.

"See you tomorrow!" Sigaw niya sa akin.

Papasok na sana ako sa bahay ng biglang lumabas doon si Mama at si Yuhan.

"Who's that?" Napatingin ako kay Christian na hindi pa rin pala umaalis.

"Hey Christian! This is my mom and my little brother." Pakilala ko sa kanya, sinuot ni Christian ang helmet niya at kumaway sa amin.

"Yo Erised's Mom and Erised's lil bro! Nice to meet ya! Bye!" Sigaw niya bago pinaandar ng mabilis ang bike niya.

I waved at him hanggang sa makalayo na siya. Papasok na sana ako ng bahay ng bigla akong hampasin ni mama ng malakas sa braso.

"OUCH!" Napasigaw ako hindi dahil sa lakas doon kundi dahil may pasa yata ako dun.

"Bakit ang aga ng uwi mo? Nagcutting ka na naman? Para ano ha?! Para makipagdate lang sa walang galang na lalaking 'yon?!" Galit na sabi ni Mama sa akin.

"Anong date-date ka dyang ma! Ngayon ko nga lang nakilala yung lalaking iyon-- ARAY!" Napasigaw ako ng hinampas na naman ako ni Mama sa braso.

"Ngayon mo lang pala nakilala eh bakit sumasama ka agad?! Hindi mo ba nakita? Mukha siyang intsik na tambay sa kanto!" Giit ni Mama. Napanguso ako sa sinabi niya.

"He's cute ma-- ARAY NAMAN!" Binatukan naa naman ako ng mama ko.

"Cute-cute ka dyan! Malay mo ba kung sino yun ha! Oo gwapo nga pero malay mo kung anong gawin sa iyo noon! Hindi ka na nagtanda kay Justin tapos gaganyan ka pa! Hay nako Erised mapapatay mo ko ng maaga!" Napangiti ako dahil sa sinabi niya, yinakap ko siya noong nakapasok ng kami sa loob ng bahay.

"Oh bakit yumayakap-yakap ka ngayon ha? May ginawa ka na naman bang kalokohan?" Tanong niya sa akin.

"Lagi naman po akong gumagawang kalokohan ma, wala ng bago dun." Sabi ko habang nakayakap pa rin.

"You're so dramatic Ate." Napatingin ako kay Yuhan na nasa gilid lang, nag-middle finger ako sa kanya at ganoon din naman siya sa akin, pero mabilis din naming binaba iyon bago pa makita ni Mama.

Iniwan kami ni Papa kasi hindi na yata niya kami maatim, he's abusing us. Kapag umuuwi siyang lasing ay lagi niyang binubugbog si Mama maski ako. Mabuti nalang at sanggol pa si Yuhan noon kaya hindi niya naidadamay sa galit si Yuhan.

Pero isang araw ng muntik na niyang mabagsakan si Yuhan ay iyon na ang araw na lumaban si Mama. Paminsan-minsan ay lumalaban si Mama kay Papa tuwing ako ang sinasaktan si Papa, laging sinasabi ni Mama na siya nalang daw at tigilan na ako pero laging ako ang napagdidiskitahan ni Papa.

Nang tinutukan siya ng kutsilyo ni Mama dahil dumugo ang labi ko sa pagkakahampas ni Papa sa akin ay iyon na ang araw na iniwan niya kami. Umalis siya sa bahay, hindi na siya pwedeng bumalik sa bahay na ito dahil pag mamay-ari ito ng mga magulang ni Mama.

At ang huling balita ko kay Papa ay may iba na itong kinakasama at yung bago niyang kinakasama ay matagal na pala niyang kabit simula pa nung ikinasal sila ni Mama.

After that I used to defend myself and my family, pinangako ko sa sarili ko na ipagtatanggol ko si Mama at si Yuhan kahit ano man ang mangyari at hindi ko hahayaan na may mawala pa sa amin.

Pero ang pagdipensa ko sa sarili ko ay naabuso lalo na kapag may naririnig akong mga taong walang ibang ginawa kundi pag-usapan ang may buhay ng may buhay. Nakakainis!

"Ano na naman ba 'yang ginawa mo Eris?" Tanong ni Mommy. Umiling ako habang nakayakap pa rin ako.

"Tinuruan ko lang ng leksyon yung mga mukhang kuko sa school namin, hindi naman ako nakapatay ma! Kaya ayos lang 'yan." Sabi ko.

Inalis ni Mama ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap niya ako.

"Hihintayin mo pa ba na makapatay ka pa Eris? Tigilan mo na 'yan." Sabi ni Mama sa akin.

"Hindi naman ako nahuli ng Principal ma." Sabi ko sa kanya, tiningnan niya ako kaya naman napabuntong hininga ako.

"Fine ma! Susubukan ko ng hindi ako makipag-away, happy?" Sarcastic kong tanong.

Agad niya akong hinampas na naman kaya napasigaw ulit ako sa sakit. No matter how brave I am takot pa rin talaga ako sa mama ko.

"Yuhan! Wag mong tutularan ang ate mo ha?" Bilin ni Mama kay Yuhan kaya natawa ako ng makita kong mapangiwi si Yuhan.

"Don't worry ma, hindi ko tutuluran yan." Aniya. Napailing nalang ako dahil sa sinabi ni Yuhan. I'm not that bad person.

Pumanik ako sa taas at pumasok sa kwarto ko, agad akong humiga sa kama kahit hindi pa ako nagbibihis. I saw Jeanne's text.

From: Jeanne Lantod

You update it or nah? There's another update, 3 hours ago.

Agad akong napaupo sa kama at nagmamadali kong chineck ang wattpad ko and then I saw it!

Pinindot ko ang bagong update, kabang kaba ako habang nagloloading iyon. Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakabahan pero ayaw nitong magbukas.

Pumasok si Yuhan sa kwarto ko at napatingin ako sa kanya.

"Ate, what are you doing?" Tanong niya sa akin habang papalapit. Napatingin ako sa cellphone ko ng maramdaman ko ulit yung usually kong nararamdaman kapag alam kong mawawala na ako. Imbis na sa cellphone ako matingin ay sa kamay ako napatitig, nakita kong unti-unting nawawala ito.

"Ate..." Tawag sa akin ni Yuhan habang nakatingin siya sa kamay kong unti-unting nawawala.

Natataranta na ako, papaano kapag makita ako ni Yuhan na bigla akong mawala?!

"ATE!" Aniya at kumapit sa kamay ko, agad nanlaki ang mata ko ng makita kong nasa ibang lugar na kami.

Nakita kong napakapit sa binti ko si Yuhan ng makita niyang nasa gitna kami ng high way. Tila malalim na ang gabi sa mga oras na to.

"Ate! Ate! Bakit tayo nandito?!" Natatarantang sigaw ni Yuhan, napayakap ako kay Yuhan ng biglang may mabilis na kotse ang sasalubong sa amin pero agad iyong huminto pagkatapos ay bumusina iyon ng bumusina.

Bumukas nag bintana noon at agad may lumipad na middle finger sa ere.

"Kung balak nyong magpakamatay magsaksak nalang kayo! Hindi yong mandadamay pa kayo ng ibang tao!" Sigaw ng driver na iyon.

Napairap ako bago ko binuhat si Yuhan at maingat akong tumawid sa high way, kung ako lang mag-isa ang nandito ay baka nasapak ko na ang driver na iyon pero dahil kasama ko si Yuhan ay kaylangan kong maging mabait at maingat.

Nang makapunta na kami sa gilid ay binaba ko na si Yuhan.

"Nasan tayo Ate?" Tanong niya sa akin.

"Hindi ko din alam Yuhan." Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang kaba ko. Nadala ko yung kapatid ko dito! DAMN!

Umupo kami sa isang bench malapit sa kalsada, napatingin ako sa relo ako at 11:35 na ng gabi ngayon dito sa lugar na kung saan man kami naririto.

"Ate nagugutom na ako." Sabi ni Yuhan sa akin.

Napatingin ako sa kalsada, nasan na ba kami? Ano ng gagawin ko? Kapag hindi pa kami makakain ni Yuhan ay baka mamatay kami sa gutom!

"Hahanap ako ng paraan." Sabi ko bago ako tumayo.

Pero anong klaseng paraan naman ang gagawin ko? Napabuntong hininga nalang ako, ang hirap pang magkikilos ngayon dahil bugbog pa rin ang katawan ko dahil sa mga impokritang babae.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko si Jack.

"Tara Yuhan! Umalis na tayo dito! May hahanapin tayong tao." Sabi ko sa kanya.

"Pero nanghihina na ako ate! Hindi ako naglunch kanina kasi ayoko ng ulam na niluto ni Mama kaya hindi pa ako kumakain kanina pa." Napabuntong hininga ako dahil sa kaniya.

Umupo ako sa tapat niya.

"Piggyback ride." Sabi ko.

Nang maramdaman kong hindi pa siya sumasakay ay agad ko siyang tiningnan.

"Bilisan mo Yuhan bago pa magbago ang isip ko at paglakarin kita hanggang mamaya!" Inis na sabi ko sa kaniya.

Kaya naman sumakay siya likuran ko, naglakad ako para makahanap ng mga tao para sana pagtanungan kung saan ang High Tower. Iyon kasi ang lugar na ginawa ko para maging tirahan ni Jack.

Pero walang nagdadaang tao, gabi na kasi.

Kaya naman naghantay nalang ako ng taxi, nang may dumaan doon ay agad ko iyong pinara, huminto iyon sa tapat namin kaya agad akong pumasok doon kahit wala akong dalang pera.

"Dalin nyo po ako sa High Tower." Sabi ko sa driver.

"HA?" Tanong ni Manong sa akin.

"B-Bakit? Wala po bang High Tower dito?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi sa ganoon hija, pero kasi iyang nasa likuran mo, iyan na yung high tower." Ani Manong.

Agad nalaglag ang panga ko at napatingin sa likuran ko. Kamukhang-kamukha siya ng nasa imahinasyon ko.

"Ganoon po, pasensya na manong! Sige po salamat!" Agad kong binuhat ulit si Yuhan at naglakad ako patungo roon.

Habang papasok ako at tinitingnan ako ng guard, sino ba naman kasing tao ang maglalakad sa isang sikat na hotel na nakaschool uniform na may suot na leather jacket na may buhat-buhat na batang natutulog.

"Excuse me, saan po yung kwarto ni Jack Anthony Cole? 123 0 321? Hindi ko na kasi matandaan kung alin sa dalawa." Tanong ko sa babaeng nasa front desk.

"I'm sorry miss but we don't give a private information for security of the person." Magalang na sabi ng babae.

"Pero kilala ako noon! Sabihin mo, Erised kamo, Erised del Valle." Sabi ko sa babaeng nandoon.

Halatang nawe-weirdohan sa sa akin ang babae dahil nagsenyasan pa siya ng kasamahan niya.

"I'm sorry ma'am pero hindi po talaga pwede." Sabi nito sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at napatingin sa buong paligid, kung puntahan ko nalang kaya ang 123 o 321? Pero papaano kung 213 o 132 o 231 o 312 o kung ano pa man?! Nakakainis! Bakit ba kasi hindi ko matandaan!?

Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang isang pamilyar na lalaki sa imahinasyon ko.

"Jay Dope!" Sigaw ko, agad napatingin sa akin ang ibang tao pero ang taong tinatawag ko ay hindi man lang lumingon sa akin.

"JAYSON DOPE!" Sigaw ko kaya naman napalingon siya sa akin, napalingap siya sa buong paligid at napaturo pa siya sa sarili niya.

"May iba ka pa bang Jayson Dope na kilala?" Tanong ko sa kanya. Napangisi siya at dahang-dahang lumapit sa akin.

"How did you know my name?" Tanong nito sa akin.

"Basta alam ko lang. Anyway, can you do me a favor?" Napatingin siya sa akin mula ulo hanggang paa.

"By any chance, are you Erised del Valle?" Napakunot ang noo ko, papano niya ako nakilala. Bigla niyang kinuha ang ID ko at tiningnan ang nakasulat doon.

"Ikaw nga." Nakangising sabi niya bago ako tiningnan ng nakakaloko.

"Finally, I met you Erised." He said.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top