HAVE

"Jack..." I whispered while staring blankly on my laptop.

"Should I kill you?" Nanginig ang aking boses habang sinasambit ko iyon. Maybe I look stupid for talking to my laptop, sino ba naman kasing tanga ang kakausapin ang kanyang laptop?

Well I'm not tallking to my laptop, I'm talking to Jack Anthony. The fictional character I made for almost two years because of my boyfriend, no...

I mean ex-boyfriend.

Napayakap ako sa aking tuhod kasabay ng biglaang paghagulgul ko dahil sa pag-agos ng mga alaala sa aking utak, damn!

Sunod-sunod ang paglabas ng luha sa mga mata ko at hindi ko alam kung papaano ko iyon pipigilan sa kanilang paglabas. What now Eris? Why are you crying over that jerk again?

Nang mahimasmasan ako sa kakaisip sa mga nangyari kahapon ay agad kong pinunasan ang mga natitirang luha sa mata ko.

Dapat ay tapusin ko na ang istoryang ito!

Tutal naman ay iniwan na ako ng dahilan ng pagsulat ko nito kaya dapat mawala na din ang lintek ng istorya na to sa buhay ko! Kung hindi ay baka paulit-ulit ko lang itong basahin.

Mas lalo lang akong masasaktan...

Paulit-ulit na masasaktan...

Dapat talaga ay tapusin ko na 'to. Right. Now.

Huminga ako ng malalim habang pinipigilan ko ang sarili kong maiyak muli, pumikit ako at sinubukang magtipa sa aking laptop but I can't! Hindi ko kaya! Damn it!

Napasabunot ako sa buhok ko at napapikit ng mariin, how can I write a story when I'm not okay? I'm physically and mentally drain. So tell me! How can I write? Gosh! Mababaliw na yata ako!

Napahiga ako sa aking kama at napatulala sa kisame ng aking kwarto.

Jack Anthony... You're a descendant of that jerk! You should be dead meat right now because of hurting my feelings.

Napahampas ako sa aking noo at napapikit ng mariin. "No, no, no! Shut up Erised! That jerk is the one who hurt you not Jack!"

Napaupo akong muli at napatingin sa aking laptop.

But I made Jack like my ex-boyfriend, pareho lang silang dalawa!

Huminga ako ng malalim at nagtipang muli sa aking laptop, papatayin ko nalang siya. I will make it a tragic love story like what happen to my relationship with that jeck.

"I will end my life here, I'm sorry Erika..." I said it while typing that line.

Napatigil akong saglit, I feel sorry for Jack.

After an almost two years writing his story make me feel that I'm going to kill him for nothing.

But I need to do this, para sa ikatatahimik ko.

I keep on rereading this story because it reminds me of our love story.

Pumikit ako ng mariin at umiling ng umiling, sinampal-sampal ko pa ang aking pisngi para matauhan ako.

"He's just a fictional character, Erised! Come on! End this now!" Pangaral ko sa aking sarili. Bakit ba hindi ko siya magawang patayin?

Napabuntong hininga ako at napakamot sa aking ulo, ano nga ulit ang gagawin ko sa story ko?

Ahh! Magpapakamatay nga pala si Jack, tatalon siya sa tulay at doon na magtatapos yung buhay niya habang si Erika pagdating niya sa tulay hindi na niya maabutan ng buhay si Jack dahil mahuhulog na ito, ganoon nga pala!

Bumibigat ng bumibigat ang nararamdaman ko habang tinitipa ko ang mga sunod na mangyayari, hindi ba ay masyado naman 'tong brutal? Kung patayin ko nalang kaya si Jack dahil sa sakit na matagal na pala niyang inililihim?

Kaso mas mahihirapan akong ipaliwanag yun. I should kill him by jumping on the bridge, that would be the best way. I guess?

Nang matapos ko na ang istorya ay napatingin ako sa orasan, I'm writing it over one and a half hours huh?

Napailing ako habang tinitipa ko ang salitang 'The End' sa aking laptop. Ginawa ko iyong bold and italic pagkatapos ay napatulala akong muli.

How come that it will end up like this?

After an almost two years, Eris! Seriously?!

Napabuntong hininga na naman ako, hindi ko na halos mabilang kung nakailang beses na akong nakapagbuntong hininga sa gabing ito.

I'm pretty sure na halos lahat ng readers ko ay mababaliw because of that sudden tragic ending. Out of nowhere ay nagka-ending, out of nowhere ay biglang tatapusin, parang yung relasyon naming dalawa ng ex-boyfriend ko, out of nowhere bigla nalang natapos.

Napatingin ako sa aking tukador kung saan may malaking salamin na kitang-kita ang kabuoan ng aking mukha.

"What happen to you Erised del Valle?" I asked myself.

"You look like a mess." I whispered while I'm looking on my face. Magulo at buhol-buhol na buhok, mga tagyawat na nagkakagulo, isang matingkad na itim sa ilalim ng aking mata, and fuck! My eyes were bloodshot.

"You're not the Erised I know, you're different from it. Hindi na ikaw yan." I told myself.

Seriously, nababaliw na ba ako? Bakit ko kinakausap ang aking sarili? Should I go to the mental hospital now? Ano ang sasabihin ko doon? Na nabaliw ako dahil sa ex-boyfriend ko?! NO WAY!

Agad akong nainis dahil sa biglang pagsingit ng ex-boyfriend ko sa aking utak, mabilis ko tuloy hinagilap ang mouse para mapindot ko agad ang publish.

Pero ng mapindot ko iyon ay napatigil ako.

"Bakit ayaw mapublish?" Pinindot ko ulit ng isang beses ang right click pero ayaw pa din itong gumana, medyo nataranta pa ako kaya sunod-sunod ang pagpindot ko pero ayaw talaga.

"What the hell?!" Sigaw ko habang patuloy sa pagpindot.

Sinubukan kong pindutin ang new tab pero napindot naman iyon. Anong nangyayari? Naghahang ba yung laptop ko dahil matagal na ito? Kaylangan ko na bang magpalit ng laptop? Err, wala nga ala akong pera.

Binura ko yung new tab na ginawa ko para mapunta ulit ako sa wattpad pero hindi pa din ito nagpapublish.

I tried it once again pero ayaw na naman, nagloloko ba ang wattpad?

Tss, pati ba naman ang wattpad nagloloko na din? Wala na bang matitirang hindi nagloloko ngayon?

I rolled my eyes because of my thoughts, I'm so bitter about my ex-boyfriend. I should stop thinking about him, papaano ko siya makakalimutan kung puro siya ang nasa isip ko? The fuck!

I tried to scroll down the drafts pero napatigil ako.

Nanlaki ang aking mata dahil sa bigla nalang nabura ang mga sinulat ko, what the hell, what the hell, WHAT THE HELL?!!

Sinubukan kong magpipindot kung saan-saan para matigil ang pagbura ng mga sinulat ko pero wala iyong talab. Pinagpipindot ko lahat ng nasa keyboard pero walang nadadagdag na letra sa mga drafts sa halip ay nabubura lang ang mga ito.

Napatulala ako habang nakanganga at pinagmamasdan ko lamang ang pinaghirapan kong isulat sa loob ng isa at kalahating oras na unti-unting nabubura.

Nang tumigil ang pagbubura ng mga letra ay agad na naman akong nataranta.

"Kung bibitawan ko ang pagkakakapit ko dito sa bakal ay mahuhulog ako sa tulay na siyang magiging sanhi ng aking pagkamatay..." Pagbasa ko sa huling mga salita na hindi nabura.

Bakit dito natigil ang pagbura?

Napakunot ang noo ko dahil sa mga kung ano-anong bagay na naiisip ko. Weird. Anong nangyayari sa wattpad?

Habang nag-iisip ako ay bigla akong napasigaw.

"Shit, shit, shit, shit, shit!" Paulit-ulit kong sambit habang napapaurong ako. Nakita kong kusang may nadadagdag na letra sa mga sinulat ko at di lang iyon! Tagalog ang mga salita!

Napahawak ako sa bibig dahil sa sobrang pagkalito, I'm having a mixed emotions right now! Kaba, takot, pagtataka at kung ano-ano pa!

Biglang bumagsak ang aking kamay kasabay ng pagbagsak ng aking balikat, para bang nanghina ako at naubusan ng dugo dahil sa nabasa ko.

"Pero hindi ko hahayaan na magtapos dito ang buhay ko..." And that was the fucking story said!

No... that was Jack Anthony said.

Agad kong sinara ang aking laptop at hinawakan ang aking dibdib para pakiramdaman kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko. Naghahallucinate lang ako di ba?

Tiningnan kong mabuti ang aking laptop, hinahabol ko ang aking hininga dahil sa sobrang pagkabilis ng tibok ng puso ko. Para bang tumakbo ng mga isang daang kilometro ng tuloy-tuloy.

Nanginginig ang kamay ko habang binubuksan kong muli ang aking laptop. I was shocked when I saw another line on it. I thought my heart beat stop for awhile.

"Lalaban ako." Iyon ang nakasulat sa panibagong linya na nagdagdag.

And the last time I saw it was published on it's own before everything went black.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top