EVER

"ERRRIIIISSSSSSSSS!!" Napahawak ako sa tenga ko dahil sa pagsalubong sa akin ni Jeanne

"What?!" Sigaw ko kanya. Pakiramdam ko ay mawawala na ako sa sarili ko tapos bigla pa siyang sumigaw ng ganoon.

Hindi ko nga alam kung panaginip ba ang lahat ng iyon o totoong nangyari!

Gosh! I'm must be crazy to think that it's actually happened! Ganto ba talaga ang nangyayari kapag broken hearted ka? Mapapasok ka sa isang pangyayari na para talagang totoong nangyayari!

"Thank youu!" Bigla nalang nya akong niyakap kaya mabilis ko siyang tinulak dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga sa higpit ng kaniyang yakap.

"Thank you for what?" I curiously asked while I'm trying to fixed my hair that she ruined.

"For writing my name in your story!" Nakangising sabi nya bago nya ako yakapin ulit.

"Huh?" I pushed her gently so I can look at her face.

"Di ba sinama mo ko dun sa story? Noong muntik ng mahulog si Bebe Jack sa tulay tapos biglang may nagligtas sa kanyang girl, kakilala ako nung girl di ba? Pati si Keira kilala din noong babae." Nakangiti nyang sabi.

Agad nanlaki ang mata ko ng maaalala kong isinigaw ko nga ang pangalan nila ni Keira ng mga oras na yun.

"Sino yung girl bes? Antagonist ba siya o side character lang? Spoil mo ko bilis!" Excited nyang sabi sa akin.

While me? I don't know what to say! There's a lot of questions in my mind right now. Pero wala ni isa sa mga iyon ang kaya kong sagutin.

"H-How did y-you know?" Nanginginig ang aking boses habang sinasabi ko iyon, ayaw magsink in sa utak ko ang mga nangyayari. I-I thought... I w-was just... Dreaming.

"Ha? Ang weird mo Eris, you just posted it on wattpad about 7 hours ago. It's 1:00 pm already, mga 6:00 am mo lang inupload nakalimutan mo na agad?!" Nagtatakhang tanong ni Jeanne sa akin.

About 6:00 am? That was the moment I finally saw myself inside my room. Nakatulog ba talaga ako kagabi or I'm on... Fuck! I'm getting out of my mind!

"E-Eris! Ano ba! Ang weird mo!" Para bang napapansin na ni Jeanne na natataranta na ako.

"Let's make sure." Sabi ko at agad kong binuksan ang cellphone ko, agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang notification ko sa wattpad nag-update nga ako kanina.

"Oh my gosh!" Napahawak ako sa bibig ko habang binabasa ang mga nasa bagong chapter, nandoon lahat ng nangyari sa panaginip ko.

Panaginip nga lang ba ang lahat o may iba pang tamang explanation dito?

I did not write that fucking scene! Papaano nag-update yan?!

Is there someone out there who is continuing my story?

Pero papaano naman yung nangyari kagabi? How can I explain that?

"Aahhhh shit shit shit!" Sigaw ko habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

"Hey! Ano bang ginagawa mo Eris!" Natatarantang sabi ni Jeanne habang pinipigilan nya ako sa aking ginagawa.

"Pupunta na ba akong mental hospital bes?" Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Bakit?" Nagtatakhang tanong nya sa akin.

Napatingin ako sa buong paligid at nakita kong medyo maraming tao dito.

"Tara sa banyo." Sabi ko bago ko siya hilahin patungo sa pinakamalapit na public CR dito sa aming paaralan.

"What is it?" Tanong niya sa akin ng makapasok na kami.

Tiningnan ko kung may ibang tao pa ba sa loob ng public CR na ito ngunit wala. Mabuti nalang!

Agad kong nilock ang pinto at sumandal ako doon.

"Jeanne, nababaliw na talaga ako!" Naiiyak ko na namang sabi.

"Bakit nga?" Hinawakan niya ang aking braso pero tinabig ko iyon agad.

"Kagabi, nakita ko si Jack at Erika." Napayuko ako dahil naalala ko pa rin ang mga nangyari.

"E-Eh?!" Tila ayaw magsink in sa kanya iyon.

"Nakita ko sila, nahawakan ko sila, nakausap ko sila." Napahawak ako sa magkabilang pisngi ko dahil sa sobrang pagkataranta tsaka ko ito pinaghahampas ng paulit-ulit.

"Baka naman nanaginip ka lang?" Tanong niya sa akin na medyo natatawa na.

"Hindi! Kagabi nakaupo ako sa tapat ng laptop ko at nakita kong kusa iyong nagtatype kaya naman nataranta ako pero ang kinabigla ko ng biglang may humila sa akin papasok sa loob noon at napasok nalang ako bigla tapos nakita ko nalang yung sarili ko na inililigtas si Jack! Isn't it crazy?!" I almost shout in frustration.

Di ko alam kung bakit ako napu-frustrate

"You mean ikaw yung hindi kilalang babae doon sa bridge na in-update mo kaninang umaga?" Nagtatakhang tanong niya.

"Exactly!" Napapitik ako ng matumpak niya ang sinasabi ko.

"Ahh, okay! Isasali mo yung sarili mo dun sa story? Pinaplano mo bang gawing fantasy yung story mo?" Nagtatakhang na naman nyang tanong.

Napabuntong hininga nalang ako sa kawalan, I guess walang maniniwala sa akin.

Because that's crazy! That's freaking crazy! That's insane! Oh gosh.

"Tara pasok na tayo sa room?" Walang ganang sabi ko.

"Let's go." Aniya bago ako hinawakan sa aking braso para mas mabilis ang aming paglakad.

Nang matapos ang araw na iyon ay umuwi agad ako sa bahay, nang makatungtong ako sa bahay namin ay biglang tumunog ang cellphone ko hudyat ng may nagnotification sa akin.

When I saw what's it. Nanlaki ang mata ko ng makita ko iyon.

erised_wp updated 'JACK'

Fuck...

Agad kong pinindot iyon at napahawak sa aking dibdib.

Nagtatakbo agad ako sa kwarto ko at sinarado ko ang aming pinto, sa sobrang panghihina ko ay napaupo nalang ako sa sahig.

Nanginginig ang aking kamay habang hawak-hawak ko ang aking cellphone...

Then I start reading it.

"Sa tingin mo saan napunta ang babaeng yun?" Tanong ni Sebastian kay Erika.

"I don't know either, wala ng nakakita sa kanya pagkatapos ng araw na yun. Hindi ko rin nga nakita na umalis na pala siya." Ani Erika.

"Wala bang CCTV doon or what?" He asked.

"Wala e, why are you suddenly interested in that girl anyway?" Erika asked.

"She saved me, what do you expect?" Kinuha ni Jack ang kaniyang cellphone para tingnan ang ilang mga mensahe sa kaniya most of it is from his secretary.

"And what are you doing on that bridge Jack Anthony? Are you out of your mind?" Inis na tanong ni Erika.

"Yeah, maybe. Hindi ko rin alam kung bakit ako nandoon sa mga oras na yun." Napakunot ng bahagya ang noo ni Jack habang sinasabi iyon tila ba nagiisip kung bakit nangyari iyon ngunit wala siyang maisip na maaring dahilan.

"It doesn't make sense! Go back to your senses, Jack!" Singhal ni Erika bago ito umalis sa kanyang harapan.

Sinundan lamang ni Jack ng tingin si Erika habang papaalis ito sa kaniyang opisina.

Napabuntong hininga siya habang nakatulala.

"Sino ka ba talaga? And why did you save me? I have so many questions for you, sana... makita kita ulit?" Napakamot sa ulo si Jack dahil sa kanyang mga iniisip.

Bakit nga pala niya kinakausap ang sarili niya? Nababaliw na ba siya?

"La Concepcion University Philippines, huh?" Nakangising sabi ni Jack Natatandaan niya kasi ang nakasulat sa uniporme ng dalagang nagligtas sa kanya.

"I'm going to find you miss, no matter where you are, I'm going find you."

To be continued...

"Eh?!!!" Napasigaw ako at napahawak sa bibig ko.

How did he know the name of my school? Nakita nya sa uniform ko? How can he manage to stay calm and read the name of my school even though we're both hanging on the bridge?!

Agad kong sinarado ang laptop ko at napakagat sa aking kuko.

"Why the hell is he searching for me?" Tanong ko sa aking sarili, but how the hell can I answer my own questions?

Pupwede ba akong mawala ulit at makapasok doon? Gosh! Naghahallucinate lang ba ako? Nadala lang ng pagiging broken hearted, ganern?

"But how can I explain this?" Napatingin ako sa aking laptop. It looks like a normal laptop but it's not.

"Ano ba kasi talagang nangyayari?! I don't really get it... I don't get anything!" Sigaw ko sa aking laptop.

"ARRGHHHH!!" Napasabunot ako sa aking sarili at napatulala.

"Sa tingin ko ay kaylangan ko na talagang magpatingin sa psychiatrist." Agad kong kinapa ang aking cellphone. Ida-dial ko na sana ang number ng kaibigang psychiatrist ng mama ko ng biglang tumunog ito.

Jeanne is calling...

"Why would she call me at this time?" I looked at my wall clock, it's already 12:06 am.

Napakunot ang noo ko at sinagot ang kaniyang tawag.

"Hello?"

"Oy bes! Di kasi ako makatulog dahil sa in-update mong story ngayon." Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Usually kasi halos 7k words ang nailalagay mo sa isang chapter pero ngayon bakit parang ang unti-unti lang? Nakakabitin naman..." Pagkwento pa niya.

"Tsaka isinama mo pa yung pangalan ng school natin, bakit?" She sounds like there's something bothering her.

Napabuntong hininga nalang ako, I don't want her to know what's happening on me, hindi rin naman siya maniniwala.

"Wala lang, wala kasi akong maisip na panibagong plot." I tried my best to sound okay.

"Ganoon ba? Hays, para kong tanga no? Naba-bothered ako sa story mo. I can't sleep." She honestly said.

"Sorry to bother you." Napatulala ako sa kawalan.

"Ha? No, it's okay! Ako lang itong OA!" Natatawa niyang sabi sa akin. Thank God that Jeanne finally realize that there's no reason to be bothered.

Wala nga bang dahilan para mabahala kami?

"Eris!!!" Napabalik ako sa katinuan ko ng marinig kong sumigaw si Jeanne.

"A-Ah, yeah?" Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko dahil sa lakas ng sigaw niya.

"Ang sabi ko, good night na kako!" Aniya.

"G-Goodnight na din. Sleep well." Agad kong pinatay ang tawag niya sa akin. Napatingin akong muli sa aking laptop, what on earth is happening?!

Hindi ko na alam kung ilang beses ko ng itinanong sa aking sarili kung ano na ba ang nangyayari ngayon. There must be a reason why it's happening! There's always a reason.

And I need to find that reason.

"Oyy! Sorry kagabi ha?" Ani Jeanne.

Nandito kami ngayon sa canteen, kami ang sabay kumain sa araw na ito dahil absent si Keira.

"Wala yun, ako dapat ang mag-sorry kasi binagabag kita." Tulala kong sabi.

"Huh? Normal lang yun! Syempre reader mo ako kaya normal lang na mabagabag ako sa story mo." Aniya.

Napatingin ako sa kanya habang pinaglalaruan niya ang kanyang carbonara na para bang malalim ang kanyang iniisip. I sighed.

"Jeanne.." Tawag ko sa kaniya, napatingin siya sa akin.

Tinagilid niya ang ulo niya at tila ba nag-hihintay sa aking sasabihin, pero walang lumalabas sa bibig ko, kahit isa.

"W-Wala!" Palusot ko.

Napanguso siya at tiningnan akong mabuti.

"You're being weird these past few days Eris, alam kong weird ka naman talaga but it's like there's something bothering you that you can't even say to anyone, maski sa akin." She said.

Napayuko ako at napatingin sa aking mga daliri na nakapatong sa aking mga binti.

"Eris?" Napaangat ang tingin ko kay Jeanne.

"Samahan mo kong mag-cr?" Nangungumbinsi nyang sabi. Aish! Can't she just go to the comfort room on her own? Kaylangan may bantay pa ganun?

I rolled my eyes before fixing my bag. "Fine!" Sagot ko.

Agad niyang kinuha ang mga gamit nya at tumayo na kami at naglakad sa patungo sa pinakamalapit na public comfort room sa canteen.

"Eris hawakan mo muna tong bag ko." Aniya at inabot nya sa akin ang kanyang bag.

Kinuha ko iyon pagkatapos ay humarap ako sa malaking salamin, kitang-kita ko ang aking mukha. Ang laki ng ipinangit ko, pero kahit pumangit ako maganda pa rin naman ako-- wait, what?

Maganda naman talaga ako, sexy naman ako, matalino din naman ako... Bakit nagawa pa niya akong ipagpalit?

Pero napakunot ang noo ko ng mapansin kong parang may nagblurred sa ulo ko.

"I'm done, ikaw ba? Di ka ba naiihi?" Tanong sa akin ni Jeanne pagkatapos ay kinuha nya ang kanyang bag sa akin.

"O-Oo! I-Iihi din aako." Naataranta kong sabi ngunit ng makita ko na naman ang sarili ko sa salamin tsaka lang ako natauhan.

Kaya naman agad akong pumasok sa loob ng cubicle ngunit bago ko pa iyon tuluyang maisara ay bigla na akong napunta sa hindi pamilyar na lugar.

Just like what's my instinct says...

"I'm here... Again..." Napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang panghihina.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top