12

Amber's POV

"Hoy, asan ka na?!" chat ko kay Hoseok. 12:00 na ng tanghali pero wala pa siya. Pesteng baba na yun, hays. Yung 10:00 na usapan napunta sa 12:00. Nagugutom pa naman na ako :(

"On the way na."

"WTF?!? KANINA PA YANG ON THE WAY MO NA YAN!"  chat ko ulit. Eh totoo naman kasi eh. Every minute ata, yan yung pinagsasabi niya.

Bahala na nga! Pumunta na lang ako sa isang restaurant at umorder muna. Basta ako nagugutom na ako!

Tumunog bigla ang messenger ko habang naghihintay ako. Si Hoseok pala.

"Hoy babae. Asan ka?"

Maka-hoy ito! Hmp!

"NASA RESTAURANT AKO"  reply ko.

"Madaming restaurant dito sa mall, Amber. Gwapo lang ako pero hindi ako manghuhula."  pagsusungit niya. Chinat ko na lang yung name nung restaurant at hindi sa kalayuan ay napansin kong may isang kabay-- lalaking naglalakad papunta sa pwesto ko.

Ang gwapo shete. Kung ganito lang boyfriend ko, tiba tiba ako. Hihi.

"Pasukan ng langaw yan." Nabalik na lamang ako sa realidad at napagtantong nakanganga pala ako. Sinamaan ko nga siya ng tingin pero iyon ay ikinatawa niya lang. Ang gwapo niya lalo na kapag nakangiti, anuebayan. Umupo siya sa vacant seat sa harap ko ng hindi man lang hinihingi ang opinyon ko.

"Bakit ngayon ka lang?!" sigaw ko. Natahimik bigla ang mga nasa paligid namin dahil sa paghampas ko ng mesa namin. Nakakahiya talaga >.<

"Traffic." walang gana niyang sagot. Tsk, sinungaling! Hindi na lang ako umimik. "Eh ikaw? Ang usapan natin sa harap ng timezone tayo magkikita ah. Ano ginagawa mo dito?"

"Naglalaba ako dito." pamimilosopo ko. Inirapan niya naman ako. "Stupid question ba naman kasi. Nasa iisang restaurant ako. Ano ba sa tingin mo ang gagawin ko sa loob ng restaurant diba?"

"Pero ang usapan sa harap ng timezone diba?"

"From 10:00 to 12:00, Hoseok! 2 hours akong nakatanga doon. Nagugutom na kaya ako!"

"You can explain in a right way. You don't need to shout." pagdidisiplina niya sa akin. "By the way, I'm Hoseok. It's my first time to meet a girl like you." sabay abot ng kamay niya. Inabot ko naman agad yun. Ang lambot <3

"Umorder ka na pala ng pagkain mo." sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umorder na.

Pinagmasdan ko ang bawat korte ng mukha niya at ang gwapo niya nga talaga. Hindi ko maisip na isa siyang bookworm. Ang gwapo kasi talaga.

"Oo nga pala, bakit hindi mo na lang ako hinintay pa ng ilang minuto bago pumunta sa restaurant?"

"Duh. Baka naman ikaw na ang kainin ko kapag ginawa ko pa yun. Gutom na gutom na kasi talaga ako kanina."

"Masarap naman ako eh."

O_____O

Anong sabi niya?!?!?

"Don't stare at me like that. Alam kong nagwagwapuhan ka sa akin pero hindi mo na kailangang ipamukha pa."

Hindi ko na siya matake at kumuha ako ng tissue at binato yun sa mukha niya.

"Ang kapal mo."

"I'm just--"

"Ma'am, Sir, ito na ang order niyo." sabi ng isang waitress sabay lapag ng pagkain namin sa table.

Napatingin ako sa kasama ko at ayun siya. Lumalamon. Nahiya naman yung salitang gutom sa kanya. Parang hindi nakakain ng sampung taon, hays,

"Hinay hinay lang. Mabilaukan ka sana, bebeq. Ugh." sabi ko habang tumatawa tawa. Tawa lamang ang isinagot niya sa akin.

Nasabi ko na ba na ang gwapo niya kapag nakangiti siya? Yiee.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top