Epilogue
Thank you all for sticking till now, and for bearing with me because of the ~really~ slow updating pace! Salamat talaga! :) Especially to my old readers who's been there ever since forever! Kilala ko kayo, promise! *cries bc of joy* Salamat sa tiwala! Kahit alam nyo na ang bagal kong mag update nagbabasa pa rin kayo. (Shucks ang drama!!!) Love love! To new readers naman, hello! Salamat din sa inyo! Sana nagustuhan nyo to, and if you did, I have other more completed works hihi (shameless plug HAHA).
This is the epilogue but I'm still going to post extra chapters dahil kahit ako ay nabitin dito.
Anyway, pag nabasa nyo tong A/N hanggang dulo, comment: "I deserve a pat on the back for not sleeping." HAHA.
Please please tell me what you think, leave your thought in the comment section, vote if you liked, and share if you loved it. Thank you!
Adios! x
* * *
Epilogue
"Narinig nyo? Sien was pushing Fiery Heroes to the limits. They're always at the studio from opening to closing. Kulang na lang ay mag-overnight sila rito," kwento ni Cess.
"Ang competitive naman ni Sien ngayon. I wonder what's up? Si Ricks nga ay medyo napa-lie low dahil kinuha na ni Sien ang entablado," dagdag pa ni June. Tumawa ito at napailing sa mga sumunod pang kwento na sinabi nina Yanis.
Ang sabi ay pinapatay ni Sien ang sarili niya sa pag-rehearse. Hindi ko na siya nakausap simula noong huli dahil sobrang busy na niya. Was it because of what I said? Because if it's that then I'm going to take it back. I wasn't even serious in the first place. Siya lang naman ang mapilit...
I sighed.
"Water break, guys?" I requested. Tumango si Darrah na siyang nagpapatugtog ng kanta.
I grabbed my water bottle and made my way outside our studio. Sinilip ko ang studio nina Sien. Kalapit lang naman ito ng amin pero hindi ko pa rin siya nakikita kada rehearsals. Kapag naman naiisipan naming lahat na kumain ay hindi siya sumasama, he always opted to go home.
Nakita ako ni Hanna na nakasilip kaya't binuksan niya ang pinto. Nagsasayaw si Ricks sa gitna but I know it wasn't their routine because he's dancing silly. Pinapanood pa siya ni Sien at natatawang pinapatigil pero ayaw talaga ni Ricks.
"Magdi-dinner na ba kayo? Sasabay na kami," sabi ni Hanna.
"Hindi pa kami tapos. Maybe at around eight?" sagot ko. Tumango si Hanna. Nagulat ako nang higitin niya ang braso ko at dinala sa harap ni Sien.
"Please tell him to spare our souls. Pagod na kami. We need to rest!" tila nagsusumbong na sabi sa akin ni Hanna. Itinuturo turo pa niya si Sien habang nagra-rant sa akin. Gusto kong matawa dahil wala naman akong magagawa. Sien wasn't even talking to me.
Nakaupo siya sa sahig habang nakasandal ang katawan sa salamin na pader. Palambot nang palambot ang tuhod ko habang pinapanood niya ako at hinihintay kung ano ang gagawin ko. His stares were taunting me... terrifying me. He couldn't even smile. Ilang araw kaming hindi nag uusap. Galit nga yata siya sa akin pero hindi ako sigurado.
"Tell him..." Hanna reminded.
I looked at her pleadingly. Hindi ko kayang gawin ito. She doesn't know that we're not talking and there's no way that I'd tell her that right here, right now. Napalunok ako dahil mas lumalamig lang ang aura ni Sien. He even crossed his arms as he waited.
"I gotta go," sabi ko at mabilis akong lumabas mula sa studio nila. Narinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Ricks pero hindi ko na pinansin.
Mabilis ang tibok ng puso ko kahit hindi naman ganoong kalayo ang tinakbo ko. Even after I finished a whole bottle of water I was still panting. It was a good thing that I was able to put up a good act to cover my emotions when I got back in our studio.
"Tomorrow is gonna be our rest day from rehearsals. Iyong mga costumes, hotel reservations, itineraries and other stuff ang agenda natin," June said. Nakaupo kami at nakikinig sa kanya habang may binabasa sa clipboard ni Yanis. "We'll go to the mall at 10 am to buy our necessities, eat lunch, and then go home. We need beauty rest if we want to look our best on the day of the competition."
Kasama namin ang mga babae ng Fiery Heroes sa mall kinabukasan. Nakahiwalay sa amin ang mga lalaki pero nandito rin sila sa mall. Tahimik lang ako pero nakikisalo naman ako sa usapan kung may importante akong masasabi.
Ready na ang mga damit na susuotin namin. Nasa bahay ang lahat ng damit na kakailanganin namin para bukas. Manonood kasi sina Mama bukas kasama ang iba niyang kaibigan. Magpapamaneho sila ng sasakyan, kaya si Mama na ang nag-volunteer na dalhin ang mga gamit.
The last thing we shopped for was shoes. For our last competition, we're going for a more edgy look, so we're going to dance on high heels. Nahirapan ako noong una pero nakuha ko na rin pagkatapos ng madugong rehearsals. Sa bahay ay naglalakad din ako minsan ng naka-high heels.
Ang napili kong heels ay mala-gladiator ang dating para kapit na kapit ito sa legs ko at hindi matanggal habang nagsasayaw ako. Si Cess ang pinakamatapang sa amin dahil sa kanya ang pinaka-mataas at wala iyong tali o lock manlang para ikapit sa paa niya.
"Tara! Let's wish the Fiery Heroes good luck," sabi ni Yanis noong nakita namin sa parking lot ang mga lalaki. Naglalagay sila ng mga shopping bag ng mga babae nilang kagrupo sa likod ng sasakyan.
Hinawakan ko nang mabuti ang paperbags ko at tsaka tinawag si June. "Uuna na ako sa sasakyan. Masakit na ang paa ko."
"You sure? Kausapin lang natin sila sandali," sabi ni June. Patingin tingin siya kina Ricks na siyang nagtatawanan. Pinagti tripan kasi nila sina Grace, anila ay tila pang-isang buwan na supply ang binili sa mall.
"Sige na. You go." I smiled and nudged her. Tumango siya at sumunod kina Yanis. Malapit lang naman ang pwesto ng sasakyan ni Yanis doon sa pwesto kung nasaan ang grupo ng Fiery Heroes.
I mentally cussed. Sarado ang sasakyan at na kay Yanis ang susi. Napaupo na lang ako at tumungo dahil masakit na talaga ang paa ko. Sandali lang naman siguro sila roon? I heard Darrah complained about her feet, too.
"Umiiyak ka ba?"
Tumingala ako at nakita ko si Sien. Pinanood niya ako habang pinupunasan ko ang pawis ko. Tumayo ako at inayos ang mga dala kong paperbags. I want to cover his whole face because he's staring coldly at me again.
"Bakit naman ako iiyak?" I asked.
Napaawang ang bibig niya, but it was just for a second. Tinitingnan niya ang mga dala ko at tila nagdadalawang isip kung tutulungan niya ba ako. I cleared my throat and tightened my gripped on my shopping bags.
"Nothing," mahina niyang sagot. Nakatingin siya sa akin habang may hinihintay. His eyes were on me for too long that I didn't know what to do. His stares pressured me to just shut up and say nothing. But when I was faced by his back I knew I gotta say something.
"Sien, wait..." Kinagat ko ang labi ko. Tumigil siya sa paglalakad at mabagal na humarap muli. His eyes were bored like he hasn't got any time for this anymore. My chest started to hurt. "Galit ka?"
Kumunot ang noo niya. Humakbang siya palapit nang kaunti.
"No. May dahilan ba?" kaswal niyang tanong. Nanghihina na ako.
"I don't know. We're not talking so I think we're... not okay?" Nanginginig na ang labi ko pero pinipilit kong magsalita nang tuwid. Hindi siya sumagot. "Is it about the last time? Iyong deal? That was just a—"
"Don't worry," he cut me off. Tinanggal niya ang kamay niya sa kanyang bulsa at nag kibit ng balikat. "Susundin ko naman. If I win, I'll get what I want. You win, I'll back off... right?"
It was just a joke. I really wanted to clarify it but he wouldn't let me. Nanghina ako nang tuluyan noong talikuran niya ako at umalis. Sinalubong niya sina JV na parang walang nangyari, he looked really fine and happy. Pero noong kausap niya ako kanina ay madilim siya na para bang ako iyong nagbibigay sa kanya ng mga bagay na kakargahin sa balikat niya.
Nawala ako sa sarili hanggang kinabukasan. Nakatulog naman ako nang maaga pero pagkagising ko ay siya kaagad ang pumasok sa isip ko. Then I wasn't okay again. Pinilit ko na lang ngumiti noong kinukuhanan na kami ng pictures ng mga camera man sa venue. Dumaan kami sandali roon bago kami tumungo sa hotel.
"Ate Cheryl's going to be there, she texted me." Hinarap pa ni Darrah ang phone niya sa amin. Nagkwento pa siya tungkol sa mga kakilala niyang darating para sa competition mamayang gabi.
"How about Joy? Makakarating kaya siya? I want her to be proud of what we've done," sabi ni June at humarap sa akin. Nagkibit ako ng balikat. Then I checked my phone. Kaninang umaga ko pa ito hindi nakikita. Maaga kaming umalis at na-late pa kami kaya hindi na ako nag abala pang tingnan.
Maraming text messages mula sa mga kaibigan ko. Both from college folks, and high school friends. Sina Jesca ay pupunta mamaya. Balita ko naman kina Elaine, Ten, at Aria ay pupunta rin sila kasabay ang mga kaklase namin noong high school.
"Joy's coming," I informed them. Kasama niya rin daw sina Ate Kayla at mga dance-mates nila. Nakaka-overwhelm ang support na binibigay nila sa amin. Ang daming pupunta mamaya para lang manood sa amin. Malayo pa ang mga pinagmulan nila kaya nakaka-pressure tuloy!
"Jesca, your Mom's at the lobby kasama si Sien. Puntahan mo raw sila sa baba," sabi ni Cess pagkapasok niya sa suite.
I wanna ask why but I figured Cess wouldn't know the reason so I just made my way down instead. Kinakabahan pa ako at nagtataka habang hinahanap si Mama. Nakita ko siya na kausap si Sien doon sa may entrance. Luminga linga pa siya at akmang may tatawagan na sa phone pero nakita niya ako. Napatingin si Mama sa akin nang nagsalita si Sien.
"Akala ko ay kasama mo ang mga amiga mo, Mama?" tanong ko pagka lapit ko sa kanila.
"Yes, I will meet with them after we eat early lunch," sagot niya. Tumingin siya kay Sien pagkatapos ay sa akin, "Saan niyo gustong kumain? Hindi ka pa nag umagahan, Mae."
"I'm fine po, Tita," sabi ni Sien.
"I'll eat later," sabi ko naman. I don't know why but my answer got me a cold stare from Sien. "Hindi pa ako gutom. And Sien doesn't want to eat so... Ma, eat with your amigas. I'll be okay."
Marahang napailing si Sien. Si Mama naman ay may tini-text yata sa phone. I don't know. I just want to go back to our suite and not see Sien for a while. I need to concentrate today because this is a special event. This is my last dance competition and I want my all in this. I want to give my heart to dancing even just for today, and not have it anywhere else right now!
"Tita, I'll eat with Mae," sabi ni Sien kay Mama. I turned to almost gape at him. "It's okay. I'll take care of her if you need to go somewhere po."
Natuwa naman si Mama. Ang totoo pala kasi ay may lunch date sila sa kabilang hotel ng mga kaibigan niya kaya't early lunch ang niyaya niya sa amin. Nagpaalam kami kay Mama at hinatid siya sa sasakyan. Pagkaalis ni Mama ay naglakad na ako pabalik sa suite.
"Tita's gone but we're still going to eat lunch."
"Mamaya na ako. You go eat if you're hungry."
"I'm not going to eat if you're not," pagod niyang sabi. Napapikit siya at napatingala. Huminga siya nang malalim bago nagsalita. I looked away. "Come on. Let's go eat brunch."
Lumabas ako sa elevator at sumunod sa kanya. Dahil nalipasan ako ng gutom ay nawala rin ang gana ko. The food was appetizing but I just wasn't getting any of it. Isama pa itong malamig na tao sa harap ko. Tahimik kaming nagsimulang kumain at walang bumasag doon hanggang sa matapos kami.
I badly wanted to say something but I couldn't find the right words. I wanted to explain and say sorry but I didn't know how to start. Baka mabago ko lang ang mood naming parehas at makaapekto pa ito sa performances namin mamaya.
Sabay kaming umakyat gamit ang elevator. Nagulat pa ako noong bumaba siya sa floor namin para ihatid ako. Saktong pagkadating namin sa labas ng pinto ay nagbukas ito at iniluwa si June. Bumati lang siya sa amin at tsaka sumakay sa elevator.
"Salamat sa brunch..." I said and he just nodded. Tumalikod na naman siya at naglakad.
I hate seeing his back these days, dammit! I hate everything that's happened after that silly talk. I just wish I hadn't said what I said that time. It was so stupid. I was so stupid!
"Sien," I tried to say without trembling. Pero hindi ko napigilan dahil naiiyak na pala ako. "Good luck," I managed to say.
Hindi ko na siya tinignan dahil tumulo na ang luha ko. Hindi ko na rin mabuksan ang pinto dahil hindi ako makakita nang maayos. Even my tears were stupid! Sana ay hinintay muna nila na makapasok ako sa suite bago sila tumulo! I'm making a show for Sien and it sucks big time!
Naramdaman ko na lang na hinigit niya ang braso ko at ipinulupot ito sa kanya. Hinahaplos niya ang buhok ko habang pinapatahan ako. Hindi ako umangal dahil ito rin naman ang gusto ko.
"For the record, I wasn't mad. I'm just hurt," he whispered. Humalik siya sa ulo ko at muling nagsalita, "Good luck, Mae. I'll see you later. Do your best."
Do your best. Bakit ang sakit na pakinggan? He always tells me to do good but not my best. So why is he telling me that now? Does he want me to win?
Kinalma ko ang sarili ko bago ako pumasok sa suite. Sinubukan kong itago ang mukha ko sa kanila pero nakita agad ako ni Yanis. Hinarap pa niya ang mukha ko kina Cess kaya't hindi ako nakatakas.
"Oh my gosh! May nangyari ba?" nagaalalang tanong ni Cess. Umiling ako at tumawa.
"Nervous lang. This is my last competition, am I not licensed to get emotional?" biro ko. Their faces softened and they smiled at me. Lumapit sila para i-comfort ako at sinabi ko naman na ayos lang ako. I'm one good liar.
"I know the feeling. Pero pwede naman tayong mag-sayaw if may time, or pagkagraduate, diba?" sabi ni June at umakbay sa akin. "Sasayawan na lang natin itong medical books pagkagraduate natin! Well, that's going to be before med school but... you know!"
Tumawa ako at nagpasalamat sa kanila. I also made them nervous at an earlier time so I laughed harder. After lunch ay naghanda na kami ng sarili. Panay ang tawag ng organizers sa amin, at first to check our attendance, and the rest of the calls were for updates. Our energies and excitement heightened as the night ages.
Bago kami tumungo sa venue ay pinapunta kami sa lugar kung nasaan ang lahat ng contestants. Napakaraming nagkalat na photographers na kumukuha ng litrato sa bawat galaw namin. Habang naghihintay kami sa labas para sa photo ops ay may naglilibot din na VJ host para mag-interview. Nakabuntot pa sa host ang dalawang cameraman. Si June ang iginiya namin na mag-represent sa Sweet Intensity.
"Thank you, Sweet Intensity! I bet your performance is a must-watch so I'll make sure to stay awake all night for that. So much for these young captivating ladies!" said the host to June while occasionally looking at us and the camera.
"That's my girl!" Napatingin kami sa lalaking humiyaw. We saw Fiery Heroes, but specifically Ricks. Namula pa siya at tinukso ng mga kaibigan. "I mean our girls. Bawal magkamali, ha? Bawal? Tss."
Pagkaalis ng VJ host ay bumalik sa pwesto namin si June. Tulad ni Ricks ay namumula rin siya. Hindi kami nagtanong ngunit naghahagikhikan kami at binibigyan ng makahulugang ngiti si June. Darrah was nudging her but still ain't saying anything.
"Shut up, guys!" was all she could say. Lahat kami ay nagtawanan dahil wala naman kaming sinasabi miske isang salita.
Tinawag ang grupo namin para pumasok sa loob ng isang mansion. Naroon ang formal na photoshoot na handle by the competition organizers. Nadaanan namin ang Fiery Heroes at mabilisan kaming bumati sa kanila. Ngayon lang namin sila nakita kahit pa parehas lang kami ng hotel na pinagtutuluyan.
I saw him looked at me, his face was still emotionless. Nawala ang mukha niya sa isipan ko nang kunan na kami ng photos. This time ay mabilis lang kaming kinuhanan ng solo shots dahil marami rin talagang lumahok sa competition. Pagkatapos ay lumabas na ulit kami at ibang grupo naman ang tinawag.
"Tapos na kayo sa shoot?" tanong ni Cess kay Grace pagkalapit namin sa kanila.
"Yup! Excited na ba kayo?"
"Heck yaaas!"
Nakipagusap kami sa mga babae habang ang mga lalaki naman ay may sariling mundo. Hinihigit pa ako nina Hanna na makipagkilala sa ibang member ng group contestants pero nahihilo ako dahil sa dami ng tao kaya humindi ako. Nanatili ako sa pwesto namin habang sila ay nakikipagusap na sa ibang dancers. Iyong iba ay galing pa talaga ng ibang parte ng Pilipinas para lang sa kumpetisyon na ito.
May designated shuttle bus na sumusundo sa bawat dance groups para ihatid sa mismong venue. Kasama namin ang isang grupo na mula pa sa Cebu. Pagkadating namin sa venue ay madilim na. May pagka-party vibe na sa event hall at malakas na ang tugtugan. Natanaw ko ang gitna ng lugar at marami na talagang tao. Sa stage naman ay may mga nagpe-perform na as opening acts. Balita ko ay may iilang artistang dancer din ang narito ngayong gabi.
Madilim ang paligid at tanging makukulay na ilaw lamang ang nagpapaliwanag sa event hall. Maganda rin ang lighting sa mismong stage but it was also a little bit dim that gave off a more dramatic effect. Sumasabay din ang mga ilaw sa beat ng kanta, and I found it really really rad!
"You guys! Mala-EDM Festival ang ganap tonight! Parang gusto ko na lang maki-party sa gitna!" Cess shouted to overpower the loud music. Naglalakad kami papasok sa designated tent ng grupo namin. May kasama pa rin kaming isang grupo sa tent but there were dividers so we still got our personal space.
Napapasayaw na kami sa loob ng tent dahil rinig na rinig ang music mula sa labas. May mga sikat na DJ din daw na narito. Siguro ay sila iyong nasa stage kanina. The music was hella good! Hindi ko rin napigilan ang pag sayaw.
"I couldn't really enunciate how hyped I am right now!" sobrang wild na sabi pa ni June. "I feel like I forgot all of my problems. This proves that dancing and music really is my life!"
"And I couldn't agree more!" sabi ko. Naghawak pa kami ni June ng kamay at tsaka nagsayaw muli. Sina Yanis naman ay natatawa lang habang nagaayos ng make up nila.
"Can we go outside?" tanong ni Darrah. "Nandito ang friends ko. Are we allowed to go and meet them for a sec?"
"I'll ask the organizer. May nakita ako kanina sa labas," sabi ni June bago lumabas ng tent.
Iyong make up ko naman ang inayos ni Yanis. Humulas kasi dahil sa init kanina, lalo na noong nag-shoot kami kasabay ang dagsa ng tao. Pagkatapos ni Yanis ay saktong pagbalik ni June at sinabi na pwede kaming lumabas pero kailangang bumalik kaagad.
"They're still going to prep us daw. And they need a representative to pick a number for the sequence of the performance," informed June. Napangiwi siya at napaupo. "Sana hindi magkalapit ang performance natin at tsaka ng Fiery Heroes. I'm really threatened! Noon pa lang na nalaman kong nag-spearhead pa si Sien sa rehearsals nila and killed all of their souls!"
Dahil sa sinabi ni June ay nagkahawahan sila ng kaba. Hinayaan ko sila roon para lumabas ng tent at hanapin sina Jesca. Sobrang daming text messages na natambak sa phone ko simula kaninang umaga, hindi ko na mareplyan iyong iba dahil sobrang busy ngayong araw. But I clicked mama's message, though, and replied. You know Filipino Moms! Baka ma-beast mode, right?
Una kong hinanap sina Mama. Surprisingly, I found her along with several adult audiences. May nakita pa akong dancers na kinakausap ang ibang matatanda rito so I guess this was the section for the family members. It's really thoughtful for the organizers to give a space for them. May mga upuan din dito at medyo malayo sa sound systems. Because you know... oldies.
"Mae, magpa-picture tayo. Ipapadala ko ito sa Papa mo and Ji," sabi ni Mama. Nagpicture kami ng ilang beses, tapos meron din na kasama iyong mga kaibigan niya. Iyong isa pala roon ay may sinusuportahan din na anak na kasali sa competition.
"Good luck, Mae. And also to Sien. By the way, where is he? Nandito ba ang Mom niya?"
Nagkibit ako ng balikat. Suddenly, I felt something in my stomach. I don't know about it but the music made me forget about the problems easier. Masyadong puno ng positive energy ang paligid para maging malungkot.
"Just tell Sien I said good luck," sabi ni Mama. I nodded and hugged her before I left to find my friends.
Sobrang dami ng tao kaya nahirapan ako sa paghahanap kina Jesca. Thankfully ay malapit lang sina Ten at high school friends ko sa college friends. May kaunting pawis na sa noo ko nang mahanap ko sila. I badly need water.
"Hoy na-miss kita!" hiyaw ni Ten at madiin na pinisil ang pisnge ko bago yumakap nang mahigpit. This girl is gonna kill me! "Dapat manalo kayo, okay? I didn't get into trouble going here just to see you lose."
Gumanti ako ng pisil sa pisnge niya. Hindi ko na inisip si Jixen na katabi niya kung masaktan ko man itong si Ten. Pero magso-sorry na lang ako mamaya... kay Jixen.
"Salamat talaga sa pep talk mo, Pristine! Nakaka-motivate to the highest level!" Umirap pa ako.
Sina Elaine at Aria ang huli kong kinamusta bago ako umalis. Matagal na akong nawala at panibagong DJ na ang nasa entablado. Bago ako nagpasyang bumalik sa tent ay lumayo muna ako para makapagpahangin. Malamig sa tent dahil may aircon naman pero kasi maraming tao roon.
I went to a place that drowned quarter of the music from the event hall. Malamig ang simoy ng hangin dito at walang tao. Tumingala ako at tinignan ang mga bituin. They're surprisingly many tonight. Espesyal talaga ngayong gabi, like even though we have problems to think of when tomorrow comes, today's the day where we're all free to dismiss all the negative thoughts without having to face some of the consequences.
I took the opportunity to thank God for all the amazing things that had happened to my life. Little or big, everything was a blessing. I thanked for a good life, supportive friends, and loving family. I thanked Him for giving me the strength to hold on to life when things get rough, especially at the times when I'd give up on studying medical technology. He gave me more of all things. I was able to pass my subjects while doing what I love. I could not really ask for more.
I made my way back after my short prayer. The music grew louder as I walked toward the event hall. Nalamigan na ang balat ko pero kailangan ko pa rin ng tubig. I think I saw a cooler in front of a nearby tent. Siguro naman ay may bottled waters doon.
Sinalubong ako ni June na kanina pa pala ako hinahanap. Nagsisimula na pala ang program nang makabalik ako sa event hall. Drinking water was the first thing in my mind after we got back. Hinanap ko iyong cooler na nakita ko kanina. I saw it by the tent next to ours. May ibang dancers na kumukuha roon kaya't lumapit na ako.
Kumuha ako ng lima para bigyan na rin sina June pero hindi ko mahawakan lahat. A pair of hands caught the bottles that slipped from my grip. Tumingala ako at nakita ko si Sien.
Nakaputing pantaas siya at itim na pambaba. Just like the usual, his hair was slicked back and looked really elegant. Matapang at maangas ang hitsura niya ngayon hindi tulad dati na maangas lang. Or is it just because of how he's feeling... that's why he looked so... vicious?
"Kaya ko na," sabi ko. Pinilit kong kunin sa kanya iyong bote pero nilayo niya lang ang kamay niya.
"You obviously can't," bored niyang sabi. He looked so vicious, but not in a way that I would like him any less. "Come on, ihahatid na kita sa tent niyo."
Okay, alright. No need to be such a snob, mister.
Nagtilian sina June nang makita ang dala naming tubig ni Sien. Inabutan namin sila at mabilis nilang naubos iyon. Napangisi lang si Sien at umiling iling. Ininom ko na rin iyong akin.
"Excuse me po, but are you Sien Pelarez?"
Napatingin ako sa babae mula sa kabilang parte ng tent. Nakasilip siya sa divider. Napakunot naman ang noo ni Sien pero sumagot naman siya. Umalis sandali iyong babae at nakarinig kami muli ng tilian. Okay... what was that?
"Looks like loverboy has some fangirls," pilyong bulong sa akin ni Cess nang dumaan siya sa harap ko. I brushed her off.
Bumalik iyong babae sa pag silip, except this time she wasn't alone. May tatlong babae na siya na kasama. Halos matumba na iyong divider dahil sa pag aagawan nila ng space.
"Pwede pong magpa-picture?" ngiting ngiti sabi noong isang babae.
"Sure," pabibo namang sagot nitong isa!
Nilagok ko nang mabilis ang tubig ko habang pinapanood silang mag-bonding. Hawak pa ni Sien iyong phone noong babae habang naggu-groupie sila. Wow diba? Mas maganda kung sa labas sila ng tent kasi mas malawak doon. And this is our space, not a shooting venue!
"Chill," bulong sa akin ni Yanis. I blinked fast and tore my gaze from them. I cleared my throat and picked up my phone. Mas lalong natawa si Yanis dahil sa ginawa ko. "Baka gusto mo pa ng water? Kukuha ako sa labas. Mukhang kailangan mo pa. They still have three phones to fill their selfies with."
Yanis was right. Bawat phone ng mga babae ay kinuhanan nila ng picture. Is Sien really that popular? Cause... come on, really?
"Excuse me po, can you take our picture?" nakangiting tanong noong pinakamatangkad na babae doon sa apat. I was already on the verge of gaping when I heard June laughed real hard. I know what that means!
Sinulyapan ko si Sien. Hindi ko alam kung nangingiti ba siya dahil pipicturan ko sila o dahil ba iyon sa iba pang bagay. Pinilit kong ngumiti noong kinuha ko ang phone noong babae. Nanginginig pa ang kamay ko kaya hindi ko makuha ang tamang shot.
"Pwedeng isa pa po?" sabi noong babaeng katabi ni Sien noong inaabot ko na iyong phone pabalik.
Hindi ko pinahalata ang pag hinga ko nang malalim. Sobra ang ngiti ni Sien noong hinarap ko ang camera sa kanila. Umakbay pa siya roon sa babaeng katabi niya. Hindi lang sa isang tabi, kundi iyong dalawa niya pa talagang katabi.
Sunud sunod ko ng pinindot iyong capture para matapos na. Hindi ko na alam kung maayos pa ba ang karamihan doon dahil nanginginig na talaga ako. I don't know why I'm so nervous and anxious. Tumalikod kaagad ako pagkabalik ko sa kanila ng phone. Nagkaroon pa talaga sila ng mini-introduction dito. Hindi pa ba sila lalabas? Mas maganda talaga kung sa labas sila maguusap.
"Hey! Ate Joy is outside!" Sumilip si Yanis mula sa labas ng tent. Ngumisi siya at tumingin sa akin. "Mae, some guy... uh, Ravi? He's looking for you. Kanina ka pa yata hinahanap."
Muli ko na namang narinig ang malakas na tawa ni June. May sinabi pa siya dahilan para tumawa sina Darrah pero hindi ko narinig. Napatingin ako kay Sien. Tumigil siya sa pakikipagusap doon sa mga fangirls niya at tila sa amin na naka-pokus ang atensyon.
Hindi ko alam pero ako naman itong napangiti.
"Ravi? Really?" I asked with so much enthusiasm. Nahagip ko si Sien. Hindi na talaga niya binalikan ng tingin iyong mga babae. "Nasaan si Rav?"
"Wow, you're doing pet name with him now?" natatawang tanong ni Yanis. "He's with Joy. Kinakausap lang nila ang organizers. Oh, wait... papunta na sila rito."
Hindi ko na pinansin ang mga tao rito sa loob ng tent bago lumabas. Nakipagkamustahan kami kay Joy at nagkwento ng mga nangyari sa rehearsals pagkaalis niya. Nasa likod naman niya si Ate Kayla and I was so happy she's here. Kalapit niya si Ravi na tahimik lang ngunit may kaunting ngiti sa labi niya.
"I'm so proud of you, Mae! Dati ay tinuturuan lang kita, ngayon ay nasa malaking contest ka na! I cry!" Nagbiro pa si Ate Kayla na parang maiiyak at niyakap ako. Lumayo pa ako at sinabi na amoy pawis na ako.
"You don't stink, Mae! If anything, you smell really good. Diba nga, Ravi?"
Napangiti si Ravi at umiwas ng tingin. Pagkalabas ni June ay tsaka nawala ang atensyon sa akin ni Ate Kayla. Kaharap ko na ngayon si Ravi. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa loob ng tent ay tila excited pa akong makita siya, pero ngayong nasa harap ko na ay wala akong masabi.
"Was that you on stage doing the music kanina?" I awkwardly started. Napangiti siya at tumango. He's tongue-tied tonight and I'm not used to it! "Magaling ka rin pala. You know how to hype the crowd."
"Wow. Cazandra Mae is being nice," kumento niya. I glared at him and he just laughed. "But thank you. It's flattering to hear it from you."
The music went wild, and I was shocked. Not because of the abrupt change of the volume of the music but by Ravi's action. Lumapit siya sa akin at tinapat ang mukha niya sa may leeg ko. Hindi naman ganoong kalapit but it's still close. Nanlaki ang mata ko at hindi ako nakahinga.
"Right. You do smell good, Mae," nakangisi siya noong lumayo na siya.
Napa lakad ako palayo sa entrance ng tent noong may lumabas. Hindi na naman ako nakahinga pagka kita ko kay Sien. Hindi siya nakangiti at hindi nagbago ang emosyon niya kahit pa nakita sina Ate Kayla at Ravi. Kilala naman niya sila dahil sinama ko siya noon sa studio. Tumango lang siya kay Ravi at tsaka umalis na.
"Tell your best friend I didn't kiss your neck and I only inhaled your scent," he said with a smirk.
Umalis sina Ate Kayla noong nagsimula na ang competition proper. Pang-lima kami sa magpe-perform ayon sa nabunot ni Darrah na number. Ang Fiery Heroes naman ay pang-walo yata. Hindi ko na marinig nang maayos ang mga sinasabi nina Cess kapag nasa labas kami ng tent. Malakas na ang hiyawan dahil sa mga performance ng contestants.
Nang magsimulang mag-perform iyong group bago kami ay bumilog kaming lima para mag-dasal. Hindi namin inintindi ang ingay mula sa labas at nag-focus sa prayers namin. By the time we're done, one of the organizers ushered us outside. Hindi na namin mapigilan ang kaba. May halong excitement ngunit mas nangibabaw talaga ang kaba.
Kung kanina ay marami ng tao, mas dumami pa ngayong gabi. Habang naglalakad kami ay nahagip ko ang ilan sa mga artista na nagkalat sa backstage. Iyong host ay parehong artista rin na magaling sumayaw.
Bago matapos ang nagpeperform sa stage ay humabol sina Ricks at JV para bigyan kami ng good luck. Pinapakalma pa nila si June na sobrang kabado dahil sa dami ng tao. Miske ako ay hindi na rin mapakali. Sana ay matabunan ng dim lights iyong mga pagkakamali na pwede kong magawa mamaya.
Inayos ko ang jacket na suot ko at napalunok. Sumunod si Sien at tila hinihingal pa siya nang makarating sa pwesto namin. Naka-heels na ako ngayon kaya't muntik pa akong matumba dahil sa panghihina ng tuhod ko. Not now, please!
"Hey, good luck," sabi ni Sien. Kinailangan niyang ilapit ang labi niya sa tenga ko para marinig iyon. Halos magsitaasan ang balahibo ko sa braso dahil doon. Naamoy ko pa ang pabango niya at hindi talaga iyon nakatulong. I even sniffed some of it! What is happening to me?
"Thanks," sabi ko. Though I wasn't sure if he heard it.
Our eyes met when I looked at him. Normally, I'd be the first one to look away, but I was feeling brave right now because of the dim lights. Hindi niya masyadong kita ang mukha ko at ganoon din ako sa kanya. Magulo ang takbo ng mga ilaw, but it was choreographed beautifully just for tonight.
"Let go of the girl, man! Magsasayaw na sila. Mamaya mo na landiin..."
Bago ko pa hanapin iyong boses ay tinawag na ang pangalan ng grupo namin. Nagmadaling umakyat sina June at sumunod na ako sa kanila. Pumwesto kami sa entablado at tumalikod sa madla.
Halos tumalon na ang puso ko palabas sa dibdib ko dahil sa kaba. Patay ang mga ilaw, bubukas lang iyon sa simula ng kanta at sasabay sa pagsasayaw namin.
The music started and we moved with it. We danced the way we rehearsed our routines but we all stepped up our game tonight and gave our hundred and ten! The cheers of the crowd helped because it was loud enough to kill the stress and tension in our bodies.
We reached the middle part of our routine and dancing became so much more easier. I kept on moving with the highest energy I could muster. And while doing that, I couldn't help but smile even though we're supposed to look fierce. I always mess up this part of June's instruction. I smiled only because I'm doing something I love tonight. This may be my last competition but I'm still definitely happy because I know that I've achieved a lot through small things that had happened.
I am really grateful.
The music went into transition, and this is where we unleash our new routines, the edgy ones. Nagsimula kaming magtanggalan ng jacket depende sa kanya kanya naming dance steps. Nang oras ko na ay pumunta ako sa harap at tsaka tinanggal ang akin. Ginawa ko iyong sarili kong steps. I was doing a good job at looking so fierce but then my eyes caught Sien.
Napakagat ako ng labi noong naglakad ako patalikod sa audience. Tila hindi na kumukurap si Sien habang pinapanood ang galaw ko. It's like his eyes were frisking my whole body. I looked at myself on the mirror quite a few times today and I was so sure that I looked fine! But by the way Sien watches me dance... it gave me humongous amount of consciousness.
Halos makagat ko na lang ang labi ko habang sinasayawan ang huling oras ng kanta dahil ito na iyong itinuro ni Joy. Mas sexy itong dance moves ngunit hinaluan din naman ng hip hop. I still danced my best through the rest of the song. Malakas ang ingay ng tao noong matapos kaming magsayaw.
"That was Sweet Intensity, everybody!"
Nakahinga na ako nang maluwag pagkababa namin ng stage. The ushers quickly escorted us away from the back stage. Pagkadating namin sa may tent ay nandoon ang iba sa Fiery Heroes. Pinaulanan nila kami ng papuri at hindi ko na maitago ang pamumula ng pisnge ko.
"Man, that wasn't Mae I watched up there! You're sizzling!" madamdaming sabi ni Joven. Pabiro siyang sinuntok ni Ricks sa tiyan at may sinabing kung ano.
"I have to agree with Joven! Grabe, I know you had it in you Mae, pero iba kasi iyong napapanood ko na talaga. Lalo iyong kanina!" puri naman ni Grace.
"T-Thank you," I stuttered.
"Come on, Mae, walang rason para mahiya," Ricks said. "You should be proud, you know... Sien is very proud!" Inakbayan niya ang kaibigan niya na nahihiyang itinatago ang ngiti.
My cheeks burned up even more. Hindi na yata matatapos itong pakiramdam na ito. I just want to thank them and swerve off the topic. It's making me really uncomfortable. Hindi naman kasi ako sanay na nagsasayaw nang ganoon, but I still did it for the love of dancing.
Bumalik kami sa tent namin at tsaka nagpahinga. June and Darrah would peek at what's happening on the stage from time to time. Ang sabi pa nila ay lahat talaga ay magagaling at walang patapon na dance moves ang lahat ng grupo.
"Susunod na ang Fiery Heroes!" hiyaw ni June. Natawa ako sa reaksyon niya. Bigla kong naalala si Ricks at iyong nangyari kanina noong iniinterview si June noong lalaking VJ.
Nawala ang ngiti ko noong hinigit ako ni Yanis palabas ng tent. Hindi ko binalak magpatianod, pero noong tumuro si Yanis sa may likod ko ay kusa na akong nagmadali. Nakita ko kasi iyong mga babaeng nagpa-picture kay Sien kanina na parang naguunahan pa sa paglalakad patungo sa gilid ng stage. Nauna kami kaya maganda ang view ng pwesto namin.
Hindi namin nakausap ang Fiery Heroes dahil pagkadating namin ay nakaakyat na sila sa stage. Medyo tahimik ang audience noong dim pa ang lights. Kitang kita ko si Sien mula sa kanyang pwesto, malapit lang ako sa gilid ng stage.
Bago magsimula ay narinig ko pang naguusap iyong mga babae sa likod ko. Balak pa ulit nilang kausapin si Sien pagkatapos ng contest. Tila kinikilig pa iyong isang babae habang tinutukso ang kaibigan kay Sien. Nanghihina ako sa naririnig ko. Alam ko namang maraming babaeng nahuhumaling kay Sien, but I didn't want to hear any of their fangirling.
"Bes, kapit na kapit talaga siya sayo kanina nung nag-picture kayo! Pero noong kami, akbay lang, yun lang. Feel ko type ka ni Sien!" mahinang tumili ang babae.
"Talaga? I don't want to assume..."
"Oo 'yan, nako! Posible naman kayo! Parehas na dancer, same with good looks, and you're kind. He's going to like you," ani ng isa pang boses.
But I'm a dancer, too.
"Alright. Hihingin ko iyong number niya mamaya."
Nakatitig na lang ako sa stage at naghihintay ng mangyayari. Umakbay sa akin si Yanis at binigyan ako ng tipid na ngiti. Naririnig din niya yata iyong pinaguusapan ng mga nasa likod namin.
"Feeling naman nila ibibigay ni Sien number niya," pakunwaring malditang bulong sa akin ni Yanis. Hindi ko napigilang tumawa. Mahinhin kasi itong si Yanis at hindi makabasag-pinggan kapag hindi nagsasayaw. She's the type of girl that's gonna make you scared to touch her and do bad stuff in front of her all because she looked so fragile and very angelic. Iyong tipong imbes na siya ang mademonyo ay ikaw pa ang mahahawa sa kanyang kahinhinan. Hindi ko nga alam kung paano nakukuha ni June na maging baliw at lokaret sa harap niya.
Tumigil lang iyong mga babae sa paguusap nang magsimula na ang kanta. Nagsimula na ring maghiyawan ang mga tao. Sobrang lakas nito na halos hindi na marinig ang music. Napatakip pa kami nina June sa tenga namin habang tumatawa. Masigla ang tugtog ng Fiery Heroes, hindi ito maangas tulad ng nakasanayan nilang sayaw. Refreshing ang dance steps nila at simple lang para sa unang parte. Nadaan nila ang audience sa pagiging sobrang synchronized. They're like using illusions to trick the eyes of the audience. Nakatulong pa ang magandang disenyo ng costume nila.
When they reached almost the middle part of the song, they changed their game. Kinuha ng mga lalaki ang stage at sumayaw na tila babae. Sobrang lakas ng hiyawan dahil doon. Tinignan ko ang audience, may mga nakataas na banners na may disenyo ng logo ng Fiery Heroes. Iyong iba naman ay may pag-I heart FH pang nalalaman.
"June, si Ricks ohh," tukso ni Yanis kay June noong gumitna ang lalaki sa stage. Namula si June at biglang nahiyang mag-cheer. Kiniliti ko pa ang gilid niya habang si Yanis naman ay patuloy siyang inaasar.
"Akala ko ba ayaw mo sa sikat na boyfriend? Susunod ka rin pala sa yapak ni Yanis," biro ko naman.
"Hindi ko siya boyfriend!" Umismid pa si June. Tinatanggal niya ang kamay namin sa kanya at umaktong inis na inis.
Nagsisigawan din kami habang naguusap dahil sa lakas ng ingay ng tao at ng music. It was obvious and unsurprising that Sien, Ricks, and JV were all crowd favorites today. Bumagay din kay Grace at Hanna ang costume nila kaya't may mga naghihiyawan din kada pumapagitna sila sa stage para magsayaw.
Sobrang daming naging pasabog ng Fiery Heroes para sa competition na ito. Marami silang dinagdag na bago na hindi pa nila nagagawa sa mga nakaraan na competitions. Truly they really are versatile. They could do just about anything, and it's a hands down for them.
Napangiti ako noong si Sien na ang nagpapakitang gilas. Hindi ko inintindi ang mga naririnig kong ipis sa likod ko. Sa mundo ko ay wala sila. Panay kasi ang tili. Sana pala ay nagdala ako ng Baygon.
Iyon ang mayroon sa grupo namin at ng Fiery Heroes, nabibigyan ng chance makapag-show off ang bawat miyembro ng grupo sa stage. Iyon ang importante, ang bigyang halaga ang talento ng bawat isa at maipakita ito sa madla.
Habang nagsasayaw si Sien ay maangas siyang nakangisi na siyang gustong gusto ng mga audience. Sumayaw siya katulad ng ginawa nina JV at Ricks, but it was more of his style. Kapag kasi nagsasayaw siya ay naroon na iyong Galawang Sien. May sariling pitik ang katawan niya sa bawat steps na ipapagawa, but his body can still do harmonizing when it's needed. Kaya maganda talaga iyong synchronization ng sayaw nila sa unang parte.
"Go Sien Pelarez!!! Make Mae right here very proud!" June hysterically shouted. Medyo napalayo pa iyong mga kalapit niya dahil sa kalikutan ng katawan niya. Tinataas niya pa kasi ang kamay niya na parang nakasakay sa roller coaster!
Hindi ko alam kung gaano kalakas ang boses ni June ngunit napatingin si Sien at Ricks sa gawi namin, pareho silang natawa dahil sa ginawa ni June. I was so sure that Ricks winked at June, and that made her shut up. Lumipat ng pwesto si Ricks sa kabilang parte ng stage at si Sien naman ang malapit sa amin ngayon.
Nakatingin siya... sa akin? Nagsasayaw pa rin siya ngunit nakabaling ang tingin niya rito. Nagsigawan na naman ang mga ipis pero tulad kanina ay hindi ko pinapansin. Ngumisi na naman si Sien at tila nalagutan ako ng hininga noong siya naman ang kumindat. What the... Special powers na ba nila ang kumindat at kumuha ng mga hininga ng babae? Hindi ko kasi gusto.
"Sien, you're mine!"
"That's my girl! Magiging iyo iyan mamaya pag nakuha mo na ang number niya."
Kumunot ang noo ko. Bakit ba kasi malapit dito ang pwesto ni Sien? Hindi ba pwedeng magpalit na lang sila ni Ricks? Mas maganda ang lighting doon sa kabila!
"Actually, nag-message ako sa kanya sa Facebook pagkaalis niya sa tent natin kanina. Hindi pa nga lang nagrereply," muling sabi ng babae. Kanina ko pa sila hindi nililingon kasi... bakit pa? Natatandaan ko naman iyong kalapit ni Sien kanina noong nag-group picture sila.
"Magrereply iyan, busy lang ngayon dahil competition. Hindi makakatanggi si Sien sa ganda mo. Palitan mo kaya ang DP mo? Ilagay mo iyong naka-swimsuit ka noong nag-Pagudpud tayo," suhestiyon ng supporter of the year.
Nagdilim ang paningin ko sa narinig. Hindi ko lang maintindihan kung bakit dito pa nila nakuhang mag-kwentuhan. Sa ingay ng paligid, bakit dito pa? Sana ay sa pagsasayaw ng Fiery Heroes na lang sila nag-focus, hindi iyong sa plano kung paano maaakit si Sien.
"Hindi mo na tatapusin?" tanong ni Yanis. Umiling ako. Hindi ko na siya matingnan sa mata. Nakayuko akong naglakad pabalik sa tent. Ang babaw ng dahilan para masira ang gabi ko. Dapat ay masanay na ako sa mga ganoon. Pero kasi hindi pa ako malakas. I wasn't one to compete with other girls because I didn't like competing for a place in other people's lives. And because if I deserve it then I wouldn't have to fight for it.
Sinubukan kong maging maayos pagkakita ko kina Cess at Darrah sa tent. Sila naman ang pinapunta ko sa labas para manood ng sayaw at ako naman ang magbabantay. Noong una ay ayaw pa nila at pinapabalik pa ako, pero tumanggi ako.
Sandali lang ang hinintay kong oras na mag-isa sa tent dahil bumalik na rin kaagad silang apat. Masaya nilang kinukwento ang mga napanood at puro puri lang din ang naibigay na kumento tungkol sa Fiery Heroes. Ako ay ngumingiti lang at tumatango tango.
"May nanalo na," ngumiti si June. It was sincere and genuine. Sa napanood ko kanina ay iyon din ang naisip ko. Hindi ko man nakita ang ibang performers pero si June ay napanood halos lahat pero ganoon din ang naisip niya.
"If they're gonna win, I'd still be happy. At least kaibigan natin iyong nanalo," sabi ni Yanis. Sumangayon kami.
Iyong kasama namin sa tent na dance group ang huling performers kaya't pagkatapos nila ay dinalaw na naman kami ng kaba. Pinapakalma kami ni Yanis pero hindi talaga namin makontrol. Natatawa na lang ako kay June dahil napapasayaw na siya sa sobrang kaba, eh mamaya pa naman iyong announcement.
May mga nagpe-perform pa sa stage na guests habang nagka-calculate ng results iyong mga judges. Lumabas si June para kumuha ng tubig, pagkabalik niya ay hindi lang iyon ang dala niya kundi may kasama pang chika.
"I heard the organizers says the Fiery Heroes might win! Nag-leak ata sa kanila iyong news! Grabe! Nakaka-excite!"
"Oo nga! Nag-text si Ate Joy, iyon din daw ang narinig niya," sabi naman ni Darrah na may hawak ng phone niya.
"Summerridge's gonna be so proud!"
I'm proud, too! Mga kaibigan namin iyong nababalitaang mananalo, and honestly it brought happiness to my spine. Sa naging samahan ng Sweet Intensity at Fiery heroes ay ang tagumpay nila ay parang sa amin na rin. Iyon ang nararamdaman namin kada tinatawag ang grupo nila bilang champion ng mga competitions. I can't wait to congratulate them after the announcement.
"Alam ba nina JV? Sana hindi, para surprise," ani Yanis.
"Nalaman na yata ni Ricks. Pero hindi ko sure, ang gulo kasi ng mga texts niya!" naiinis na sabi ni June habang nagtetext.
Nagaayos na kami ng sarili noong tumawag ang pamilyar na boses mula sa labas ng tent. Sinilip ni Cess iyon at tsaka pinapasok si Sien. Hindi siya nagpatumpik tumpik pa. Tumingin siya sa akin.
"Can we talk outside?"
Narinig ko ang pag-aayos ng kabilang grupo kaya busy sila. Tumango ako kaagad at halos itulak na si Sien palabas ng tent. Nakahinga ako nang malalim noong makalayo na kami mula sa mga tents. Walang tao rito sa pinuntahan namin ngunit rinig pa rin ang ingay ng music at sigawan ng audience.
"I'm backing out. I don't want to bet anymore. I'm sorry," sabi niya matapos ang ilang segundo ng katahimikan.
Napaawang ang bibig ko. I tried to remember our bet clearly. If they win then he's gonna have me, and if we did then he has to leave me alone. Iyon diba? Pinilit kong isipin na baka may nakalimutan lang ako sa sinabi ko noon.
"W-What?" I asked, my lips slightly quivers.
"The bet is stupid, Mae," his voice were venomous. Light creases formed on his forehead and his brows tightly furrowed. "I just want to clear that up, that the bet is off. I don't want to live by some kind of deal. We should do the things we want to do, and let things happen the how they should happen. I was even stupid for putting up with that bet."
Nagsalita na ang host sa stage. Narinig kong tinatawag na isa isa ang pangalan ng mga grupo na lumahok sa kumpetisyon. Ngunit wala ni isa sa amin ni Sien ang umintindi sa mga nagaganap doon.
"Bakit ngayon lang?" I asked. Tumikom ako para pigilan ang panginginig ng labi ko. He doesn't seem to be fazed by anything at all right now. Alam kong mukha na akong tanga na mukhang naiiyak pa sa wala namang kwentang dahilan.
He's backing off from the bet because they're winning? Does that mean that he doesn't want me anymore? Bakit ngayon pa? Sa dami ng katangahan kong nagawa ay ngayon pa niya ako susukuan. Napuno na ba siya?
Ang dami kong gustong itanong pero hindi ko mabuka ang bibig ko. Tinalikuran ko siya.
"Mae..."
See? He can't even explain himself.
"Mae! Sien!" a voice called, "Announcement of winners na. Let's go!"
Pumikit ako nang mariin at sumunod kay JV. Nang hintayin niya pa ang kaibigan ay mas nauna na akong naglakad. Wala sa sarili akong lumapit kina June. Panay ang tanong nila kung saan ako nanggaling pero hindi ko na nasagot. Maingay ang tao habang naga-announce ang judges. Magkakahawak na kami ng kamay pero hindi ko na rin talaga maramdaman ang kaba.
Iba na ang pumapasok sa isip ko. It was like the world went mute and all I could hear was my heart... breaking. Gusto kong tawanan ang sarili ko dahil napapaligiran ako ng masasayang tao habang ako ay unti unting nanghihina. I pitied myself, and if people knew that I'm breaking right now, they'd pity me, too.
"Mae? We won first place! First frickin' place!"
Nagising ako sa sigaw ni June. Tumatalon na silang apat habang ako ay nakatayo pa rin. Some parts of me lighted up. Pinilit kong ngumiti nang malaki pagkaakyat namin sa stage. Sumaya ako noong nakita ko ang mga groupmates ko na masayang masaya. I'm going to own it just tonight and say that we all deserve this.
Ginandahan ko ang ngiti habang nakikipag-kamay sa mga judges at noong photo ops na. Nabawasan lang ang ngiti ko pagkababa namin ng stage. Mataas pa rin ang energy nilang apat kahit na nakabalik na kami sa pwesto. Kanina sa tent ay masaya na kami kahit iniisip namin na hindi kami mananalo, ngayon pa kayang nag-First place pa.
"And the champion of this year's Excite the Beat Annual Dance Competition is..."
Pinasadahan ko ang mga hindi pa natatawag na dance groups. Bawat grupo ay nakatungo at magkakahawak ng kamay. Tumigil ang mata ko sa Fiery Heroes.
"Fiery Heroes!"
Sobra sobra ang sigawan sa event hall. Umulan ng confetti sa stage at sa parte namin kung nasaan ang mga contestants. Muli na namang tumalon ang apat kong kasama. Napangiti na lang ako at sumabay na rin sa kasiyahan nila. Nagbibigay na ang tadhana ng mga dahilan para maging masaya ako ngayong gabi at hindi ko na ito tatanggihan pa. After all, happiness is a choice, right?
Nagkagulo ang mga tao hindi lang sa stage kundi sa buong event hall. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari pero nakaramdam pa rin ako ng saya. Puro picture-an ang nagaganap. May ibang dance groups ang lumapit sa amin para magpapicture. Meron din naman iyong solo lang na kasama ako. Hindi naman ako sikat pero pumayag na ako. Baka gusto lang makipag kaibigan.
"Cazandra Mae, right?" nakangiting tanong ng lalaki. May nakasulat na Wild Beast sa shirt niya. Sa pagkakaalam ko ay sila iyong second runner up.
"Yes," I smiled. "You are?"
Nakipag kilala siya. Aalis na sana siya ngunit may mga kaibigan siyang dumating at nakipag kilala rin. Napapangiti na lang ako sa mga nangyayari dahil tila ang dami biglang gustong makipag kaibigan. Kanina nga naman kasi ay piit din ang mga kilos namin sa sobrang busy at masusungit na organizers. Ngayong tapos na ay nagkakaroon na kami ng oras na makipag-kilala.
"I'll add you on Facebook, make sure to accept my request," sabi noong bagong dating na lalaki. Ngumiti ako at tumango. Natanaw ko sina Darrah na tinatawag ako kaya nagpaalam ako sa mga kausap ko.
Pagkadating ko ay naroon si Mama. Niyakap niya ako at sinabi na sobrang proud niya sa akin. Umakyat kami sa stage at nagpa-picture. Maraming photobombers dahil marami ring nagpapapicture rito. Pagkatapos noon ay umalis na si Mama kasama ang mga kaibigan niya. Pinaalalahanan niya pa ako na mag ingat. Sinabi pa niya na i-congratulate ko rin si Sien at sabihing pinapasabi niya. Tumango na lang ako kahit parang di ko naman magagawa.
"Picture!!!" humahangos na dating ni Ricks sa amin. Itinapat niya sa amin ang phone niyang nakakabit sa monopod. Ngumiti kami at nakakuha siya ng ilang shots bago nagsidatingan ang iba pang members ng Fiery Heroes.
"Say Sweet Heroes!" masayang hiyaw ni JV. Sinigaw namin iyon at tsaka ngumiti para sa picture. Saktong nagpatugtog ang DJ ng hype na music at nagsayawan kami.
"Sweet Intensity owned the night!" sigaw ni Hanna.
Nagtatalunan kami sa harap ng stage.
"Fiery Heroes lit the dancing world!" sigaw ko naman. Nagtawanan lang kami.
Sobrang saya habang nagsasayawan kami. Tulad ng dati ay nagpakitang gilas si Ricks sa gitna ng bilog na ginawa namin. Hindi rin nagpatalo si JV dahil sinabayan niya pa ang kaibigan sa pagsasayaw.
Pumapalakpak pa kami habang nasa gitna iyong dalawa. Hindi nagtagal ay may ibang dancers mula sa ibang grupo ang sumali sa bilog namin. May mga sumigit sa gitna namin ni Cess. Nginitian ko naman iyong mga katabi ko.
Nasa kalagitnaan ng pagtatalo si JV at Ricks nang mahagip ng mata ko ang pag-singit ng isang babae sa tabi ni Sien. I knew it all too well. She's that same girl I heard talking to her friends about Sien. I saw him got taken aback as the girl pushed herself to be able to reach his ears. Bumulong ang babae tapos tumango naman si Sien pagkatapos. Luminga muna si Sien kaya't umiwas ako ng tingin bago pa niya makita na nakatingin ako sa kanila. Pagkabalik ko ng tingin ay wala na sila sa bilog.
Simula noon ay hindi na ako mapakali. Hindi na rin ako nakakasabay sa kantyawan at kasiyahan. Umalis ako sa bilog at nagpasya na bumalik na lang sa tent. But it was a wrong move. Kung babalik ako roon ay kailangan kong daanan si Sien at iyong babae. They're on the way. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Lumayo ako at pinilit na umisip ng ibang bagay. Pero kahit anong gawin ko ay hindi matanggihan ng isip ko na tingnan iyong dalawa. Napatitig ako nang ilabas ng babae ang phone niya. She's really getting his number.
Ngumiti si Sien habang hawak iyong phone. Ibibigay niya talaga. Napaupo ako sa bato na malapit. Hindi ko na mapigilan ang emosyon ko. May namumuo sa lalamunan ko na hindi ko malunok lunok. Hindi ko hinahayaang tumulo ang luha ko dahil hindi naman ako dadalhin nito kahit saan.
This night was supposed to temporarily end my dancing life and I was still happy. But little did I know that it's not the only thing that's going to end tonight.
Kahit gabi na ay hindi nawalan ng energy ang mga kasama ko. Naisipan nilang mag-swimming sa pool ng hotel na tinutuluyan namin. There were even goodies from Summerridge that were delivered to our suites. Natanggap nila ang balita kaya't puno ng appreciation ang mga students sa university.
"Hindi ka ba sasama, Mae?" tanong ni Darrah. Tinignan ko ang phone ko, marami pa akong sinasagot na messages.
"Susunod na lang ako mamaya," sagot ko.
"Okay. I'll tell them."
Pagkaalis ni Darrah ay naiwan ako sa kwarto. Nagtanggal ako ng make up at tsaka nahiga sa kama. Nandito pa rin iyong paninikip ng dibdib ko. Wala akong maisip kundi iyong mga nangyari kanina sa pagitan namin ni Sien. Marami pang tanong na hindi pa nasasagot. Binabaliw na ako sa pagiisip kung ano ba iyong mali. Gusto kong malaman para naman alam ko kung paano itatama, diba?
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Sobra sobra na ang pag hikbi ko na hinihiling ko talaga na masaya sila roon sa roof deck para wala ni isa sa kanila ang makaalala sa akin. They might storm inside the room and see me cry, and honestly that's the last thing I wanted to happen.
Nalaman ko na lang na nakatulog na ako pagkagising ko ng umaga. Tulog na tulog si Darrah sa tabi ko, habang sina Cess, June, at Yanis ay magkakatabi sa kabilang kama.
Maingat akong tumayo para mag ayos. Kagabi ay hindi ako maayos na nakakain ng dinner kaya't lumabas ako ng suite para humanap ng food. Bumaba ako sa lobby para magtanong.
Umatras nang kusa ang paa ko nang makasalubong ko si Sien. Parehas kaming natigilan. Kaswal na ang suot niya ngayon at wala na iyong aura niya tulad kagabi. Napansin kong tila pagod ang mata niya. Siguro ay dahil sa puyat. Hindi ko pa nababalitaan kung ano ang nangyari kaninang madaling araw noong nagcecelebrate sila.
That's because I was busy crying.
Ngayon ay bumabalik na naman iyong pakiramdam. Suddenly, I wasn't so hungry anymore. I wanted to run away but it felt like my feet were cemented on the ground.
"Mae..." mahinahong niyang tawag. I couldn't identify the emotion that coated his face. "Are you okay? Your eyes..."
Shit. Namumugto nga pala ang mata ko! Dapat ay tumawag na lang ako ng room service.
"It's fine," I lied.
"You're not okay, Mae. Talk to me... please." Humakbang siya palapit sa akin pero umatras ako. Hurt registered on his face. And I started to wonder why. Siya naman ang may gusto nito.
"Wala naman akong dapat sabihin." I pursed my lips, still not looking at him. "Ikaw... do you have something to say?"
Nakakunot na ang noo niya pagkatingin ko sa kanya. Sinabihan niya ako na sundan siya sa labas. Malamig ang simoy ng hangin dito. Maganda ang view at nakaka-relax, but it's still not enough to make the pain go away.
"Mae, anong problema?"
"Sien, please..." I exhaled. I'm too tired for this. "Just say what you have to say. I'm exhausted. Tapusin na natin 'to."
Para siyang naalarma sa huli kong sinabi. May mali ba? May mali na naman? Ano ba kasi iyon?!
Matagal kong pinagsisihan ang pag-putol ng pagkakaibigan namin noong graduation. Matagal tagal akong sinampal ng kunsensya ko na hindi tama ang ginawa ko noon, na ang tanga ko, na ang selfish ko. Akala ko tapos na ako sa mga pagsisising iyon pero dahil sa nangyayari ngayon ay bumabalik lahat.
Alam ko na kung may dapat piliin sa pagitan ng pag ibig at pagkakaibigan ay iyong huli ang dapat piliin. Because you can never go wrong by choosing friendship, right? But I was scared. So much of a coward, because I couldn't take another day of watching Sien like someone else.
Napaluha ako. Hindi ko na napigilan.
I was so selfish, I know! Pero hindi ba, sabi rin naman ng iba ay kung may pagkakataon kang iligtas ang sarili mo ay gawin mo na? That if there was a way to make yourself feel alive again then, by all means, go for it?
Pero bakit parang iba iyong itinadhana sa akin? It was like the decision I made to save myself had only driven me to kill myself more. The road was full of regrets and immature things... stupid things. Tinignan ko siya. Now I wait, ano pa bang katangahan ang magagawa ko sa buhay?
"Mae, walang matatapos," nanginginig niyang sabi. Lumapit siya para hawakan ang kamay ko. "Bakit kailangan may matapos? Anong mali, Mae? Was it about last night? I'm sorry! I have no excuse, I am guilty."
Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin malinaw ang lahat. Hindi ko na rin siya maintindihan. Binawi ko ang kamay ko. Nagulat siya roon.
"I'm sorry that I was so cold. But it was only because I was hurt, Mae. The bet you made really hurt me. Ang sakit isipin na kaya mo pa palang paglaruan ang nararamdaman ko matapos kitang habulin. Mae, all I did was chase you because I really really want to keep up. All I did was run. Hinabol kita kahit minsan ay papasuko na ako," his voice croaked. I saw the corner of his eyes watered while mine had already turned into frickin' waterfalls.
"Kahit ayokong pumayag ay pumusta pa rin ako. Kasi naisip ko na baka kung matalo kita roon ay hindi mo na ako palalayuin, that you'd stop hindering yourself from giving in to me. Because that's my dream, for you to be mine. Kasi ako, iyong iyo naman ako e. I am yours at disposal, Cazandra Mae. Nasasaiyo ang desisyon kung itatabi mo ba ako o hindi."
Patuloy pa rin ang pag-iyak ko. Hindi na ako makakita nang maayos. Gusto kong tumakbo palayo dahil pakiramdam ko ay may nanonood na sa amin ngayon. But that wasn't exactly my major issue. I am my issue.
May tumutulo ng luha mula sa mata niya. Nasaktan ko nga siya nang sobra, at parang pinipiga ang puso kong makita siyang ganito.
"Pinili kong hindi ka muna kausapin pagkatapos mong sabihin iyon. I'm sorry if I was hurt, hindi tuloy kita nakausap," ngumiti siya, and it was genuine. He showed concern over me when it was him who needs taking care of. Hinawakan niya ang pisnge ko ang pinunasan ang lumalandas na luha sa mata ko gamit ang hinlalaki niya. "I just needed time. I needed that to renew my strength."
Pinilit niyang hulihin ang tingin ko, pero hindi ko siya magawang tingnan dahil mas dala ko iyong sakit. Ang hirap tingnan na nasasaktan ang taong walang ginawang iba kundi ang mahalin ka. It's unfair to them. All I ever received was love, yet all that I inflict to him was pain.
"I'm sorry I was immature last night for making you jealous. Nagiging bata ako pag nagseselos, Mae, na minsan hindi ko na napapansin na sasaktan na kita. Nasaktan ba kita? Kagabi? Mae..." he whispered when I did not answer.
Umiling ako kahit mabigat talaga ang loob ko noon. Nasaktan ako pero hindi ko na dapat sabihin. I didn't want him to blame himself anymore. Isa pa ay gumanti rin naman ako. Kaya patas lang siguro kami.
"About the bet..." I started when I succeeded to pacify myself a little. "Bakit biglang ayaw mo na? Mananalo na kayo, diba? You win, you have me. That's my stake of the bet. Pero umatras ka pa rin, Sien. I just needed to know why."
Napatitig siya sa akin. Nakaawang nang kaunti ang bibig niya, he looked like he wasn't expecting me to ask about it.
"I was threatened, Mae. Akala ko ay mananalo na kayo, believe me!" tumaas ang boses niya. "Ricks told me that there was a leak. He knew about our bet so he was concerned. Noong nalaman ko ay pinuntahan kaagad kita. I was confused that time. Marami akong kinwestyon na bagay. Nasa isip ko, I did my best, I even sacrificed my group mates' sake just so we could get the trophy we wanted. But for what? Nothing? Tanggap ko iyong hindi kami manalo sa competition, pero iyon ay kung walang kaakibat ng consequences."
Pinilit na naman niya akong tingnan siya. Sumulyap lang ako, pagkatapos ay umiwas na naman.
"But losing came with one. I know I'm gonna lose you, too. Kaya hindi ko matanggap. Kaya pinuntahan kita para bawiin ang desisyon ko, kasi alam kong mababali ko lang iyon. Kaya kong pustahan lahat ng sugal, pero iyong laro mo ang hinding hindi ko kaya. Kaya kong lumaban, pero paano kung hindi ako manalo? Hindi ko kaya..."
Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. Matagal na siyang nakakapit sa akin at hindi na ako makahinga.
"Mae, please say something," he stammered. Nanginginig na naman ang boses niya.
Lumayo ako sa kanya dahil kailangan kong huminga. This was too much take in. Huminga ako nang malalim. Magsasalita na ako pero bigla siyang lumuhod. Napalunok ako at pinilit na itayo siya. I started panicking when he cried.
"Mae... ano bang kailangan kong gawin? Gagawin ko naman lahat, sabihin mo lang. I said that the decision is yours either to keep me or not... pero please, 'wag mo naman akong itapon..." basag na basag na ang boses niya.
"Sien, please... get up!" I almost yelled. Nakatingin na iyong mga tao sa amin. Mas lalo ko siyang pinilit na itayo pero hindi siya sumusunod. "Sien iiwan kita rito kapag hindi ka pa tumayo!"
Malalim siyang huminga at tumingala sa akin. Kinalma niya ang sarili niya bago tumayo. Nakatungo siya at hindi maiharap ang sarili sa akin.
I wanted to stop all the hurting, so I'll end it right here and now. What happened was all misunderstanding. It may take a while for me to move on from all of it because of the guilt that crawled up my system, but doing what's right might be a start.
Ako naman ang humawak sa magkabilang pisnge niya.
"Sien, I'm not going to push you away anymore. If anyone's really to blame for everything, it's me. But please, let's stop all the blame. There's nothing to end, we're not going to end," I assured him with a small smile. "Hindi ko naman pinipigilan ang sarili ko sayo."
Ngumiti siya at napailing. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito. Hindi niya ako binitiwan.
"Ano lang, Mae? For all I know, dyan ka magaling. If you're not restricting yourself then what's that? Pagpapakipot?"
May pilyong ngisi na sumilay sa labi niya. And as a natural reaction, I rolled my eyes. Doon siya natawa. Napangiti na ako. This was all I wanted to hear. Ito lang, masaya na ako.
"But is it serious? Are you serious? You're not going to push me away... ever again?" tanong niya. Nangangalo ang mata niya ngunit nakangiti pa rin siya. I answered yes. Kinuha niya ako at mariing niyakap. "This is my dream. Please, Mae. Seryosohin mo na iyan, dahil kung hindi ay ipapadala na talaga kita sa outer space at mabulok tayong magkasama roon!"
Tumawa ako.
"Outer space?"
"Yeah. Dakilang taga-hingi ka kasi ng space, baka pag nandoon na tayo ay maumay ka na sa space, tapos gugustuhin mo na lang ako na palaging malapit sayo. Para you know, tanggal umay."
Tinulak ko siya at pinigilang matawa. Hinigit naman niya ako muli para mayakap. Papayag na sana ako pero marami na talagang nanunuod sa amin. Nanlaki pa ang mata ko noong makita ko ang buong Sweet Intensity at Fiery Heroes. Mga nakangisi pa sila at tila nanunuod ng Romcom movie.
"Sien... our friends are watching us!"
"I know," sabi niya. I felt his chest vibrated while he laughed. Mas lalo kong nilakasan ang pag-tulak sa kaniya dahil nakita ko si Ricks na nagvi-video! "Just let them."
"Ayoko nga sabi, Sien! Bumitaw ka na," I almost begged. Hiyang hiya na ako. Bahagya niya akong nilayo sa kaniya ngunit hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko.
"I thought you're done pushing me away?" seryoso niyang sabi. I waited to see if he's joking, but the mischief in him never showed up. Kinabahan ako. Wala akong nagawa kundi ang yumakap muli sa kanya kahit sobrang ilang na ilang na ako.
I'm uncomfortable with people watching us right now, but I surely couldn't bear with the pain if I lose this guy again. I'd rather be embarrassed.
"Iyan ang gusto ko," muli siyang tumawa at yumakap pabalik. Pinalo ko ang likod niya. Okay, he's a good actor now, too, "Shit, ang saya ko!" Napasinghap ako dahilan para tinignan niya ako. "I'm sorry, Mae ko. Am I not allowed to swear? Kasi sa sobrang saya ko gusto ko na lang mag-mura nang mag-mura."
"Mauubos na ang memory ng phone ko. Are you lovebirds still not done?" Hiyaw ni Ricks, "O baka naman may kissing scenes pa kayo? Can you please get into it already? I want to capture it!"
"Man, stop! You're ruining the moment," suway JV.
Napatalikod ako mula sa kanila dahil humarap doon si Sien. Napairap na lang ako dahil para talaga siyang koala ngayon.
"Private shooting na 'yon, Ricks! Bawal may tao, mahiyain 'to e," sabi ni Sien. I'm guessing he even pointed at me. I took that as a chance to escape. Tumawa lang siya nang makalayo ako.
Medyo lumayo ako sa kanya. Pinunasan ko nang maayos ang mukha ko. Inayos ko rin ang buhok kong gulong gulo na dahil sa ihip ng hangin. Nagsimulang maghiyawan ang mga nanunuod sa amin dahil sa kada atras ko kay Sien ay dalawang hakbang ang ginagawa niya palapit.
Kinakabahan pa nga ako dahil kakaiba talaga ang ngiti niya. Baka mamaya ay bigla na talaga itong mang-halik! Namula ako sa naisip.
"Mae... I love you," sabi niya sa malambing na boses. Ngiting ngiti pa siya habang lumalapit sa akin. Mas mabilis pa akong napapaatras. Pakiramdam ko ay pulang pula na ako. Hindi pa nakatulong ang mga kaibigan namin dahil sa lakas ng hiyawan nila. Nahihiya na ako sa nangyayari ngayon.
May ibang tao rin dito, ang isang matandang babae ay nakita ko pang nangingiti rin sa nangyayari.
Hindi ko namalayan ang nasa likod ko kaya't napaupo ako dahil doon. Marahang nangiti si Sien. Inabot niya ang braso ko at maingat akong hinigit patayo.
"Where's my I love you too, Sien?" pinatinis pa niya ang boses niya, "And the I can't live without you, Sien? You know, lines like that. Gusto kong marinig," he teased.
"Feel mo naman hindi ko kayang mabuhay nang wala ka?" Umirap ako. Naka ngiting aso pa rin siya at naghihintay. "'Wag kang umasa, hindi ko talaga sasabihin 'yon."
"Ang sungit naman ng girlfriend ko," tumawa siya. Pinigilan kong ngumiti. I don't know... may umikot sa tiyan ko nang marinig ko iyon. Pero nagmatigas ako.
"I'm still not your girlfriend, by the way," masungit kong sabi.
Tumingin siya kina Ricks at tinuro pa ako.
"Hindi ko pa girlfriend. Hard to get nga pala 'to."
Tumawa pa ang mga babae sa sinabi ni Sien. Pakunwari namang naawa iyong mga lalaki para sa kaibigan. Nagsimula na akong maglakad pero hinigit na naman niya ako. Isa pa, ha! Maiinis na ako! Paano kung matanggal na lang ang mga braso ko? Ugh!
"Okay, Mae ko. Hindi pa kita girlfriend ngayon kasi liligawan pa kita," panimula niya. He was so serious it send shiver to my spine, "But please, let me hear it. I need assurance, too. Sana ay 'wag kang magalit sa hinihingi ko. That's one thing that I really need. Pag naibigay mo na ay magtutuloy tuloy na ako, kahit itaboy mo na ako ng ilang beses ay malakas na akong babalik sayo kasi wala na akong dapat ikatakot. Please... I just need the words..."
I understand what he wanted. I wanted to give him more than that. Nakikita ko sa mata niya iyong takot at gusto kong alisin iyon. So starting now I'll always be fair to him. I'll give him what he's been giving me the whole time.
Nilapit ko ang mukha niya sa akin. Ngumiti ako noong nagulat siya sa ginawa ko. Pinatong niya ang kamay niya sa aking bewang. He towered over me so we may look like we're kissing from another angle, but just for a few seconds I'd try to forget what other people would think.
"Sien, I am yours."
Napangiti siya. His eyes were full of happiness. I know that if I'm seeing mine right now I'd see the same thing.
"I love you too," I said with sincerity. Sinigurado kong puno ito ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. I'm trying to give him the assurance that he deserved.
His breath hitched. Hinawakan ko ang pisnge niya.
"Please say that again," sabi niya. Napapikit siya habang nakangiti.
"I love you, Sien, sobra."
"Please... one more," muli niyang sabi. Iisipin ko na sana na inaasar na naman niya ako pero nagkamali ako. I was moved when tears fell from his eyes while it's still closed. Nakangiti pa rin siya.
"Sien... I love you! I love you, I love you!" masaya kong sabi.
Nagulat ako nang niyakap niya ako para buhatin. Ilang beses niya akong inikot dahil sa... sobrang saya niya? This guy! Natawa ako. Binaba niya ako at binigyan ako ng matamis na ngiti.
"Mahal na mahal kita, Mae," nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko, "I get it now why it's a curse that our friends were watching us. Because I couldn't kiss you in front of them."
Sinuntok ko ang tiyan niya at natawa.
"You wanna know why?"
Hindi ko siya sinagot. Umirap ako nang ngumisi siya.
"Because I won't settle for a baby kiss, Mae. I'd like to make up for the times that we should be kissing. I should be kissing you every morning when I pick you up for school and when I bring you back home. I should be kissing you and telling you that everything is going be alright when you're almost giving up because you still have a lot to study for exams the next day. And times like when we danced in a showdown, the times we're alone in the dance studio, and times when I just needed to say that I love you."
Tumigil siya para ngumiti. Napakagat ako sa labi ko. I love this version of him. Heck, I love all of his versions!
"I'd like to make up for our lost times. We spent so much time being just best friends, while really, all we ever wanted to do is love each other on a different level. And I am so much ready for that, Mae. Please be ready with me, too."
I smiled and replied,
"Yes, Sien. I am ready."
f i n
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top