Chapter 9
Chapter 9
Hopia
Sa mga sumunod na araw ay hindi nagparamdam si Sien. Ako man ay nagulat sa sinabi ko pero hindi ko 'yon magawang bawiin. Partly because that's what I really wanted. I just hope he'd understand my reason when we meet again. At hindi ko alam kung kailan iyon.
Hindi na kasi siya nagtext o nangungulit. Namimiss ko but I conditioned myself to this set up. Hindi naman habambuhay niya ako gagambalain. He'd find a girlfriend eventually and then I'll be out of the picture. That's just my role, I admit. I'm the one that's preferred only when the best hasn't happened to him yet. As cringe-worthy as it may sound but I know that I am indeed at his disposal.
"You're getting better, Mae! But still not as good as me." Tumawa si Ate Kayla. I glared.
Sa araw araw na pananatili ko sa studio ay naging close kami ni Ate Kayla. Kung hindi lang talaga 'to mahinhin eh nasadista ko na 'to tulad ng ginagawa ko sa mga kaibigan ko.
Nabawasan na rin ang oras ko sa gym dahil parang workout na rin naman ang ginawa kong pagsasayaw. Sa umaga ay nauuna kami ni Ravi dito para sa dance workout habang sa hapon naman ay si Ate Kayla na ang nakakasama ko.
Ilang linggo na rin ang lumipas at kaunting araw na lang ay babalik na ako sa klase. Pag naiisip kong mawawalan ako ng oras sa pagsasayaw ay medyo nalulungkot ako. I've grown to love dancing in just a short span of time. Nageenjoy kasi talaga ako.
"Nasaan si Ravi, Ate Kayla?"
She pursed her lips, perhaps trying to hide her malicious smile. What?
"Bakit mo hinahanap si Rav? Miss mo?"
Agad akong umiling. Duh. "Malamang hindi. Tinatanong ko lang naman kasi libreng magtanong diba?"
Hindi na napigilan ni Ate Kayla ang pag ngiti nang nakakaloko. Napairap na lang ako.
"He's a part-time DJ in clubs somewhere in BGC. Pansin mong magaganda ang remixes ng kanta namin? He's behind all those. Magaling siya kahit hindi halata sa hitsura."
"Hindi nga halata." Napailing ako habang nagiisip.
"Ang alam ko ay pinagaawagan siya ng clubs sa Maynila. Hindi niya lang tinatanggap ang offers noon, ngayon lang. He gave us passes to come see him work sometime this May. Kung gusto mong sumama, may extra pass naman 'yong si Rav."
"Okay lang. But I'm not sure."
I loved dancing and party music, but I don't know if I could enjoy club life as equally. I've heard stories or myths about party life and some of it were not pleasing to me.
"Fine. Pero subukan mo pa ring makapunta in one of his events. I'm sure he'd like his friends around." Kumindat pa siya.
People!
Tatlong araw absent si Ravi sa dance workout na inoffer niya sa akin noon, but it didn't mean me stopping the routine. Sanay na rin naman akong mag-isa. Ako pa ba?
Sumunod na araw ay bumalik na siya. Pagkakita ko sa kanya ay sakto lang naman. Walang miss-miss, walang nagbago.
"Miss mo ako?" Nakapaskil pa ang pang asar sa kanyang mukha.
"Hindi naman. Sino ka ba para mamiss ko?"
"That's real hard!" Tumawa siya. "Workout?"
Tumango ako. Game!
We danced a workout routine, specially made by Ravi himself. Magaling talaga ang loko pero hindi ko na lang pinapansin. Kahit minsan ay inaamin kong napapatingin ako sa kanya kapag pagod na ako pero trip pa rin niyang magsayaw mag isa.
"Hey. You still gonna go here even when you have classes?" tanong niya nang matapos kami sa workout.
"If it's only going to be my decision, of course. Pero graduating na kasi ako so it meant a lot of work. Aalamin ko pa kung kaya kong pagsabayin."
"I hope you can."
Nang dumating ang weekend ay kinundisyon ko na ang sarili ko sa pagpasok. Nag ayos ako ng gamit at nagpahinga. Habang papatulog ako ay tsaka ko pa lang napagtanto na sobrang ginugol ko ang bakasyon ko kasama ang mga bagong tao sa buhay ko. Kasama na rin noon ang bagong passion.
Nagkaroon ng puwang ang dibdib ko nang maalala ko ang mga kaibigan ko. We all still text and have internet chats but it's not the same as seeing them in person. Hindi rin kami nakapagkita kita at makapagplano dahil sa kanya kanyang bakasyon ng pamilya.
Para namang walang pinagbago nang magpasukan at magkita kaming lahat. As usual ay walang klase pag first day kaya't nagkwentuhan lang kami buong araw.
"Ewan ko. Ang ilap pa rin ni Drian sa akin. Siguro nahihiya," nagtataka pang sabi ni Jesca.
"Ayaw lang talaga no'n sayo, noh!" Tumawa ako.
"Napaka hard mo. Akala mo naman gusto ng best friend niya." Inilabas pa niya ang dila niya.
"Peste!"
Umirap ako. Hindi pa rin kami nagpapansinan. Kahit alam kong gusto na niya akong makausap ay hinayaan ko na lang siya. Ilang beses kasi siya nadulas na kausapin ako ngunit pinipigilan niya talaga, eh. Ang arte lang.
"Kami naman beach lang ng beach. I am loving this sun-kissed skin." Napatigin kami sa kutis niya. She was indeed golden brown! Parang nuggets!
Gustuhin ko mang makinig ay natutuon ang pokus ko kay Sien na matalim ang tingin sa akin. Naroon siya sa may pintuan.
"Hey, Mae! Pansinin mo na nga itong isang 'to! Kabadtrip, eh. Di makausap nang maayos," sigaw ng kung sino.
Napalingon ako kay Sien. Umiling lamang siya sa akin at tsaka naglakad paalis ng room.
Oh sige dahil mabait naman akong tao, char, susundan ko na. Good mood naman ako ngayon.
"And now you decided to follow me?" He peeked over his shoulder while he walked his same fast pace.
"Edi 'wag! Ikaw na nga itong—"
"Bakit kasi ngayon lang?" inis niyang tanong. Hindi ko rin ma gets itong taong ito.
"Ano na naman? Kaartehan mo Sien. Ang tagal nating hindi nagkausap kaya ayusin mo 'yan."
"Eh ayon na nga, Mae. Ang tagal. Ano? Masaya ka ng walang koneksyon sa mga kaibigan mo?" Umasik pa siya.
"I talk to my friends."
"What am I to you, then?" mahina niyang tanong. "Hindi mo na ba ako kaibigan? Ano bang nagawa ko?"
"Dammit! Kaibigan, malamang. Sien, gutom ka lang siguro. Kumain na kayo ni Jayce. Sumasakit lang ulo ko sayo," napapikit ako at napakahawak sa aking sentido.
"Nakakaasar kasi. Lagi na lang akong nanghuhula."
"Edi 'wag kang manghula. Tapos."
"Ayaw mo kasing sabihin kung ano 'yung mali. Tapos kung hindi naman ako manghuhula hindi tayo maaayos."
Sarkastiko akong tumawa, "Ano ba, Sien. Para tayong mag boyfriend-girlfriend, eh. Kasuka."
"Nakakasuka?" Lumapit siya sa akin. Seryoso ang mukha niya at walang bahid ng pagbibiro. Hindi siya tumigil hangga't may naaatrasan pa ako at may pagitan pa sa amin.
"Why, Mae? Why does this sickens you? Tell me."
Napapikit ako. Of course hindi ako umaasang halikan niya ako, ano! Ano lang... Konti lang? Para masaya na ang sambayanang butterflies sa tiyan ko?
Hindi ako sumagot. Pinakikinggan ko lang ang aming pag hinga at ang pagtahimik ng paligid. Wala ni isa ang kumikibo sa amin. I wonder why.
Ang tagal naman nitong si Sien! Hahalik lamang, eh!
Ay joke!
Naghintay pa ako ng kaunting sandali at doon na ako natauhan. No! He shouldn't kiss me. If he kisses me without feelings then what does that make me? Friends don't kiss. Kung tutuusin, friends don't close distance in between like this!
Nagmulat ako at itinulak siya. So much for wishful thinking.
"Dahil magkaibigan tayo, Sien. That's why. Sino ba ang kaibigang manghahalik sa kaibigan. Ano, ikaw? Sa akin?" I scoffed. "That's just bull."
I cringed at the thought. Nakakapikon palang magkagusto sa kaibigan mong ganito.
"Pasalamat ka pinahahalagahan ko ang pagkakakaibigan natin," bulong niya.
Hindi ko pinansin at umalis na ako. Alam kong magiging okay na kami. May mga ganoong tao kasi, iyong hindi mo talaga matitiis at hindi ka rin naman nila matatanggihan. Iyong patigasan pa kayo pero kapag lumapit ang isa, parehas na kayong matutunaw.
Nang magsimula ang klase ay nakakapagsayaw at workout pa ako sa studio. Dating gawi lang ako hanggang sa punuin na kami ng gawain ng mga teachers.
Sinubukan ko namang pagsabayin pero may mga araw talaga na hindi ko kinakaya ang pagpunta. Nasa year level namin ang pressure dahil graduating kami. And of course we couldn't do anything but to cope up with the struggles. Kaya't ang pagpuntang iyon ay nauwi sa pagdalaw na lang.
"Sa bahay na lang daw tayo mamaya. I-revise na natin ang chapters one to three para hindi tayo mahirapan pag dating ng exams week," sabi ni Sien.
"Aalis ako mamaya, diba? Alam mo 'yan."
Nagyaya kasing mag dinner sina ate Kayla. Ayoko na sanang tanggihan dahil lately ay puro 'hindi' at 'next time' na lang ang sinasabi ko.
"At tsaka mahaba pa naman ang time para dyan. Ang OA mo lang." Tumawa pa ako pero seryoso lang siya.
"Okay, fine. 'Wag tayong gumawa ng feasib. Tapos," seryoso niyang pagkakasabi bago ako nilayasan.
Sinundan ko ang maarteng bata dahil malamang may tinatagong hinanakit 'to.
"Oy, Sien." Kinuhit ko pa siya habang sumusunod sa likod niya. "Ang snob naman nito."
Tumigil siya at tamad akong tinapunan ng tingin.
"Ganito kasi 'yon. Diba matagal na akong kinukulit ni Ate Kayla na makipagkita sa kanila? Pero wala akong free time. Ngayon na lang kasi kakatapos lang naman ng Prelims kaya pagbigyan mo na ako, leader." Ngumiti ako nang malapad, hoping it would help.
Napailing siya sa akin. Okay. Hindi nag work. Walang kwenta naman kasi ang rason ko, pero isa pang try.
"Sien, I owe them my summer. If it weren't for them I wouldn't have an extraordinary vacation. It was one of the best and I enjoyed it! Kaya ang pagsama sana sa kanila could be a little unsolicited payment."
Hinarap niya akong muli. Wala pa ring emosyon ang kanyang mata. His lips were straight.
"Yeah. And that Ravi stole you from me."
Napaangat ako ng tingin sa kanya. Awtomatiko siyang umiwas ng tingin. Madilim sa hallway kung saan kami napatigil kaya't hindi ko na makita ang kulay ng kanyang mukha.
"But fine. Ikaw ang bahala, Mae. You go. It's all fine."
Matipid siyang ngumiti bago nagpaalam. Nanginginig pa rin ang buong sistema ko habang pinapanood ang likod niya hanggang sa tuluyan na siyang makaliko.
So ayon, ang hopia meter ko tumaas na naman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top