Chapter 8

Chapter 8
Give Me Summer

"I'm gonna train my dancing skills, too," anunsyo ni Sien habang kumakain kami.

"Lahat na lang, Sien. Lahat na lang! Kumain ka kaya ng originality, ano?"

Napairap ako habang kumakain ng pizza. I didn't want to make face in front of my pizza, but I still couldn't help it. I want him near me because he's my friend. But there's this fixed feeling of me wanting him away.

"I actually invented that recipe, Miss," nginisian niya ako. I scoffed. "But I'm not in the mood for it. So what do you say, can you tag me along later?"

Uminom ako bago ko isinakbit ang bag ko, "Rest room lang."

Kung wala lamang kami sa fast food chain ay kanina pa ako napahilamos sa mukha. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin.

"Kaya mo 'to, Mae! Makaka-move on ka rin sa bakulaw mong kaibigan. Trust yourself."

Ilang malalim na hininga pa ang ibinuga ko bago ako makalabas. Tuloy tuloy na sana ako sa paglalakad kung wala lang humila sa akin. Aasikan ko na ang lalaki pero natigil ako nang makita kong si Sien ito.

"Ang tagal mo. You pooped?"

At itinuloy ko ang na antalang pag-asik kanina, "Sige dalhin mo 'yang nakakairita mong ugali, hindi ka makakasayaw mamaya."

"Hindi na po, Madam." Ngiting aso siyang dumungaw sa akin. Siniko ko siya para matahimik.

Todo paliwanag ako kay Ate Kayla nang makarating kami sa studio. Nasaktuhan namin na water break sila kaya't nakapagusap kaagad kami. Hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha ni Ate Kayla kaya't tuloy tuloy lang ako sa pagsasalita.

"Sien is my friend. He won't cause harm, he just wanted to learn and watch you dance, that's all. Hindi niya ibubuking ang moves niyo, swear. But if he does, I'll be the one to kill him. Ate Kayla, sorry for bringing a plus one. Kung hindi naman siya pwede rito ay pwede ko siyang pauwiin kaagad."

Tumitig si Ate Kayla sa akin, marahil ay pinoproseso ang sinabi ko at ang kakapalan ng mukha ko para magdala ng kasama. Pinipisil ko ang taba ni Sien sa tyan niya habang hinihintay ang sagot ni Ate Kayla. Nakakaasar naman, oh! Bi-bingo ba ako ngayon? Nagustuhan ko pa man din ang pananatili rito sa studio.

"Ano ka ba, Mae," tumawa si Ate Kayla at naningkit na muli ang kanyang mata. Phew! "The more the merrier! Hi, I am Ate Kayla or Kay," pagpapakilala niya kay Sien.

Nagaalanganing tumingin sa akin si Sien. I nudged him hard, and that's when he got his tongue into talking.

"Sien," napatingin ulit siya sa akin nang kurutin ko na naman siya, "...po. Sien Pelarez po, A-Ate Kayla."

"Great! Hintayin na lang natin matapos ang break so I can introduce you to the group," ngumiti si Ate Kayla bago umalis sa harap namin.

"That wasn't so bad." From what I saw, Sien just exhaled heavily.

"It's Ate Kayla. Don't stutter!"

"God, I couldn't help it if she's too hot when dancing," humugot muli siya ng hininga.

W-What... the heck?

"I mean, she's older, I know. Pero ang ganda niya, Mae, that I didn't really want to call her Ate, you know?" Tumawa siya. Napaawang ang bibig ko. I couldn't believe this guy! "Diba ikaw you planned on hitting on someone younger than you? Ito pala ang pakiramdam, except I'm in for older ones." Muli na naman siyang tumawa.

Ang saya niyang tingnan ngayon. It was like he's ready for the hype he can get from Ate Kayla. He's ready for the up beat songs and the all the groove, but how about me? How do I look like right now? I'm too pissed, or what!

"Sien, d-don't... not Ate Kayla, please. You are better than that!" matigas kong sabi.

"But I want to move on," he reasoned out.

"Well can you at least use another way how!" I growled, "Akala mo ikinagwapo mo iyan, pero hindi. Akala mo reasonable 'yan? Hindi, Sien! I cannot stomach your ways."

Hindi ko napigilang mag-walk out dahil sa inis at panghihina. Pagkalabas ko ay napaupo ako nang makasandal ako sa dingding. Mabuti at hindi niya ako sinundan. Well, from the look he had when I said those words, I could tell that's not the face of someone who would go after you when you walk out.

I may have offended him but I needed to say what he needed to hear. Or what I needed to let out.

"Little girl, if he's not your boyfriend then who is he?" Dating ng isa pang pabigat sa buhay ko.

"Oh come on, Ravi. Not now."

"What? Stuck on the friendzone?" May panunuya sa kanyang tono. Sinamaan ko siya ng tingin. "Damn! I am right, am I?" Napangisngis siya sa kanyang sinabi, as if proud of himself.

"Tigilan mo ako," banta ko. Napatakip ako ng mukha ko. My two nightmares in one place. Just amazing.

"You see, there are greater things in line for you in the friend zone. I mean, you can still love the person and keep him at the same time, you know? It's just that he's not really yours to brag at everyone," pagpapatuloy niya.

"Alam mo, you're not making sense. Kung hindi ka lang mukhang kagalang galang ay dati pa kita nasapak. Thank God for my immense patience," umirap ako.

"Just a thought," nagkibit siya ng balikat. "Mukhang sa zone na iyon din naman ang bagsak ko."

Napakunot ang noo ko sa ngisi niya. Natinag kaming dalawa nang lumabas si Ate Kayla na kabuntot si Sien. Tumayo ako kaagad.

"Akala ko umalis ka na. Let's start?" tanong ni Ate Kayla at tumango naman ako, "Anyway your friend here is amazing! Mabuti pala at dinala mo siya rito. Nagkakatuwaan kanina sa loob, sayang at di niyo na kita."

Wow. So masaya pa pala siya kanina?

Shit. Of course he's still going to be happy despite my absence, right?

Ngiting asong sumunod sa amin ni Ate Kayla si Sien sa kabilang studio. Ano ba't mukha siyang aso ngayon? Hindi ko gusto!

"Dito ka rin, Rav?" Naguguluhang tanong ni Ate Kayla nang pumasok si Ravi sa studio.

"Yeah. Pwede ba?" tamad siyang sumagot. Sumulyap siya sa akin gamit ang malamig na mata. Naks. I felt it.

"Sure. Hey, Rav, why don't you teach Sien? Parehas naman kayong lalaki, magkakasundo kayo sa moves," suhestiyon ni Ate Kayla sa kaibigan.

"No, Ate Kayla. Sien lost his Bs long time ago," tumawa ako. Tinignan niya ako nang matalim. God, this is so fun! "Bakla is my friend. In fact he has a boyfriend-"

"Mae!"

Tinaas ko ang magkabila kong kamay habang nagpipigil ng ngiti, "Alright, alright. I didn't know you wanted a surreptitious relationship with your guy."

Napatigil ako sa pangaasar nang binigyan niya ako ng mapag-bantang tingin. Napakagat na lamang ako sa labi ko habang nagsasayaw. Ayaw ko pa sanang magsimula dahil hindi ako kumportable na narito si Sien at si Ravi, ngunit hindi rin naman ako pwedeng mag inarte.

"Hype it up, Mae! Hindi ka ganyan kahapon, mas maganda iyong kahapon," kumento ni Ate Kayla.

Of course yesterday was better! I had no one looking at me every once in a while. Nahuhuli ko ang tingin ni Sien sa akin pag umiikot ako o di kaya'y nagbabago ng position. Ilang na ilang ako! He's never seen me dance like this. This, I mean, uhm, practically giving my best. Ayoko ring mapahiya sa harap niya.

Isa pa ay nakaka-intimidate ang ngising ibinibigay sa akin ni Ravi. Sa parteng may pag giling ay doon pa niya naisipang tumitig at kumagat ng labi. Nakakapanindig-balahibo!

Pumasok iyong Chelle sa studio at may sinasabing hindi namin maintindihan. Hininaan ni Ravi ang sounds sa studio at tumigil kami sa pagsasayaw.

"Hey, Sien, gusto mo sa kabila?" tanong ni Chelle sa kaibigan ko. "They're learning moves that they thought would suit you. Tawag ka ni Troy. I mean if it's okay with you," ako naman ang tinignan ni Chelle.

"S-Sure. Walang problema," mahina kong sagot.

"Alright!" Napasayaw at umikot pa si Sien sa naging sagot ko, "You coming, bro?"

So they're bros this fast, huh? Boys!

"Dito lang ako," sagot ni Ravi na tinanguan lang ni Sien.

"Hey, I wanna watch them! Tara?" anyaya sa akin ni Ate Kayla.

Parang nawala ako sa mood. Maybe it was better that Sien's here even if I'm feeling extra conscious. At least dito ay ako lang ang masusulyapan niya. Hindi roon sa kabila na may ibang babae na kung manamit ay kita na ang mga bra. But I get that they style based on how comfortable they are when dancing. Pero pwede namang mag-oversized shirt na lang diba?

"Dito na lang ako. I'll practice," sabi ko. Tumango si Ate Kayla sa akin. Tumungo na siya sa pintuan kasama si Ravi.

Napatalikod na lang ako at napa padyak.

"Ugh! You don't have the right to be selfish, Mae! Kaartehan mo!"

Kinuha ko ang remote at nilakasan ang sounds. Inulit ulit ko ang steps na tinuro sa akin ni Ate Kayla. Hindi ako tumigil hanggang sa hindi nilulubayan ng isip ko ang mga posibleng nangyayari sa kabilang studio.

"Hey! Hey!" Napatigil ako nang may sumigaw. Pinatay niya kaagad ang music at lumapit sa akin, "You are going to strain yourself!"

What now? Napailing ako. Umupo ako sa sahig at tumungo.

"Don't dance for him."

"I'm not dancing for him!"

"Really?" Umagat ang kanyang magkabilang kilay, "Sige. Sabi mo eh."

Unti unti na naman akong nadadapuan ng pagka inis. Sigurado akong hindi ako nagsasayaw para kay Sien. Ginawa ko lang siyang motivation. Magkaiba naman iyon diba? O magkaparehas lang at niloloko ko na ang sarili ko?

Kabadtrip. Masyado na akong maarte. Hindi naman siya sa akin.

"Get up. Let's dance." Inilahad niya ang kanyang kamay. Tinitigan ko lang iyon habang tumatayo magisa.

"Suplada." Narinig kong bulong niya.

And so we danced. Walang pakielamanan, walang kibuan. Tanging musika lang ang kakampi, tanging tibok lang nito ang kaibigan. This is actually good. The invisible silence is relaxing.

Nang mapagod kami ay sabay kaming napahiga sa sahig. Hindi nagtagal ay natawa na lang kami. Pinatay niya ang music at tsaka nagsalita.

"Isang araw pa lang ang lumilipas pero masyado ka ng natututo. Tell me, what's your secret?"

Ibinaling ko ang ulo ko sa gawi niya, "Ano? Wala akong sikreto. Baliw."

"What's your drive, then? There must be something other than you just wanted to learn. Iba iyang pinapakita mo, Mae. Hindi ko pa 'yan nakikita sa ibang nakilala ko."

"Wala lang. Ewan." Ipinikit ko ang mga mata ko. "Bawal bang bored lang ako? Kasi bored lang talaga ako, Ravi."

Narinig ko ang pagtawa niya, "Ravi? Nice. Ayaw mo talaga ng Rav?"

My eyes fluttered open. "Now we're talking about your name? What a transition."

"I already told you to call me Rav, yet makulit ka at Ravi talaga ang gusto mo."

"Bawal ba?"

"It's alright," ngumisi siya, "Cazandra."

Nanlaki ang mata ko. How did he...

"Facebook," nagkibit siya ng balikat. I breathe out. "I added you, by the way."

Papadilim na ng napagpasyahan kong umuwi. Nagayos ako ng sarili bago inalisan ang studio at iniwan si Ravi roon. Si Sien ay mukhang nasasayahan pa sa kabilang studio nang sumilip ako. Sa sobrang saya niya ay hindi ko siya magawang tawagin para sabihing umuwi na kami. Alright. I won't be selfish this time. Kung gusto niya pa rito ay bahala siya.

Isinara ko ang pinto matapos kong kumaway kay Ate Kayla. Alam na niyang uuwi ako. Busy din siya sa pakikipagusap sa isang dancer at pati siya ay ayoko ng abalahin. Sumenyas pa siya na hintayin ko siya ngunit umiling lang ako. Magkikita pa naman kami bukas.

I stopped by a water dispenser to rehydrate. Nang matapos akong uminom ay narinig ko ang sigaw ni Sien.

"Mae! Uuwi na tayo?" tanong niya habang papalapit sa akin. Nakasukbit na rin sa kanyang balikat ang bag niya.

Umiling ako, "Ako lang. Bakit?"

"Magkasabay tayo. So uuwi na tayo?"

"Ako, uuwi na. Gusto mo pa bang mag-stay?"

"Gusto pa sana pero uuwi ka na, eh. Anyway, we'll be back tomorrow, right?" Ngumiti siya nang malapad.

Why didn't I see this coming? Syempre ay gugustuhin niyang bumalik dito. Other dancers seemed to have enjoyed his company.

"I don't know, Sien."

"Isama mo na ako, Mae. 'Wag kang KJ," tumawa siya, halata pang iniinis ako. At nagtagumpay naman siya.

Trust me, I wanted to be patient with Sien. I really do. It's just that every time, since I admitted to myself my feelings for him, I didn't want him near. Dati okay ako sa set-up namin. I was very fine with him looking for other girls, checking out my friend, opening up to me about his feelings. But that was before!

My feelings fucked everything up for me, because I cannot go on with another day without thinking about what's wrong with myself? What's the thing that differs me from other girls that Sien can't even look at me the way I wanted him to? Am I too plain? Do I have to change myself further more?

See? This isn't healthy anymore! I am questioning things about myself! I am measuring my self worth from how Sien sees me differently than other girls. This. Is. Shtty.

"Just give me my summer, Sien!" Hindi ko napigilan ang pag-sigaw. I knew I caught him off guard. Napaawang ang bibig niya at nanlaki nang bahagya ang kanyang mata. "Pwede ba? Let's just part ways kahit ngayon lang. You have your break then I'll have mine. I know we're friends but we don't have to spend it together! There's no written rule on that."

"Why are you being like that? Ano bang problema, Mae?" Nakakunot na ang noo niya. Mahina ang kanyang boses ngunit malalim ito.

"Please don't ask why. I'm not sure you'll like the answer." Tinalikuran ko siya at umuwing mag-isa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top