Chapter 7

Chapter 7
Maghahanap

"I'll start tomorrow, Ate Kayla," determinado kong sabi. I have two left foot right now and I'm fairly alright, but imagine what I could do with both being right.

"Great! Anong time? Same pa rin?"

Nagisip ako sandali. Wala naman akong gagawin other than gym training. Ngunit iche check ko pa pala muna kung nandoon pa rin iyong instructor ko. He once mentioned that he's leaving the town for summer vacation, but I don't know, I still haven't verified it yet.

"Yep! But if I could go earlier I will."

"Mas great!" Ngiting ngiting sagot ni Ate Kayla.

Siya nga ang naghatid sa akin sa aming bahay. Nag alok pa siya ng ride para bukas pero tinanggihan ko. Pupwede naman akong magpahatid o kaya'y mag commute papunta roon. Masyado silang nagiging giving ni Tita Luz at ayokong pagsamantalahan ito.

Nang mag online ako ay kanya kanya nang plano ang mga kaibigan ko para sa vacation. I'm still fixed with what I have in mind though. Kahit masaya ring mag beach at magswimming ay pipiliin kong mag train muna at subukan ang dance lesson na inalok sa akin ni Ate Kayla. Maiba naman, kumbaga.

"Mae! Nasa baba raw si Sien sabi ng kapatid mo." Dumungaw si Mama sa aking pinto para sabihan ako.

What! Why?

"Sige po, baba na po ako," napilitan kong sagot.

Nagaayos pa lang ako para magpunta sa gym. Wala sana akong balak magmadali pero dahil may asungot akong bisita ay natapos ako pagkalipas ng limang minuto. Prenteng prente ang pagkakaupo ni Sien nang datnan ko siya sa baba. Kausap niya sina Mama na ngayo'y natatawa sa sinasabi ng bakulaw kong kaibigan.

"Oh Mae, sasamahan ka pala ni Sien ngayon sa gym. Balak yatang maghubog ng muscles," biro ni Mama kay Sien. May paghawak pa siyang nalaman sa balikat ni Sien habang tumatawa. Si Mama, hokagurl!

"Tita, may abs at muscles na po ako. Kaya nga po ako naging crush niyang si Mae eh," pag tuloy naman ni Sien sa biro ni Mama.

"What the f?" I mouthed at Sien while I widened my eyes at him.

Tumawa lalo siya at pumunta sa tabi ko para akbayan ako, "Sige po, Tita. Aalis na po kami. Ako na rin po ang maguuwi sa kanya... dito."

Sinikuhan ko siya nang matindi pero parang hindi naman siya nasaktan. Manhid talaga ang bakulaw.

"Ano na namang pakulo mo? Paano mo ako ihahatid? Ano, ipapasan mo ako?"

Napatigil siya sa paglalakad at tsaka ako minatahan mula ulo hanggang paa. In a slow frickin' motion pa anghanep!

"Pwede naman, sexy ka na eh," ngumisi siya at kinagat pa ang labi.

"Hayup!"

"Biro lang!" Humalakhak siya, "Kasama ko ang driver namin. Magji gym na rin ako."

"'Wag ka doon sa gym ko!"

"Iyo ba 'yon, Mae? Iyo?" Inilapit niya pa ang kanyang mukha sa akin. Napatitig ako sandali. Ang bango niya ngayon. Nagpabango ba ito ngayon?

"What? Ang gwapo talaga ng best friend mo, diba?" Ngumisi siya. Aba't! Nasapak ko nga!

Hindi siya nagpatalo sa akin. Talagang sa gym ko siya tumungo. Nakakaasar pa at noong nagsimula akong mag stretching ay nambu bwisit pa rin siya. Pakiramdam ko nga ay iyong bibig ko ang nastretch sa ingay ng bakulaw na 'to!

"Ang bango ng pawis ko, best friend. Gusto mong gawing perfume?"

"Manahimik ka dyan, Sien!"

"Pwede mo rin namang ibenta. I'm sure makakaipon ka na ng pang tuition mo if you sell," tawang tawa niyang sabi.

Napairap ako. Iniwan ko siya para magpalit sa racerback top and shorts. Nitong makatuntong kami rito ay tila nalimutan ko ang routines ko. Nakakaimbyerna pa ang tingin ng ibang babae na nasa gym na ito kay Sien. Hindi pa man nagpapalit ang bakulaw ay parang gusto na nilang lapain ang kaibigan ko ng buhay.

Ito namang magaling kong kaibigan ay parang gustong gusto pa ang atensyon na binibigay sa kanya ng mga babae. There's one group of girls who were obviously friends with each other. Nagmukha pa silang nagpapaligsahan para sa sulyap ni Sien, at hindi iyon natapos pagkabalik ko.

Nakaawang ang bibig ni Sien nang makitang bumalik na ako.

"What?" Parehas na nakataas ang kilay ko. Kinuha ko ang water bottle ko at uminom.

"Wala," napalunok siya. "Doon na lang ako sa free weights."

Napailing ako nang umalis siya. Palibhasa mas malapit iyon kung nasaan ang mga babaeng nagnanasa sa kanya. Malanding bakulaw!

Saktong dumating ang trainer ko nang matapos akong magstretch. Bago kami magsimula ay kinumpirma ko ang schedule niya ngayong summer vacation. Tama na ang naalala ko noon dahil out of town siya buong summer. Hindi na bale sa akin iyon, tanda ko naman ang routines na ginagawa namin.

"If you need help, advices or tips, you can still contact me," aniya nang matapos kami para sa araw na ito.

Si Sien naman ay tuluyan ko nang hindi naramdaman ngayong araw. Naalala ko lang na kasama ko siya nang matapos ako. Tuluyan na ba siyang nilapa ng mga nymphs?

Hindi ko masyadong pinagod ang sarili ko ngayon di tulad ng nakasanayan. Nagshower na ako at nagpalit sa suot ko kanina. I wore an over-sized shirt and sweatpants. Ready na para mamaya sa dance lesson ni Ate Kayla. Habang hinihintay ko naman si Sien ay kinain ko na ang salad ko.

Masaya siya at pangiti ngiti pa nang makita ko. Nakapag shower na siya sa estilo niya ngayon at ready nang umalis.

"Oy," untag ko sa kanya. Kung hindi ko pa siya tatawagin ay hindi niya ako mapapansin. Ganoon naman lagi diba? Hindi naman ako iyong kapansin-pansin na babae. Kung mapapansin man ako ay ako iyong nasa huli ng pila. Char! Ang drama club, nag resurrect!

"Nandyan ka pala," sabi niya. Pangiti ngiti pa rin siya. Naiirita ako.

"Wag ka ngang masaya, naiinis ako!"

Mas natawa siya, "Tumawa ka na lang din. Be happy, Mae. Masarap mabuhay. Lalo na kung nakakuha ka ng numbers ng mga chicks."

"Kadiri kang nilalang ka!" Kumunot ang noo ko. "Ilan?"

"Tatlo lang naman," nag kibit pa siya ng balikat. "Isa pa, anong kadiri roon, Mae? Magte text lang naman kami... kaming tatlo," humagikhik siya.

"B-Bwiset!" Napalunok ako at tumayo na. Nauna ako sa paglalakad. Dumiretso ako sa sakayan nang hindi pinapakinggan ang pag tawag niya.

"Mae! Ihahatid kita!" sigaw niya mula sa kabilang kalsada. Hindi pa siya makatawid dahil sa dami ng sasakyang dumadaan dahil naka green light.

Damn! Ang tagal ng jeep ko!

Woah. Gym ko, jeep ko. Ano pang aangkinin ko? Pwede bang si...

"Ang kulit naman kasi, Mae. Iuuwi nga kasi kita," ngumisi siya nang umirap ako. "Gusto mo sa amin?"

"May pupuntahan ako."

"Mae, ang friends hindi nire reject paulit ulit sa walang kwentang dahilan. Tandaan mo iyan."

"Anong walang kwenta ka dyan!" Sinuntok ko nga ang braso. Hindi naman niya alam ang gagawin ko ngayon.

"Eh saan ka ba kasi pupunta? Ang dami pang sikreto, malalaman ko rin naman."

"UGH!" Nilamutak ko ang bag ko sa frustration. "Ano ba? Magulang ba kita? Bakit ba lagi mong tinatanong kung saan ako pupunta? Crush mo ba ako? Bakit ka ganyan!"

Napatulala siya sandali ngunit nakabawi kaagad. Tumawa siya, "Paparazzi ka na rin ba, best friend?"

Halos maging puti na ang eyeballs ko dahil sa kakairap. Sa huli ay ako na naman ang nagparaya. Sinabi ko ang plano ko at nagpahatid na rin sa studio, but that is if only he'd let me go after that.

"Wala eh, mahirap kang pakawalan," sabi niya nang samaan ko siya nang tingin dahil bumaba pa siya ng sasakyan.

"Guess you aren't true to your words, then, best friend." I made sure to emphasize the words I knew he would flinch at.

"Uuwi na nga po," huminga siya nang malalim. "Text me when you're done. Susunduin kita."

Tumango na lang ako. At least now he's gone. Pwede na akong makahinga.

Ang sabi ni Ate Kayla ay doon pa rin sa studio na iyon sila nagre rehearse kaya naman doon ako tumungo. Isang babae ang sumalubong sa akin dahil nasa gitna ng pagsasayaw si Ate Kayla. Tulad kahapon ay pinanood ko sila ng may paghanga. Iba talaga ang mga galaw nila. Magagaling lahat!

Saktong nahanap ng mata ko iyong Ravi. Nakatingin na siya sa akin habang nagsasayaw. Ngumisi siya nang makita ang pag awang ng bibig ko. Ang yabang talaga ng isang 'yon!

Natapos ang sayaw at nilapitan ako kaagad ni Ate Kayla, "Tara sa kabilang studio. Doon tayo para hindi ka mahiya."

Ang bigat na nararamdaman ko sa magkabilang balikat ko ay nawala. Hulog ng langit ang ideya ni Ate Kayla! Swear! Ayokong magmukhang ewan sa harap ng mga kaibigan niya dahil ako na talaga nagsasabi sa sarili ko na mukha akong natatae pag sumasayaw.

"Just relax, Mae. 'Wag mong madaliin iyong moves. Beginner ka pa lang so naiintindihan kong medyo hirap ka sa ganitong klase ng sayaw. Mabilis ang tempo ng kanta pero pwede mo namang aralin ang steps nang mabagal hanggang sa master mo na. Kung sa tingin mong kaya mo na ay tsaka mo sayawin pabilis nang pabilis hanggang sa makuha mo ito kasabay ang tamang tempo."

I exhaled heavily, "Kaya ko ba? Ang hirap naman kasi. Pag ikaw ang gumagawa ang gandang tingnan. Pag ako naman, hindi na. Parang ang pangit na noong steps."

"Believe me, mukha akong tuod noong nagsimula ako," natawa si Ate Kayla. "As a matter of fact, you're starting pretty well than me back then. Para akong robot noon, walang ka lambot lambot ang katawan."

Parang hindi ko naman maisip iyong Ate Kayla na walang kalatuy latuy mag sayaw. Ibang iba kasi siya ngayon. Ngayong babaeng babae ako ay todo na ang paghanga ko sa kanya, paano pa kaya iyong mga lalaking posible niyang mapaibig dahil sa kanyang pagsasayaw. I guess that's what really practice does.

Sinusubukan ko ulit ang tinurong steps sa akin kanina nang pumasok iyong Ravi dito sa studio. Mabilis akong nabato at tumigil pagsasayaw. No, nope. I won't dance in front him.

"Kayla, kailangan ka sa studio," aniya.

Tumingin sa akin si Ate Kayla, "I'll be back."

Tumango ako. Hinintay kong makaalis si Ate Kayla at Ravi bago nagpasyang gumalaw ulit. Ngunit nakaalis na't lahat si Ate Kayla ay narito pa rin si Ravi... or Kuya Ravi. Whatever!

Nilingon ko siya at tinitigan, in hopes to shoo him away. Ngunit iba ang nangyari, nagsukatan pa kami ng tingin. I badly wanted to look away because his stares were... no, it's annoying!

"Just dance," he said finally.

Imbes na sumayaw ako ay umupo ako sa sahig, "I'm not gonna dance with you in here."

Umupo rin siya, ngunit doon lang siya mismo sa kanyang tinayuan. "Why? Is it because you aren't really dancing and you're just doing jumpy moves? That's what you're trying to say?"

Kumulo bigla ang dugo ko. But I need to keep calm, or at least try. Imbes na sumigaw ay nagbilang ako hanggang lima at saka huminga nang malalim.

"Why are you here? Alis ka na, bilis."

"Studio mo?" Tumawa siya.

So ayon na nga, nasagot ang tanong ko kanina. Studio naman ang sinunod kong angkinin. Wow.

"If you still want an unscathed face, you get out now, Kuya Ravi."

Tumaas ang isa niyang kilay at ngumisi, "Woah, there little girl. Drop the formalities."

"Ayaw mong ginagalang ka?" Nagtataka kong tanong. Ano, laking Amerika ba siya? Hindi na kailangan ng Kuya o Ate, Po at Opo sa nakatatanda?

"Of course, I do. Pero minsan okay din iyong bastos ang kausap mo. May thrill."

Naginit ang mukha ko sa sinabi niya. Parang may iba? So I guess laking Western nga itong isang 'to! Simula pa lamang sa kanyang accent hanggang sa kilos. Not that I'm judging—but okay maybe I am judging him. Eh ang yabang niya kasi!

"Dance, Mae. I want to see you dance," mabagal niyang sabi, na tila ba mabigat ang mga salita para sa kanya.

Tinalikuran ko siya. Bumilis ang kabog sa loob ng dibdib ko. Gwapo siya, ngunit nakakaasar ang kayabangan. Sobrang presko at magaling mang inis. Ngunit bakit ganito? Siya na ba ang sagot?

"I don't want you to see me dance, Kuya Ravi."

"Isa pang pag-Kuya mo, Mae," banta niyang hindi itinuloy.

"Kuya Ravi," ako naman ang napangisi. Sumulyap ako sa kanya at halata ang pagka asar sa kanyang mukha.

"Call me Rav!"

"Kuya Ravi."

"F uck it."

Tumingin ako nang magmura siya. He abruptly stood up and paced back and forth. Ang saya talagang mang-asar ng mga bwisit na tao. Someone feel me? Ang happy ko lang!

Ngumiti ako nang malapad, "What's the problem, Kuya?"

Napatigil siya at matalim akong tinignan, "You know what, stand up!"

Hindi ko sinunod ang utos niya. Kinuha niya ang remote control ng sound system at tsaka nagpatugtog. Humalukipkip siya sa harap ko kasabay ang kanyang nakakalusaw na pagtitig.

"Dance," sabi niya. Umiling ako. "What if your boyfriend says you dance, you're still not gonna move?"

Napatayo ako at hinarap siya, "What's the deal about boyfriends, huh?"

"Wala lang. Wala ka kasing boyfriend," sagot niya. Sumilay ang nakakaasar niyang ngiti. Bastos na bata talaga ito!

"So what? I don't need it," umirap ako.

"You do. Mukhang kailangan mo ng magpapalambot sayo. Iyong katawan mo," tumawa siya nang lingunin ko, "Iyong ugali mo, I mean."

Nakakaasar itong taong 'to. Ang lakas mang-alaska! Soul brother niya ba si Sien? Because my best friend is exactly like this. Ngunit mas gentleman naman si Sien, sweet din... ay shit, anong klase ng pagiisip'to!

Kinuha ko ang aking bag at naghandang umalis. Pagod na rin ako at kailangan ko na ng pahinga. I'm extra stressed this day because of having Sien with me at the gym, and this Ravi here at the studio. Kasi, ano ba? May nakalagay ba sa noo ko na, "If you wanna have fun, this girl is free to piss off."

Naglakad ako patungo sa pinto, magpapaalam na ako kay Ate Kayla sa kabilang studio.

"Where are you going?" tanong ni Ravi.

"Wala! Maghahanap ng boyfriend!"

Malakas na tawa ang huli kong narinig mula sa kanya bago ko isinara ang pinto. Ang hirap na nga ng pagsasayaw, sasamahan pa ng hirap sa pakikisama sa isang 'yon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top