Chapter 4
Chapter 4
Never Me
I spent my weekdays in school and weekends at the gym. Hindi ako tumigil hanggang sa nakita ko na ang improvements sa katawan ko. My friends were shocked, obviously, but I still didn't stop. Nasimulan ko na at masasabi kong sumasaya naman ako sa nangyayari sa akin.
"Sumama na lang kaya kayo sa akin? Malaki naman doon sa gym at kakaunti lang ang nandoon sa oras ng punta ko," sabi ko sa kanila.
"I'm in love with my bod. Drian loves it, too," sabay hagikhik ni Jesca sa kanyang sinabi.
"Let the fangirl do her thing. Anyway, saan kayo sa bakasyon?" tanong ni Elaine.
Nagsusulat si Aria sa kanyang notebook habang si Ten naman ay nandoon sa may pintuan, halatang may sinisilip sa kabilang room. Tinignan ko ang notes ni Aria at nagpatuloy din sa pagsusulat.
"We'll go to Singapore ata. Hindi ko pa sure," sagot ni Aria.
"Bahay lang ako, and some outings with family. Syempre pabor na pabor sa akin 'yon, kasama ba naman namin lagi sina Drian, eh!" mapangarap na sabi ni Jesca. This girl is really crazy for Drian!
"Ikaw, Mae?" Lumingon sa akin si Elaine.
Tumigil ako sandali sa pagsusulat at nag isip. Wala pa ring nasasabi si Mama but if I were to choose, maybe a little time on the beach and more at the gym.
"Not sure."
"'Wag mong sabihin magpapapayat ka pa? Okay na ang katawan mo, Mae! It's ours who need exercise."
"Siguro. But I'll try something new this summer, maybe dance lessons?"
Nabanggit kasi si Mama na bukod sa pagyo yoga ay gusto nilang mag Zumba. But I didn't want that so one of her Amiga suggested that I try dance lessons. Ang anak niya mismo ay dance instructor kaya't wala na raw akong magiging problema roon.
"Wow! Ano, ballet? Tango?" tanong ni Jesca nang natatawa.
"Pop!" Umirap ako.
"Pwede ka namang magpaturo kay Sien. Magsama na lang kayo sa summer." Hindi ko man pansinin ay halatang halata ang ibang himig ni Aria sa kanyang sinabi. Idagdag pa iyong makahulugan nilang ngitian na hindi ako kasali. And so they knew.
"Guys, wala ng last class. Uwian na," anunsyo ng class president.
Naghihiyawan sila habang kami ay nagaayos na ng gamit. Nagpplano na rin sila ng mga gagawin at gala dahil wala namang pasok bukas.
"Kain tayo!" pagyaya ni Jesca.
"Let's," sang ayon naman ni Aria.
"Hey, nagyayaya sina Harvey sa 101, sama tayo?" tanong ni Elaine.
Pumayag kami dahil gutom na rin kami. 101 was best with hotdogs and everything merienda. Palaging dito ang punta namin kapag gutom kami o kaya naman ay walang klase.
"Maglakad na lang tayo para adventure!" Hyper na suggestion ni Jayce. "Boring 'pag nag tricycle."
"I know right? So ew, noh?" Biglang singit ni Julian.
Natawa na lang kami. Nauwi rin kami sa paglalakad kahit na ayaw pa ni Jesca dahil madali raw siyang mapapagod. But then she resigned as she'll have foods in the finish line.
Nagpapaligsahan ang mga lalaki sa kanilang moves habang naglalakad. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa kanila at naisipang magsayaw sa kalsada. Pinagtitinginan na sila, lalo na ng mga babae. Mga papresko, nako!
Naramdaman ko ang mabigat na braso ni Sien sa aking balikat nang umakbay siya. Pilit ko itong inaalis kaya't nahuhuli kaming dalawa sa paglalakad.
"Isa!"
"Dalawa?"
Kulang na lang ay kagatin ko ang braso niya dahil sa inis. Hindi pa rin niya tinatanggal kahit patayin ko na siya gamit ang tingin.
"Hey, I'm moving on," bulong niya sa akin. Bahagya akong natigilan ngunit hindi ko iyon ipinahalata.
"It's about damn time you do."
"Help me?" Muli na naman niyang sabi sa aking tenga. Nagsitaasan ang balahibo ko at tila nanlamig ang kamay ko.
"Help yourself!" Sinuntok ko ang kanyang tiyan dahilan para makalayo ako sa kanya. When I was almost catching up with my friends, I was just pulled back by the menace once more.
"Ang sungit sungit mo na sa'kin kahit wala pa ang dalaw mo. Kulang ka ba sa lambing?" naiinis niyang tanong. As in mukha na siyang frustrated sea lion na hindi alam ang gagawin!
Imbes na mainis ako ay natawa pa ako. Tinanggal niya ang bag niyang halos wala ng laman at tsaka hinagis iyon sa ere para saluhin lang ulit. Bakas pa rin sa mukha niya ang pagka inis, at ako naman ay lalong natatawa.
"Or is it your workout thing that's making you ticked off? Itigil mo na nga 'yon!"
"I won't," sabi ko sa pang asar na tono. Mas lalo siyang nainis. Hindi niya na ako pinansin hanggang sa makarating kami sa kainan.
Nagkakatawanan kami ngunit pag nagk krus ang tingin namin ni Sien sa isa't isa ay umiiwas siya at nagdidilim ang paningin. Matapos ay tatawa na ulit siya kapag iba na ang kausap. I'm not going to let him ruin my mood, wala akong ginawa sa kanya. Mas natatawa lang ako sa inaakto niya.
"Mae, may humihingi nga pala ng number mo. Nakalimutan ko 'yong pangalan pero basta alam ko lower year sa atin. Ibigay ko ba?" tanong ni Harvey.
Kumunot ang noo ko. "Sino naman ang hihingi ng number ko?"
Nagbatuhan na sila ng pangalan na posibleng magtangka, ngunit hindi ko naman pinansin. Ang nakapukaw ng atensyon ko ay ang panunuya ni Sien.
"Yeah, right. Sino nga ba ang hihingi sa number niya?" Umirap siya sa kawalan at tsaka uminom ng coke.
Inilapag ko ang pagkain ko at itinulak siya. Iniinis na naman niya ako.
"Ano bang problema mo?" Matapang ko siyang sinugod. Hindi manlang siya nagimbal sa ginawa ko. Tamad siyang tumingin sa akin kahit nanlilisik na ang mata ko.
"It's you and your gym shits. Tigilan mo na 'yon. Pumapayat ka na."
"That's the goal! I don't go to gym to gain weight. Go buy some common sense, Sien."
Nagkakatuwaan na naman ang mga kaibigan namin. Ang iba ay kami ni Sien ang ginagawang palabas. Hindi ko pinansin.
"But I don't want you thin. Ano bang gusto mo? Bakit ka nagpapapayat? Is it for the boys? Fuck that reason, Mae!"
"Eh ano naman?" Tumingin ako kay Harvey, "Sige, Harvey, ibigay mo na ang number ko. Tell him na magpakilala siya."
Lumapad ang ngiti ni Harvey at tsaka kinuha ang kanyang phone, "I'm on it."
"What?" Nanlaki ang mata ni Sien. "No! Are you seriously going to hit on someone who's younger than you? Harvey, 'wag mong ibigay!"
"Okay, dude." Ibinalik ni Harvey ang phone niya sa kanyang bulsa.
"Pakielam mo ba, ha? Just shut up, Sien! Harvey, go."
"Dude, itago mo 'yang phone mo, baka maihagis ko 'yan!" Nagbanta ni Sien sa kaibigan.
"Ay pakshet!" Sigaw ni Harvey. Sabay kaming napatingin sa kanya. Iritado niyang ibinigay kay Sien ang kanyang phone. "Oh ayan, ikaw na bahala. Matanda ka na. Lintek! Gusto ko lang naman kumain dito! Isa nga pong chilidog," huminahon ang kanyang boses nang humarap sa tindera.
Nang maibalik ko ang tingin ko kay Sien ay nakangisi na siya habang kinakalikot ang phone ni Harvey. Hindi niya na ako pinansin at nakuha pa niyang lumayo sa akin. Fine, whatever. Wala na akong pakielam.
Life was uneventful. Nope, nope. It was! Masyado kaming pinagod sa proposal ng thesis namin na gagawin namin next school year. Naka ilang proposal din kami bago iyon tinaggap ng class adviser namin. Isa pang pahirap ang pagkuha ng panels at lalo na ng adviser naming sarili. But we managed through it kaya naman masaya kami nitong nagbakasyon.
Natuloy ang mga plano ng mga kaibigan ko. Desidido rin naman ako na ituloy ang gym routines ko at ang minsang pagyo yoga kasama sina Mama at ang Amiga niya.
"Mae," tawag sa akin ni Tita Luz, "My daughter, Kayla, is excited to meet you. Kailan mo ba gustong magsimula sa dance lesson?"
Wow. Someone's really excited to meet me?
"Anytime po, Tita," I answered.
Bakasyon naman at wala akong pinagkakaabalahan kundi ang mag gym. I think I'm starting to like the idea of me having abs, but that's still a long way to go. Lalo na kung masasarap na pagkain ang inihahain ni Mama sa bahay.
"I'll tell Kayla. Siguro pwede kayo bukas? She's rehearsing for a competition in our house tomorrow. She also told me to ask you if you'd like to come and watch them dance."
Okay, I'm a bit overwhelmed by now. Ate Kayla seemed very welcoming. Hindi pa man kami nagkakakilala ay nararamdaman kong makakasundo ko siya. Isa pa ay mabait din si Tita Luz, so I'm sure her daughter is, too.
"I'll clear my day tomorrow," I said with a smile.
"Okay. Susunduin na lang kita matapos ang Yoga session namin bukas ng Mama mo."
Tumango ako at nagpaalam. Tinapos ko na ang routines ko for today. I showered and fixed my things before I bid Mama and her Amigas good bye. Nauna na ako pag uwi dahil kinukulit ako ni Sien na mag bond.
Naglalakad ako pasakayan nang mag vibrate ang phone ko. I received a text from the evil one.
Sien Panget
Yang paggym mo ang sisira sa friendship natin, e! I'll come over to your house instead.
Napataas ang isa kong kilay sa mensahe niya. Hindi ako nagreply. Sumakay na lang ako sa jeep at ninamnam ang byahe.
Pagkadating ko sa tapat bahay ay wala naman siya. Good. Dahil gusto kong magpahinga. Kung hindi ako magpapahinga ay mate tempt akong kumain. At kung kakakain ako ay baka mabalewala lang ang ginagawa kong paghihirap ngayon.
Pagkapasok ko ng bahay ay nagulat pa ako dahil narito na pala si Sien. Nakaupo siya sa sofa at tamad akong sinulyapan.
"Paano ka nakapasok?"
Inilapag ko ang gamit ko sa lamesa at tumabi sa kanya sa sofa.
"Nandito na si Tito. He's early today, but he needed rest daw."
"Oh. Okay. Ako rin, I need rest."
"Kaya nga ako na lang 'yong pumunta rito diba? Let's have a movie marathon."
Pumikit ako at yumakap ng throw pillow. "Ayoko. I'm tired Sien. 'Wag ka ng makipagtalo."
"Bahala ka. Because we'll still watch movies," pangungulit niya.
I groaned. Napatayo ako. "Fine! Magpapalit lang ako ng damit."
Kinuha ko ang bag ko. I caught him smiling as if he's not allowed to smile again tomorrow. Tinitigan ko siya at ineksamin ang bawat galaw. Goodness! Why did I even fall for this guy? It's obvious na sakit lang siya ng ulo. Damn this friendship!
"Ano? Hindi ka pa magpapalit? O, hinihintay mo akong samahan kita?" he teased.
Nanlaki ang mata ko. I cursed and stomped my way upstairs. Mabilis akong nagbihis at nagayos ng gamit. It was a good thing I already showered. Hindi kasi porke't kaibigan ko iyong lalaking iyon ay hahayaan ko na ang sarili kong lumapit sa kanya while I stink. I'm still a girl. And currently, I am a girl who, unfortunately, had developed feelings for him.
"Anong gusto mong unahin natin?" Inabot niya sa akin ang microwaved popcorn habang inaasikaso ang pagse set up sa TV.
"Ikaw na bahala," sagot ko. Kinakain ko na ang popcorn.
Nang matapos siya sa pagaayos ay umupo na siya sa tabi ko. Buttered popcorn naman ang nilalantakan niya. Unang tingin ko pa lang sa palabas ay naramdaman ko ng Horror itong pinili niya.
"Pucha! Bakit iyan!" sigaw ko.
"What? Can't take even one horror, scaredy cat?" Napakagat siya sa kanyang labi habang iniinis ako.
Shit naman. Bakit kailangang kagatin pa ang labi? I'm suddenly not afraid, I am... what? Shit. Gusto ko siyang suntukin para matanggal ang ngisi niya at ang kanyang pag kagat sa labi niya.
"Edi sige, iyan na lang." Umirap ako.
Wala akong nagawa kundi ang magtago sa likod ng unan, o kaya'y takpan ang mata ko gamit ang hawak kong pagkain. I'm not sure if Sien really wanted to watch this film, because I know he's a terrified chicken as well.
Tinignan ko siya at natatawa lang siya habang nanonood kahit wala namang nakakatawa. What happened to him? Ang alam ko ay matatakutin at madali siyang magulat sa mga ganitong pelikula!
"Iniinis mo lang akong bwisit ka eh, noh?" Sinipa ko ang kanyang hita, then I suddenly had him in fits of laughter.
"Hindi naman. Tinignan ko lang kung yayakap ka ba sa akin or tsa tsansing ka pag natatakot ka. Hindi pa rin pala. Iba ka talaga, best friend," pang iinis na naman niya. Hindi matigil ang tawa niya.
Nanghihingal na ako sa pagkagulat kaya't itinigil ko iyong movie. Binato ko ang unan na hawak ko sa kanya at bumalik sa pagkakaupo.
"Alright, alright," sabi niya habang nagrerecover mula sa pag tawa. "We should be bonding right now. And now that I have had a good laugh, let's watch your movie."
"Wow naman. Ginawa mo pa akong clown," I said in a deadpan voice.
"Clowns don't humor me. You do."
I glared. "Isang isa pa, Sien Pelarez. I'm going to kick you out of this house."
"Isusumbong kita kay Tito." Humalukipkip pa siya at ngumisi, halatang hindi natatakot sa akin.
Hinayaan ko na siya. Action ang pinili ko, something I know we both would enjoy. I finally relaxed and able to enjoy the good snacks he brought.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang mag bukas siya ng topic bukod sa mga kumento niya sa palabas.
"What do you think of Karly?"
"Iyong lower year?" Kumot ang noo ko.
"Yeah. Maganda ba?"
Inisip ko iyong hitsura noong bata. She's fine... I think. Maliit, morena, chubby.
"Sakto lang," I answered with honesty.
"Oo o hindi lang, Mae."
"Sakto nga lang sabi, eh," napairap ako. "Bakit ba? Type mo?"
Tila biglang umikot ang tiyan ko. I don't know, parang ayoko na lang biglang magsalita. I hope I didn't sound like a jealous freak.
"Hindi pa naman. I'm looking for my type," tumawa siya.
"Wow, looking! Ano, wala kang magawa ngayong summer? You're screwed up, Sien."
Hindi ko na naman mapigilan ang pagsusungit. Lately ay lagi ko na lang siyang natatarayan. Napapadalas ang pag sigaw ko sa kanya at ang pagsagot ng wala sa ayos. Nakikita ko rin na nasasanay na siya sa akin dahil ngayon ay mas mahaba na ang pasensya niya.
"I know I am. That's why I need a new girl," biro niya.
Umirap ako. Wala na rin akong magawa kundi ang umirap. Hobby ko na ata iyan kapag kausap siya. Sinubukan kong ituon ang atensyon ko sa panonood kaya lang ay hindi ko magawa dahil sa mga tanong niyang ibinabato.
"How about Marj? Magaling ang leadership skills niya, ano?"
I looked at him incredulously, "Seriously? She's your friend!"
"What's wrong with that? I only asked about her skills, chill," mas malakas ang tawa niya ngayon.
Sinuntok ko ang braso niya. "Isang isa pang tanong, hindi lang iyan ang matatanggap mo."
"Bakit ba? I'm only asking. It's not like I'm already hitting on them. Isa pa, wala pa akong balak. I still have the remains of someone in me."
Napatigil ako roon. When will he fully move on?
I groaned. I should not care about it anymore because for all I know he will never look at me the other way around. I'm not going to be one of his options. But who am I kidding right? Being just a part of his option seemed degrading. But for me, it would seem a lot—maybe even a privilege and opportunity.
Hearing myself think is frickin' frustrating. Ganito na ba ako ka desperada ngayon? I should be asking for more! For what a person should truly deserve, not to just settle for less.
"What do you think about Mae?"
"Sien!" awtomatiko kong sigaw dahil nagsisimula na naman siya. But then when what he said had fully registered in me, I stopped.
Tumatawa siya nang hawakan niya ang baba ko at isinara ang aking bibig. What was that? Did I just freakin' gape?
"Sige na, biro lang naman, eh. Hindi na, Mae. Just watch the movie now. Binibiro lang kita," tumatawa pa rin siya. And he just won't stop.
He won't stop making fun of me, being with me, leading me on... fuck. It will never be me.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top