Chapter 30
Chapter 30
Showdown
"We're next! We're next!" pagpa-panic ni June.
Gabi na ng ikalawang dance battle. Most of the groups stepped up their game. I've watch how they nurtured the good parts of their routines and how they transformed their mistakes to their strength.
Nakahawak ako sa balikat ni Darrah habang naglalakad kami patungo sa backstage. May mga staff na bumati sa amin at nagbigay ng good lucks habang naghihintay.
"Hey, June! 'Wag kang sumilip! Makikita ka sa labas!" natatawang suway ni Cess.
Natawa na rin ako nang makita si June. Nakasilip siya sa kurtina na ang mismong hati ay sakto sa gitna ng stage. Medyo malaki ang puwang kaya't hinigit na siya ni Yanis.
"Gusto ko lang makita. Balita ko gumaling na ngayon ang Sizzlers! Sana gumaling din sila sa pagpapangalan ng grupo," nakangising sabi ni June.
"Ang mean nito!" suway ni Yanis.
"Hey, I'm just saying," depensa ni June.
Agad kaming napaayos pagkatapos ng kanta ng nagpe-perform na grupo. Isa isa na kaming naging seryoso at umayos sa pwesto. Naghihintay na lang kami ng hudyat na ipakilala ng hosts para makapagsayaw.
Nakatungo kaming lahat para sa unang steps. Ngunit habang naka-dim pa ang ilaw ay napaangat ang ulo ko para kumpirmahin ang mga lalaking dumating malapit sa stage. Nakita ko sina JV, Ricks, at si Sien. May ilang babaeng nagsitilian nang mapansin ang pagdating ng tatlo.
"Nandoon sa kabilang dulo si Yanis, pare! And then Sien... there's Mae in front, just beside June," Ricks practically shouted at his friends as he pointed us.
"Dude, we aren't blind!"
"Sshhh! Magsisimula na. Panoorin niyo na ang inyong mga muse!"
Pare-parehas lamang silang nakaputing pantaas. It's plain, probably because they don't want to ruin their costume as they're the last performers. Ang buhok nila ay tulad pa rin kapag nagpe-perform sila. I was still amazed how Sien looked different every time there's a competition.
"Let's give it up for the Sweet Intensity!"
And just like every time we compete, we dance our hearts out. Walang kumpetisyon na hindi namin pinabayaan. This is what we all want so we're doing it how it's supposed to be done.
Kasabay ng malakas na music ang paghiyaw ni JV at Ricks. Hindi ko mabigyang pansin si Sien para suriin kung ano ang tingin niya sa pagsayaw ko. Hindi ko naririnig ang boses niya.
Nagkangitian kami ni Darrah nang magpalit ng pwesto. Mas ginandahan ko ang pag ngiti nang makaharap muli kami sa audience at nagsayaw. Natapos ang performance namin sa isang malakas na palakpakan.
"Congrats, girls!" pumapalakpak na sabi ni Ricks.
"Yanis... you danced great!" I guess this one's JV.
Pinagpapawisan kami nang makababa sa stage. Agad kaming nagsitanggalan ng jacket dahil sa init. Kinapa ko ang bulsa ng jacket para sa scarf ko ngunit walang laman.
"I'm ashamed. Wala rin akong dalang panyo." Nakahabol siya sa akin at nagsalita sa tainga ko.
Tinulak ko siya nang kaunti. I'm still not used to this. Nagugulat pa rin ako.
"Pinagpapawisan ako, Sien. 'Wag ka munang lumapit..."
Nagpaypay ako ng sarili ko. Nauuna akong maglakad kumpara sa kanila. At this time, I just really need water.
"Bakit, mamaya ba papayagan mo na ako?" tumawa siya.
Natawa ako ngunit umirap. Nakarating na kami sa room. Bago pa siya makapasok ay hinarangan ko na siya. There are girl things inside. They're not supposed to be welcomed.
"Oo! Mamaya na. Alis ka na. Malapit na kayong magperform."
"Talaga? Papayagan mo na akong makalapit sayo?" nakangisi niyang tanong.
Ako na ang humigit sa kanya para igiya sa isang tabi. Dumaan ang mga kagrupo ko sa gilid namin at sumunod sa kanila sina Ricks at JV! I opened my mouth to protest but then Sien reached out to close my mouth again. Nilingon ko siya.
"Yes, Sien. Just get your groupmates out of here. We need to change."
Bahagyang namula ang kanyang tainga. Umatras siya at nakita ko ang pagtaas-baba ng Adam's apple niya. Kinalampag niya ang pinto at tinawag ang atensyon ng mga kaibigan. Nagpaalam sila sa amin at tsaka umalis.
Nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan at pagaayos ng mga gamit nang mag-ring ang phone ko. It's Mama. Sinagot ko ang tawag.
"Mae, I know you're in a competition right now. Pero anong oras ang uwi mo?"
Tumingin ako sa oras. Mamaya pa ang awarding. Hindi ko pa sigurado kung pang ilan na ang nagpe-perform sa stage.
"Hindi ko pa alam, Mama. Bakit po?"
"Aalis kasi kami ng Papa mo at walang maiiwan sa bahay para samahan si Ji. Kung pupwede ka ng makauwi ay dumiretso ka na sa bahay."
"Opo, Mama. Aalis na po ako. Magpapaalam lang," sabi ko. Tumingin ako sa mga kagrupo ko.
"Okay. Salamat, anak!"
Binaba ko ang tawag at mabilis nagligpit ng gamit. Nagpaalam na rin ako sa mga kagrupo ko at mabait nila akong pinatakas.
"Mae! Don't forget, we'll rehearse tomorrow," tawag ni June.
"Yup! Sige, mauna na ako."
Pagkabukas ko ng pinto ay may naalala ako. I stopped on my track and hesitated. Nilingon ko si Yanis. Nakatingin na siya sa akin kaya't nadalian ako sa sasabihin.
"Video, please?" I mouthed. Tinawanan niya lang ako at tumango.
Dahil hindi pa masyadong gabi ay nakasakay ako kaagad. Wala pang trenta minutos ay nasa bahay na ako. Hindi ko na naabutan sina Mama at Papa sa bahay. Si Ji naman ay nasa kwarto lang niya.
"Ji..." kumatok ako sa kwarto niya. He gave permission so I opened his door. "Okay ka lang dyan?"
Sinuri pa niya ang suot ko. I know he knew I'm at a competition a while ago.
"Yes, Ate. Hindi na ako bata. Kaasar naman si Mama," umirap pa siya bago binalik ang tingin sa kanyang tablet.
"I know you are not." Tumawa ako.
"Ate, you can go back to your competition, you know."
"Hindi na. Matatapos na rin 'yon."
"Walang celebration? Where's Kuya Sien? His group is competing, too, right?" tanong niya.
It's actually saddening I wouldn't be able to see him perform live. May kakaibang aura na bumabalot sa kanya pag nagpe-perform siya. Hindi ko masabi kung bakit pero tila nawawala ang Sien na kilala ko kapag nagsasayaw siya. He's giving his audience a fresh new Sien that no one's ever known before. Nagkakaroon siya ng ibang imahe, and it's good. He's really good.
"He's performing. You can watch their previous performances online if you like."
Binigay ko sa kanya ang Facebook page ng organizers ng competitions sa Summerridge. Nang magsimula siyang manood ay umalis na ako.
I removed all my make up and slept. Nagulat pa ako pagkagising ko the next day. Huli na ako para sa rehearsal ngayong araw. Tinignan ko ang phone ko at punong puno ito ng missed calls simula kagabi pa lang. Puno rin ang inbox ko ngunit inuna ko ang pag-ligo.
"Mae! Where are you? The Studio is jam-packed! We have no place... oh, wait lang..."
Hinintay ko si June. Naririnig ko ang boses ng kausap niya pero hindi ko maintindihan ang sinasabi. Nagulat na lang ako nang magtilian sila.
"Okay, sige. Thanks, JV!" sabi niya sa kausap bago ako binalikan, "Okay na pala. Ikaw na lang ang kulang dito, Mae. Sa second floor tayo ngayon."
Nakalabas na ako ng bahay habang kausap siya at naghihintay na ng tricycle.
"Oo, susunod na ako." Binaba ko ang tawag at pinara ang unang tricycle na nakita.
Habang naglalakad ako papasok ng studio ay nakaramdam ako ng pagod. Kakatapos lang ng midterms ay magfi-finals na kaagad. Kailangan naming pagtuunan ng pansin iyon bago ang pagsasayaw. Pagkatapos naman ng finals ay huling kumpetisyon na ang sasalihan namin sa sem break.
Nagtaka ako dahil rinig mula labas ang ingay sa studio. Nang marating ko ang pinto ay bukas ito nang kaunti. Nagulat ako at nagtaka nang makita ang Fiery Heroes sa loob.
Marami ang nagsasayaw sa gitna. They're all free-styling. May mangilan ngilan naman ang nakaupo lang sa gilid at nanonood. Nagbago ang kanta kaya't hinanap ko kung sino ang may control sa music.
I saw Sien sitting on a corner. Kaharap lang niya ang phone niya. He looked so bored while sitting and scrolling through his phone. Bigla kong naalala, hindi ko na pala nabuksan ang mga messages sa phone ko. Kinuha ko ito.
"Mae!" tawag sa akin ni Yanis. Umalis siya sa pagsasayaw mula sa gitna at nilapitan ako. "Is it okay with you? Dito muna tayo habang naghihintay ng studio na magf-free. Halos lahat yata ng grupo na nakapasok sa last battle ay nagpa-reserve na kagabi."
"Alright guys! Let's do the ducky thingy. My favorite!" sigaw ni Ricks mula sa gitna. Siya ang dance master at sinusundan naman ng lahat ng nasa gitna ang kanyang ginagawang galaw.
"Ang baduy mo, Ricks!" natatawang sabi ni June ngunit gumagaya na rin naman siya sa sayaw.
"This is okay, Yanis," I told her. Kinuha niya ang bag kong dala at tumakbo para ilapit iyon sa kanilang gamit. The next thing I knew is that I was being dragged in the middle of the dancing crowd.
Ngumiti sa akin si Ricks nang madaanan ko siya. Hiniyawan niya si Sien. Kaya bago pa ako makasayaw ay nag iba na kaagad ang music.
"Suddenly, I don't want to dance. Let's have a showdown instead!"
Nagsimulang bumilog ang mga kasama ko sa gitna at sumayaw habang naglalakad. Nagpadala na lang ako at napasayaw na rin. Iilan na lang ang mga nakaupo dahil sa pagpilit ni Ricks na sumali sa ginagawa namin.
"Sweet Heroes in the house 'yo! Yo! Yo!" malakas na pagkanta ni Ricks habang nagsasayaw.
Hindi ko mapigilang tumawa roon sa Sweet Heroes. Siguro ay nagugustuhan din nila ang presensya ng grupo namin. And I can say exactly the same about them. Masaya silang kasama. Halos lahat ay game sa kalokohang palaging pinasisimulan ni Ricks.
"Bakit hindi Fiery Intensity?" tanong ng isang babae.
"Don't kill the vibe, li'l Sydney," pa-cool na sagot ni Ricks. Umirap lang naman si Sydney.
Umikot ang bilog at saktong natapat ako kay Sien nang tumigil ito. Tamad ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. His arms rests on top of his knee that made him looked even more bored. Ngumiti ako pero hindi niya ito sinuklian. I wonder what's wrong?
"Excuse me. Padaan lang po. I'm dividing the group!"
Sineryoso nga ni Ricks ang gusto niyang mangyari. Sinabayan lang namin ang bago niyang trip dahil mukha namang masaya. Siya at si JV ang unang nagpasiklaban sa gitna. Si JV ay mula sa linya namin. Isang rap song ang tumutugtog and I'm still surprised how good the two of them were at dancing.
"Come on, Ricks! Is that all what 'ya got?" mayabang na sabi ni JV matapos magsayaw. Naghiyawan kami.
"Na-uh, my man! 'Ya know 'ya haven't got a taste of my masterpiece!" Ricks seethed in return before showing his moves.
Naghiyawan na naman kami pagkatapos ng dalawa. Pumili na sila ng susunod na maglalaban mula sa kani-kanilang kasama. Si June ang napili ni Ricks mula sa kabila habang sa amin naman ay si Hanna. Kanta ni Arianna Grande ang sumalubong sa kanila.
"Hey! May party-pooper sa gilid! Papayag ba tayo?" anunsyo ni Ricks nang mapansin si Sien.
Natatawang umiling si Sien sa kaibigan, "I'm in charge of the music, dude!"
"Ako na! Go represent our group!"
"Oh, I'm in your group now? Suddenly I'm good enough?" natatawa niyang tanong. Itinayo siya ng kaibigan at walang nagawa kundi ang pumunta sa gitna.
"Now that Sien's in the middle, how about we go out with Cazandra!" JV exclaimed.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Ilang kamay ang nagtulong tulong para dalhin ako sa gitna. Napangisi si Sien nang makita akong kaharap niya.
Nagbago ang mabilis na tugtog sa isang mabagal na kanta. Napatingin ako kay Ricks na siyang nagma-maniobra sa music.
"Blame it on the goose... Got you feeling loose," pagsabay ni Ricks sa kanta. May giling pang kasama. Inalisan ko nga ng tingin.
People are chanting for us to dance, to battle. Hinihintay ko pa ang kalaban ko para gumawa ng unang hakbang. Ilang segundo pa ay nagsayaw na siya habang pinipigilan ang pag tawa. That made him looked so handsome!
"Blame it on the a a a a a alcohol... Blame it on the a a a a a a alcohol..."
Sumabay ang katawan niya sa lyrics. Isang swabeng pag-giling ang ginawa niya. May paghawak pa siya sa lalayan ng damit niya at paunti unting itinaas ito.
"Ay, she say she usually don't. But I know that she front, 'Cause shawty know what she want..."
Pasayaw niyang sinara ang distansya sa paligid namin. Kinuha niya ang aking leeg at tsaka ako inikutan. Nabato ako at nanigas ang aking katawan. I felt his hot breath on my cheeks.
"But she don't wanna seem like she easy..." patuloy na pagkanta ng music.
Itinulak ko siya. Umingay ang paligid dahil sa kanilang mga hiyaw at chants. He seemed to be taken aback but I didn't let that get into me. Mariin ko siyang minatahan at tsaka nagsimulang sumayaw.
I did my own version of his choreography. Ginaya ko iyong ginawa niya kanina at doon siya pinanlakihan ng mata. I danced his choreography but in a more feminine way. Mas malambot ang pagkakasayaw ko sa kanyang giling kanina.
Nang itinataas ko na ang laylayan ng damit ko ay bumilis ang paghinga niya. Malayo layo ako sa kanya, kaya't nagulat ako nang makarating siya kaagad sa akin para pigilin ang kamay ko.
He towered over me. I was attacked by his manly scent. It's mixed with his sweat but not in a way that it smelt awful. If anything I liked it very much. Mas umaapaw ang amoy ng pabango niya, but then I remembered that even his sweat was perfume alone already.
Nasa kamay niya pa rin ang kamay ko. Idinikit niya ang aking sarili sa kanya para makabulong.
"Why are you showing off? If you want to show off, please make sure that I'm the only one in the room," he subtly threatened. I cannot deny the fact that there was sweetness in his threat.
"We're done, Ricks!"
"You're kidding! Nasa dance floor kayo halos wala pang dalawang minuto," protesta ng kaibigan.
"Oo nga! You're hiding Mae's hotness! Let her do her thang!" sabi ni Hanna.
"Julio and Gary were there for about a minute so don't protest..." sagot naman ni Sien kay Ricks.
"Okay boss. Point taken," tumawa lang ang kaibigan.
Itinuro ko si Grace para sumunod. Hindi ko matandaan ang pangalan ng kanyang kaharap na lalaki. Nagpatuloy ang battle.
Napansin ko ang paglabas ni Sien. May hawak siyang bote ng tubig. Kinuha ko rin iyong akin at tsaka sumunod sa labas.
I found him leaning against the cold wall while he drinks his water. He was halfway through with his water when he noticed me. Tumabi ako sa kanya at ininom ang tubig ko.
"So..." panimula ko. Geez! Ang awkward nito! "Iyon ang unang beses nating magsayaw nang sabay."
His head turned to me. Hindi kasi ako magaling sa ganitong usapan! Lalo na't mukhang bored siya habang kausap ako.
"Mainit ba sa loob?"
"Hindi naman. Bakit?" kunot-noo kong tanong. Kahit maraming tao sa loob ng studio ay tama lang naman ang temperatura roon.
"Eh bakit maghuhubad ka pa yata?" masungit niyang tanong.
It took me a minute to process what he meant. I scoffed after I realized. Wow naman, man!
"Ako pa? Bakit, ikaw? You were about to take off your shirt, too!"
"Ano, Mae, gagayahin mo? If I took it off completely, ikaw din ba?" mahina ngunit masungit pa rin ang boses niya. "Kung gagawin mo 'yon, sana naman iyong ako lang ang kasama mo." Bigla siyang ngumisi.
Pinaglaruan niya ang bote sa kamay niya. Nakangisi pa rin siya at natawa na ako. Hinampas ko ang balikat niya gamit ang dala kong bote ng tubig.
"Bastos!"
"Mas bastos iyong gagawin mo sa maraming tao. E ako, isa lang naman ako. Hindi na 'yon bastos," he countered. Ngumisi siya at lumingin sa akin, "Medyo na lang."
"Bwisit ka!" tumawa ako, although I could feel my cheeks burn.
Napaupo kami sa sahig. May distansya pa rin sa gilid. Inubos ko na ang tubig ko. Napagod din ako sa mga kalokohan ni Ricks. Palagi siyang may baon na trip, ngunit masaya naman.
"Ang daming humanga lalo sayo kanina. I saw Ricks' eyes. Hindi ko pinalagpas iyon. Julio, too. Si Gregg din. I know they're all sucker for girls who can really dance. And dammit Mae! You're the most gorgeous and dedicated dancer I've known."
Napaawang ang bibig ko. Wala yata akong naintindihan. Napasabunot siya sa kanyang buhok.
"Pwede bang mag-quit ka na bilang dancer?"
Sinandal niya ang ulo sa dingding at pumikit.
"Ang unfair mo naman," sabi ko. Napamulat siya. "I can't dance while you bag girls who drool over you while you do your dancing? Na-uh, Mister, no." Nginisian ko siya.
"Then let's be each other's dancers instead."
I wrinkled my nose and pretended to think and not like the idea, "Ayoko. Marami namang humahanga sa akin. I kind of like the attention."
"For your information, Cazandra Mae. Mas maganda na iyong atensyon ni Sien Pelarez ang makuha mo kaysa sa iba. This is me we're talking about!" Tumayo pa siya and made a gesture to present himself.
I swung back my head to laugh. Hindi talaga siya nagpapatalo. Sumayaw sayaw pa siya sa harap ko.
"See this? They can't do this."
"Wala akong pakialam. They outnumber you."
Sumayaw pa siya ng kaunti at natawa pagkatapos. Bumalik siya sa pagkakaupo, only this time he was closer to me.
"Okay. Edi may fans ka na. Tanggap ko iyon. Pero hindi ka naman sa kanila so I'll be fine with that."
Pinisil niya ang pisnge ko at pinanggigilan ito. If I know, inis pa rin ito dahil sa sinabi ko. I was only kidding about it.
"But I'm still a bigger catch than them, by the way," muli niyang sabi.
Hanggang sa matapos ang araw ay iyon ang kinukulit niya sa akin. That he's a thousand times bigger of a prize than the others. And I agree with him. Hindi ko nga lang sasabihin. Lalaki lang ang ulo noon.
-
Cute! I have new readers? Hello!!! Stick with me for the last 5 chapters, eh? :)
comment pa more pls. joke haha (okay not joking, but you have free will so... but still comment... hehe chos)
Ps. Try listening to Blame It - Glee casts version ;)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top