Chapter 3

Chapter 3
Change

"Mama, I want to go to the gym. Sasama po ako sa inyo ng mga Amiga mo," I said out of the blue.

Sandaling napatigil si Mama sa pag wisik ng tubig sa kanyang mga halaman. May ngiting sumilay sa labi niya, marahil ay iniisip na nagbibiro lang ako. I couldn't blame her either. I was always indecisive about going to the gym.

"No, Ma! Serious na po ako ngayon. I want to lose this..."

Ipinarada ko pa ang aking sarili sa likuran niya. Hindi matinag si Mama sa kanyang pagaalaga sa mga halaman. Pinanood ko muna siyang tapusin ang kanyang ginagawa bago ako binigyang pansin.

"Bakit? Project niyo ba iyan sa school?" biro ni Mama.

"Hindi po! I just really really want to."

Habang tinatawanan ako ni Mama na busy sa pagttype sa kanyang cellphone ay napaisip muli ako. Why did I even want this? It should be easy to say that it's for myself, right? But no, it's some sort of fuckery, really.

Noong nagsasayaw kami ay napatingin na lang ako bigla kay Ten, I noticed how cute and how tiny she was. I know wanting to have her physique would seem desperate and hopeless, but that's just how I felt. No matter how many times I convinced myself that I love the way I am... my decision would always boil down to lose my weight and be normal. Not that I don't look normal.

"I don't know how she does it but she always look beautiful. She isn't trying, partida!" kumento ni Sien habang nanonood kami sa pag ensayo ng mga kaklase namin ng sayaw.

Nasa room lang kami dahil ibang year naman ang nasa quadrangle ngayon. Nakaupo kami sa likod ng room. Kanina pa ako tumigil dahil alam ko na naman ang mga steps at pagod na rin ako. It's unfortunate I wasn't blessed with a slim body.

"Alam kong maganda ang kaibigan ko, Sien." Ito lamang ang tangi kong naisagot.

Nagtatawanan ang mga kaibigan ko habang nilalaro na lamang nila ang sayaw. Marahil ay pagod na rin ang mga ito ngunit gusto pa ring magkatuwaan. Malakas ang sounds sa room dahil wala namang nagkaklase ngayong araw. Lahat ay nagsasayawan sa kani kanilang rooms dahil bukas na ang kumpetisyon.

"Tell me something I don't know, Mae!" Tumawa siya at uminom ng tubig. "Tell you what, gagawa na ako ng move. I won't settle with just watching her from afar. Nagsasawa na ako dahil lagi na lang ganito. I want her close."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko kung paano tumingin si Sien sa kaibigan kong si Ten. Iba ang kanyang pag kurap, halos hindi na niya gustuhing pumikit na para bang sa isang iglap ay mawawala ang kaibigan ko.

Napainom ako ng tubig, halos maubos ko na ang isang litro kung hindi pa ako tatawagin ni Sien. I couldn't talk. Baka kung ano pa ang masabi ko kung ibubuka ko ang bibig ko.

"Tulungan mo ako bukas. Aamin na ulit ako sa kanya. Just after our performance, I really will do it!" He's confident and full of determination.

Tumayo ako at hinarap siya. Nag taas ako ng isang kilay tulad ng lagi kong ibinibigay sa kanya when he's not making any sense.

"Hate to break it to you, best friend, but I don't think you stand a chance anymore. She's technically with Jixen now. What do you think she'll say tomorrow when you perform your final act?"

I could tell he was taken aback. Napaawang nang kaunti ang kanyang bibig habang ang mata niya ay bahagyang nanlaki. But he quickly recovered. This time, he looked even more confident.

"Then that won't be the final act yet. Come on, Mae! Bakit ba ang negative mo? Best friend kita, I should at least have you on my side."

"I'm in between, Sien. I support you but I also don't want to ruin a relationship. I'm not that kind of girl."

Umalis ako sa harap niya at tumungo sa mga kaibigan ko. Hindi ako sumali sa pag sayaw nila ngunit nakisali ako sa tawanan. Nagpagod lang kami ngayong araw sa pagsasayaw.

Determinado ang mga kaklase kong manalo o magka-place manlang sa kumpetisyon. Ako naman ay tahimik lang. Maganda naman ang sayaw na binuo ng mga kaklase ko kaya't hindi na ako nagaalala.

Kinabukasan ay maingay ang lahat dahil sa excitement para sa nalalabing kumpetisyon. Hinintay at tinuunan ng pansin ito ng nakararami kaya't walang dahilan para hindi magkagulo ang bawat section ngayong araw.

"Mae, tara na sa rest room. Nagpapalit na sila ng costume." 

Kinuha ko ang bag ko at sumunod kay Ten.

Pagkalabas namin ng pinto ay saktong nakasalubong namin ang ilan sa mga lalaki naming kaklase. Isa na roon si Sien. Isang makabuluhang ngiti at pag taas-baba ng kanyang kilay ang ibinigay niya sa akin. Hindi ko siya pinansing maige ngunit tinignan ko naman siya.

I'm still unsure of what he's going to do. But all I know is it's not going to be right if I'm going to be involved. Not because of my shitty feelings but because there's a possibility that Ten will not be happy about it. Lalo na kung publiko ang gagawin ni Sien at posibleng makita ni Jixen.

"Sumunod na kayo ni Ten sa room, ah? Uuna na kami nina Jesca at Aria para magpalagay ng face paint." 

Tinanguan ko si Elaine. Inayos ko ang gamit ko para mabilis na makapag palit.

"Just hurry, guys. Para maganda ang pwesto ng upuan natin sa theater," pahabol ni Aria.

Nang matapos si Ten sa cubicle ay ako na ang sumunod. Puno rin ang rest room ng estudyante mula sa iba't ibang years, lahat ay nagpapaganda at nag aayos ng costumes. Binilisan ko ang pagbihis dahil kami na lang yata ni Ten ang tanging nagbibihis sa aming klase.

Pagkabalik sa room ay kinuha na agad si Ten ni Aria para lagyan ng make up habang ako naman ay inasikaso ni Shaira. Kanya kanya na sila ng pag aayos kaya't maaga rin kaming natapos kaysa sa ibang section. Nang ayos na ang lahat ay unti unti ng nagsisialisan para pumuntang theater.

"Mananalo kaya tayo? Ang gaganda ng costumes ng ibang sections," bulong ni Jesca habang nakatingin sa mga papasok na estudyante.

"Maganda rin ang atin!"

"Mas maganda 'yung sa kabilang section," nawawalang pag asang sabi ni Aria.

"Unique naman ang atin."

Mabuti na lang at nag simula na ang program dahil naubos na rin ang motivational rebuttal ko sa mga kaibigan ko. They wanted to win because they've exerted effort during practices. Gusto ko rin naman para hindi naman masayang ang ibinibigay na oras ng mga teachers sa amin kapalit ng pagle lecture.

"Nasaan na ang boys? Susunod na tayo!" tanong sa amin ng class president.

"Naiwan sa room kanina, diba? Papatawag ko kay Harvey," sabi Elaine at lumayo sa ingay para makagawa ng tawag. Si Harvey na nga siguro ang tatawagan noon.

Nakapila na kaming mga babae sa backstage at naghihintay na lang na matapos ang sayaw ng naunang participants. Sunud sunod na nagsidatingan ang mga lalaki naming mga kaklase. Nagtatawanan pa sila habang sinesermonan sila ni Mariella.

"Sien, tanggalin mo na ang bag mo. Baka madala mo pa 'yan sa stage," natatawang paalala ni Harvey sa kaibigan.

"Ah shit! Oo nga pala. Iiwan ko na lang dito."

Nakita ko ang pag lapag niya ng itim niyang bag sa isang sulok bago kami iginiya nina Celeinne at Shaira papuntang stage. Nahagip pa ng mata ko ang bouquet na inilabas nang kaunti ni Sien sa kanyang bag. Oh my god! Was that for Pristine?

Nagsimula na ang sayaw ngunit hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang plano ni Sien. Nang matahan ako ni Shaira ay tsaka pa ako nakapag focus sa pag sayaw. Napansin ko na ang mga taong nanonood sa amin at tsaka pa lang ako nakaramdam ng kaba.

Remix ang sayaw namin at inabot iyon ng anim na minuto kasama na ang bukod na routine ng mga lalaki. Tama nga sila, malakas na hiyawan ang nangyari nang ginawa nila ang sayaw nila. Puro papogi lang naman iyon at nadaan lang sa appeal. Sus!

"Kuhang kuha na natin ang audience impact. Yes!" masaya at natatawang sabi ni Aria.

"Boys, diretso sa upuan! Wala munang babalik sa room," paalala ni Mariella sa makukulit naming kaklase.

"Food court tayo, Jesca." Hinigit ko na si Jesca bago pa siya makapagsalita.

Bumili lang ako ng tubig habang si Jesca naman ay kumakain na nang balikan ko sa upuan. Paniguradong lagot kami nito kina Elaine dahil hindi namin sila naisama. Tubig lang naman ang pakay ko.

"Ang kukulit talaga ng mga boys." Tumatawa si Jesca nang makita niya ang paparating naming mga kaklase.

Kumuha na rin ako sa kwek kwek na binili ni Jesca. Hindi pa naman announcing of winners, iyon nga lang ay hindi namin mapapanood ang performances ng ibang klase.

Nakiupo ang iba naming kaklase sa table namin habang ang iba naman ay bumibili na.

"Pinagod kami nitong si Sien!" reklamo ni Harvey.

"Diretso sayaw pagkadating ng school. That made me frickin' hungry!" pagod na sabi naman ni Jayce.

Ilang minuto ay dumating si Sien sa table namin nang may dalang pagkain. Para daw iyon sa mga alagad niyang tumulong sa kanya kanina, at tutulong din mamaya. Nagkwentuhan na rin sila at doon din namin nalaman ni Jesca na kakausapin lang ni Sien si Ten mamaya at tsaka bibigyan ng bulaklak.

"Bakit mo bibigyan ng bulaklak si Ten? Pwede namang si Jixen na lang ang magbigay non. Nako! That's gonna be a disaster," sabi ni Jesca.

"Magkaibigan nga kayo nito." Tinuro ako ni Sien. "Wala namang masama kung magbibigay ako ng bulaklak."

"Eh sa hindi nga magiging maayos 'yon, Sien! Hindi mo ba nakikita na may iba na ngang gusto iyong tao?" Halos ipagsigawan ko sa kanya ang mga katangahan niya, ngunit nasa publiko kaming lugar.

"What's wrong with you, Mae? Dati ay sinasakyan mo ang mga plano ko? Why bail on me now?"

He sounded so broken. Ang ekspresyong ipinapakita niya sa akin ngayon ay iba sa madalas niyang suot. He was upset, but I couldn't deliver my speech into a much more pleasant way. Hindi siya matatauhan kung ganon!

What can I do? I can't knock some sense into his mind. Tila hindi na niya alam ang tama sa mali. But that's why I am here for him, to give him counsel whether solicited or not. I'm here to give him advices and motivations. And right now what he needs is a practical dose of discouragement, so that's what I'm giving him.

"Noon 'yon when you still had chance. But the thing between my friend and Jixen took away your place in her. So stop it now."

"I'm going to stop if she wants me to. Mae, I'm giving my last shot. Suportahan mo naman ako." Halos magmakaawa na siya.

Tahimik na ang mga kaibigan namin at nakikiramdam na lang. Si Jesca ay nakatingin na lamang sa kanyang pagkain habang sina Harvey at Jayce ay palinga linga sa paligid.

"I support you, Sien, but not this time. Hindi ko kayang sumali sa plano mo ngayon. Good luck na lang. Tara na, Jesca."

Nauna ako sa paglalakad. Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa theater. I tried so hard to go back to normal para hindi na sila magtanong. Thankfully ay wala naman silang napansin na kakaiba sa akin.

Kabado ang lahat, maging ako, nang announcement of winners na. Unang inanunsyo ang ikatlong nagwagi, sumunod ay ang pangalawa at nagulat kami nang tawagin ang aming section. Nagtalunan ang karamihan sa amin habang ang mga lalaki ay tumakbo na paakyat ng stage.

Masaya ang section namin dahil sa lahat ng magagaling na nagperform ay nakasali pa kami sa top three. Umakyat na rin kaming lahat para sa picture taking. Ang nanalo ay ang kabilang section ng third year.

"Mae, pinapatawag ka ni Sien. Nasa playground... nandoon mag-isa," sabi ni Julian.

Napatigil ako sa tawanan nang sabihin iyon ni Julian. Kanina pa natapos ang kumpetisyon at wala ng masyadong tao sa school, kakaunti na lang.

Ayoko sana siyang puntahan ngayon dahil wala ako sa mood, pero may parte pa rin sa akin na gustong malaman kung ano ang nangyari sa paguusap nila ni Ten. Umuwi na rin ang kaibigan ko kanina pa kaya't hindi na rin namin siya nakausap.

Nakaupo sa swing si Sien. Nakatungo siya at nasa kamay niya naman ang bouquet na pinaghirapan nilang bilhin kaninang umaga. I could see the overflowing disappointment in Sien as he flailed the flowers like it wasn't one.

"You don't know how hard it is to grow flowers like that," I said. Suddenly remembering how Mama loved her plants and flowers.

Napaayos siya ng upo. Inayos niya rin ang mga bulaklak at nagbirong pinapagpag ito. Umirap ako at umupo sa kabilang swing.

"So, kamusta? Anong nangyari?"

Tumawa siya. Being his friend, I tasted the bitterness in his laugh.

"Can't you just say 'I told you so'? Ayoko ng mag kwento," mapait niyang sabi at muli na namang iwinawagayway ang mga bulaklak. Tumawa ako nang malakas.

"Don't like. Gusto kong magkwento ka," pang asar ko.

"Pucha ayoko nga! Ang sakit, eh."

Hinagis niya ang bulaklak. Sunod sunod na mura ang pinakawalan niya. Namumula ang kanyang mukha at tila papaiyak na, ngunit mabuti na lang at walang nakatakas na luha.

"Sinabihan naman kita."

"Thank you for saying that. Tanga ko diba? Langya ayoko na nga. Tara, uwi."

Naglakad siya paalis. Humabol ako ngunit tumigil sa harap ng bulaklak.

"Oy 'itong bulaklak mo!"

"Iyo na lang kung gusto mo. Ano pang gagawin ko dyan?"

Hindi na siya nagpatinag. Umalis siya at iniwan ako rito. Gusto ko sanang kunin ang bulaklak ngunit ano na lang ba ako? Kukuha sa tira tira?

Ano na lang ang iisipin ni Ten kung makikita niyang nasa akin ang bulaklak? I know some of them already know my feelings for Sien. I kind of blurt it out every once in a while. Halata na nila iyon, hindi na lang pinapansin.

Dahil sa panliliit mula sa mga naisip ko ay iniwan ko na lang ang bulaklak. Let others have it, just not me. If I'm going to be receiving flowers, I'll make sure that it really is for me. Not just because it's a shame to throw it into waste.

The next day, Sien was back to normal. It was actually like yesterday did not happen. Ganon pa rin ang lihim na sulyap ni Sien sa kaibigan ko. Unti unti, nilalamon ako ng nararamdaman ko para kay Sien.

Nang umuwi ako ay dumiretso ako kay Mama.

"Mama, magyo yoga po kayo tomorrow? Sasama ako. I'll workout," I said with excess conviction that even I was shocked with myself.

Nagtatakang tumango si Mama. When I got the confirmation, I immediately packed my things for tomorrow. I'll change. I will.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top