Chapter 27

Chapter 27
Watchers

If any of my friends were to ask what happened at the dance event, all I could say was we're in to the next dance battle.

"So parteeeh?!" hiyaw ni June pagkapasok namin ng room.

"O-Oo, JV followed up a while ago. Ang sabi ko ay sasama tayo," sabi ni Yanis.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay nagsimula na akong magligpit ng gamit. Hindi tulad nila ay wala akong damit pampalit para sa overnight. Ang plano ay magsi-stay sa bahay nina JV para i-celebrate ang pagkapasok ng dalawang grupo sa next battle.

"Mae, uuwi ka pa ba sa inyo? O, may magdadala ng gamit mo sa bahay nina JV?"

"Ah, hindi ako sasama," sagot ko kay Cess.

"Wala namang pasok bukas, Mae," sabi ni June, "Walang homework at wala rin tayong rehearsal para bukas. Bakit hindi ka sasama?"

"I'm tired," I answered truthfully.

Kumatok sa room ang isang lalaki para ipaalala na nasa labas na ang rides na maghahatid sa mga sasama sa bahay nina JV. Mabilis nagayos ang mga kagrupo ko kaya't sabay sabay lang kaming natapos. Lumabas na kami.

Madilim na rin nang makalabas kami ng school premise. Papatungo sila sa parking lot pero ako ay nagpapaalam na sa kanila.

"Come on, Mae. Ang party-pooper mo! Minsan lang ito. Malapit ng mag-midterms so let's enjoy while we can!"

Isang itim na sasakyan ang tumigil sa harap namin. May kasunod itong puting sasakyan naman. The windows from the black car rolled down. Bumukas ang pinto sa kabilang banda, ngunit natuon ang pansin namin kay Ricks na nasa steering wheel. Si JV naman ang nasa shotgun at ang nagbukas ng bintana.

"Dito na kayo sumabay," sabi ni JV.

Tumingin sa akin si June at Cess. Sina Yanis at Darrah ay nauna ng sumakay sa sasakyan at naghihintay na lang sa amin.

"Ano, Mae?" muling tanong ni June.

Inisip ko na mukhang magiging masaya ang magaganap mamaya. But I'm tired. I'm really tired. Sumisikip ang dibdib ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. And I've been trying not to think about the headache I have since this morning.

"Hindi talaga," ngumiwi ako. "I don't have clothes..."

Tumikhim ang lalaki sa likod ni June kaya't hindi siya nakapagsalita. Sa hitsura niya ay halatang kakagaling lamang nila sa rehearsal. May bakas pa ng pawis ang kanyang buhok dahil mamasa masa iyon. Nakaputing pantaas na siya at nakapagpalit na sa asul na shorts.

"Dito na kayo sasakay?" Itinuro niya ang itim na sasakyan. Tumango si Cess. "Sige. Doon na ako sa kabila."

"Dude, you can still fit in," sabi ni JV na narinig pala ang sinabi ng kaibigan.

"There's five of them," Sien stated.

Mahina akong umubo. "Hindi ako sasama."

Napadungaw si Yanis at Darrah mula sa sasakyan. Parehas nagtatanong ang mga mukha. Tipid akong ngumiti at nagpaalam. Ayaw pa akong pakawalan ni June dahil mag-isa raw akong uuwi at delikado.

Hindi na naman mapakali ang isa sa likod ni June. Sa kunot ng noo niya at sa pabalik balik na paglalakad ay tila malalim ang nasa isip. Binaling ko ang atensyon ko sa mga kaibigan at tsaka nagpaalam. Kung hindi pa ako uuwi ngayon ay makakaabala na kami sa daan.

"You don't have clothes, right?" he asked in the middle of June's talk. Napatingin kaming lahat sa kanya, "Kung gusto mo pwede kitang samahang kumuha."

Kumurap ako ng maraming beses. Hinintay kong magbago ang desisyon niya ngunit nakipagsukatan lamang siya ng tingin sa akin. He looks so confident while we have our stare fest contest. Hindi siya nagpatalo. Nangangalo lamang ang mata niya. Like it's saying that he does not have anymore time for this. All he needs is my answer. Umiwas ako ng tingin.

"Okay..." tumalikod ako at napalunok.

Naramdaman ko ang pag-alis niya dahil gumaan ang paligid. Tumili sina June dahil makukumpleto kami ngayong gabi. Sinabihan ko sila na umuna na. Pinaandar na ni Ricks ang sasakyan. Kumaway ang mga kaibigan ko nang makaalis na sila. Nakasunod naman ang puting sasakyan kina JV.

Tumahimik ang paligid sa pag alis nila. Wala ng masyadong dumadaan sa kalsada dahil malalim na ang gabi. Hinanap ng mata ko si Sien, at sakto naman ang pagdating ng sasakyan na minamaneho niya. Mula sa loob ay binuksan niya ang passenger seat. Nagmadali ako sa pagsakay dahil may paparating na sasakyan mula sa likuran.

Nagmaneho siya hanggang sa makarating kami sa maluwag na daan. Sa tapat ng isang tindahan kami tumigil. Akala ko ay bababa siya para bumili ngunit dumungaw siya sa gawi ko. Napaatras ako bigla at ngumisi lang siya.

"I'm bothered, you did not put your seatbelt on."

Lumayo siya pagkaayos niya sa akin. Right. The Classic Seatbelt thing.

Si Mama ang naghanda ng mga dadalhin ko habang nagha-half bath ako. I heard there's a pool at JV's house and they're planning to swim but I don't think I will. Hindi maayos ang pakiramdam ko at baka pag nagbabad ako ay magtuloy ito sa sakit.

"Anong oras ka uuwi bukas? Sino iyong kasama mo sa sasakyan?" tanong ni Mama. Isinakbit ko ang bag na inihanda niya.

"Si Sien po. Hindi ko pa alam, pero baka after lunch?"

Tumango si Mama at hinatid ako sa baba. Hindi na siya lalabas para bumati kay Sien dahil nakapantulog na siya. Nagbilin si Mama ng mga dapat kong ikilos at nagtanong kung sino ang iba ko pang mga kasama.

"Dance groupmates ko, Ma, tapos ibang dance group pero kakilala naman namin. They're good people," I assured.

"O s'ya! Basta ay nandoon naman si Sien. Kung magpapauwi ka ay sa kanya na lang."

"Hindi ako uuwi, bukas na. Bye na, Ma!" Humalik ako sa pisnge niya at tsaka tumakbo palabas.

Sigurado akong kanina pa naiinip ito. Nang tumanggi siya kaninang pumasok ay hinayaan ko na lang. It's his decision anyway. Tahimik na naman ang byahe. Mabuti ay smooth na ang traffic dahil gabi na kaya mabilis naming natungo ang lugar.

Tanaw mula sa dinadaanan namin ang poolside nina JV. Sumilip ako sa bintana habang dumadaan ang sasakyan sa tapat nila. Wala pang nagsu-swimming. Halos lahat ay naghahanda pa lang ng mga isusuot.

Nakasalubong namin ang tatlong lalaki ng Fiery Heroes na papalabas ng bahay. Nakipag-apir doon si Sien kaya't napatigil kami. Tumango ang isa sa akin at matipid naman akong ngumiti. Naguusap sila.

"We'll buy drinks," sabi ng isang lalaki na may hawak ng susi. Tumingin siya sa akin, "Do you drink alcohol?"

Napawi ang ngisi ni Sien nang tumingin sa akin. Napahalukipkip siya habang naghihintay ng sagot ko. Ang yabang ng hitsura nito, ah! Who do you think you are, Mister?

"Yes..."

Napahiyaw ang isa nilang kasama at nagtawanan ang lahat maliban kay Sien. Umiling iling siya. Hindi ko na pinansin.

"Pero hindi ako iinom ngayon. I don't feel so well."

"Alright. Dadamihan na lang namin ang soda at juices. All for you, Cazandra," ngumiti iyong lalaki.

"Sige na! Umalis na kayo!" Tinulak ni Sien iyong lalaki palabas, sinunod niya ang dalawa pa nitong kasama. Nagtatawanan sila habang lumalabas. Should I go now?

Naghintay ako ng ilang segundo bago pumasok sa loob. Surely, hindi ko naman obligasyon na hintayin siya. Although I haven't said my thank you just yet. Mamaya na lang... iyon ay kung may pagkakataon.

Sumalubong si JV at hinatid ako palabas sa backyard nila... or is it sideyard because it's not at back of their house?

Si Ricks ang una kong nakita mula sa grilling station. Kumaway siya sa akin at sumenyas na pumunta ako roon. Inabot niya sa akin ang isang stick ng barbeque.

"Okay na ba iyan?"

Tinikman ko at tumango ako. Malasa at malambot ang karne. Nagtaas-baba ang kilay ni Ricks nang makita niya ang reaksyon ko. Truly looking proud of what he's doing. Nakita ko ang iba pang nakahanay na grilled meat sa isang table. Kumalam ang tiyan ko at malakas akong tinawanan ni Ricks.

"What can I say? Everybody calls me The Grill King."

"Talaga? If I know binili mo lang iyan at ikaw lang ang nag-iihaw," tumawa ako.

"Ako ang nagtimpla niyan, Cazandra Mae! Pwede ka ng kumain para hindi mo na ako malait." Inabutan niya ako ng plato pero tumanggi ako.

"Mamaya na."

I looked at the place. Katamtaman ang laki ng swimming pool sa gitna ng lugar. May maliit na bilog na nakadikit sa malaking bahagi ng parte ng pool, that must be the shallow one. Nakabukas ang ilaw sa ilalim ng pool kaya't maliwanag ang ilalim.

May dalawang maliit na kubo sa kanang parte ng pool. Nakabukas ang ilaw ng parehas kaya't naaninag ko ang anino ng mga tao sa loob. Sa kabila naman ay parang walang tao. Nagsilabasan ang mga lalaki mula sa bahay. Nakadamit panligo na sila.

"Nandoon sa kubo sina June. Puntahan mo na," sabi ni Ricks. Itinuro niya ang kubo na may magugulong tao sa loob. Naglakad ako papunta roon.

Kumatok ako. Pagkapasok ko ay naabutan ko silang naghaharutan at nagbibiruan. Si Yanis ang biktima nila ngayon.

"Ayan na pala si Mae!" hiyaw ni June. Nangingiti siyang tumingin kay Yanis, "I-kwento mo naman kay Mae iyong nangyari kanina."

Nagtilian si Cess at Darrah. Natawa ako at tumingin sa kanila.

"Wala namang nangyari!" pagtanggi ni Yanis. Pulang pula ang kanyang mukha na parang halos sasabog na. Kinikiliti pa ni Darrah ang kanyang tagiliran.

"Wala lang ba iyong muntik ka ng ipakilala ni JV sa parents niya? Are you sure?" pangiinis pa ni June kay Yanis.

Nanlaki ang mata ko at natawa. Umiling iling si Yanis sa akin. She looked like a puppy who really needs help. Lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisnge niya.

"Ikaw pala ang tunay na traydor!" pagbibiro ko.

Natigilan kaming lahat dahil sa katok sa pinto. Nang walang nagbukas kaagad ng pinto ay nagsalita ang lalaki sa labas.

"Yanis? Guys, we're gonna eat. Labas na kayo rito..."

Sabay sabay kaming tumingin kay Yanis. Bungisngis kaming tumawang lahat.

"It's JV," June mouthed. Mas lalong namula si Yanis.

When we decided to go out ay si Yanis ang iginiya namin para magbukas ng pinto at unang makalabas. Nasalo siya ni JV nang muntik nang ma-out of balance. Nagkunwari kaming walang alam sa nangyari.

Dumiretso kami kay Ricks para tumulong sa paghahanda ng dinner. Ang ibang lalaki ay tumalon na sa pool. Ang mga babae naman mula sa Fiery Heroes ay kakalabas lang mula sa bahay nina JV. Kasunod nila ang iba pang lalaki na tulung tulong sa pagbubuhat ng mahabang lamesa.

"O, nakatayo tayong kakain, ah! Mamaya na lang kami kukuha ng upuan pag nagiinuman na," anunsyo ng isang lalaki sa dulo ng mesa.

Lumapit sa akin si Grace. Nagkangitian kami habang parehong kumukuha ng grilled foods. May inihaw din na mga isda. Mga rellenong bangus at tilapia bukod sa mga karne tulad ng barbeques at ribs.

"Okay lang sa inyo na walang upuan?" tanong ni Grace sa akin. Inabutan ko sa kanya ang plato ng ribs.

"Yup! Mas masayang kumain ng ganon. Boring kapag layo layo," sagot ko.

"Mabuti pa kayo!" ngumiti siya, "Iyong dinalang mga babae mula sa ibang dance group dati nila Joven ay maarte. Kailangan may upuan at talagang may sariling plato pa."

"Ang congeniality naman pala ng group niyo," sabi ko na lang.

Naglagay sila ng malaking dahon ng saging sa gitna ng lamesa. Pagkabalik ko ng tingin sa kinukuha kong pagkain ay bumulong muli si Grace.

"Okay lang mag-kamay?"

Tumawa ako. She's too paranoid. Ano bang ugali ng ibang babae at naging ganito itong si Grace?

"Yes, Grace. Masaya ito!" I assured her. Malapad siyang ngumiti pabalik.

Habang naglalagay sina June ng kanin sa bungad ay sa gitna naman namin nilalagay ni Grace ang mga ulam. Naging busy ang mga lalaki sa mga inumin. Nagtitimpla sina Ricks sa gilid ng juice. May mga nagbubukas din ng mga soda sa gilid.

Dalawang lamesang mahaba ang kanilang pinagdikit kaya't kasyang kasya kaming lahat. Nakapwesto na kami at hinihintay na lang ang mga lalaking umalis kanina na bumibili ng iba pang drinks. Pagkadating nila ay naghiyawan dahil makakakain na. Napuno ang paligid ng tawanan.

"Kainan na!" anunsyo ni Ricks na siyang sinabayan ng mga lalaki.

"Drinks, everyone!" masiglang hiyaw ni Sien na may hawak ng bloke ng yelo. Binato siya ni JV ng isang baso ng tubig na puno ng tinadtad na yelo.

Pinipigilan kong ngumiti nang magmura siya dahil sa lamig. Tumatawa ang mga kumakain habang pinapanood lang ang mga lalaking magkulitan.

"Hoy, Sien! Kumain ka na rito! Bakit ba kanina ka pa nagtataga ng yelo riyan?" hiyaw ni June mula sa tabi ko. Tumingin sa kanya si Sien at nagbigay lang ng pang-asar na ngiti. Hindi ko na napigilan ang tumawa. Napansin ito ni Sien kaya't kumagat siya sa kaniyang labi para pigilin ang kanyang ngiti.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Naubos naming lahat ang nakahain ngunit may mga natira pang pagkain doon sa lamesa ng mga ulam.

Binuksan ni JV ang iba pang ilaw sa paligid. Nabalot din ang lugar ng music pero sa sapat na volume lang dahil gabi na rin.

"Inuman na!"

"Kaya naman pala kanina pa nasa may yelo si Sien ay excited mag-inom!"

Kami ni Darrah ay nakaupo sa gilid ng pool. Nakikihalubilo sina June at Cess sa kabilang grupo. Halos lahat ay kakilala na ni June dahil parte siya ng Dance Troupe ng Summerridge. Nakakasayaw na niya ang iba sa mga dancers dito.

"Darrah, tingnan mo si Yanis." Ngumuso ako sa sulok na parte ng lugar. Naroon si JV na kausap si Yanis. Tahimik silang naguusap ng seryoso.

"Shet! Para akong nanood ng teleserye!" tili ni Darrah sa mababang boses. Kinuha ni JV ang kamay ni Yanis at nilagay iyon sa dibdib niya.

Kanina pa kami tili nang tili dahil doon. Lumapit sa amin si Grace at umupo sa tabi ko. Makahulugan siyang ngumiti sa amin.

"Ang mga tao ngayon, they're like a chain of movie watchers..."

Nagkatinginan kami ni Darrah nang may kunot ang noo. Tinawanan kami ni Grace.

"Pinapanood niyo iyong dalawa tapos ang mga tao roon ay kayo naman ang pinapanood," she said. She subtly motioned her head in a direction we followed.

Dinala ni Grace ang mata ko sa parte nina Sien. Hindi pa sila nagsisimulang uminom. Nagbubukas pa lang sila ng mga bote habang nagkukulitan. Hindi ko pa sana maiintindihan ang sinasabi ni Grace. But then Sien glances at our spot. Bahagya pang nanlaki ang mata niya nang makita na nakatingin na ako sa kanya.

Nawala ang tawa niya. Kinakausap siya ng katabi niya ngunit hindi siya sumasagot. Napansin iyon ng lalaki kaya't hinanap niya ang tinitingnan ni Sien. Bago pa mahanap ay niligon na siya ni Sien at pabirong sinuntok ang mukha.

"See? You're all watchers." Tumawa si Grace.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top