Chapter 21

Chapter 21
Competition

Hinanda ko ang mga kakailanganin kong suot at accessories para sa kumpetisyon mamaya. Isinuksok ko na rin ang make-up kit na binili sa akin ni Mama para rito. Tumingin ako sa oras at nakitang maga-ala sais na.

Tapos na ang mga klase para sa araw na ito ngunit mas dumami pa lalo ang tao. Ito ay dahil sa Rhythm Week. This week is full of competitions, dancing, singing, battle of the bands, and more. And tonight is the dance competition, the last competition that ends the week.

"Uy, Mae! Mag make-up ka na!" natatarantang sabi ni Cheryl nang makita niya ako.

Nilapag ko ang mga gamit ko sa upuan katabi ni Darrah. Inaayos ni Yanis ang kanyang buhok. Lumapit sa akin si Cess na may hawak na make-up pangmata. Nabigla ako nang ilapit niya iyon sa akin kaya't napapikit na ako. Kinuha ko ang make-up na binigay ni Mama sa akin at iyon ang ipinagamit ko sa kanya para sa mukha ko.

Paniguradong matutuwa si Mama kung makikita niyang tahimik akong nagpapaayos ngayon. Smoky eyes ang ginawa ni Cess sa mata ko. Pumalit naman sa pagaayos sa akin si Yanis para sa buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, basta ay itinaas niya ang buhok ko.

"Nakita ko si JV! My goodness, naguumapaw ang appeal niya tonight!" tumitili si June nang pumasok siya sa room.

"Really? Edi wala na! Patay na tayo!" Ngumuso at umirap si Yanis.

"Hindi naman siguro." Tumawa si Cheryl.

"Yeah, right. Hindi naman lahat ay nakukuha sa charm non!" sabi ni Yanis. Malaman ah.

Lumabas lang kami sa room para ipakilala sa madla. Nagsuot kami ng makinang na puting jacket upang itago ang costume namin. Sa likod ng jacket ay may nakaburdang initials na S.I.

"Galingan mo sa pagpili ng number, Darrah, ah!" pagp-pressure sa kanya ni June na kabadong kabado, "Dapat hindi tayo una. Di rin huli. Gitna lang para balanse."

"Goodness! I hope the performers before us s ucked balls!"

"Cess!" suway ni Yanis.

Mas lalong lumakas ang music nang marating namin ang venue ng competition. Madilim ang paligid at may mga makukulay na ilaw ang nagsasayaw sa event hall. Hinanap ko ang mga judges. Dalawang lalaki at tatlong babae ang bumubuo sa kanila at mukhang mga professional lahat.

Halos manginig na ako sa kaba nang dumating ang grupo nina Sien. Sila ang sumunod matapos kami. Our groups stood side by side. They dominated the place because I think they were ten in the group. Ang karamihan kasi ng miyembro sa bawat grupo ay hindi umabot doon.

"There!" May itinurong babae si Darrah kay Cheryl. "Magaling din 'yon! Sikat iyang dancer sa school namin nung high school."

"Oo nga. I've seen her in the dance troupe," rinig kong kumento ni June.

I met the girl already one time. She introduced herself as Grace. Tumatawa siya nang lingunin ko, at ang kausap niya pala ay si Sien. I almost didn't recognize him. Tulad ko ay nakasuot din siya ng jacket. Ang sa kanila naman ay sa may tapat ng puso nakaburda ang initials ng grupo nila, ang F.H.

Napansin ko ang bagong estilo ng buhok niya. I didn't know he had a haircut. He was busy for weeks because of rehearsals so he's a no-show to annoy me everyday.

His hair have a slicked back look as the hair on top was voluminous and on the sides were faded. He's both classy and angsty.

Nag iwas kaagad ako nang makita niyang pinapanood ko siyang makipagusap. I even saw him smirked. With smile like that I knew evil thoughts were reeling in his mind. Ako pa. I know him!

Kung akala niya ay nagagwapuhan ako sa kanya ngayon ay...

"Ladies and gentlemen! Good evening..."

Sinimulan na ng emcee ang gabi. The hosts were energetic and the crowds cheered with the competing groups. Halos hindi ko na maintindihan ang nangyayari dahil nagpatugtog ng malakas na music ang DJ at nagsayawan ang mga contestants.

Inalalayan ko si June na kanina pa ako nabubunggo. Tumatawa lang ako dahil nakikita ko ang kaba niya kahalo ng excitement. Tumatawa ako, ngunit natigil ito dahil ang isang kamay na hindi ko nakita ay humapit sa baywang ko.

"Ang ganda mo ngayong gabi. Dapat sa akin mo lang pinapakita 'yang ganyan," natatawang bulong niya sa akin. Then I knew who the guy was.

"Ikaw din. Ang gwapo mo sa dilim," sagot ko na mas lalo lang niyang tinawanan.

Nakalapit ang mukha niya sa akin para bumulong. Hindi ako makakilos, baka mamaya ay may mahalikan akong parte sa mukha niya. Ayaw ko non, duh!

Huminahon ang mga tao dahil sa paghina ng sounds. Kanina ay hindi halata kung sino ang magkaka-miyembro dahil sa pagkakagulo. We didn't know they already went back to the respective places! Ngayon ay naiwan si Sien sa gitna ng grupo namin. May nakapansin sa pwesto namin ni Sien mula sa manonood. Agad ko siyang tinulak.

"My Mae is so shy," humalakhak siya. Umirap ako.

"Hoy, Sien!" Lumingon sa amin si June, "Bumalik ka sa grupo mo. You're not a girl, hindi ka qualified dito."

Tumawa siyang muli. Mabilis niyang nahanap ang kamay ko para pisilin ito.

"You're right. I'm not a girl. I'm Mae's guy," sabi niya. Mas lalo akong napairap!

Shi t. Why am I holding back a smile! Ayokong mangiti!

"Good luck to you, my sweet enemy," humalik siya sa pisnge ko. Napasinghap si June sa ginawa niya. Nanlaki lamang ang mata ko at walang nasabi. "...well, just for tonight."

Tuloy tuloy pa rin ang hosts sa pagsasalita. Ngayon ay ipinapakilala na ang board of judges. Tumatayo ang judge kada tinatawag ang pangalan. Ang mga contestants naman ay tila may inaabangan sa judges.

"Come on, Sien, shoo!" pabirong pagtataboy ni Cheryl sa kanya.

"Ganyan iyang mga lalaking 'yan sa kabilang grupo! Ang hilig manggulo. Nangsa-sabotage ata," mapait na sabi ni Yanis.

Kahit sa ingay ay narinig ko pa rin ang pag-tawa ni Sien. Isang pisil pa sa kamay ko ang ginawa niya bago umalis. Nakatuon pa rin ako sa kanya kaya saktong paglingon niya ay kinindatan niya ako. He mouthed again the words of good luck and genuinely smiled.

"I need a representative from the groups to pick a number from the bowl. The number will determine the sequence of the performances," the host announced.

Si Darrah ang representative namin. Si Sien naman ang umakyat sa entablado para sa kanilang grupo. Naghihiyawan ang mga tao kada may nakakabunot. Kinakabahan ako habang si Darrah na ang pumipili ng number.

"Lord, sana po 'wag pang-una... sana hindi una..." paulit ulit na dasal ni June.

"Sweet Intensity will be our fourth performer!" anunsyo ng host.

Nakahinga kami lahat ng maluwag.

Ang grupo nina Sien ang susunod sa amin. Nakipag-apir siya sa mga kagrupo niya pagkababa niya ng stage. Lahat ng contestants ay nagsipuntahan na sa kani-kanilang room para mag-handa. Bumalik kami ngunit palabas labas din para sulyapan kung ano ang kakalabanin namin.

"So far guys may ibubuga naman tayo," sabi ni Yanis na kagagaling lang sa labas.

"Kahit wala guys i-enjoy lang natin," sabi ko naman. Pampalubag loob. Alam kong magagaling ang ibang grupo. Ngunit alam ko rin naman na magaling ang choreographers namin. May tiwala ako. So I know we stand a chance.

Isang katok ang nanggaling mula sa pinto. Nagbukas iyon kaagad at dumungaw iyong sinasabi nilang magaling na choreographer sa grupo nina Sien. That's JV.

Gulat na gulat si Yanis sa nakita. Lumingon siya sa amin na nahihiya at sumenyas na lalabas lang siya sandali. Kumaway sa amin iyong JV at ngumiti bago siya tinulak palabas ni Yanis.

"And so ayon. Nasa grupo naman pala natin ang mga traydor," pabirong pagmamaldita ni June, "Jumo-jowa sa mga kaaway!"

Ngumuso siya sa akin at nag iwas ako ng tingin.

"Wala akong trip sa kabilang grupo 'no!"

"Let's say wala nga. Pero iyong si guy ay lunod na lunod sayo. Kaloka! Paahunin mo naman kahit sandali!"

Nang pangatlong grupo na ang nagpeperform ay napagdesisyunan namin na magdasal na. Gumawa kami ng bilog at naghawak hawak ng kamay. Isa isa kaming nagdasal at humingi ng gabay sa Kanya. Pagkatapos ay masigla kaming lumabas sa room.

Nahuli ako dahil may humigit pa sa akin pabalik.

"You keep on popping, Sien. Hindi ka ba hinahanap ng mga kagrupo mo?"

Wala na ang kanyang jacket ngayon. Suot niya ang costume nila para mamaya. Itim ang kanyang pantaas at medyo gray naman ang kulay ng pambabang pansayaw niya. I wonder why he's not wearing his jacket anymore. Ako ay wala na dahil susunod na kami.

Napansin ata ni Sien na may hinahanap ako sa kanya.

"Oh I left my jacket in the room. Why, do you want it?" tanong niya. I shook my head. "It's fine. Ibibigay ko na lang sayo pagkatapos. Lalo na't may Pelarez iyon sa likod."

I suddenly remembered his Jersey. It's still safe in my closet. Hindi ko na ginalaw simula noong sinuot ko iyon para manuod ng laro niya. The images of him with our classmate back then flashed in my mind. Iyong araw na para akong sinampal nang malakas dahil akala ko ay para sa akin ang gagawin niya sa laro kaya niya ako gustong gustong pumunta. But then he had other plans. And one of them was to break me.

Wala na iyon sa akin. What's important is right now, right?

"Ayoko nga ng jacket mo. Baho baho mo eh," umirap ako.

Kinurot niya ang ilong ko, "Ang kulit kulit!"

Hindi niya binitiwan iyon hanggang sa naramdaman ko ang pagpula noon. Marahan kong sinuntok ang tiyan niya para mabitiwan ako. Magsasalita sana ako ng mga mura ngunit naging mabilis ang pangyayari. Nagnakaw siya ng halik sa ilong ko bago niya ako hinapit palapit.

"Do your best, Mae. Just not your extremely best. Maraming lalaki na manonood ang nahuhumaling sa magaling na dancer," seryoso ang boses niya pero natawa ako.

"I see. I'll do my extremely best then."

Humiwalay ako sa kanya at kumaway nang naglakad ako palayo. Iniwanan ko siyang inis na inis sa likod ko habang ako ay natatawa lang. Panay ang lecture sa akin ni June nang makarating ako. Tumigil lang siya pagkatawag sa grupo namin para sumayaw.

"Go, Mae! Padagundungin mo ang stage!" sigaw ng parang boses ni Jesca.

Umakyat kami sa entablado. Una ay naka-dim ang lights para sa unang steps. Sa paglakas ng music ay nagliwanag na ang paligid. Malapad akong ngumiti kung kinakailangan sa steps, at minsan naman ay poker face lang. In dancing, I learned to coordinate the right facial expression with the steps and music.

Papatapos na ang sayaw namin. Ang itinuro ni Cheryl dito ay dapat fierce ang mukha namin. Ngunit noong nahanap ng mata ko si Sien sa gitna ng manonood at pumapalakpak ay may sumilay na ngiti sa labi ko.

Kaasar. I smiled some more. You ruined it, Sien.

Natapos ang sayaw namin. Lahat kami ay gustong panoorin ang susunod na performance kaya't nag-stay kami sa gilid ng stage.

Nakita ko sina Jesca at iba naming kaklase na nanunuod. Kumaway ako at isa isa na silang tumingin sa gawi namin para kumaway pabalik.

"You don't need to save yourselves from holding your breaths because Fiery Heroes is now here!!!"

Sobrang lakas ng hiyawan nang tawagin sila. As in! Alam kong kuhang kuha na nila ang audience impact. No doubt in that. Their group is filled with experienced and popular dancers!

Hindi na rin napigilan nina June at Cheryl ang tumili. Si Darrah at Cess ay magkahawak-kamay pang tatalon talon. Tinignan ko si Yanis. I'm surprised Yanis managed to keep her cool, but then I saw hint of excitement in her eyes when JV appeared in the middle of the stage.

"Grabe! I think that's Sien Pelarez!" rinig kong tili ng isang babae na malapit sa amin. Hindi ko nilingon.

"It is him!" kumpirma pa ng isang boses ng babae. Si Sien ay katapat ni JV sa stage. Natatangi silang dalawa dahil sa galing sa pagsasayaw. "Oh my gosh, I'm gonna make him mine!"

What the... Hindi ko natiis. Tinignan ko iyong babae ngunit nakatalikod na sila. Buti naman!

Binaling ko kay Sien ang atensyon ko. Hindi ko inintindi ang malakas na ingay sa event hall. His dancing was the focal point of my eyes. He grew a lot, not just in dancing but I think in life also. I may not have a proof of it yet but I can feel it.

While he's dancing, I reminisced who Sien was back in High School. Siraulo iyong Sien noon, mahilig sa trip trip lalo na kung ako iyong trip niya. That's true. Iba siyang mangulit kapag ako na ang kaharap, he's compulsive. Extra compulsive. Siguro that's one of the reasons why I hoped that maybe he felt something other than just pure friendship.

Lalaki siya, he should know by now that girls are frail and weak when it comes to small gestures. Little or big, when you do things and you exert feelings in it then that's the start where people will see things differently. And small things will not be small anymore.

Iyon lang ang mali sa akin. I thought there were feelings in his gestures back then. I've mistaken love and pure friendship way too many times back then. I've been running in circles in the unrequited-feelings street, and I didn't think I managed to break the cycle, let alone stop myself from running.

Natapos ang kanilang pagsasayaw at dumating na naman ang nakakabinging ingay.

"Hey, Mae! Are you going to stay? Babalik na kami sa room!" sumisigaw na si Cheryl para marinig ko. Tumango ako. Pinauna ko sila.

Naghintay ako dito sa gilid ng susunod na mangyayari sa stage. Hindi ko alam sa sarili ko kung nagaabang ako para sa susunod na performance o siya nga ba ang hinihintay ko.

Mahinahon ang madla ngayon kaya narinig ko ang pagdating ng grupo nila. Tinutuon ko sa hosts ang atensyon ko ngunit hinarangan niya ang harap ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa likod ng stage. Ilang sandali pa ay nakalayo na kami sa kaingayan.

"I'm annoyed at you, Mae. Bakit mo ginalingan? You are punishing me more, huh." There was amusement in his eyes. Pinilit kong hindi mangiti.

"Syempre! This is a competition. Ikaw din naman ginalingan mo e," humina ang boses ko, "Ang dami pa ngang... babaeng nagcheer sayo."

Humalakhak siya. Kinuha niya ang mga kamay ko para ipatong sa kanyang magkabilang balikat. Babawiin ko na sana ngunit nakita ko iyong pamilyar na likod ng dalawang babaeng narinig ko kaninang naguusap tungkol kay Sien.

Nakita nila kami at nanlaki ang mata nila. Siguro ay hindi inaasahan ang meron ngayon. Beat this, girls!

"Hindi mo naman ako pinag-cheer. Habang ako ay suway ng suway sa lalaking pumupuri sayo, Mae. Their asses were irritating!"

"Hindi ko naman sinabing suwayin mo sila. They're cheering, dapat pinag-thank you mo pa ako."

Umiwas siya ng tingin para magmura. Tumawa ako. Wala na ang dalawang babaeng nanonood sa amin. Lumayo na ako kay Sien. I'm going crazy! Hindi ko na maintindihan ang ginagawa ko.

"Maybe give me their names so I can thank them instead?" panunuya ko. I don't know why he's this annoyed pero natutuwa ako.

"Very funny, Mae." His lips were straight and there's no humor in his eyes. Mas tumawa ako.

Naghiwalay lang kami noong tinawag ako ni June. Dumating ang oras ng pag-announce ng winners. Hindi pumasok sa isip ko ang mga nangyayari at ang naintindihan ko lang ay ang mga pangalan ng grupong tinatawag ng hosts.

"And the champion of the Rhythm's Week Dance Competition is..."

Hindi kami tinawag sa third place, hindi rin sa second...

"Fiery Heroes!"

Pumalakpak ako at napatalon. Naghihiyawan ang grupo nila, at ang ibang grupo. Pati sina June ay masaya para sa kanila. Hindi rin naman natanggal ang pagkadismaya sa amin but at least it was Sien's group who won.

Nang ibigay ang trophy ay itinaas iyon ni Sien. Hinanap niya ang mata ko at excited na ngumiti, may sinabi pang kung ano. Nag-picture sila roon ng grupo lang, at pangalawa ay kasama na ang mga judges at sponsors. Bumaba sila ng stage nang nagcha-chant.

"It's alright, girls! May next time pa naman," malungkot ngunit nakangiting sabi ni Cheryl.

"Tayo tayo pa rin ang magkakagrupo, ah?" Naluluha pa si Cess.

Nag-group hug kaming anim. Sa saglit na panahon ay napalapit kaagad ako sa kanila. Hindi sila mahirap pakisamahan at naging mabuti silang kaibigan at co-member. I'm pretty sure they're still going to be my group mates next year.

Tinakbo ni Sien ang distansya namin nang makita niya ako. Pinulupot niya ang dalawa niyang braso sa akin para iangat ako at iikot.

"I couldn't believe we won!"

"Believe it now. Magaling kayo. Magaling ka," ngumiti ako.

Binaba niya ako. Umakbay siya sa akin at naglakad kami palabas ng university.

"You wanna know a secret?" bulong niya, "Hindi ko naman talaga dapat gagalingan para sa grupo niyo. But then I saw you watching. I know I gotta impress you so I did my best."

Natawa ako at umirap. Pakipot effect ba.

Shit. Ito na ba talaga? Tinatanggap ko na ba siyang muli sa buhay ko? I'm letting myself to fall again!

"Na-impress ko naman po ba si Miss Cazandra Mae?" Nakangiti siya habang naghihintay ng sagot ko.

Hindi ko nga sinagot. Kinurot niya ang pisnge ko dahilan ng mas paglapit ko sa katawan niya. I feel like we're getting back to what we used to be. Iyon nga lang, ang masama, pati ang dati kong nararamdaman ay unti unting mas nabubuhayan.

_

Hindi ko naa-appreciate ang comments. *ehem* Reverse psychology *ehem* haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top