Chapter 20

Chapter 20
Matiis

Nang dumating ang week ng registration ay nakita namin ang karamihan sa mga grupong interesado. Nagpatuloy ang pageensayo namin sa sayaw. May kakilala ang mga kagrupo ko sa ibang grupo, at isa isa na silang nai-intimidate dahil doon.

"Girl, magaling mag-choreo 'yon! Nagsayaw na kami dati at siya ang nanguna. We won a competition!" pagtutukoy ni Yanis sa lalaking ka-grupo nina Sien.

"Nakwento nga sakin one time ni Ate Nelly iyon. Magaling daw talaga. Pero hayaan natin sila, they don't have all the luck in the world, do they?" sabi ni June.

Nag-jive ang remix na ginawa ni Cess at Darrah sa choreography na nabuo. Sa oras ng dismissal ay tsaka kami lahat nagkikita kita para mag-rehearse. Sinigurado namin na hindi kami gagabihin dahil pare-parehas kaming may nakatakdang school works.

Ganoon ang gawi namin hanggang sa mag-finals na para sa unang semester. Hindi kami nag-ensayo sa linggo ng finals para makapag-pokus sa pagre review. Minsan ay pinatutugtog ko sa bahay ang remix ng sayaw para hindi ko makalimutan.

Thankfully I passed all of my subjects the first semester at ganoon din si Jesca. Hindi kami makakapagkita ngayong sem break dahil aalis siya papuntang Florida. Gage must be there.

Hindi siya nagpaalam sa akin noong umalis siya. I guess it's for the better. Ngunit nang malaman ko ay nagpadala ako ng message sa kanya sa Facebook. Hindi pa rin siya nagrereply hanggang ngayon.

Tumawag si Jesca sa akin through video call. Nakahiga siya sa kama at mukhang pagod na pagod. Kinwento niya ang torture na ginawa sa kanya ni Gage. Buong araw sila nag-workout at ngayon lang siya nakapagpahinga.

"Kamusta..." tumikhim ako.

I almost asked about Gage! Until now ay walang nagsasalita sa amin tungkol sa nangyari. Or did he? I don't know. Basta ako ay nanatiling tahimik. Ideya niya rin naman iyon, na itago ang lahat kung hindi kami mag-work.

And we did not. So we are quiet.

"I'm fine. Pagod lang. Bukas naman ay workout ulit. Stupid, Gage!"

"Don't stress yourself mas lalo kang papangit at di ka na magugustuhan ng hubby mo," tumawa ako at umaktong ayos lang.

Bago magpaalam ay narinig ko ang boses ng lalaki. Halos hindi ko nakilala ang boses ni Gage dahil sa quality ng video call ngayon. Mabagal ang internet sa oras na ito.

"Who's that?" Sumilip siya sa phone ni Jesca.

I flashed a faint smile when he saw me. I saw a good image of him with a smile, but that smile escaped his lips as he looked at me through the screen.

"Si Mae! Gusto mong kausapin?"

"No. I'm meeting with some friends right now. I'll just see you."

Nagkibit ng balikat si Jesca at humarap sa akin. Sumarado ang pinto ng kwarto ni Jesca. Pati iyon ay napagtuunan ko ng pansin.

I wondered if Sien wasn't in my life before Gage happened, will we workout? He's a great guy. The type that our mothers will like very much because of his kindness, humor, and concern over us.

But I cannot rewrite history. Sien is and will always be a part of my past, and maybe my future. Pursigido siya sa panggugulo sa akin. Hindi na nga ako nagoonline masyado dahil puro ng chat niya ang lumilitaw sa notification bar ng phone ko.

"Nasa ibaba si Sien, Mae. Gumising ka na dyan."

Nang isinara ni Mama ang pinto ay tinignan ko ang oras. It's 9 AM. Why is he so early? And more importantly, who even invited him?

Hindi ako tumayo. Ang gising ko pag walang pasok ay magtatanghali na. Kung may usapan naman kami ni Ate Kayla ay umaalis ako rito pagkatapos ng tanghalian kaya't gising na ako ng mga ganitong oras.

Nagtago ako sa loob ng kumot pagkarinig ko sa ingay ng pinto. Bumukas iyon para mambulabog na naman si Mama.

"Mama, natutulog pa ako. Pakisabi na lang sa kanya ayaw ko siyang makita," inis kong sabi.

Tawa ng lalaki ang narinig ko. Napatayo akong bigla dahil alam kong hindi si Ji iyon. Malalim ang boses ng isang 'to.

"Then sleep. Papanoorin na lang kita hanggang sa gumising ka na."

Umupo siya sa gilid ng kama ko at sineryoso ang pagpanood niya. Binato ko siya ng unan at tumayo. Pinulupot ko ang kamay ko sa aking buhok. Nahihiya pa rin naman ako dahil hindi pa ako nagsusuklay at naghihilamos.

"Walang nagimbita sayo rito, Sien. Usong mahiya."

"We used to do this... go to each other's house uninvited."

Tumigil ako sa pagsusuklay. Tumingin ako at ipinakita ko sa kanya ang pagirap ko.

"Used to."

Pumasok ako sa bathroom. Sumunod siya hanggang sa labas ng pinto. Masungit akong humarap at pumaywang.

"Hey! You're not a dog. Stop following me around."

Ngunit hindi niya ginawa. Minsan ay akala ko nasasanay na ulit ako sa presensya niya. Pero kada ginagawa niya ang mga dati naming gawi ay nagugulat pa rin ako.

Hindi siya tumigil. At hindi rin ako tumigil sa pagsuway sa kanya sa mga inaakto niya. If he thinks that I'm going to give in this easily then he's wrong!

Bago magpasukan ay tumungo ako sa Flow para mag-rehearse mag isa. Nagkaroon ng pagbabago sa araw ng kumpetisyon dahil sa kakulangan ng sponsors. Iyon ang kwento sa akin ni June na kaibigan ang isang officer ng organization na namamahala sa event.

"Just for three hours," sabi ko sa babae sa kahera.

Nagbigay siya sa akin ng studio na rito lang sa ground floor. Hindi ko planong magtagal dahil may pasok na ako bukas.

Nilibot ng mata ko ang studio na walang tao. Ito ang una kong beses na magsasayaw mag-isa. Pinindot ko ang remote para magpatugtog at tsaka nagsimulang mag sayaw.

When I got tired of dancing our routines for the competition, I tried freestyle dancing. I did some cliché moves I saw on TV or on youtube videos.

I looked at the time and it said I've got almost 45 minutes left. Minabuti kong gamitin ang natitirang oras para magpahinga. I rehydrated myself. I've been dancing nonstop for two hours.

Nakapikit at nakasandal ako sa salamin na pader nang bumukas ang pinto ng studio. Hindi ako nagmulat kaagad pero nagsalita ako.

"I still have the time in this studio. Please leave."

"Wow. You can open your eyes before shooing someone you actually know," sabi ng boses ng lalaki. Nagmulat ako.

"Kuya Ravi?"

Nag-iba kaagad ang timpla ng mukha niya. Nilapag niya ang dala niyang bag at lumapit sa tabi ko. Umupo rin siya gaya ng sa pwesto ko.

"Drop the formalities, okay!"

"Yeah, right. Kasi gusto mo ng bastos minsan diba?" Umirap ako. "Bakit ka ba nandito?"

"You want me to like you? You're acting rude... and very much bastos," tumawa siya nang malakas.

"Bakit! Bakit ka nandito? I want to be alone."

Napahawak ako sa sentido ko dahil sa inis. Why do I keep on having uninvited guests? Isa ba akong malaking invitation? O, baka naman isang signage na nagsasabing Please Come In, We're Open... wait... parang hindi yata tama 'yon!

"I'm renting this studio after you. Nakita ko ang pangalan mo na narito ka kaya pumunta ako. I know I crashed, but you're not dancing anyway."

"Oh? You need this place now? I can leave already. I'm done anyway."

Tumayo ako at kinuha ang aking bag para isukbit. Nasa isang kamay ko ang bottled water and ang isa naman ay ang card para dito sa studio. Inilahad ko sa kanya ang card.

"Hindi mo naman kailangang umalis. And I'm not getting your time. Let's just talk... for a change?"

Kinuha ko ang kamay niya para ilagay doon ang card. Hindi na sana niya tatanggapin ngunit nanahimik siya nang bumalik ako sa pagkakaupo. Nag-indian sit ako habang siya naman ay tumayo. Kinuha niya ang remote at tsaka pinatunog ang speakers. Right! Naka-connect pa ang device ko.

"I like the remix," kumento niya pagkarinig sa kanta ng sayaw namin.

Sumayaw siya sa kanta gamit ang kanyang steps. Pinanood ko lang siya. Bahagya akong nakatingala dahil isinandal ko ang ulo ko sa pader. Kahit hindi ganoong katodo ang pagsasayaw niya ay mahihimigan ng kahit sino na isa siyang magaling na mananayaw.

Nahihiya siyang tumawa nang maramdaman niyang pinapanood ko siya. Agad akong umayos ng pagkakaupo.

"I still don't know who you dance for," sabi niya.

Hininaan niya ang music at umupo sa kinatatayuan niya kanina. Magkaharap lang kami.

Do I really have someone to dance for? Is the love and admiration for the craft not enough? I suddenly think about it...

I've been using dancing as way to cloud the stressful thoughts in my mind. That way I don't have time to think about it. But when I am done dancing the problems were still there to come back. Naging hobby ko na ang pagsasayaw. I loved it. But I also realized just now that it's also my excuse for escape.

I can say I dance for the music... na kaya nabuo ang musika ay para sayawan ito. To appreciate it and make it even more beautiful. To give meaning to it through body movements.

"Ikaw ba, para kanino ka nagsasayaw?" binato ko pabalik sa kanya ang tanong.

"I dance for myself. That simple," nagkibit siya ng balikat. "Ikaw ba? Wala ka pa ring boyfriend? Wag ka ng magtaka, sweetheart."

Umasim ang mukha ko at tumawa siya. Pag nandilim ang paningin ko masasapak ko 'to ng isang libong beses. Patawad na lang sa mga kamaganakan nito.

"I'm a MedTech student now, it's my priority. Boys are just distractions!" I growled.

"Oh sure. Keep using that studies-first defense. Naka-uno ka naman ba?"

He seemed so amused in annoying me!

"Ano bang pakialam mo sa love life ko? You don't have one so don't act like I'm supposed to be jealous of yours." I tried to not be affected by it, pero nalamon na yata ako ng sistema.

Hindi ako nag dalawang-isip na umalis. Nilagpasan ko ang concierge na maraming ina-accommodate. I  already paid for my rent. If problem arises, there's Ravi. I don't have to worry about it anymore, it'll be his punishment.

Nagsalita ang lalaking nadaanan ko sa entrance door.

"May ka-date ka pala sa studio kanina kaya hindi na kita inabala."

Isa pa ito!

"Sien, gusto ko ng umuwi."

"Then let's go," sabi niya. Nagliwanag ang kanyang mukha.

"I mean by myself."

Hindi ko nakita ang reaksyon niya dahil sa pagtawag pa sa akin ng isang boses. Nilingon ko iyon at dumating si Ravi. Una ay masigla pa siya ngunit natauhan yata nang makitang may kausap ako.

"Ravi," tawag ko para mabaling sa akin ang tingin niya.

"I have a ride, Mae. Ihahatid na sana kita sa inyo. Just a little something. Hindi ka na nakapagsayaw dahil sa akin."

Napansin kong iniingatan niya ang pagsasalita ngayong may kasama ako. Hindi naman pala siya ganoong kalala. Matipid akong ngumiti.

Sa gilid ko ay si Sien na naghihintay ng sagot ko. Alam ko sa sarili ko na una pa lang ay tatanggihan ko na si Ravi, ngunit hindi ako makapagsalita. Natapos na ang isang grupo ng dancers sa kanilang reservation ay wala pa rin akong sinasabi.

"Mauna na ako," matipid na sabi ni Sien sa akin. Walang emosyon ang mukha niya. "Ravi."

Tumango si Ravi sa kanya. Sumilip siya sa akin bago makasakay sa jeep. Ang suot niya ngayon ay ang suot pa rin niya kanina nang pumunta siya sa amin. Iniwan ko siya roon at hindi naman umangal si Mama dahil sanay na sila sa amin na ganito dati.

Sa huli ay tinanggihan ko pa rin si Ravi. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko dahil pagkapasok ko ng bahay ay tila umaasa ako na nandoon siya.

Just stupid!

Nagsimula ang klase at hindi ako mapakali. Alam kong tinataboy ko si Sien dahil sa isip ko ay iyon ang tama. Because I thought that being with him won't be good for me. Ngunit nang nawala ang pangungulit niya ay tila ba...

"Huy! Anong pagiinarte iyan? Wala ka sa music video, please," suway ni Jesca.

"You're not in one either. Wag kang makipagtitigan kay Drian na nasa screen lang naman."

Tinago niya ang phone niya at hinampas ako sa balikat.

"What's up with you anyway? I saw Sien kanina. Parang gusto ka niyang itanong sa'kin, pero late na ako kaya di ko na nakausap."

I immediately looked up to her. Nagtaka pa siya sa akin but then she smirked.

"Hayaan mo siya!"

"Wait, bakit parang ang pait?" Tumawa siya. "Come on! Tell me!"

Sa ilang pangungulit niya ay bumigay ako. Sinabi ko iyong mga ginagawa ni Sien na pangungulit pero hindi ko nilahat. Hindi naman importante. Binigyan niya ako ng malakas na hampas sa braso nang sabihin kong bigla akong nakaramdam ng kakaiba noong tumigil ang mga pangiistorbo niya sa akin.

"Isa kang malaking pabebe, kaibigan! Ano ba talaga? Gusto mo o ayaw mo?"

Hinaplos ko ang hinataw niyang parte ng braso ko. Nakakarami na 'to ah! 'Wag sana silang magkatuluyan ni Drian... Joke!

"Hindi ko alam! Siguro nasanay ako kaya naninibago ako ngayon. Iyon lang! At tsaka ganon naman diba. Kung kailan nawala tsaka hinahanap. Ganito pala ang pakiramdam."

"Ewan ko sayo. Pa-text nga."

Wala na siyang pakialam sa sinabi ko. Inabot ko sa kanya ang phone ko. Hindi rin ako sigurado kung may load pa 'yon kasi wala naman akong tini-text. Hindi ko rin nirereplayan si Sien kasi ang walang kwenta ng mga sinasabi niya. Kulang na lang pati paghinga niya ay iupdate niya sa akin.

Dumating ang sunod naming professor kaya hiningi ko ang phone ko pabalik.

"Wait lang! May hinihintay lang... Oh, ayan na pala!" she giggled while typing something on my phone. Must be because of her hubby.

Naglabas ako ng libro para makinig. Ilang period na rin ako ganito. I must focus. This time, I will really listen.

"Oooh, burn!"

Ilang beses pang tumawa si Jesca habang kaharap ang phone ko. Nagtaka na ako kaya hinablot ko iyon pabalik. Nakabukas ang message thread namin ni Sien. Mahinang tumatawa si Jesca sa tabi ko. Kung walang lecture ngayon ay kanina pa ako nakaganti sa kanya ng malutong na hampas.

Binasa ko ang tinype ni Jesca.

Cazandra Mae Rabarra: Hoy

Sien Pelarez: What?

Cazandra Mae Rabarra: Anong problema mo?

Sien Pelarez: Wala. Ikaw, anong problema mo?

Aba...

Nagiinit ang ulo ko nang magtype ako ng message.

Cazandra Mae Rabarra: Shut up! Bumalik ka na sa lungga mo.

Napakagat ako sa labi ko habang hinihintay siyang magreply.

Sien Pelarez: Hindi kita iniistorbo. Ikaw ang nauna. Nababaliw ka na ba?

Nanlisik na ang mata ko. Hinarap ko si Jesca na ngayo'y nakikinig na sa lecture. Binato ko siya gamit ang binilog kong scratch paper. Tumingin siya sa akin na parang wala siyang ginawang kalokohan.

Hindi ako nakapakinig sa lecture dahil sa pagbabangayan namin ni Sien sa chat. He seemed uninterested. Maybe that's what made me more... irked? I don't know!

Sien Pelarez: Masyado mo akong pinagtutuunan ng pansin, Mae. Listen to your professor now.

Hindi ko na pinansin ang chat niya. Habang nakikinig ay hindi ko pa rin maialis sa isip ko ang isang 'yon. Kahit tumigil na siya sa pangungulit ay iniisip ko pa rin. When will he leave my mind?!

Tumunog ang phone ko para sa isang dumating na notification. Sumilip ako at nakita ko ang isa pang message mula sa kanya.

Sien Pelarez: I'm still annoyed at you right now. Pero hindi talaga kita matiis!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top