Chapter 2

Chapter 2
My Victims

Bago ako matulog ay nakita ko ang photo na nai post ni Sien sa Facebook account ko. Ito ay iyong kinunan niya nang nakahiga siya sa sofa. Ngiting ngiti ang bakulaw habang ako naman ay nakabusangot. It gained hundreds of likes. I don't know, maybe because of Sien? Or maybe it was because of the frickin' caption!

'With my Idol!' ang kanyang inilagay. Kung narito lang iyon ay kanina ko pa iyon nahampas. Marami rami rin ang naglagay ng comments, and they're still pairing us up even though people knew that Sien likes another girl.

Hindi ako nag react sa mga iyon dahil lalo lang hahaba at posibleng magkaroon pa ng issue. Plus, they wouldn't believe me anyway. Kailan ba iyon nangyari?

Sanay na rin naman ako, at sa tingin ko ay si Sien din, sa mga ganoong tuksuan. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na marami ang hindi naniniwalang pupwedeng maging magkaibigan lamang ang babae at lalaki nang walang isang nahuhulog. Even for a while, or even for forever.

And what I am trying to argue and rationalize with my superego is that I can't let myself be open to the idea of loving Sien, because that's just not right. Love may always be right, but loving him isn't.

"Guys! Diretso na raw sa quadrangle, doon na daw ang practice para sa sayaw!" anunsyo ng class president namin na si Marj.

Tuwang tuwa ang mga nagsasayaw sa gitna ng classroom dahil sa malawak na espasyong magagalawan nila sa quadrangle. Nagmadali kaming tumungo sa quad at baka maunahan pa ng ibang klase. Habang nagtatakbuhan sila ay naglalakad lang ako. Nakikita ko pa ang masasamang tingin ng mga teacher sa mga silid dahil sa hiyawan ng mga kaklase kong lalaki.

"Walk faster, Mae!" untag ni Aria na kasama ng mga nauuna kong kaklase at ng mga kaibigan ko.

"Just go! Hindi naman ako sasayaw."

"It's required, boohoo!"

Umirap lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mabuti at wala ng klase ngayong araw. Panay ang praktis ng bawat klase para sa kumpetisyong hinanda ng isang organization ng university. But it will be open for High School participants only.

Nang makarating ako sa quad ay nagsasayaw na ang iilan sa kanila kahit wala pang music. Ang iba kong lalaking kaklase tsaka si Ten ay ang nagaayos naman ng speakers sa may gutter. Kumaway si Ten sa akin na ngayo'y may hawak hawak ng extension, matapos ay naghanap na sila ng mapagsasaksakan.

Naaaninag ko ang pag senyas ng galaw ng bibig nina Elaine at Jesca, parehong nagsasabi na bilisan ko ang aking paglalakad dahil aayusin na ang dance formation. Sumagot naman ako ng tango at may sasabihin pa sana kung hindi lang humarang si Sien sa aking harap.

"Hey, kailangan ng adaptor. Samahan mo ako sa room. Kukunin ko 'yong akin."

"Ayoko. Kakadating ko lang dito. Ikaw na lang!"

Hinawakan niya ang braso ko at marahan akong hinigit. Hindi ako nagpatangay kaya't siya ang nadala.

"Ayun naman si Harvey, o kaya si Jayce! Magsasayaw na raw kami," iritado kong sabi. Nakakapagod kayang maglakad!

"Ikaw nga ang gusto kong kasama. Bakit ba ang sungit mo? May dalaw ka na ba? Diba dapat ay sa fifteen pa?" sabi niya habang nagpipiit na mangiti.

"What the fck! Tara na nga!"

"Nahiya ka pa. Ako naman ang bumibili ng napkin mo paminsan." Tumatawa siya habang humahabol sa paglalakad ko.

"Kaya pala masungit ka the past few days. Now I know. Ano bang gusto mo mamaya? Ice cream? Cake? Or Ice cream cake?" Humalakhak na naman siya.

I gave him the side eye. "Kahit ano. Takbuhin mo na lang, please? Sumasakit na ang puson ko," pagdadahilan ko, kahit hindi naman talaga. But he's actually right, I'm on my period right now. And I hate it when he got something right about me.

"O sige. Hintayin mo na lang ako. Bibilisan ko lang."

Mabilis na takbo nga ang ginawa niya. Hindi pa man natatapos mag recite ang isang estudyante sa room kung saan ako nakatapat ay nakabalik na siya.

"Pupuntahan na lang kita sa inyo mamaya. Nagyayayang mag basketball sina Jayce at mga higher year mamayang uwian."

Tumango ako. Hindi naman kalayuan sa quadrangle kung saan ako tumigil kaya't maagap kaming nakabalik doon. Natuwa naman na ang mga nagtuturo ng sayaw nang magkaroon na ng music.

"Mae, doon ka sa kalapit ni Jesca sa likod," utos ni Shaira na isang taga gawa ng steps ng sayaw.

Ang mga lalaki ay nasa bukod na parte ng quadrangle. Ang alam ko ay magkakaroon sila ng sarili nilang performance sa hulihan ng sayaw amin, anila ay makakakuha iyon ng atensyon. Lalo na mula sa mga babae sa iba't ibang klase at years. My show off classmates, they are!

"Girls, let's kick it up a notch! Hindi pwedeng para tayong mga lanta na gulay sa oras ng performance!" suway ni Shaira.

"Yeah, like it's our fault we're not dancers," mahinang reklamo ni Elaine.

"Basta magsayaw ka na lang, 'wag ka nang mag English!" sabi naman ni Jesca. She's hyped today, I wonder why.

Nagsimula na ang tugtog at hindi ko pa masyadong alam ang steps dahil nahuli ako kanina. Marami rami na siguro silang natapos noong wala ako. Kahit pa panay ang reklamo ni Elaine ay alam naman niya ang mga galaw, ako na lang ang hindi pa ganoong makasabay.

"Mae, sumunod ka sa beat!" sigaw ni Celeinne mula sa unahan habang pinapanood kaming magsayaw.

"I'm trying!"

Nang mag huling chorus na ay itinigil ko na ang pag sayaw at umupo na sa gutter. Hindi ko pa iyon alam kaya mananahimik na lang muna ako. Isa pa ay baka mapagsabihan na naman nila ako. Eh sa hindi ko nga alam ang steps at hindi ko pa gamay.

Shaira announced for a water break. Ngunit ang iba ay dire diretso na patungo sa food court para kumain. Kaming magkakaibigan ay nanatili dito. May dalang pagkain si Ten kaya't iyon ang pinag agawan namin. Panay naman ang hiyaw niya sa amin at kumatwiran na hindi na dapat namin siya inaagawan gayong siya itong less fortunate pag dating sa taba.

Habang umiinom ako ay tanaw ko ang mga lalaki naming kaklaseng nagppractice ng kanilang routines. Sabay sabay sila at maganda naman ang steps. 

Lumapit doon si Shaira nang matapos ang sayaw. Kausap niya si Sien at sabay silang napatingin sa gawi namin. Hindi nagtagal ay nag jog na siya patungo rito, habang si Shaira naman ay naglalakad sa likod niya.

"Get up," utos ni Sien nang malapit na siya sa aming banda.

Hindi ako tumayo dahil bakit nga ba ako tatayo? Ang ganda ng pwesto ko rito, samahan pa ng preskong hangin.

"We'll practice. You have to know your moves, Mae. Baka matalo tayo dahil sayo," bibo niyang sabi. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko.

"Oo nga, Mae. Kahit nasa likod ka ay kita ka pa rin dahil sa laki mo," panirang sabi ni Elaine.

"Thanks, friends!" sarkastikong sabi ko. Nang tumayo ako ay nakita ko ang pag high five ni Sien sa mga kaibigan ko maliban kay Ten. Tanging nahihiyang tango lang ang binigay niya roon.

"That's super awkward!" Tumawa si Aria.

Namumula si Sien nang tingnan ko siya. Tinawanan ko at inasar. Nang mainis na siya ay nagsimula na siyang magturo ng steps. He's really good kaya't siya ang nagtuturo ng sayaw sa mga lalaki. Malinis ang kanyang galaw at tila wala lang sa kanya ang kahirapan nito. Sinasayaw niya ang steps ng panglahat ngunit iba kapag siya ang gumagalaw, nagkakaroon ng dating.

"You're way too impressive right now, Sien. Pwedeng makamatay. Wala pa naman tayo sa stage, you can take it less seriously right now." Umirap ako. Masyado siyang energized ngayon.

"What's wrong with this? You have to imitate my energy level. Babae ka, do it on your own way. Don't argue with me."

"Hindi naman ako dancer!"

"Hindi rin naman 'yan rational na rason. Even if you're not a dancer, just feed your moves with energy and that'll do. Alright? Let's start again."

Napaungol ako sa inis. Hindi niya ako titigilan hanggang mamaya kaya't sumusunod na ako. Ang mga kaibigan ko naman ay panay ang pag sigaw at cheer sa akin kaya't nahihiya rin akong gumalaw.

"Pwede ka naman kasing gumalaw nang mabagal, Sien, diba? Para masundan kita! Bakit ba kasi nagsasayaw ka na parang judges na ang kaharap mo," iritado kong sabi.

Napatigil siya para magpunas ng pawis. Ngumisi siya at lumapit sa akin para bumulong. Just the same, walang amoy ang kanyang pawis. Nagmistulang tubig lang iyon sa kanyang balat.

"I have one judge right there sitting, Mae. Baka nakakalimutan mo. I'd like to win her back."

Gustuhin ko mang tumingin sa mga kaibigan ko ay hindi ko ginawa. I knew well what he meant. Kung dati ay hihiyaw pa ako at tutuksuhin sila, ngayon ay hindi ko na magawa. This is what I am talking about. The complexity of this shitty feelings will ruin my system. Pristine is my friend and she's got nothing to do with how complicated the situation is right now. Ako lang naman ang may problema. Even Sien is not a suspect. In fact, they're my victims.

"Edi gawin mo! I'm tired. Babalik na lang ako sa room."

Iniwan ko siya roon. Hindi naman siya sumunod. Lumakad ako nang mabilis para hindi ko na mapansin ang ibang taong tumitingin sa akin. I know they will ask what is up, but I'm not in the mood to answer. Hindi ko rin naman masasagot iyon nang totoo. I will only lie.

Sinilip kong muli ang kaganapan sa quadrangle bago ako tuluyang lumiko. Nakaharap si Sien sa mga kaibigan ko at nagtatawanan sila. Lumipat ng pwesto si Sien at ngayo'y mahinhing kinakausap si Ten. Pilit ang tawa ng kaibigan ko habang si Sien naman ay nahihiya. But they're still talking.

Madilim ang naging araw ko. I would like to consider that it's because of my period and nothing else. Itinulog ko ang hapon hanggang gisingin ako ni Mama para sa hapunan. Namilipit ako dahil sa sakit ng aking puson. Walang nagawa si Mama kundi ang dalhin ang pagkain ko sa kwarto.

"Tawagin mo ako o kaya si Ji kung pinagsasaktan ka na naman ng puson. Mas maige ang hindi pag inom ng gamot para sa sakit dahil baka doon ka na lang umasa sa bawat dalaw mo."

Kakaunti ang nakain kong hapunan. Hindi rin ako uminom ng gamot dahil sa sinabi ni Mama. Nagpahinga ako habang nanonood sa TV. Mabuti naman at wala kaming homeworks, at alam kong bukas ay papayagan naman kami ng Adviser namin na magpraktis ng sayaw.

Habang naaaliw ako sa palabas ay siyang pagkatok ng kung sino sa pinto.

"Ate, nasa baba si Kuya Sien. Tanong ni Mama kung patataasin ko raw ba rito?" tanong ni Ji.

And now he's here. Alam naman niyang masungit ako pag mayroon, lalo na sa kanya. Bahala siya.

"Ask Sien if he wants to enter the dragon's lair," sabi ko habang nakatuon pa rin sa palabas ang mata.

"Sanay na naman si Kuya sayo. Patataasin ko na, ah?"

Hindi na siya naghintay ng sagot at nagmadali nang bumaba. Isang commercial ang lumipas at si Sien naman ang kumatok sa aking pinto. Pinapasok ko naman.

Hindi ko siya tinignan ngunit ramdam na ramdam ko ang presensya ng kanyang dalang mga pagkain. Inilapag niya iyon sa bedside table at pigil na pigil akong silipin ang mga iyon.

"I brought lots of food. Peace offering. Alam kong dapat hindi na kita pinilit na mag sayaw kanina. Napagod yata kita."

"Okay lang," sagot ko. Ayos lang naman talaga sa akin. At least ay natutunan ko na rin ang steps ng sayaw.

"Woah. That fast?" nagtataka niyang sabi. Tumawa ako. Ganoon na ba ako kamaldita sa kanya at naninibago siya ngayon?

"May peace offering ka naman. What are those?"

"Tingnan mo na lang. Hindi ako magtatagal ngayon dahil nagpahatid lang ako kay Dad. May pupuntahan siya. But if you want me to stay, I will."

Tumawa ako habang kinukuha ang isa sa mga paper bags niyang dala. Marami nga ang binili niya. There's chocolates, chips, and even a box of pizza na pinagpapatungan pa ng isang paper bag.

"Asa ka namang gusto kitang mag stay. You're just one great headache. You can go shoo away now." I stuck my tongue out. Sumama naman ang kanyang tingin sa akin, ngunit ngumiti lang ako nang malapad.

"Magpahinga ka na. May practice tomorrow." Lumakad siya sa may pintuan.

Busy pa rin ako sa pagtingin ng mga binili niya sa aking pag kain. This is enough for a week.

"The ice cream's in the fridge, by the way. Kinakain na nina Tita at Tito iyong isang gallon sa ibaba. At bigyan mo si Ji ng pizza, that's his favorite toppings." Tumawa siya.

"Alright, alright. Ingat kayo ni Tito pag uwi. Pakisabi thank you sa food."

"Why dad? And not me!" Nagdilim ang mukha niya. Binuksan pa niya nang malaki ang pinto ko. Obviously not happy with what I just said.

"Si Tito ang nagbibigay sa iyo ng pambili. But alright, thanks for your labor."

He calmed down a bit and just laughed it off. Umiling iling siya bago isinara ang pinto. Agad kong nilantakan ang pizza. Umaliwalas na rin ang pakiramdam ko, all thanks to food.

Sumilip ako sa aking bintana at sakto ang paglabas ni Sien mula sa aming gate. Kumaway siya sa akin at tumango lang ako. What am I gonna do with you, Sien?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top