Chapter 19
Chapter 19
More Than Friends
Pinakilala sa akin ni June ang isa sa miyembro ng grupo namin. Si Cheryl ay mas matanda sa amin ng isang taon. Matagal na siyang sumasali sa dance contests kasama ang grupo niya sa labas ng university.
"Madalas kami sa Flow Dance Studio kung alam niyo 'yon," sabi ni Cheryl.
"I know the studio. Nag-dance lesson ako doon one summer break," I shared.
"Oh. Do you happen to know Ravi? He's my friend at madalas siya roon."
Naalala ko ang mapanuyang lalaking iyon.
"Yup. Grupo nila ang kasama ko noong mag-aral ako. Ang liit ng mundo," kumento ko.
Ngumiti si Cheryl, "It's kind of funny actually. Minsan ay nagkwento siya sa akin tungkol sa babaeng nagngangalang Mae."
Siniko ako ni June habang may kakaibang ngiti sa labi. Hindi ako nag-react dahil wala lang iyon. Wala akong maalala nangyaring paguusap na matino sa pagitan namin ni Ravi. Nagbangayan lang kami noon!
Tumawa na rin ako nang maalala.
"That's nothing."
Meeting with the dance group was one thing that I looked forward to. Habang naghihintay ako ay normal na araw lang para sa akin ang mga dumaan.
"Ate, let's go! It's what I thought, late ka magigising," masungit na sabi ni Ji.
Ginulo ko ang buhok niya pagkatapos kong maayos ang akin. Umasik siya.
"Oo na! Oo na! Buti nga ihahatid kita, so be thankful."
Nagnakaw ako ng pisil sa pisnge niya bago ako tumungo sa front door. Sabay kaming lumabas ni Ji. Sinigurado kong nasa akin ang susi ng bahay bago mag-lock ng gate.
Papunta kami sa bahay ng family friend namin para sa isang birthday celebration. Our family was invited, but due to work agendas Mama and Papa wouldn't be able to make it. Kaya kami na lang ni Ji.
"Sinabi mo ba kay Mama na iiwanan mo ako doon?" pilyong tanong ng kapatid ko.
Umirap ako.
"Basta! Magtetext ako pag nakaalis na ako at naiwan na kita ro'n."
Sumaglit ako sa celebration. Maliit talaga ang mundo dahil may mga kaibigan akong nakita sa party. Nakipagusap ako sa kanila. Ibinilin ko kay Tita Alma si Ji bago umalis at pagkatapos ay ipinaalam ko kay Mama na iiwan ko si Ji sandali.
Sumakay ako ng jeep at ilang minuto pa ay nasa Flow Dance Studio na ako. Sinabi ko ang pangalan ni Ate Kayla at ipinaalam sa akin ng babae sa counter ang studio number kung nasaan siya.
"It's so nice to see you again, Mae!"
Pinatay ni Ate Kayla ang music sa studio nang makapasok ako. Umangal ang mga dancers sa likod niya dahil nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw nang dumating ako.
"Take five, guys!" anunsyo niya sa grupo.
Inabot ko sa kanya ang tubig na malapit sa akin. Naupo kami sa sahig at sumandal sa salamin na nakadikit sa pader ng studio. Pinanood ko ang ibang dancers na walang pagod sa pagsasayaw, ang iba naman ay nagpahinga na rin.
"Mabuti may free time ka at nakapunta ka ngayon. We're working on a routine right now, gusto mong matutunan?"
"Kinalawang na yata ako, Ate Kayla," tumawa ako.
"Oh c'mon. Imposible!"
Hinila niya ako patayo at hinanay sa mga dancers na nagsasayaw sa gitna ng studio. Ngumiti sila sa akin dahil magkakakilala na kami noon. May mga nadagdag, but they seemed very nice, too. Nginitian ko rin ang mga bago.
"Medyo iba ang steps ngayon kumpara sa dati naming ginagawa. Ang choreographer ng sayaw ay si Joy. She joined the group just four months ago and she's amazing!" kwento ni Ate Kayla.
Kumaway sa akin ang katabi kong babae. Isa siya sa mga bago, ngunit hindi kapansin pansin iyon dahil sa closeness niya sa ibang miyembro.
I did my best to learn the moves. Matagal akong hindi nakapag sayaw kaya't nahirapan ako. Isa pa ay sasandali lang akong nag-aral noon, pero marami naman akong natutunan. Nakuha ko rin ang pagmamahal sa pagsasayaw sa sandaling oras na iyon.
"May ibubuo kaming grupo para sa isang dance competition sa university. Hindi ko pa sila nakikitang sumayaw but I hope we can all harmonize," I told Ate Kayla.
"If you need help from us, just tell me," sagot niya kasabay ang ngiti.
Bandang alas sais na nang magpaalam ako. I also thanked Joy for oiling my rusty dancing feet before heading out. Natipuan ko ang choreographies niya bagamat ay may pagka-sexy ito. It's something I've never tried before.
Habang nagaabang ng jeep ay nagpadala ako ng text message sa kapatid ko. Sinabi kong susunduin ko na siya roon. Pagkaangat ko ng tingin ay sumalubong sa akin ang lalaking hindi ko inaasahang makita rito.
Mabilis kong nilagay ang phone ko sa bag para makapaglakad nang mabilis at maayos. Kahit alam kong mahirap nang makasakay sa nilalakaran ko ay nagpatuloy pa rin ako.
"Mae! It's just me!" sigaw niya mula sa likod.
Akala siguro niya ay iniisip ko na magnanakaw siya kaya iniiwasan ko. Hinayaan ko lang siya at halos tumakbo na ako palayo.
Napamura ako nang makahabol siya. Tinanggal ko kaagad ang kamay niyang humawak sa braso ko. Hindi ko siya hinarap, kunwari ay may hinahanap pa ako sa paligid.
May isang matandang babae na nanonood sa amin. Siguro ay nalilito siya kung naho-holdap ba ako o kakilala ko itong kasama ko. Gusto kong humiyaw na lang ng tulong para makaalis ako. But I figured that was a very desperate move!
"Nagmamadali kasi ako, susunduin ko pa ang kapatid ko. Let's just talk next time," sabi ko.
"Okay. But let me accompany you. Gabi na at kasama mo pa si Ji pauwi," Sien reasoned out.
Tumaas ang kilay ko. Pumuslit ako ng tingin sa kanya. Sa hitsura niya ay mukhang kakagaling lang niya sa pagsasayaw. Nakasukbit sa balikat niya ang itim na bag na parang handa ng umuwi. Galing siguro ng studio 'to.
"Ilang gabi na ba ako umuuwing mag-isa," tumaas ang kilay ko, "We should be fine. Just go home, Sien."
Hinayaan ko siya sa tabi ko at naghintay na lang ako ng jeep. Malayo ang nalakad ko, at puno na ang mga jeep na dumadaan dito. Shet naman oh!
"It's the first time you called me by my name since..." tumigil siya.
Umiwas ako ng tingin. Naglakad ako pabalik at sumunod naman siya. Sa tabi ko ay nararamdaman ko ang tensyon na naghihiwalay sa amin. Dapat pala ay nagtricycle na lang ako. Pero pati iyon ay mahirap hintayin dito.
Ang malas ko!
Tumigil ako sa harap ng studio. Hindi naman ako tumakbo para hingalin pero tila napapagod ako.
"Look, Mae, hindi mo na ako maiiwasan ngayon. We'll talk eventually, you know. Sana hindi mo na ako iwasan. I'm not going to hurt you. Please, Mae," papahina nang papahina ang boses niya. Nakatungo siya sa akin at kaharap ko.
"I know. But not now," I answered coldly. Hinawi ko siya, "Hindi ko makita ang daan."
"I don't understand. Ano bang naging kasalanan ko para layuan mo ako? Am I at fault for being the reason why you fell?" His voice almost broke.
Dumagundong ang puso ko. This was what I was afraid of. He wasn't at the wrong zone but I made him feel like he belonged there. I am at fault... pero hindi ko maamin sa kanya.
Pinara ko kaagad ang jeep na may espasyo pa. Tumigil ang jeep para sa akin at nagmadali ako. Nahuli ni Sien ang braso ko at pinigilan ako.
"Hindi kita titigilan, Mae. Because I deserve a talk with you. Hell, I know I even deserve you!"
I'm not sure you do.
Nanikip ang dibdib ko kasabay ng paghigpit ng kanyang hawak. Marahas akong tumakbo at siya na mismo ang kumalas sa akin. Umandar kaagad ang jeep pagkaupo ko.
Sa labas ng jeep ay nahagip ko ang pagsuntok ni Sien sa poste ng ilaw. Idinikit niya ang noo niya roon pagkatapos, marahil ay para sa suporta sa sakit na naramdaman sa kamao.
Pumikit ako at pilit binubura sa isip kung ano ang nakita. I wanted it to be nothing to me, but as I traveled back home I could not take my mind off from thinking about what were the reasons of his frustration.
I know I am one of them, but what are the others?
Kung nasa rati kaming estado ngayon ay nakikita ko ang sarili kong kasama si Sien at tinutulungan siya sa mga problema niya. I'll give him crappy advices which he'll follow. Sasabihin ko pa na ang tanga niya pero tatawanan niya lang ako.
If only life were just as simple as before. If only I didn't fall. If only I wasn't so stupid to trash our friendship for my own benefit.
I am selfish. I know.
Sa sumunod na linggo ay nakilala ko na ang tatlo pang recruit ni June para sa grupo namin. Si Darrah, Yanis, at Cess.
"Gusto ko sanang limitahan ang members ng grupo sa minimum na six dancers. Mas madali at mabilis nating mapupulido ang steps kung kaunti tayo," pahayag ni June.
"I agree. I've worked with small groups and it gave us minimal errors with most of the technicalities," sabi ni Cheryl.
Bukod kay Cheryl ay isa pang nakakatanda sa amin ay si Yanis. Parehas pa silang ayaw magpatawag ng Ate, anila'y mas nakakatanda sa pandinig.
"I'll handle the music!" sabi ni Cess.
"Tutulong ako," segunda naman ni Darrah.
Nagbukas sila ng laptop at nagsimulang magusap. Kaming natira ay nasa tapat ng speakers, nagfre freestyle sila habang nanunuod lang ako.
Nang magsimula silang bumuo ng steps ay umupo na ako. Hindi ako tumulong dahil mas marami silang alam. Baguhan pa lang ako at wala masyadong alam doon. For now, I can only dance.
"I guess I'll get the snacks," tumawa ako. "Anong gusto niyo?"
"Cess and I will have burgers and smoothies, please," request ni Darrah.
Tumigil sa pagsasayaw si Yanis para sagutin ako.
"Sasamahan na kita, Mae," sabi niya.
"Hindi na! Unahin niyo na 'yang choreography."
"Okay. Then get us anything, iyong kaya mo lang bitbitin."
Pagkadating ko sa cafeteria ay kaunti lang ang tao. Hapon na rin kasi, oras na ng uwian ng karamihan.
Sa huli ay burger na rin ang binili ko para sa aming lahat. Nag-order ako ng limang smoothie at iced tea naman ang sa akin. Ang mga burgers ay nasa plastic, pero hindi ko kayang dalhin ng sabay sabay ang inumin pabalik sa room.
"Ate, babalikan ko po itong mga drinks. Sandali lang po ako," sabi ko sa tindera.
Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng presensya sa likod ko. Pag tingin ko ay nakita ko si Sien na dala ang inumin amin.
"I didn't ask for your help," masungit kong sabi.
Kinuha ko ang ilan sa hawak niya dahil libre naman ang isa kong kamay. Naglakad siya katabi ko. Tahimik ako.
"You clearly need help, Mae, why won't you just give in?" frustrated niyang sabi.
Give in? For the last three years, that's what I've been doing!
I accelerated my walking so in just few more steps I already reached the room. Pumasok ako para ilapag ang pagkain sa armchair. Sumunod si Sien at binati siya ni June.
"Sien! You're not allowed here, we're rehearsing!" tumawa si June.
"Hey, hindi ako spy," itinaas ni Sien ang kanyang kamay, "Hinatid ko lang si Mae."
Binigyan ako ng kakaibang ngiti ng mga kagrupo ko. Umiling ako at lumabas ng room. Ilang sandali ay nasa labas na rin si Sien.
"Thanks, but please sa susunod 'wag ka ng makialam," umirap ako.
"Bakit? We are friends, Mae. At tsaka hindi mo kayang buhatin 'yon nang mag-isa, and I was there. Wala naman akong ginagawa."
Nagpasama na lang dapat ako kay Yanis.
"We're not friends anymore."
"Then what are we!" he shouted. Nagulat ako. I stepped back. "Kasi para sa akin ay magkaibigan pa rin tayo. I just thought you needed some space. Itinaga ko sa isip ko na baka nabigla ka lang noong gabi ng Grad Ball kaya hinayaan kita. At ngayon sa palagay ko ay nabigyan na kita ng sapat na oras para makalayo sa akin. Tapos na iyon, Mae. We need to talk now."
I hardened my face.
"You want to talk? Fine! We'll talk. But just so you know, I am only going to push you away regardless of what you say right now."
Lumapit siya sa akin. "Then push me away."
Humakbang siya nang humakbang hanggang sa halos isang dangkal na lang ang espasyo sa pagitan namin.
Literal ko siyang itinulak at umatras ako. He didn't even budge!
"You felt that? You can't push me away, Mae. 'Cause from hereon out I am going to enter your system," seryoso niyang sabi.
"Ayoko na ngang maging friends!" inis kong sabi.
"Bakit ayaw mo? I want to."
"Edi maging friends kang mag-isa mo!"
Binuksan ko ang pinto ng room. Nakapasok ako ng isang hakbang ngunit nahila ako pabalik sa labas. Iginiya niya ako sa harap niya habang humarang siya sa pinto.
"Just tell me why! Kasi habang pinagiisip mo ako ay nakataga sa isip ko na kaya ayaw mo ng pagkakaibigan ay dahil gusto mo ng mas malalim pa roon."
"Eh ano naman kung 'yan ang nakataga sa isip mo!" sigaw ko, naiinis na.
"Change it, dammit! Dahil marunong din akong umasa!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top