Chapter 18

Chapter 18
Still Friends

I had a tough night and today ay sumasabay pa ang ilang topics sa kaguluhan ng isip ko. It's bad enough that I didn't know what to do with Gage last night, and right now I felt lost without my binder! Nagpalit kasi ako ng bag kagabi.

"Kopyahin mo na lang 'tong notes ko bukas," sabi ni Jesca nang makita siguro akong nagpa-panic.

Napatunganga lang ako buong klase dahil sa naiwan kong binder. Wala akong ganang magsulat pa sa scratch paper, una ay dahil sayang ang papel at pangalawa ay tatamarin lang akong isulat ulit iyon sa binder ko.

"Mae! Alam mo bang may good news?"

Nilapitan ako ni June habang hinihintay kong matapos sa paga-ayos ng gamit si Jesca.

"Gra-graduate na tayo bukas?"

Ngumiti siya at umiling. May nakasukbit na gym bag sa balikat niya at naka-pusod ang kaniyang buhok. I see where she's going.

"Diba sabi mo dati you'd rather have your own group than be mates with your ex? Guess what? You can finally do it! Actually we can, kasi I'd love to be in your group if ever," tuloy tuloy niyang sabi. Hindi ko masyadong na-proseso.

"Ano ulit?" parang tulig kong tanong. Tumawa sa tabi ko si Jesca na napakatagal mag-ayos ng gamit! Ano, may babasagin ba sa bag niya at napaka-pagong niya?

"Kasi magkakaroon ng dance competitions ang Summerridge. Nagkalat na ang members ng One Axis para humila ng mga members para sa team nila. We figured to do that since magiging unfair kung lahat kami ay magkaka-grupo. And we don't just want to perform a number at the event, we wanted to actually join. So we devised a plan," pagpa-paliwanag niya, "If you want to give this dancing a chance, please please come to me! Kailangan ko ng kagrupo and I want you as group mate, Mae."

"Papayag na 'yan! Wala na si Sien doon, oh!" tukso ni Jesca. Tinignan ko siya at tapos na siyang mag-ayos. Finally!

"Pag-iisipan ko, June," sagot ko.

Pag-iisipan ko talaga 'to. I mean, there won't be a Sien there, right? I might see him one of these days and at the competition proper but I think it's nothing I can't handle. As long as we won't talk.

"Great! If you're curious about other details, posters will be posted everywhere tomorrow. Pero may nakapaskil na yata roon sa bulletin board sa may theater, you might want to check that out."

Tumango ako. Masiglang nagpaalam si June. Umalis na rin kami sa classroom at naglakad lakad sa labas.

Maingay pa rin ang campus ngayon dahil siguro sa freshies, kami ang nagkalat ngayon sa paligid. Marami rami sa kanila ang gumagawa ng kani-kanilang kaibigan habang kami ni Jesca ay balak lamang yatang magsawaan sa isa't isa.

Pinaguusapan namin ni Jesca ang mga kaklase namin at kung sino ba ang tingin naming magiging kaibigan namin. Hindi nawawala ang mga mean girls sa bawat klase, I'm sure as heck na may apat sa section namin noon. Wala sila sa radar namin para kausapin ngunit ang isa sa kanila ay natitipuhan ko. Si June na 'yon. Siya iyong normal na kikay, na kung hindi mo kakausapin ay talagang hindi magiiba ang impression mo sa kanya. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ko makakasundo ang tatlo niyang kasama.

"Hindi ko ma-imagine ang sarili kong maging ganon, Jesca. Siguro kung ganon ako hindi kita kaibigan ngayon..." Napatigil ako nang makita kong hindi na nakikinig sa akin si Jesca.

Nakatuon ang mata niya sa kanyang so-called Hubby. May kasamang mga kaklase si Drian at ang ilan doon ay mga babae. Halata ang isa sa kanila na gustong kuhanin ang atensyon ni Drian, malakas ang tawa niya kahit ang mga kasama ay mahihinhin lang na tumatawa.

"Sige kita na lang tayo mamaya, Mae. May aasikasuhin lang ako," sabi niya habang pinapanood pa rin si Drian at ang pakikipagusap nito sa mga kaibigan.

Umiling lang ako. Naglakad ako papuntang theater para tingnan ang poster na sinasabi ni June. Maaga pa naman para sa susunod na klase. Ang iba kong blockmates ay nakita ko pang papalabas ng gate ng University.

"Okay, so maraming interested," sabi ko sa sarili ko nang makita ang nagkukumpulan na estudyante sa harap ng bulletin board.

"Dude, we are going to win this thing!" hiyaw ng isang lalaki sa kaniyang kasama. Nagpakita pa siya ng moves at doon nagsimulang magkantyawan ang kasama.

May ilan sa kanila ang pinatulan ang pagsasayaw noong lalaki. Isang babaeng hindi naka-uniporme ang nagtakip ng bibig para makapag-beatbox. Halatang nagpapakitang gilas ang grupo nila sa ibang interesado sa competition.

Minabuti kong paalisin muna sila bago ko usisain ang poster. Nagtagal pa sila roon ng ilang minuto at kaunting tagal ko pa rito ay mahuhuli na ako sa next period. Iilan na lang naman ang natirang taong nakatambay kaya't lumapit na ako.

I saw the details. We only need to be of five members in a group to be able to join. Wala akong kilalang interesadong sumali rito kundi si June lang. I guess if I'll really be into this, I will just leave the recruitment to her. Or maybe I can help. But I'm not that much of a people person, you know...

Patapos na ako sa pagbabasa. Narinig ko ang mga paparating na estudyante sa aking likuran na tila naguunahan. Ilang segundo pa ay napalibutan na ako ng mga dumating. The guys towered over me while some of the girls were just about my height.

"Hey, Joven! Iniipit mo 'yong babae. Don't push her!" suway ng isang matangkad at maputing babae.

Mabilis akong nilayuan noong lalaki at humingi ng pasensya sa akin, "Sorry. Excited lang."

Ngumiti sa akin ang isa pang babae na nakahawak sa balikat noong lalaking nambuyog sa akin.

"Hi! You're interested? May grupo ka na ba?" tanong niya.

Hinigpitan ko ang paghawak sa strap ng bag ko, "Pag-iisipan ko pa."

Tumango siya, "If you still want to join at the end of the day, tell me. I'm Grace Alano, by the way."

"Mae Rabarra," I faintly smiled. Tumango ako at umalis.

Tumutunog ang phone ko dahil sa tawag. Kinuha ko ito para sagutin si Jesca.

"Hoy, male-late ka na! Where are you?"

"Pabalik na ako. May tinignan lang..." Natigilan ako sa pagsasalita.

Because there's him. Nakatayo at nakasandal sa column ng building na nasa harap ko. Bumagay sa kanya ang uniporme ng Summerridge. It made him look mature and very... college-like. Gone was the Sien back in High School. His aura today exudes a different version of him.

"Mae," aniya.

Isinakbit niya ang strap ng bag niya sa balikat niya at humakbang ng dalawa palapit sa akin. I was almost tempted to step back, but I figured it was only going to make a sore loser out of me.

"Hi! Um... I gotta go. May klase ako. Bye!" I gushed and tried to scurry away.

"Sandali lang, Mae!" Suminghap siya.

His hand brushed my arm at the attempt to stop me from running. Hindi niya iyon nagawa at bigla akong natakot. Dahil doon ay napatakbo ako papuntang classroom at dumating doon nang hinihingal.

Mausisa ang ekspresyon ni Jesca ngunit hindi na siya masyadong nakapagtanong dahil nasa loob na ang professor. Saktong kadadating lang ni Ma'am kaya ligtas pa ako.

"Huy! Anong nangyari sayo?" bulong ni Jesca. Kinuha ko ang inabot niyang bottled water at inubos ito sa isang inuman.

"Na-tripan lang mag-jog," sagot ko na siyang inirapan lang niya.

Sa kalagitnaan ng klase ko na naramdaman ang pagayos ng hininga ko. I didn't know if it was actually because of running or seeing him. Kung ano man 'yon ay wala na sa'kin, hindi ko na siguro ulit siya makikita. A while ago was just a silly coincidence.

Nakaupo ako sa bench habang hinihintay si Jesca. May pinapaasikaso sa kanya ang Mama niya sa admission's office. Nagtext si Gage, sabi ay nasa parking lot na siya. Saglit lang akong naghintay at nakita ko na kaagad ang kaibigan ko.

"Hindi nai-share sa akin! Ang damot mo," pagtatampo niya.

"Ang alin?" Kumunot ang noo ko.

Hindi ako sinagot ni Jesca. Tulad ko ay nakakunot din ang noo niya. Ngunit ang sa kanya naman ay dahil sa pagtatampo. Inikot ko ang turnstile sa exit at nagtungo na kami sa parking lot.

Naunang makarating si Jesca sa sasakyan at pumwesto siya sa may pintuan ng shotgun. Umirap siya sa akin bago sumakay sa unahan. That was usually my spot, but whatever.

"Hindi mo sinabi sa akin na nag-kita kayo ni Sien kanina, Mae!" bulalas niya.

Inilagay ko sa tabi ko ang bag ko at napatingin sa kanya. Si Gage ay nasa akin naman ang tingin, tila nagtatanong kung ano ang nangyayari.

Si Jesca ang hinarap ko.

"That's an accident. Wala lang 'yon! Sandali lang kami nagkita, hindi rin kami nagusap," tumungo ako at nilaro ang mga daliri ko.

"Wow, akala mo talaga wala kayong pinagsamahan nung high school. Don't you think it's time to talk to him?"

Umiling lang ako. Umiwas ng tingin si Gage at binuhay na ang sasakyan. Tahimik siya ngayong magmaneho at walang kibo sa mga sinasabi ni Jesca.

Tumahimik din ako at pinanood ang pagdaan ng mga bahay sa bintana. Nilingon ako ni Jesca nang madatnan namin ang daan patungo sa village namin. Nagkunwari akong hindi siya napansin, hindi ko siya binalikan ng tingin.

Nagpaalam ako at bumaba. Bago ko isinara ang pinto ay nilingon ko si Gage sa huling beses. May inayos siya sa kanyang tagiliran ngunit alam ko namang dahil lang iyon para makaiwas sa akin.

Hindi ko sinabi kay Gage ang pangalan ng kaibigan ko sa kwento, but the way Jesca talked... it shouted the truth. It's not that I didn't want Gage to know the name, I was just worried that something like this might happen. And it did.

Hindi kami nagusap kagabi pero nagpadala naman siya ng good night message. Nag-reply ako pero iyon na ang huling message sa thread namin. Akala ko ay galit siya ngunit siya pa rin ang sumundo sa akin dito sa bahay.

Si Jesca pa rin ang nasa unahan ng sasakyan, hindi ko na ginawang big deal dahil upuan lang ito. Isa pa ay hindi ako makakapagreklamo dahil hindi naman alam ni Jesca ang nangyayari. I know Gage still haven't told her.

Nagsimula ang araw na maayos. Pumupuslit ako ng tawa sa bangayan ni Gage at Jesca sa harap. Pinagtatalunan nila ang pag-hatid sundo dahil ang gusto ni Jesca ay si Drian ang maghatid sa kanya.

Pagkapasok namin sa entrance ay halata ko ang isang lalaking nakatingin kay Jesca.

"Tingnan mo iyong lalaki, nakatingin sayo. Sa laki mong 'yan, may hahanga pa pala sa ganda mo!" pang-inis ko sa kanya.

"Wala lang iyan. Nakausap ko kasi siya noong mag-exam ako noon. Pinagtanungan ko lang."

Pinalagpas ko siya at hindi na ipinilit na iba ang tingin sa kanya noong lalaki. I'm not good at reading body languages but I could tell that the guy was pleased to see my friend.

"Wala daw tayong recitation ngayon dahil absent si Sir! Nagtext," anunsyo ng isa kong blockmate pagkapasok niya ng classroom.

Naghiyawan ang mga kaklase ko sa tuwa. Napabuntong hininga si Jesca sa tabi ko. Itinago niya ang ginawa naming reviewer tuwing nagl-library kami.

"Hey," June approached me. "Napag isipan mo na ba?"

"Next week na ang registration, diba?" kumpirma ko.

"Yup! So, are you in?"

Hindi ko na inisip. Tinanguan ko na si June. Napatili siya at nagtatalon.

"Okay! Okay! Ikaw na lang naman ang kulang para maging anim tayo sa grupo. But I heard there are still some who are interested to join our group. Iyon lang, puro mga babae lang ang tinatanggap ko. Is it alright with you?"

"No problem!"

Nagkuhaan kami ng contact number para sa magaganap na meeting kasama ang members ng nabuong grupo. Nakaramdam ako ng kaunting excitement sa magaganap. Bukod kasi sa pagaaral ay wala na akong inaatupag na iba. Oh diba, akala mo naman talaga huwaran na estudyante!

Hinila ako ni Jesca sa cafeteria matapos ang klase. Binalaan niya si Gage na magpahuli nang kaunti dahil kakain pa kami. Mabigat ang araw namin ngayon dahil sa huling subject. Tinadtad ni Ma'am ang isip namin sa lectures. Halatang nagmamadali siya sa hindi namin malaman na rason.

Umorder ako ng burger at fish fillet with rice naman ang kay Jesca.

"Kilala mo ba 'yong si Brian Salazar? Civil Engineering?" tanong niya matapos sumubo ng kanin.

"Hindi, pero matunog ang pangalan niya. Sino ba 'yon?"

"Wala lang. Gwapo tsaka matalino." Nag-kibit siya ng balikat at kumaing muli.

Umiinom na lang ako ng juice at lumilinga sa paligid pagka ubos ko sa burger. Napatakip ako sa mukha ko nang may pumasok na grupo ng lalaki sa cafeteria. He's one of them, nakikitawa sa sinabi ng isa niyang kaibigan.

Ibinuka ko ang mga daliri ko para panoorin ang susunod nilang galaw. Baka mamaya ay umupo sila sa malapit sa'min!

"Wala pa ang grades, Mae! 'Wag ka munang magtago sa katotohanan," sabi ni Jesca.

Hindi ako sumagot pero ngumuso ako sa likuran niya. Nakatakip pa rin ang kamay ko sa aking mukha. Lumingon si Jesca sa dako nina Sien at mabilis akong binalikan ng tingin.

"Civil nga pala si Sien 'no? Tanong kaya natin iyong si Brian. Curious talaga ako." Tumawa pa siya.

Kinuha niya ang apple juice ko at sinipsip ito. Kung wala lang si Sien dito ay kanina pa ako nag-eskandalo.

"Bilisan mo kasing kumain! Ang bagal mo laging kumilos."

"Hindi naman," pang-aasar pa niya. Tinagalan niya pa talaga ang pag-inom sa juice.

Sa huling sipsip niya ay hinigit ko siya palabas ng cafeteria. Ang nasa kabilang table namin ay tinitigan kami hanggang sa makalabas. Nakahinga ako nang malalim at binitiwan ko na itong magaling kong kaibigan.

"Mae, para kang baliw. Para kang may ninakaw kay Sien na ayaw mong ibalik dahil sa inaakto mo. Wala namang mangyayari kung magkita kayo, so what's up with all the hiding?"

"He will want to talk, that's why!" Umirap ako.

Kinurot niya ang tagiliran ko at napatili ako nang mahina.

"Don't you think that if he really wanted to talk he would've done it first day of school when he saw you? I know he saw you that time! Nagkangitian kami noon," she explained.

May punto siya. Ngunit alam kong tama rin ako sa kutob ko. Kahapon ay muntik niya pa akong mahuli kung hindi lang ako nagmadali. Buti ay may klase ako kaya nakatakas talaga ako.

I've seen his eyes. Expressive. Maraming sinasabi tulad ng dati. Ngunit ngayon ay ayokong malaman kung ano ba ang mga mensahe. Nakalayo na ako sa kanya, and I think I am doing better this way.

Really, Mae, better? You're killing another guy because you're still stuck in the past!

Napalingon ako sa bukana ng cafeteria at doon lumabas si Sien. He looked like he jogged to where he stood and was looking for something... Naningkit pa ang kanyang matang nasisinagan ng araw habang naghahanap.

And just right then I almost kissed the floor. Muntik na niya akong mamatahan! Ngumiwi si Jesca sa ginawa ko, tila nahihibangan sa akin. Kinuha ko ang braso niya para higitin siya pababa.

"Nandoon si Sien! 'Wag kang magulo!"

Tumayo siya. "Nasaan ba... woah!"

Hinila ko ulit ang bruha paupo. Pinilit ko siyang lumakad ng paupo hanggang sa makaliko kami sa hallway na tago mula cafeteria. Panay ang reklamo ni Jesca dahil sa ginagawa namin.

"Dinadamay mo ako sa kahibangan mo!" Huminga siya nang malalim pagkatayo.

Inayos ko naman ang aking buhok na hinayaan kong magulo kanina para matakpan ang mukha ko. Tumayo ako at isinakbit nang maayos ang strap ng bag ko sa balikat.

"Tara na, uwi na tayo."

Panay lang ang irap ko sa mga pangaral ni Jesca sa akin habang naglalakad kami. Hindi 'yon natapos hanggang sa makarating kami sa parking lot.

"Ikaw na sa unahan, ayokong makita 'yang Gage na 'yan," sabi niya at dumiretso sa likod sa pinto.

"Jes, you're still mad? Drian is busy. He won't have time for you," prangkang sabi ni Gage nang makita ang nagmamaktol na si Jesca. Hindi ito sumagot.

Hinayaan siya ni Gage at ngayon ay kami naman ang magtutuos.

Nakalabas na kami ng parking lot at tsaka pa lang siya nagsalita.

"Hi, Mae," ngumiti siya nang bumati. Nakatingin pa rin siya sa daan.

Tinignan ko siya, matapos ay kay Jesca naman. Nasa pinaka-gilid siya ng upuan at nakaharap sa phone niya.

"Hello."

"How was your sleep last night?" Sumulyap siya sa akin bago nagpokus muli sa daan.

"Mabuti naman." It was far from that.

Tumango siya. Nagpatuloy ang kaswal na paguusap namin. Unti unting bumabalik sa dati kaya natutuwa ako. Hindi maganda ang trapiko ngayon dahil ayon sa pagtatanong ni Gage sa labas ay may bumagsak na puno sa daan. Karga raw iyon ng isang truck.

"So, Mae. I'll pick you up tonight?"

Tumango ako. I am guessing we're back to the usual. Usual, as in, all the dinner and stuff. Siguro ay yayayain ko na lang siya sa bahay mamaya pagkababa ni Jesca. Itong daan namin ngayon ay pa-La Colina na.

Naabutan kong nanlaki ang mata ni Jesca nang mapatingin ako sa salamin. Akala ko ay hindi siya nakikinig! Hindi ko na lang siya pinansin dahil baka mas alalahanin niya ang nangyayari. Hindi naman na siya nagtanong bago siya bumaba ng sasakyan.

Kinwestyon ni Mama kung bakit hindi bumalik si Gage kinabukasan mula noong imbitahan niya ito sa hapunan.

"Hindi mo natikman ang adobo, Gage. Sayang at hindi ako nakapagluto ngayon. Ginusto ni Nil na mag-take out. Mae did not tell me you're going to be here tonight," sabi ni Mama.

"It's okay po, Tita. I won't be long. Maguusap lang po kami ni Mae," he politely said.

"We are?" Napabaling ako kay Gage.

Ngumiti siya sa akin.

Pumasok si Mama sa kwarto at iniwan kami sa sala. Rinig ko ang sounds ng video game ni Nil sa kanyang kwarto dito sa baba. Si Papa naman ay wala pa.

Lumabas kami ng bahay at bumalik sa tulad na pwesto namin noon. Dama ko ang reklamo ng sasakyan nang umakyat ako sa hood nito. Sumunod naman si Gage.

Hinigaan niya ang sasakyan at ngumiti sa akin. Tinapik niya ang space sa tabi at ginaya ko siya. Bago lumapat ang ulo ko ay naramdaman ko ang braso niya.

May distansya sa tabi namin ngunit sa haba ng braso niya ay naabot pa rin nito ang aking ulo para magsilbing unan.

"I was thinking last night..." panimula niya ngunit hindi dinuktungan.

"Tungkol saan?"

"Stuff. This is one of them," he shared.

Nararamdaman ko ang paghinga niya. He's looking at the sky when I glanced at him. Nakaawang ang bibig niya habang nagiisip. Pumikit siya at nagbuga pa ng isang hininga.

"I'm saying good bye, Mae," marahan niyang sabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Napaupo ako at naghanap ng senyales ng pagbibiro. Ngunit nakapikit lang siya at walang kibo. His skin shined under the moonlight. Nagpapansin ang kanyang matangos na ilong, at hindi nagpahuli ang magaganda niyang pilik-mata.

"Uuwi ka na ba? Baka nga hinahanap ka na ni Jesca," nagkibit ako ng balikat at tumawa.

Nagmulat siya at umupo. Lumapit siya nang kaunti sa akin at hinawi ang aking buhok. Hinayaan ko lang siya.

"I'm going back to Florida anytime soon. And I figured that even if you do like me things would still be complicated. My life is in Florida and yours is here. And frankly I am not a fan of long distance relationships," mahina siyang tumawa.

"I... I don't know what to say, Gage."

Of course I couldn't ask him to stay so I wouldn't. Isa pa ay walang mabigat na rason para gawin ko iyon. I like him, but I knew it wasn't going to be enough. And I am not selfish and irrational to even ask for that.

"I know. Just take care of yourself and your heart," inabot niya ang balikat ko para ilapit ako sa kanya. Humalik siya sa buhok ko at bumulong, "I know what you felt for that Sien back then never wavered. You have not stopped longing for him even when I crash into your life. And that's okay."

"Gage..." My lips trembled. This is not a break-up but it can only come close.

"Mae, it's alright. We're alright, okay? We are still friends," he assured me.

Hinawakan ko ang pisnge niya at hinalikan ang kabila nito. And in that moment I knew I didn't have to say anything else.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top