Chapter 17
Chapter 17
Like Normal
Pagkahatid namin kay Jesca sa bahay nila ay dumiretso kami sa amin. It's about time Gage taste good food. Saktong nagluto si Mama ngayong gabi dahil marami raw siyang oras.
I did not hesitate to invite Gage over for dinner. And as sure as heck he did not hesitate to accept the invitation. And when he said yes, I immediately gave Mama heads up that I'm bringing over a friend.
"Ma! Nandito na ako!" sigaw ko pagkapasok ng bahay.
Nag park pa si Gage sa labas. Nauna akong pumasok para hanapin si Mama. Sinalubong ako ng masarap na amoy ng sinigang. Nakahain na rin sa mesa ang para sa pang-apat na tao.
"Si Papa?" Una kong tanong habang inaayos ang mga baso.
"Mago-overtime ngayong gabi. Buti na lang ay nagdala ka ng kasama para hindi sayang 'tong niluto ko. Nasan na ba ang kasama mo?" Sumilip silip si Mama sa bandang likod ko. Ngumiti siya, siguro ay nakita na si Gage.
Ibinababa ko ang nakasukbit kong bag sa upuan at tsaka sinalubong si Gage. Maganda ang ngiti sa kanya ni Mama, at salamat naman doon. Si Ji ay lumabas lang ng kanyang kwarto nang tawagin ni Mama. Ramdam ko ang pagtitig niya kay Gage, tila naghahanap ng sagot kung sino ba ito.
"Mama, Ji," minatahan ko ang kapatid ko, "Si Gage. Kaibigan namin ni Jesca."
"Ikaw ba 'yong nabalitaan kong nag-hatid kay Jesca pauwi mula sa Florida?" Nakangiting tanong ni Mama. Kasalukuyang naglalagay siya ng sabaw sa mga bowl at binigay sa amin isa isa.
"Yes po. Her dad could not make it at that time so I volunteered to escort her back here since the semester was nearing that time," magalang na sagot ni Gage.
"Well, good for you. Balak mo bang manatili rito nang matagal?" pag uusisa ni Mader dear. Kinuha ko ang tingin niya at pinanlakihan siya ng mata.
"Ang tsismosa mo, Mama!" I mouthed. Bago ako mahuli ni Gage na pinagsasabihan ang sarili kong ina ay nagsimula na akong kumain.
Tumawa si Gage dahil mukhang nakita niya nga ang ginawa ko. "It's okay, Mae. I don't have an exact date po but I have to leave before October since I'll be in college as well po," he kindly shared.
"I see. What program are you in, hijo?" pagpapatuloy ni Mama sa pagtatanong. Wow naman, mother, mas magaling ka pa pala kaysa sa akin dyan sa getting to know you stuff!
"I applied for Architecture po," Gage continued to reply. "May I just acknowledge how good the food is right now po. If I'm not mistaken, this is Sinigang po?"
Napapalakpak si Mama sa tuwa. Gustong gusto niya kasi talaga pag pinupuri ang pagluluto niya dahil sa amin pa lang ni Ji ay lagi ng alaskado ito.
"Yes, hijo! Kung gusto mo ay dito ka na mag-hapunan palagi. Bukas ay magluluto naman ako ng adobo," Mama sang out of delight. Wait, is my mom blushing?!
"I'd be happy to accept your invitation po but only if it has the blessing of your daughter," tumingin siya sa akin at tsaka kumindat.
"Whatever, Gage," I made a face at tumawa lang siya.
Maraming napagkwentuhan si Mama at si Gage, para ngang wala na ako sa picture. Ang daldal naman kasi ni Mama, pero nakatulong naman 'yon sa akin para mas makilala ko pa si Gage. Nalaman kong hindi namamalagi ang mom ni Gage sa Florida dahil sa trabaho nitong hindi nade-destino sa isang lugar lamang. Palaging nasa byahe ang mom niya, at kahit miss na niya ito ay hinahayaan lang nila ng kanyang dad ito dahil iyon ang pangarap na trabaho ng mom niya. She's a well-known clothing designer. And over the past few years ay naging tanyag ang kanyang mga masterpiece. Kung saan saang lupalop ng mundo nanggagaling ang imbitasyon para sa kanyang ina at hindi kailanman siya at ang kanyang tatay naging hadlang sa pangarap na iyon.
"Ang brave mo naman," I commented. "Si Papa, masipag mag-trabaho. Dedicated siya sa work niya, ang sabi niya ay para sa amin din 'yon pero alam kong gustong gusto rin niya ang ang ginagawa niya. He works overtime, like, a lot, pero dito pa rin naman siya umuuwi. But I still miss him. Kulang pa rin 'yong mga kwentuhan naming pamilya kada gabi, I want more. Tapos ikaw... you are really selfless to let your mom chase her dreams while you miss her everyday. And I admire you for that."
Naglalakad na kami palabas ng bahay. Somehow the cold wind made me miss Papa even more. You know how the cold nights makes us nostalgic, and sad, and sappy... and everything.
Ngumiti siya, "Thanks. It's hard though, you know, having to miss her everyday. But what I appreciate most is that she tries her best to go home during important events and holidays. And I think that's enough for me already."
Nakarating kami sa labas. Pumwesto siya sa may pinto ng driver's seat. For a minute ay walang nagsalita sa amin. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. I know tonight was a bit different for us. Nagbigay siya sa akin ng mga piraso sa buhay niya at malaking bagay iyon para sa akin.
"Hey, do you have anything to do for your tomorrow's class?" Binasag niya ang katahimikan sa pagtatanong.
"Bukod sa tulugan 'yong boring classes, wala naman," biro ko.
May ilang quizzes kami bukas ngunit ng-aral naman kami kaninang hapon para doon.
"Are you in to stay up late?" he challenged.
"Anong trip mo, Gage?" Napangiwi ako at tumawa.
"Nothing. You seemed pleased knowing some episodes of my life yet you're not sharing some pieces of yours. And if you ask me that's a little unfair, girl," pagma-maldita niya. Oo, ginaya niya pa 'yong mga arte ng mga Queen B sa movies.
I pouted, "Kukuha lang ako ng jacket."
Mabilis akong nagpalit ng damit at nagsuot ng jacket. Nagpaalam ko kay Mama na dito lang muna ako sa labas kasama si Gage. We could be at the living room but I figured the ambiance outside was much better for talking.
Nakaupo siya sa hood ng sasakyan. Tita Ciela was nice enough to lend Gage her spare car while he stays here. Isa pa ay alam kong hindi masyadong gusto ni Tita ang pagmamaneho kaya kadalasan ay kumukha sila ng driver. Ito iyong nakikita kong sasakyan na gamit sa pag hatid at sundo kay Jesca at Nil noong high school. Ngayon ay hindi na naman ito kailangan ni Jesca dahil nandoon naman si Drian.
Tumabi ako kay Gage. Kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan ito.
"Hanggang midnight lang," I warned him.
"Fair enough," he chuckled. Humalik pa siya sa kamay ko.
Umiwas ako ng tingin. Itinaas ko ang tingin ko sa langit.
"If it's not too much to ask, I'd like to know the story of your heartbreak, Mae," he said with sincerity.
Alam kong hindi ganong kabigat ang dahilan, but a heartbreak is still a heartbreak. Alam ng mga kaibigan ko ang nangyari ngunit hindi ko binubuksan sa kanila ang pinto sa isip at nararamdaman ko nang buo. I didn't want to be selfish, but at times in life there are really things that need to be kept only to ourselves because it's for the best.
"Gage..."
"I know, Mae, it's ridiculous to ask. I'm being to nosy and all, but I just want to know what I'm in for. I really want this to work because I like you so much. At first I didn't care about your past at all but every night I keep on thinking if I'm just making a fool out of myself."
"Hindi naman sa ganon, Gage," I frowned. Hinigpitan ko ang pag-hawak ko sa kamay niya. Hindi rin niya ito binitiwan.
"Then will you make it clear to me, please?" May maliit na ngiti sa labi nya. His voice was soft and gentle, para bang natatakot siyang gumawa ng galaw na makapagtataboy sa akin.
Huminga ako nang malalim. Walang mawawala sa akin kung ikwento ko ang nakaraan ko kay Gage. It was just a shallow heartbreak and it was nobody's fault but mine. Ako naman 'yong umasa sa uncertainties. Isa pa ay hindi ko rin naman ipinaglaban. Wala akong ginawang hakbang para malaman kung may pag-asa ba o wala talaga.
"The reason behind it was just stupid and obvious. I have a guy best friend back in High School. Hulaan mo kung anong nangyari." I gave the floor to him to supply me the rest of the story.
"Ah," he chuckled, "you fell into the cruel pit of unrequited love?" He hesitated on the last word.
Hindi ako ganoong nagtaka kung bakit. Of course at young age, it's kinda hard to tell crush from puppy love.
"Well, I wasn't locked for that long. Or hindi ko alam. Confused ako palagi no'n. One minute I was sure that he's just a friend to me, then another minute's gonna pass and I wasn't sure anymore. Magulo. Siguro dahil sinusubukan ko with all my might to not feel weird about him. Kasi magkaibigan kami and I don't want to screw that up."
"So what happened? When did you stop asking for him?" he asked, even more curious this time.
Binuka ko ang bibig ko para magsalita. Umatras ang dila ko nang magkasalubong ang tingin namin. I shut my mouth and closed my eyes. I needed to breathe out loud. I retrieved my hand from him and hugged myself.
Tumawa siya, ngunit ramdam ko na hindi masaya iyon.
"Right. I should know better. You were still heartbroken the time we met. Of course you're still into him," he declared. Kinuha niya ang kamay ko para pisilin iyon pero binibitiwan niya rin kaagad.
"Gage, I'm sorry." Yumuko ako. Hindi ko yata kayang makita ang mukha niya.
"Don't!" he softly exclaimed, the thing that only him could do, "You basically reminded me over and over that you might hurt me in the process of my compulsiveness, so I take full responsibility of the repercussions. Didn't I say that you don't have to worry? I still mean it 'til now. So don't worry."
We stayed there in complete silence for a few minutes before he decided to stand up. Inabot niya ang kamay ko para alalayan ako sa pagbaba.
"We'll still see each other tomorrow?" He smiled like the conversation a while ago did not happen.
"Ikaw pa rin ang susundo sa amin?" I reciprocated his smile.
"Of course. Sleep well, Mae." Inilapit niya ako sa kanya para humalik sa noo ko. "Happy dreams," he whispered.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top