Chapter 14

Chapter 14
Is This It?

"I still can't believe you sacrificed your friendship with Sien. I mean, what's even the problem? You are one heck of crazy girl!" Aria continued to blab. Dati pa iyang mga 'yan. Hindi matigil simula nang malaman nila ang balita.

"Aria, if you don't shut up I'm gonna throw you a time turner and let you live in the past forever."

Marami rami rin ang kakilala kong pumunta sa party sa bahay nina Jesca ngayon. Karamihan ay batchmates namin, of course. Ngunit may ilan din kaming schoolmates. Tinanguan ko ang posibleng natipuhan ni Sien noon, and I'm surprised I don't feel anything at all. Kung meron man ay awkwardness iyon.

Nakilala ko rin ang ilang pinsan at relatives ni Mae ngunit may isa akong napansin. A guy in a grey shirt. Kanina ko pa siya sinusundan ng tingin habang hinuhukay ang memorya ko kung kilala ko ba siya. But I got nothing. He's got to be a new guy in town.

I was ready to look away but then he looked back. He smiled and seemed to have welcomed my stares. Bigla akong nakaramdam ng hiya!

"Earth to Mae? Yuhoo," Elaine called.

"I'm sorry, what?"

Nagpatuloy sa pagkukwento at pang gigisa sa akin ang tatlo. Hindi kasama sa circle ngayon si Jesca, we don't know where she is. It's actually a bad timing for her to not be around. Hindi ko na kinakaya ang pag tingin noong lalaki sa akin. Gumaganti ba siya? Para kasing ang imposible namang ma-getlak siya ng nonexistent kong beauty.

"How about our Summerridge girls? May schedule na ba kayo?" tanong ni Elaine na siyang nagpabalik ng atensyon ko sa kanila.

"I'm not sure. Actually, hindi ko rin alam kung paano ko malalaman," sagot ko.

Nang magbago ng topic ay nawala na naman ang atensyon ko. Nawala sa pwesto iyong lalaki at madali naman siyang hinanap ng mata ko. I found him by the door. Shiit ano nagninilandi na ang hormones ko ngayon?

Dumating si Jesca na may dalang tray ng pagkain. Exactly on time because there's something I've been meaning to ask her. I eyed my friends and I saw Elaine peeked once at the guy I was just looking at. Good, Elaine. We might be on the same page, then.

"Sino ba 'yong bago mong lalaki rito, Jesca?" Hindi ko na napigilang itanong.

I have to let this out. If it's not his cousin, nor a familiar relative then who is he? Imposibleng nakahanap ng bago si Jesca. For all I know she is almost obsessed with Drian Xih!

Elaine and Aria were also keen and patiently waiting for Jesca's answer. Na tila nagiging pabitin at pa-suspense na!

"Lalaki ko?" tanong niya pa, ngunit sa isang segundo ay mukhang nakuha na niya ang punto ko. "Hindi man ako kagandahan, pero yuck, Mae! That guy is sick. 'Wag niyo iyong kakausapin. Nako!"

What's so yuck about him? Hindi ata applicable iyon sa kanya. I couldn't describe him easily because of the dim lights and the people wandering around. But one thing's for sure, he really caught my attention.

"We just want to know the name, that's all," Elaine followed up. Magaling talaga itong kaibigan ko!

Jesca hesitated but surrendered anyway. "Okay. That guy is Gage. Okay na ba? Do you need to know his age, height, phone number—"

"Yes, please!" masaya kong biro. Although I may have said it with excess excitement.

Jesca shooed the fun away when she diverted the topic. Pilit niya pang isinasali ang pangalan ni Sien sa usapan, sinasadya ko namang manahimik kapag napupunta sa ganoon ang topic. Mabuti na lang at hindi dumalo si Sien ngayon kung hindi ay paniguradong mas malalala pa ang nararanasan ko ngayon. I don't want to sound exaggerated but that's how I feel. I just need less of him. Lalo na at nakarating sa kanya ang sulat na nasa deliberation pa lang noon kung ibibigay ko ba iyon o hindi na lang.

"Hi."

Binalingan ko ang bumati sa akin mula sa likod. It's the guy! It's... Gage.

"Hello?" unsure ko pang sagot. Mukha siyang Filipino ngunit ang accent sa kanyang boses ay nagpalito sa akin.

"Do you need a lift home?"

"Party's not yet done, so I think I'm gonna stay for a little while," I answered with a shy smile and ignored his conversation opener.

"Yeah, I'm sorry," natawa siya. "I'm Gage. You are?"

I am feeling a little bit shaky, and I didn't know why!

"Cazandra Mae," I bit my lower lip. That's too much! "Just Mae."

He flashed an amused smile, "So, you're going to be in the same program as Jesca? MedTech, if I'm not mistaken?"

"Yep! Although I'm not quite sure I'm gonna be good at it as I could not even help aid myself out from broken hearted-ness," I tried to joke.

Kinakabahan ako sa harap niya! Why! I am so intimidated.

"Crazy," nakangiti pa rin siya, "You know, I'm not a heartbreaker."

Ako naman ang natawa, "Wow, that's gotta be the most straight forward thing I've heard tonight. Well, technically."

"I'm not flirting." He laughed.

Lumapad din ang ngiti ko at napakagat sa ibabang labi. Masaya naman siyang kausap. Typical Amboy if you ask me, well, not that I've met too many of them but I know a few.

Hindi namin namalayan ang oras dahil sa biruan. Nagpaalam ako sa kanya pasado ala-una na. Kahit hindi pa nagbabalak umalis ang mga natitirang bisita ay nagpasya akong umuwi na.

"Wait, Mae. Before you go I want to ask if you'd like to give me your phone number?"

That's something new.

"What?"

"I don't know," nahihiya niyang panimula, "Since you're broken hearted, as you label yourself to be, I'm not sure if you would like to give your number for free. I'd like to have it though, but I think it's safe to ask if you're gonna be on the same page as I am."

Nasa kamay na niya ang phone niya at pinaglalaruan. Kinuha ko iyon at tumawa.

"You are one heck of a straight forward dude, Gage."

I saved my number on his phone. Hindi ko naman sigurado kung may mararating ba 'yon. Wala namang sumeryoso sa akin eh, sanay na ako. Duh.

But if things don't workout the way as planned, Gage is a perfect candidate for a friend. I learned it from our conversation tonight.

Kung hindi ko lang obligasyong pakainin ang sarili ko para mabuhay ay magchi chill na lang ako palagi. Pero hindi naman habambuhay ako papakainin ng magulang ko kaya naghanda ako para sa kolehiyo.

Maganda ang university na pinasukan ako. Pagtapak ko pa lamang sa loob ng Summerridge ay alam kong dito ako makapagtatapos. Walang kakaibang nangyari noong first day.

Wait...

"Mae, pakicheck naman ang mata ko kung nasa tamang lalagyanan pa, kasi hindi ko alam kung si Sien ba 'yong nakikita ko o madumi lang ang eyeballs ko."

Siniko ko si Jesca habang tinitingnan ang lalaki kung si Sien nga ba iyon. I squinted my eyes to focus. I must be wrong! Siguro parehas lang na dinumog ng alikabok ang mata namin ni Jesca.

"Hindi siya 'yun! Tara na!"

I don't need another drama. Ilang taon na rin akong nagpaka-shunga, ano. Ayoko ng makakuha ng Masters Degree doon. Tutal tinapos ko na rin naman ang pagkakaibigan namin kaya wala na ring silbi kung malaman ko kung siya nga iyon o hindi.

"In fairness, bagay sa kanya 'yung uniform, ano?"

Naglabas ako ng bagong notebook para sulatan ito ng pangalan ko. Hindi ko pinapansin ang kabaliwan ng kalapit ko kasi nakakaasar lang. Ayaw manahimik.

"Sien Pelarez in Summerridge. Why kaya?" Nilapit ni Jesca ang mukha niya sa akin habang may ngisi sa labi.

"Ay pucha!" Bulalas ko nang masulat ko ang apelyido ni Sien imbes na apelyido ko. "What the f uck, Jesca! Pahiram ng correction tape!"

Tumatawa pa siya habang hinahalughog ang bag.

"Nako, marker-written nga mahirap ng burahin paano pa kaya kung nakaukit na siya sa puso mo?"

"Napakadaldal, Jesca! Just give me the correction tape."

"Ay nakalimutan ko, wala nga pala ako no'n. Heh. Peace!"

Dahil parehas kaming walang pantapal ng kamalian, kasi wala namang may kaya noon! Kung kaya ko edi sana dati ko pa nabura sa dibdib ko 'yung nararamdaman ko! Anway, ayon, wala nga kaming pambura kaya hinayaan ko na lang.

Ako naman kasi itong si tanga at hindi nagpo pokus. Sawi na nga sa pagibig, palpak pa sa simpleng bagay. Well, to err is human. So high five tayong mga shunga!

"Mamaya, titingin na ako ng books. Sama ka?"

Umiling ako, "Pero kapag may nakita ka, idamay mo na ako."

"Sige na please, sumama ka na! Kasama ko si Gage, baka mabadtrip lang ako buong araw."

"Nangako ako kay Mama na sasamahan ko siyang mag-grocery mamaya. So, maybe tomorrow?" I grinned, "Pero I still need a ride home."

"User friend!" she scoffed. "Let's go, nasa front gate na ang devil."

Kinakaladkad ako ni Jesca dahil ang bagal ko raw maglakad. Hindi ko kasalanan, I just wanted to confirm something. You know the feeling when someone's looking at you? Hinahanap ko kung sino.

"Bilis, Mae!"

I gave up. Wala lang siguro 'yon. Unang araw pa lang naman, wala pang masyadong nakakakilala sa akin. Sumakay kami ni Jesca sa back seat. I'm a little bit surprised na hindi nagreklamo si Gage na baka magmukha siyang driver namin. Siguro ay nabasa ni Jesca ang nasa isip ko.

"Don't mind him. Hindi siya makakapag reklamo kasi siya naman ang may gusto nito. He complains, he's out."

"Really?" sabi ko na lang. What is with these two?

May gusto ba si Gage kay Jesca? Kung meron, edi meron. Maybe he's gonna be good for her than Drian. Sometimes I see that he's not healthy for her. Pero mapilit ang babae, gusto kung gusto. Wala siyang pakialam kahit nasasaktan na, eh. Mas matindi pa siya kaysa sa'kin.

"Should we go to the bookstore right now, or do you have anywhere else to go first?" tanong ni Gage, he looked at us through the rear view mirror.

"Ako. I'll need to get home," nahihiya kong sagot. Siniko ako ni Jesca nang may ngiti. What?

"Okay, Mae." May ngiti sa labi ni Gage nang sumagot siya. Hoy, don't smile! Hindi ka pa nga nagte-text. Joke!

Nagtext si Mama na mali late siya nang kaunti sa pag uwi pero tuloy pa rin kami sa grocery shopping ngayong araw. Kaya ng tumigil ang sasakyan sa harap ng bahay ay hindi ako nagmadali. Kinulit ko muna si Jesca na isabay ako sa pagbili niya ng books bago bumaba ng sasakyan. Ikinagulat ko nang bumaba rin si Gage.

"Hey," humabol siya sa akin. Humawak siya sa gate para pigilan ang pagbukas ko nito.

"What's up?" Kunwari pa'y naguguluhan ako kung bakit siya bumaba. Pabebe chorva. Pero really, hindi ko rin alam kung bakit.

"Uh," tumawa siya at napayuko. My gosh! "You might be wondering why I didn't text, perhaps?"

Nilalaro niya ang daliri niya and he seemed to have his focus on that. But he's smiling, and he can't look at me. Hindi ba bagay sa'kin ang uniform? Maybe I should change my program, then? Joke ulit!

"Not really," sagot ko at ako naman ang tumawa.

"I know you are." Tumingin na siya akin ngayon and gladly joined in with my laughter. "So, listen, I forgot I didn't have a Philippine simcard so I couldn't text. But I added you on Facebook, sadly my request wasn't granted."

"Hala! I didn't know. I'm not snob, okay!" Umirap ako pero nangingiti pa rin. Ito na ba ang sagot sa mga pinapanalangin ko?

"I didn't say anything, Mae," ngumisi pa siya. "But I'll text you later. I promise."

It's a big word. God, he's cute!

Iyon tuloy, habang naggro-grocery kami ay hawak ko ang phone ko. Naghihintay. Baka mamaya may mag text about sa assignments, diba? And I'm not the kind of student who would want to miss those reminders. Char!

Kumukuha ako ng canned juices nang mag-vibrate ang phone ko. Kamuntikan na akong mahulugan ng pineapple juice pero wala akong pakialam.

Unregistered Number
This is the text you've been waiting for, Mae.

Wow. What a nice start, Gage. Tumawa ako at nag-reply. Mukhang mapapa-register ako sa unlimited text ngayon, ah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top