Chapter 13
Chapter 13
Parting
Maaga pa ay nagising ako dahil sa naramdaman kong presensya sa kwarto. Binato ko kaagad ng unan ang taong naghahalungkat sa drawer ko at sumigaw.
"Ate! Ako lang 'to!" sabi ni Ji.
Napahawak ako sa dibdib ko at huminga nang malalim. Mabilis na bumalik ang pagkaantok ko dahil napaka aga pa.
"Ano na namang kailangan mo?"
"Pahiram ng charger. Nasira 'yung akin."
"Ang aga aga, Ji! Nakakaasar!" Nagtalukbong ako ng kumot at natulog ulit.
May sinabi pa siyang kung ano kasabay ang malakas na tawa ngunit hindi ko na pinansin. Kailangan kong magpahinga dahil puyat ako, madaling araw na ako nakatulog at hindi maganda 'to dahil paniguradong puyatan ang magaganap mamaya.
Busy ang lahat ngayong araw dahil sa magaganap na Graduation Ball mamayang gabi. Wala akong makausap nang matino para magtanong kung paano ba maglagay ng make up.
"Bakit ka ba sa akin nagtatanong? Mukha ba akong marunong, Mae?" sagot ni Jesca mula sa kabilang linya. Bakas sa boses niya ang pagkataranta.
"Hindi ko alam! Pupunta na lang siguro ako ng naka-powder lang."
"Why, Mae? Alam kong simplicity is beauty pero heller naman diba? Mama, ayoko na!" She cried over the line. "Sige na, ba-bye. But if I'm gonna be giving you an advice, it'll be not to rely on your mother for make-ups."
Ibinaba niya ang tawag. Now I am left with ironically silence and panic. Binuksan ko ang face powder na matagal ko ng hindi nagagamit at nagsimulang maglagay sa mukha. This should do it, right? Huhulas din naman ang make up dahil sa pawis so I'm not going to bother myself knowing how to put it on.
Pumasok si Mama sa kwarto ko. Ang excited niyang aura ay nabawasan nang makita niya ang ginagawa ko.
"Mae, nasa baba na iyong make-up artist. Wear something loose para madali kang makapagbihis mamaya."
Alas tres nang tumingin ako sa orasan. Hindi ako nagsayang ng oras para tumunganga at nagpalit na ako ng pantaas. Hindi na rin ako nakaangal sa kung anong ayos ang ginawa sa akin ng make up artist. Hindi naman ako nabigo nang makita ko ang sarili ko sa salamin.
"Manang mana talaga sa akin," pagmamalaki pa ni Mama.
"Mama, wala na po tayong oras. You basically gave me neck and back pain for three hours of preparing. Partida, hindi pa ito kasal, ah!"
"Anak, hindi naman tayo nakasisigurado kung maikakasal ka, hindi ba? Mabuti nang maranasan mo ang ganito minsan sa buhay mo."
"And that folks is how a mother wins an award." Tinawanan lang ako ni Mama.
"I know a perfect candidate for your husband," panimula niya.
Oh, not now Mama! Don't say Sien. Don't say Sien!
"No, you don't, Mama."
"Si Sien."
Nope.
Manunuod si Mama at si Ji ng cotillion, aalis na rin pagkatapos. Nagbabatian ang lahat nang makarating ako sa venue. Hindi maikakaila na maganda ang gabing ito para magsaya at kalimutan muna ang lahat.
The girls were all smiles and the guys were full of laughter. I can't believe we are all going to leave this behind anytime soon. High School really is the best, in spite of the troubles, silliness and heartaches. And I would trade anything to experience every bit of this once more.
"Mae! Picture!" Hinigit ako ni Celeinne para sa photo op kasama ang mga kaklase naming babae. Hindi ako nagkamali, marami sa kanila ang nakasuot ng kulay Pink na dress. All beautiful.
"Bakit ka naman nag-itim, may pinaglalamayan lang?" Tinawanan ako ni Mariella.
"Uhuh," biro kong sagot.
Nakita ko ang pagbaba ni Jesca sa isang sasakyan. Nahagip ng mata ko si Drian sa loob kaya't binigyan ko ng nakalolokong ngiti si Jesca nang mahagip ng paningin niya ang presensya ko.
"Tayo namang lima ang mag-picture!" Daladala ni Aria ang kanyang dSLR at naghahanap ng pwedeng mag-picture sa amin.
"Wait, wala pa si Elaine! Tatawagin ko lang. Be back in a jiff." Nagmadali naman si Ten para kunin sandali ang kaibigan naming host para sa gabing ito.
Nagpupunahan ang mga babae sa amin kung gaano kaganda ang isa't isa. Bakas talaga sa lahat ang saya at excitement para sa gabing ito, kasama na rin sa rason ang pagtatapos namin sa high school.
"Ayon si Sien! Over here!" Iwinagayway ni Aria ang kanyang kamay upang makita siya ni Sien. Ang singkit niyang mata ay lalong nawala nang hanapin ang tumatawag sa kanya.
"Picturan mo kami!" sabi ni Jesca nang dumating si Sien. Ibinigay ni Aria ang camera kay Sien at saktong dating naman nina Ten at Elaine.
Bago itinapat ni Sien sa mata niya ang camera ay binigyan niya ako ng ngisi. Hindi ko pinansin. Ayokong pumangit sa pictures ngayon dahil isang beses lang ito mangyayari sa buhay ko. Ilang shots ang nakuha namin. Nang matapos kami ay saktong kinuha na ang aming atensyon dahil magsisimula na ang cotillion.
Pumila ako nang hindi hinihintay ang aking partner. I was subtly shaky while I wait for him. I don't know if I wanted to hear what he's going to say about how I look or not. I so don't want his approval but then again I am still a girl with feelings.
I shivered when he took my hand and chained it in his arm. He dipped his head and whispered, "My best friend looks even more beautiful tonight."
I tried my best not to look at him but I just could not resist. He still look the same only tonight he's exuding a different aura. This version of him is one hundred times swoony than his normal self. Ang nakataas nyang buhok ay bumagay sa suot niyang tux. Siguro ay naka sampung beses siyang ulit sa pagbrush ng ngipin dahil sa puti nito, kaya siguro ay panay ngiti niya ngayong gabi.
"Ikaw din. You look nice." Napalunok ako.
"Nice lang?" Tumawa siya. "Hindi ba pwedeng gorgeous, mega-handsome, or even my-panty-fainted-handsome?"
Umusad ang pila at nagsimula kaming maglakad. Ayon sa sinasabi ni Elaine sa loob at ng kanyang partner na host ay magsisimula ang cotillion. Ang gagawin ay bawat pair ay papasok sa loob at titigil sandali for photo op at tsaka pupunta sa pwesto. Matapos ng lahat ay tsaka sasayawin ang graduation ball dance.
"No, best friend. You're just nice."
"Okay. But you're still beautiful an extra bathe tonight." Tinignan ko siya nang masama. Ngumisi siya at umiling. "And you are mine for tonight."
Dahil sa kanyang sinabi ay nanghina ang aking tuhod at muntik na akong madapa kung hindi lang dahil sa pag alalay niya. Ngumingisi ngisi lang siya at umiiwas ng tingin tuwing hinuhuli ko ang kanyang tingin.
"I want your biggest smile, Mae," bulong niya bago kami kuhanan ng litrato ng photographer.
Ngumiti ako like how my best friend wanted me to. Nang sumigaw ang photographer ng wacky ay umakbay sa akin si Sien at tsaka iniharap ang mukha ko sa kanya. Sinuntok ko ang tagiliran niya pagkatapos.
"Mga trip mong Sien ka. Pang-asar."
"Ang romantic kaya ng shot. Ipagpi print kita sa poster size tapos idikit mo sa ibabaw ng kama mo." Tumawa siya.
It was a miracle that we did not fight throughout the dance. Tahimik siya at nakapokus sa pagsasayaw. Habang nakatingin siya sa akin ay sa mga paa namin ko naman ibinigay ang atensyon ko. I am already melting as it is, I could not evaporate myself even more by greeting his stare.
Dumiretso ako sa upuan pagkatapos ng sayaw. I really need a breather. Siguro kung may asthma ako ay kanina pa ako inatake. Hindi ko alam kung anong meron sa lalaking 'yon pero pa-fall talaga siya! Iyong mga kilos niya? Ganyan. Ganyan ang mga katangian ng mga pa-fall.
"Do you need water, Mae?"
Pinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at nangangati akong tabigin iyon. Umiling ako at marahang tinanggal ang kanyang kamay sa akin.
"Tita asked to give this to you. Aalis na daw sila. Let's meet them outside."
Binigay niya sa akin ang purse ko. I checked my messages ngunit wala namang text si Mama. Paalala ko pa naman sa kanya na sabihan ako kung aalis na sila.
"Wait, Sien. Mama will call if they are already going."
"Tita personally told me to get you," ngumisi siya.
"Fine!"
We maneuvered through the crowd and went outside. Didiretso ako sa spot kung nasaan ang sasakyan ni Mama ngunit hinawakan ni Sien ang braso ko at nilihis ako ng landas.
Dinala niya ako sa bench at pinaupo habang siya ay nakatayo sa harap ko. We could still hear what was happening in the event room but it's awfully quiet here. At ayoko ng tahimik kasama ang seryosong tao. Kinakabahan ako.
"I know you lied, Mae."
"Hoy 'wag kang judgmental. Anong nagsinungaling ako?" Kumunot ang noo ko.
"See, you're even a better actress!"
Kumunot ang noo ko. What is wrong with this guy? Kanina lang ay masaya siya at akala mo kung ano ang nakain, tapos ngayon ay parang pinagsakluban ng langit at lupa na ang peg.
"I was ready to come out but you were a party-pooper. Why can't you be honest with me for a second? I would have been honest with you, too, if you were," he almost yelled out of frustration.
Napatayo ako. I paced back and forth for a moment. Hindi ko naiintindihan pero kinakabahan ako.
"Hey, stop it. I don't know where your whoops are coming from but you're crazy!"
"Crazy, my ass." Itinaas niya ang kanyang kamay na may hawak ng... oh my goodness!
"I-Is that my..."
He ruffled his hair and he only made it disheveled to be a hot mess. I would seriously stop ogling him right now if he weren't so frustrated that's making him too attractive right now. Isa pa, he's got my frickin' letter! How the frickin' heck did he get that?!
"Now tell me what this is," ma-awtoridad niyang utos.
"T-That's a letter."
"And? Ano ang sabi mo sa loob nito?" pag-hamon pa niya.
It was fairly my time to vent out my frustration. I could not help but shout, making sure I still have control over the loudness. I don't want to make a scene. What's happening right now is definitely embarrassing to even begin with.
"I said... something. Come on this is torture!"
"You, Mae, are torturing me..." Itinuro pa niya ako.
Natigilan ako at napalunok. I could not swallow the lump in my throat. I can try but if I succeed I know my make up is going to be ruined. And that's not even really my concern. Ayokong malaman niya na iniiyakan ko siya for whatever reason. Pucha lang kasi talaga!
"Edi joke lang diba! Joke lang naman yang nakasulat dyan. Walang totoo, Sien. Wala! Are you happy now?" sigaw ko.
Nagsimula akong maglakad pabalik ngunit hinila lamang niya ako ulit. Pumiglas ako at naglakad muli. I ain't a damsel in distress right now, dude!
"Ano? You're just gonna walk out like a scaredy-cat? Explain this, Mae! Handa na akong magsalita."
"Sa anong lengwahe ko pa ba ita-translate ang salitang joke para maintindihan mo? Biro lang 'yon, Sien. That was just a prank." Tumigil ako at hinarap siya. I eyed him one time and then closed my eyes.
"Do you honestly think I am going to fall for you? I am just Mae and you are Sien, right?" Tumawa ako kahit ayoko, "Am I right or am I f ucking right?"
"Stop being ridiculous, Mae."
"Now that wasn't a joke. Please, Sien. I don't want to ruin my night. Just leave me alone."
When I was about to reach the entrance he grabbed me again by my waist. Shit, here he goes again with his filthy moves. Pumikit ako nang siguraduhin niyang nakatapat ang kanyang labi sa tainga ko. His breath was warm it almost caught me on fire.
"Leave you alone just this night or ever?"
This is my chance now. To answer him what's rightfully freeing. I escaped him and took a step. Without looking back, I answered,
"Ever."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top