Chapter 12
Chapter 12
The Letter
"I don't know, Mae. It just doesn't feel right. Gusto ko siya bilang kaibigan, iyan ang napagtanto ko na dati pa. But that's just that. Gusto ko ng itigil," pag-amin ni Sien.
Umirap ako, "Eh isa't kalahating tanga ka rin pala, eh. Kung dati mo pa na realize, dapat noon ka pa umaksyon. Hindi itong ngayong baka lumalim na pala ang feelings niya. Tanga mo rin."
"Baka nakakalimutan mo, Mae, I'm here to seek advice. Hindi ipamukha sa akin ang katangahan ko."
"Alright, alright." Itinaas ko ang magkabila kong kamay, "Pero tanga ka pa rin. Admit it."
"I admit." He sighed. "Nagpanic lang ako kaya hindi gumana ang utak ko."
"Nag-panic? Dahil saan?" Kumunot ang noo ko.
Napamura siya at umiwas ng tingin. Anong problema nito?
"Wala. May masabi lang. Shit." Napasabunot niya sa kanyang buhok. Tumayo siya para humarap sa kanyang laptop. "I'm done with the issue for today. Back to work."
Simula nang umamin siya tungkol sa nararamdaman niya sa kaibigan ay hindi na namin napagusapan iyon. Lumipas ang mga araw na hindi ko na nakikita ang dati nilang interactions. Hindi na rin sila kinakantyawan ng klase kahit sa maliliit na bagay. Hanggang sa nasanay na kami na parang walang nangyari sa kanila.
But I was proud of myself that I get to feel normal again even before Sien's big reveal. Natanggap na ng sistema ko ang nangyayari sa kanila ni Marj. And even I gotta admit that Sien was stupid for acting up that way. Iyon ang nagso-solidify sa paniniwala ng mga babae na ang mga lalaki ay paasa. Hindi muna nag iisip, kilos lang ng kilos hanggang sa lumala ang sitwasyon. Then comes the time when thinking won't even help either.
"Mae, I'm checking the list of the dancers right now. Si Sien ba ang partner mo sa cotillion?" tanong ni Lyn.
Hinanap ng mata ko si Sien. Itatanong ko na rin ito sana ngayon, pero nang hindi ko siya makita ay umiling na lang ako kay Lyn.
"Sige. Pero ilalagay ko na muna si Sien bilang partner mo, ah?"
Paano kung may iba pala siyang niyaya? Edi nganga na naman ba ako? Kalurkey.
"Sure," sagot ko na lang. Magfi feeling muna habang hindi ko pa alam ang plano ni Sien. Malandi rin kasi ang isang 'yon! Baka mamaya ay nakahatak na naman ng ibang maisasayaw.
Nang mag hapon ay in-announce na ang theme para sa Graduation Ball. Kanya kanya ng usapan kung ano ang magiging disenyo ng kanilang damit at kung ano ang magandang kulay. Halatang maraming magpi-pink sa mga babae kaya't lalayo ako sa kulay na 'yon. Siguro ay magi-itim ako tutal bagay naman sa akin. Itim, para kakulay lang ng mundo ko. Diba, diba!
"Hey, Mae. Tayo ang partner, ha? Pag pumares ka sa iba lagot ka sa akin," banta ni Sien habang nagsasayaw sa gitna ng classroom.
"Ikaw nga iyang pumares na kaagad sa iba, eh. Ang bilis mo, dude. Ang bilis," tinaasan ko siya ng kilay. I meant it as a joke but I delivered it seriously.
Kasayaw niya si Lyn ngayon dahil sa pagbubuo ng sayaw. Walang problema sa akin, binibiro ko lang siya. Tumigil naman ang kumag sa pagsasayaw.
"Gumagawa sila ng sayaw, oh. I'm just lending them a helping hand. Pero kung hindi matiis ng possessive hormones ng best friend ko ay titigil ako syempre." Kumindat siya sabay hila sa aking braso patayo. "Ikaw na lang ang isasayaw ko ngayon para kilig much."
Dumating ang teacher namin sa Research kaya't natigil ang pagpa-practice ng sayaw. Sandali siyang humingi ng updates tungol sa feasibility study ng bawat grupo. Mabilis ang paguusap ng grupo namin dahil sa susunod na araw lang ay defense na namin. Humihingi rin kami ng under time opportunity sa mga nagtuturo ng sayaw paminsan dahil sa nalalapit na defense. Mamaya lang ay uuwi kami ng maaga para mag-aral.
Defense na lang ang kailangan at magtatapos na kami ng High School. And I can say I've never been this excited and scared both at the same time. Kinabukasan na ang big day kaya't sineryoso ko talaga ang pag-aaral. Binasa ko nang mataimtim ang research paper namin. Sa kaba ko ay pati mga kagrupo ko ay hinahamon ko sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga posibleng ibabato sa amin ng Panels.
"Come on, Sien. Stop Mae! Ginagasgas na niya ang utak namin. We've answered all questions that can be shot tomorrow." Napapaiyak na si Harvey sa ginagawa ko.
"This is the last one!" habol ko.
"Now, now, Mae. Pagpahingahin mo na ang mga kumag. Baka ma-mental block pa sila bukas sa dami ng pinapasok mo sa isip nila."
"Ikaw ang sasalo kapag hindi nila nasagot, tandaan mo 'yan," tinuro ko pa siya. Tumango lang siya at natawa.
Sa bahay nina Sien kami nag-stay para mag aral. Ngunit dahil pinigilan na nga ako ni Sien sa ginagawa ay nagpahinga na rin ako. Ala una kami lahat natulog at gumising ng alas cinco para maghanda. Our final defense is at nine in the morning. We need to allot lots of time to prepare. Kumakain na sila sa ibaba habang ako ay nagpi-print pa ng notes. Kabisado na namin ito ngunit mas maganda na rin iyong handa.
"Uuna na ako para makuha ang tokens and food ng mga panel," paalam ko.
"Sasama na ako." Tumayo si Sien at nag ayos nang mabilis. Hindi na niya inubos ang pagkain.
"Kaya ko na. You finish your breakfast, I'll meet you all in school."
"'Wag kang masyadong magpaka-bayani, Mae. Tsaka na kapag ako na ang kailangan mong iligtas."
In one swift move my bag left my shoulder and hung onto his. Nauna siyang lumabas at sumakay sa kanilang sasakyan. Ready na kaagad ang kanilang driver para ihatid kami. Nagalala pa ako sa mga naiwan naming groupmates pero sinabi naman ng driver na babalik din siya kaagad pagkatapos niya kaming ihatid.
Matapos naming i-set up ang AVR ay nagpahinga na kami. Hindi na ako nakaramdam ng kaba habang naghihintay kami sa mga Panels. Ang tatlo naman naming kagrupo ay napapatalon na sa kaba. I know they'll do well.
Naging mabilis ang Final Defense namin ngunit marami ang revisions. Mataas din para sa amin ang nakuha naming marka. Hindi naman na iyon importante dahil masaya na kami na nadepensahan namin ang study. Our research teacher congratulated us for a job well done. We owed it to our panels and to our research adviser.
"Finally, sayaw na lang tapos graduation na!" Masayang humiyaw si Julian pagkalabas ng mga panels.
"Excited na ako sa graduation ball. Mukhang magiging masaya!" ani Harvey.
"Sus! Baka umiyak ka lang," kantyaw naman ni Lawrence.
Nakahinga kami nang maluwag nang matapos ang defense. Anunsyo ni Sien na bilisan namin ang kilos sa revisions dahil marami pang gawain kaming mga graduating students. Ngunit ngayon ay mapipilitan muna kaming magpractice ng sayaw para sa Grad Ball. Wala na kaming takas.
"Congrats sa defense!" bati ni Ten kasabay ang tapik sa braso ko.
"May pagkain pa kayong natira?" tanong ni Jesca. Tinitigan siya ni Elaine at siyang umirap. "What? Who doesn't dig free leftovers?"
"Hah! Wala na kayong takas sa dance practices," mapanuyang sabi naman ni Aria.
Hindi na nga kami nakatakas dahil naglilista na ang mga nagtuturo ng sayaw ng mga pangalan ng hindi nakiki-cooperate. At paniguradong masesermonan iyong mga malilista ng adviser namin. At alam naming lahat na walang gustong mangyari iyon. Nakakatakot ang adviser ng magkabilang section, ngunit mas may takot kami sa kanila dahil itinuturing na namin silang sarili naming Nanay dito sa eskwelahan.
"Ayusin mo naman, best friend. Hindi ka nag dance lesson para lang tapakan mo ang paa ko." Tumawa pa si Sien.
"Wow ah! Edi ikaw na ang magaling. Hindi naman ganitong sayaw ang inaral ko, diba."
"Chill ka lang. I-feel mo kasi 'yong music. I-feel mo ako," tumitig siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa ibabaw ng balikat niya.
"H-Hindi ka romantic, huwag kang tumitig."
Muli na naman siyang tumawa. Nakakaasar. Nagsasayaw kami ngunit hindi ko talaga siya tinitingnan. Nag pokus ako sa music at sa sinasabi ng mga nagtuturo tungkol sa counting ng dance steps. Hindi naman tumitigil sa pangaasar itong partner ko. Tinitingnan ko lang siya para irapan.
"Kukuha lang ako ng tubig sa room. Humatak ka muna ng makaka partner na iba," sabi ko.
"Akala ko ba tayo lang?" inis niyang sabi.
Bumilis ang tibok ng puso ko. I know he meant another thing but my mind went batshit crazy already! Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ako papunta sa room. Isang lagok lang sa akin ang natitira kong tubig na nasa kalahating litro pa. Obviously, nauhaw ako lalo dahil sa sinabi ng magaling kong kaibigan.
"May tubig pa ako."
Nagulat ako nang nagsalita siya. Nasa likuran ko na pala siya at nakalahad ang kanyang bottled water. Kinuha ko na lang iyon para mapagtakpan ang kinikilos ko ngayon. I don't want to risk him knowing. Umupo ako at binuksan naman niya ang electric fans ng room.
Nagpulbos ako at sinundan ang ikot ng electric fan para maginhawahan. Napapalunok na lamang ako kapag nahahagip ng tingin ko si Sien na nakangisi habang pinapanood ako. Nang hindi ko na kinaya ay ibinato ko sa kanya ang scarf ko. Amoy pawis pa naman iyon.
"Ang bango ah." Nilanghap niya ang scarf ko at tsaka tumawa.
"Bwiset!"
"Totoo nga. Akin na lang 'to ah?" Tumawa pa siya.
Sinubukan kong kunin iyong scarf ngunit itinaas niya ang kamay niya. Matangkad siya kaya hindi ko na makuha. Hinayaan ko na lang siya kasabay ng pagulan ko sa kanya ng mga mura.
"Yiiieee. Nagde date ang mag best friend!"
Napatingin kami sa mga dumaan sa hallway. Mga ka-batch namin na mukhang pabalik sa kabilang classroom. Sien quickly dismissed them.
"Mga siraulo! Kung makikipag date ako kay Mae, hindi sa classroom!" Natatawa niyang hiyaw. Sumigaw pa ng kung anong kantyaw ang mga nasa labas pero nawala rin iyon kaagad.
Sobrang nainitan ako at namalayan ko na lang na nagpapaypay na pala ako ng sarili. Tinawanan ako ni Sien at tinalikuran ko siya.
"Mae, halika rito. May itatanong ako." Nanunuya ang boses niya kaya naasar ako.
"Manahimik ka dyan."
"Hindi. Seryoso nga ako. Upo ka rito sandali."
Nang magseryoso siya ay umupo na ako sa upuang katabi niya.
"What now?"
"May tanong ako. But you have to answer in all honesty, please? I need to know the truth," he said with utmost sincerity.
Napalunok ako. Daig ko pa yata ang umiinom ng tubig. Bigla akong dinapuan ng kaba. Tumawa ako nang pilit.
"Ano na namang pakulo iyan, Sien?"
"Please, I'm serious here."
I cleared my throat, "Okay, fine. Sasagot ako nang maayos kung matino ang itatanong mo."
"May gusto ka ba sa akin, Mae?"
Oh my... gosh. Hindi niya manlang ako binigyan ng kaunting oras para huminga!
"W-What? Hindi nga? Iyan ang itatanong mo?" Kunwari pa'y natatawa ako.
Shit. Hindi na talaga ako makahinga. Hindi ko na alam iyong inhale-exhale process!
Gustuhin ko mang umiwas ng tingin ay naisip kong hindi magandang tactic iyon. Mas mahahalata lang niya ang gustong sabihin ng mga mata ko.
"Yes, Mae. Can you just answer?"
Maybe I was insane for noticing him stuttering. Siguro ay nawawala lang ako sa sarili dahil sa itinanong niya. Nangangalo ang kanyang mata na parang napapagod sa mga isinasagot ko. Eh ano ang gagawin ko!
"N-No, Sien. Hindi kita gusto," I managed to say without fully stammering.
"Is that true?"
His eyes were expressive, and yet I couldn't comprehend what the message was. His mouth opened only to be closed again. It seemed as if he wanted to say something but thought it's better to keep mum.
"Ano bang magugustuhan ko sayo, Sien?" Muli akong nag pilit ng tawa. "Kaibigan lang kita. At hindi ko ata maatim na maging boyfriend ka, ano!"
"Seriously?" Humina ang kanyang boses. He looked... nah.
"I am serious." Not.
I was reading his face at ease but then he looked back at me. He was so serious I was awed by him. I couldn't look away now. I've got to memorize this face.
"Who am I kidding?" Siya naman ang tumawa. "Bakit nga ba tayo magkakagusto sa isa't isa, right? Si Sien ako at si Mae ka lang naman. Ano nga naman ang mararating natin sa isa't isa? You know what, I am sorry for even asking you that stupid question. You're right, I am just messing with you."
Tumayo siya at tumakbo palabas. Bago nakalayo ay sumigaw siya, "Race me there, loser."
Shit ang saya niya at talunan nga ako. F uckery. Para na naman akong napaglaruan. Ayoko na. Ayoko na talaga! Ang tanga ko na. Asa ako nang asa sa wala. Asa ako nang asa kahit ayoko namang masaktan. I am hoping to something that's never gonna side with what I want.
Well, this is my reality. Tanga ako. That's that. Can I get my award now?
Sa hiya ko sa aking sarili ay hindi na ako bumalik sa rehearsal. Umuwi ako at nagpaalam sa mga taong nakasalubong ko lamang. Hindi ako makatulog kinagabihan and so I ended up writing a letter to Sien. One that I might give at the expense of our friendship, or for the benefit of moving on to start anew.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top