Chapter One


KayCee's POV

" Oiiiiii Oiiiii Oiiiii gising na Asawa ko~ ".  sabi ko kay Staz at paulit ulit syang ginising.
" Five Minutes pa Misis ko " sabi nya,  
Anu ba yan!! 😍😍😍 my heart skipped a beat. Anu ba naman yan Staz! Agang aga, Masyado mo na akong pinapakilig. The moment I heard his voice calling me ' Misis ko '.   ❤️❤️❤️❤️ 
* BOOM *
wieee ~

para lang bata
hahahaha XD boom. Puso ko. sumabog na sa sobrang tuwa 😂 pero why the hell? He calls me that for five years,
Pero bakit parang araw araw, pakiramdam ko bago. Hindi ako nagsasawa.

Pero SYEMPRE NAMAN, HINDI AKO PAHALATA NUH 😂

" Oyoy. Gusto mo bang pinaghihintay ang asawa mo ha? " sabi ko habang pinipigil yung ngiti ko.
tapos paulit ulit ko syang hinampas ng unan.

Bigla nya akong Hinila papalapit sakanya, Tapos niyakap nya ako.
" Di mo ba pagbibigyan ang napakagwapo mong asawa? " bulong nya sakin habang nakapikit.
nanlaki ang mga mata ko.  

Haay Nako.  5 years na kaming kasal, 26 years old na kami, Pero etong si Staz di parin nagbabago.
MAHANGIN PARIN -.- Gwapong gwapo sa sarili. Pasalamat nalang sya, Gwapo talaga sya 😂 kung hindi baka naupakan ko na sya. Swerte ko nalang Pogi ang asawa ko ☺️❤️

" Pero Staz naman ehhh,  Malapit nang mag 3 pm, Diba may lakad pa tayong magkakaibigan? We can't be late. Again. Besides, kanina ka pang nakahilata dyan nuh. So stand Up. We better get ready.  " sabi ko at humarap sakanya.  inaalis ko yung mga braso nya na nakayakap sakin.

Pero habang pinipilit kong tanggalin yung mga braso nyang nakayakap sakin, Lalo nyang hinihigpitan yung yakap nya, Ene be yen. Kinikilig ne nemen ako, 😂😂😂 Hahaha! Naman kasi eh!

" Wag mo na pilitin kumawala, Mamatay ka lang sa higpit ng yakap ko sayo. Diba sinabi ko na sayo? Di kita papakawalan. Ayaw mo ba akong makasama ng mga konting oras pa? " then he pouted.

i stared at him..

" Sa totoo lang, Alam mo ba sawang sawa na ako dyan sa pagmumukha mo? Araw araw na nga kitang kasama eh " pagbibiro ko sakanya
" Aba Putanginamo! Bahala ka nga sa buhay mo! Aish! Ikaw ha! Punong puno na ako sayo! Nakakapikon ka na ha! Sabihin mo biro lang yon! " sigaw nya

" Aba. Putanginamo rin :) " sagot ko.

ABA. MINURA NYA AKO EH. SYEMPRE DI AKO PAPATALO.

Di ko alam kung anong pumasok sakin pero biglang nagkaisa yung utak ko, yung ngipin ko, yung bunganga ko, yung dila ko at yung puso ko. Bigla kong nasabi.   " I Love You ".   tapos di ko na napigilan ngumiti.

tumawa sya,  " I'm just waiting for you to say that 😂 Pinatagal mo pa, kung kanina mo pa sinabi edi sana kanina pa tayo nakaalis. hahaha, Sige na let's get ready, malalate na naman tayo eh. "
kaya kinagat ko yung braso nya,  " Aray! " sigaw nya.
" Ewan ko sayo -.- "    tapos hinampas ko sya ng unan, pero kahit na ganun, still im waiting for his reply -.-
Kaso di parin sya nagi-i love you too. Badtrip.
Tumayo na sya at hinila na ako papatayo. Nagmadali na kaming dalawa. I grabbed everything i need

Paalis na dapat kami pero suddenly i felt dizzy.  tumakbo ako papasok sa banyo, and i vommited.

Sumunod agad sakin si Staz,  " Anu bang nangyayare sayo? Bilisan mo na dyan, malalate na naman tay----, Ayus ka lang ba? Gusto mo icancell nalang natin? Magpahinga ka nalang kaya. " Sabi nya habang nagaalala sakin
" Biglaan to eh..." sagot ko sakanya.

WHAT'S HAPPENING TO ME O_O natulala ako bigla.

tinanong agad nya sakin " When is the last time you had your period? "
" I supposed to have mine a week ago.... " nakapanhihina kong sabi.

" Wait for me here "  bilin nya sakin.

i looked at my reflection at the mirror.  uy, anung nangyayare sayo?
Gago. Magkakasakit ka pa ba? Ngayon pa talaga?

" Eto, dali. Get started "  at bigla nya akong inabutan ng pregnancy kit,  " Aanhin ko to? " natutuliro kong sagot.
" Tsk, Kainin mo! try mo! kung kaya mo eh, Obvious ba? Go. Use it, kasi may kutob ako. Maybe your pregnant. " pamimilosopo nya pa.

Ayy grabe . Ang pilosopo ng asawa ko. Bwiset! Di parin sya nagi-iloveyoutoo! 😭😡😒😑😤

" Umalis ka nga sa harapan ko. baka kaya ako nasusuka dahil dyan sa pagmumukha mo. " naiinis kong sambit

pero bigla nya akong hinila pabalik at seryoso na sya.

" Saan mo yan nakuha? " tanong ko. 
" Binili ko to dun sa may sari sari store dun sa kanto! Oh ano may tanong ka pa? Dali na kase! " sigaw nga

Aba puta talaga. tanginamo Staz.
KAILAN PA NAGTINDA NG PREGNANCY KIT DYAN SA SARI SARI STORE?!
gago to.

" Mamilosopo ka pa sige, Para lalasunin na kita mamaya. " bulong ko

   " Binigay sakin nung kaibigan kong OB Gyne doctor, baka lang daw sakaling kailanganin. " sagot nya
" Babae o Lalake? " tanong ko ulit.  Aba syempre, Baka mamaya puro chix at babae ang kaibigan neto! Baka mamaya ipagpalit pa ako pag may mas better saken nuh!

   " WAG KA NANG MADAMING TANONG! BILISAN MO NA DYAN! i'll go out. "

" Ok. Fine. Sorry naman. Sige. Wait for me. "  bilin ko.     " Promise. " sagot nya sakin.

" I Love You , I Love You More, I Love You the most. " sabi nya sakin at niyakap ako bigla. He kissed my forehead.
at saka sya lumabas ng banyo. I just remembered, i said i love you to him earlier.

KILEG TO THE BONES NA NAMAN TONG LOLA NO 😍 si Stez Kese Eh. 😂 dejk.

END OF KAYCEE's POV

SHEEN's POV

" Positive... " sabi ko pagkalabas ko ng banyo. Nakita ko si Zelo inaabangan ako.

" POSITIVE???!! M-m-magiging Daddy na ako??!!!!!!! " gulat na gulat na tanong ni Zelo sakin.
" Alangan naman maging Mommy ka? Of course! magiging daddy ka na! " sabi ko while wearing a very big smile

Bigla nya akong binuhat.  " WHOOOOOO~ magiging daddy na asi Zelo Asciris!!!! Naririnig nyo ba yon??! Magkakaron na ako ng anak! Yayyyyy 🎉🎉🎉🎉 " sigaw nya

" ZELO?! TANGINAMO PAG MAY NANGYARENG MASAMA SA ANAK KO PAPATAYIN KITA! Bakit mo pa ba ibobroadcast et tayong dalawa lang naman dito? Gago ka talaga kahit kelan! Ibaba mo ako! " pagmumura ko

" FYI. ANAK NATIN YAN. WAG KANG SELFISH. GUMAMIT KA NG TAMANG POSSESIVE PRONOUNS. SAKA BAWAS BAWASAN MO NA YANG PAGIGING TRASHTALKER MO. BAKA PAGKAANAK MO SA BABY NATIN, PAGMUMURA NA AGAD ANG UNANG MATUTUTUNANG SALITA. " sabi nya

Uhm. Tama sya. Baka maging arogante ang anak nakin pagkaanak ko kung patuloy akong magpapakatrashtalker.
kaya susubukan kong bawas bawasan.

" I promise, As Of 2:34 pm, I wont let anything bad happen para sa mag-ina ko 😊 I want to protect you, I WILL PROTECT YOU. trust me. thanks God. I'm so lucky. Sobrang excited na ako! Gusto ko nang makita ang magiging anak natin! " sabi nya sakin.

Sa hindi ko namamalayang dahilan. Biglang tumulo yung mga luha ko sa mata.
Sobrang saya ko kasi ngayong mga oras na to eh. Thanks God for this blessing, Please help me para maging mabuting nanay at asawa sa kanila. I'll do my best :))

Linapitan nya ako and he wiped my tears, " Wag kang umiyak, papanget ka lalo nyan eh. "
" WHAT DO YOU MEAN?, Panget na ako nun? Ganun? Ganun? " Tanong ko
" Hindi ba? "
" Gusto ko sanang makilala ng anak ko ang papa nya kaso mukhang mapapatay na kita ngayon -.- " pagbabanta ko sakanya.

" Hahaha! It's just a joke! I love you, papalakihin natin sya magkasama ha? Magiging mabuti tayong parents sakanya. "

" Dapat ba akong matuwa dahil magkakaron na naman ng bagong blessings sa buhay ko o dapat ba akong malungkot dahil ikaw yung tatay ng magiging anak ko? " biro ko at nagsimula nang tumawa.

Tumingin nya sakin at sinabing, " Ah ganyanan, nangaano ka eh! Basta! Kahit ano pang sabihin mo! Ginawa natin yan! Pinaghirapan natin yan! Anak parin natin yang dinadala mo at wala kang magagawa tungkol don! At kahit ano pang sabihin mo Mahal na mahal parin kitang siraulo ka! " sabi nya sakin.

Medyo bastos sya ha. Hayup ka, naririnig ka ng bata! puro kabastusan yang bibig mo eh!
Pumunta ka dun sa banyo at saka mag gargle ka ng Asido.

Aba syempre para todo linis talaga, Masunog narin yang dila mo. -.-

" Seryoso ako. Mahal na mahal kita. Wag mong kakalimutan. " sabi nya

i quickly rushed into him and hugged him.  And he hugged me back.

i kissed his cheeks at sinabi sakanya. " I love you soo much. ❤️ i'm so lucky to have you. aalagaan mo ako ha? "

" Aba syempre naman! aalagaan kita :) Di ko kayo papabayaan ng magiging anak natin, I'll probably take a break from work, at ikaw rin. Sasamahan kita :)  always remember, I love you more. ❤️😊 "

" Pero may importante akong sasabihin sayo. " 
halata sa mukha nya na nagaalala sya sa sasabihin ko XD
" GUTOM NA AKO. LET'S GO! i want to eat!!!! At para narin maiannounce na natin sa barkada! "
" Okay ka lang ba? Can You? "
" Of Course! We need to do this now! kasi baka next time malaki na ang tyan ako at di ko na kayanin gumimik! "
" Hahahaha, Baliw ka talaga. " sabi nya sakin.    " Sus, baliw nga, mahal mo naman! Leggo 😊 "  hinila ko na sya paalis.

kinikilig parin ako sa mga banat nya kahit anong pilit kong pigilan! 😍😍❤️❤️ hahaha.

END OF SHEEN's POV

BII's POV

Pumasok na kami sa loob ng sasakyan, papunta na kami sa Meeting naming magbabarkada.

" WAHHHHHHHHHHH 😭😭😭😭😭 "  sigaw ko.    " Babe? kagabi ka pa naiyak dyan ah. Tumigil ka na nga. " sabi sakin ni Anton habang inaayos nya yung seatbelt ko,
" Kasi naman eh! Natatakot ako. " mahina kong sabi.
" What's the point of getting afraid? " tanong nya sakin.   Tumingin ako sakanya, tapos hinawakan ang kamay nya.
" Babe, wag kang magalala, Wag kang matakot, Lagi akong nandito para sa inyo ng magiging anak natin ha? Don't Worry. Mahal na mahal kita. Hindi Ko kayo pababayaan ng anak natin. I promise to be responsible okay? Stop crying. Malungkot ka ba na magkakaank tayo? As a matter of fact you should be happy. " sabi nya sakin.

" Gagu, Babe. Hindi ako nalulungkot na magkakaanak na tayo noh! Hindi rin ako natatakot dahil magkakaank na tayo, alam ko naman na magiging mabuti kang daddy at asawa eh, Kaso.....BAKA PUMANGET AKO! 😭😭😭 BAKA MAGMUKHA NA AKONG LOSYANG!!!! BAKA MAMAYA TUMABA AKO! Ayoko nga pumanget! huhuhuhu " sabi ko sakanya.
Tapos bigla nya akong tinawanan. " Your so silly. Of Course, You will always be the most beautiful girl for me. "

" Talaga?! " paninigurado ko.    " Promise....Wait, nagbago na pala ang isip ko, I just remebered, Si Miranda Kerr nga pala ang pinakamagandang babae sa balat ng Lupa 😍😍😍 " bulong nya.

Biglang Nagdilim ang paningin ko.  Uminit ang ulo ko.  At kulang nalang masunog lahat ng titignan ko.

" AH GANUN HA!?! " sabi ko tapos pinagsusuntok ko sya.

" Hahahahahaha! Im just joking, Sorry na! shhh, Wag kang magalala, Biro lang naman yun eh. Wag masyadong mainit ang ulo mo babe, baka mamaya Maipaglihi mo pa yang anak natin sa sama ng loob, sige ka, magiging katulad mo yan, laging mainitin ang ulo. 😂😂😂 " pangbabarang nya pa.

" Hoy. Sino ba naman kasi ang hindi iinit ang ulo lalo na kung ang asawa tulad mo! -.- "

" Asus. Naku Naku Naku. mas dapat na pala akong matakot sayo ngayon, buntis ka na and for sure lalong mas iinit ang ulo mo pero lagi ming tatandaan, Kahit gaano ka pa kasungit, kahit batuhin mo man ako ng kung ano ano, kahit na lagi mo akong bugbugin o kaya sigawan, Handa akong magtiis. Kakayanin kong magsurvive XD gusto ko pang makita ang anak natin nuh! Basta, Ayus lang sakin ganyan ang ugali mo. Mahal na mahal kita. " sabi nya sakin at ngumiti.

Suddenly, i felt relieved sa mga sinabi nya. Napangiti ako bigla. i hugged him. and he hugged me back.

" Babe, may sasabihin lang ako....importante. " sabi ko
" Ano yun babe? "

" Hindi Ikaw ang ama ng batang to. "

nanlaki ang mga mata nya. namula na naman ang ilong nya XD WAHAHAHAAHAHA 😂😂😂😂😂

" EH SINO?!! " sigaw nya

" Si Cameron Dallas 😍 " sagot ko

Si Cameron Dallas po ung hot na pogi na crush na crush ko. Peymus sya. 😂

" Shit. Akala ko naman totoo! " sigaw nya

ABA SYEMPRE KAILANGAN BUMAWI AKO SA PANGGAGAGO MO!
MAGSAMA KAYO NG MIRANDA KERR MO! MAGSASAMA DIN KAMI NG CAMERON DALLAS KO.
DEJK. 😂 joke lang naman yun

" PPFFT, ASA KA PA. Ako ang ama ng bata na yan. Wala ka nang magagawa -.- "

" Hahahhaha! joke lang naman! hahahaha " sabi ko pero he just smirked,

Ang pabebe mo ha.

" Wag ka nga, Baka mamaya ipaglihi sa sama ng loob tong anak natin. " sabi ko.
" K. " he replied
Ang dami kong sinabi tapos K lang ang sasabihin nya? Aba kingina dis.
" ABCDEFGHIJLMNOPQRSTUVWXYZ NOW I KNOW MY ABC NEXT TIME WON'T YOU SING WITH ME! KINUMPLETO KO NA ANG ALPHABET PARA SAYO HA, ANG TAMAD MO KASI SUMAGOT EH! " sigaw ko

" I Love You 😊 " sabi nya

Ok. Ganyan sya. Para pakalmahin ako sasabihan lang ako ng I love You. Magalin din. May Style.

" So what do you think? Baby boy kaya to o baby girl? "  tanong ko,

He started the car at nagsimula na syang magdrive.

" I prefer having baby girl. "  sabi nya.   " Talaga? Ako naman i wanted a boy 😍 "  sabi ko.
" Pero kung sa bagay, kahit naman anung gender ng magiging baby natin, it doesn' matter. Kasi kahit ano pa mang gender nya, Mamahalin pa natin sya diba? " sabi nya,

" Oh No.  I'm really not used to hearing you saying things with sense. kadalasan kasi puro nonsense yang laman ng bunganga mo eh. " sabi ko habang natatawa
" Well, You should be. " sabi nya at natawa narin sya.

" Excited na talaga akong iannounce na magkakaanak tayo! hahaha, i bet they'll get jealous upon knowing XD " pagbibiro nya

" Aw. salbahe ka talaga. " sagot ko.

tapos binuksan ko yung bintana ng sasakyan. At itinuro yung nakita kong yung banana shake dun sa isang cafe,

tumingin ako kay Anton at he looked back, mukhang naintindihan nya yung sinesenyas ko.

I pouted. " Pleaaaaseeee???? " tanong ko.     " Anything for my queen. Sige just wait for me. " bilin nya.

Ang sweet ng babe ko no? Hahaha! Kaya naman assured ako na magiging mabuting daddy sya sa magiging anak namin.  Grabeee, I never felt this happy in my entire life.  I'll do anything it takes to keep a happy family :))

pero pag alis nya, I quickly got his bag at chineck ang phone nya!

( Aba syempre naman! para masigurado kong wala syang itinatago sakin. Sorry Masyado akong selosa eh! Naninigurado lang! Kasi naman! Baka mamaya may sikreto na pala to sakin. )

Diresto ako dun sa contacts, phone book, at syempre sa gallery.

" wtf. is........this.....real? "

Cellphone ba talaga to ni Anton? 0_0

nakakita ako dun ng mga picture ng mga cute na kwarto ng baby girl. mga damit para sa baby girl. parties for girl.

😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂 Grabe naman ang asawa ko. Sobra na palang excited sa pagkakaron ng baby girl!

( Eh hindi pa naman namin alam ang gender nung baby )

Pagdating nya sa sasakyan, utas na ako kakatawa samantalang sya almost dying of embarassment XD

" Huy! Give me back my phone! "   halatang namumula sya
" Awww. Wag kang mahiya. ☺️ So cuteee💓💓 "

" Eto na nga yang banana shake mo! Next time lagi ko nang dadlhin ang phone ko!ilalayo ko na sayo!Tara na nga! "

END OF BII's POV

SIASH's POV

" Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh Vinceeeeee Gustooooo Kooooo Ng caaaaakkkeeeeee "
sabi ko kay Vince at kinukulbit kulbit sya habang nagdadrive.

" Ang aga mo naman maglihi! Pero sige na nga! Tara dun muna tayo sa cafe na yun, maaga pa naman. Para makapagdala din tayo sa barkada, Let's Go :) " sabi ni Vince

Bumaba sya ng sasakyan at agad akong inalalayan na parang matanda.  -.-

" Vince, take it easy. Ano ka ba, Over Reacting ka masyado, I can manage "  sabi ko sakanya,

" Oy, wag ka ngang feelingera, Hindi naman ikaw yung inaalalayan ko nuh, Yung magiging anak natin! " sabi nya

Ah. So Ganon?
Wala kang pake sa akin you mean?
Well.
FUCK YOU -.- .

tinaas ko ang kilay ko and crossed my arms.

Sinakal ko sya. Easy -.-    " Aack- Aa-  Aack--  I can't bre-eathe~ " sabi nya.   at saka ko sya binitawan at dirediresto pumasok sa cafe.

Rinig kong hinahabol nya ako at sinasabing " Uy! Joke Lang!! I Love Youuuuu 💓💓💓💕💕💕 " sigaw nya habang natawa

Dumeretso ako dun sa counter at umorder ng red velvet cake. Umpo na din ako agad pagkatapos habang iniintay yung cake.

Tumabi sakin si Vince.   " Sorry na :) ".       " Bayaran mo nalang yung cake, natuwa pa ako sayo. " pagtataray ko pa din.  Nilabas ko yung libro ko para magbasa. Di ko sya pinapansin hanggang niyakap nya ako at inabutan ng candy.

MY FAVORITE CANDY 😍

" Pasalamat ka may candy ka! " sabi ko at natawa na naman sya.

" So Now. Dahil magkakaanak na tayo at dala dala mo sya dyan sa loob ng katawan mo. You should be more careful "
" Opo. "
" Dapat din alam ko ang laging ginawagawa mo "
" Opo. "
" Dapat Rin Healthy Foods ang kakainin mo ha. "
" Opo. "
" At saka dapat rin babae ang magiging doktor mo okay? "
" Op-- Eh? Bakit naman? "

" -.- BAT GUSTO KO BA LALAKE MAGING DOKTOR MO? Alangan namang lalake ang magpaanak sayo?! " seryosong tanong habang nakukonot ang noo.

" Pero papaano kung may pogi na Ob Gyne? " pagbibiro ko
" Ha ha ha -.- Ayos na ba yung tatlong tawa para dyan sa joke mo? " sagot nya
" Sabi ko nga diba, babae ang magiging doktor ko diba??  " sabi ko.       " Good. "

Hinawakan nya ang kamay ko.    " Excited na talaga ako :) ". sabi nya. 

Hinawakan ko ang tyan ko , " O anak, look? daddy is excited to see you :) "

" Sinong kausap mo? yung stomach mo? ".     " Di ah! yung baby natin! "
" Eh syempre, we only knew you were pregnant last night kaya syempre naman hindi pa buo yan. Haaay nako. " pamimilosopo nya pa.
" Pinipikon mo ba talaga ako? " tanong ko,      " Joke Lang XD i'll stop. "       " GOOD. "

" Kailan natin sasabihin sa parents natin? " tanong ko.    " Are you free tomorrow? ".      " Yup. ".   " Edi bukas. "

sabi nya at nginitian ako.   " May gusto ka pa ba? Tell me. ibibili kita. " sabi nya

" Nope, Pero grabe no. Ang bilis ng panahon, Dati, Anak lang din ako, pero ngayon magiging mommy na ako :) "
" Oonga eh. Pero aren't you afraid? Syempre masasaktan ka, sa pagbubuntis mahihirapan ka at masasaktan ka sa panganganak. " sabi nya

" I can't think of any reason to be afraid kasi i know it's worth the pain. Kasi pagkatapos ng struggles, Magkakaanak narin ako at wala nang mas sasaya pa dun. At saka i'll make sure na lagi kang nasa tabi ko duh. "

" Awww. Kaya mahal na mahal kita. dati im afraid of commitment, pero you changed me. You made me better. Thank You. And I'm so thankful of having you as the mither of my chikd, I'll promise you won't regret me being your husband. :) "

"  Bakit ba parang masyado kang sweet ngayon? May kasalan ka ba? " tanong ko.
" Kahit kailan talaga ang slow mo. Wag ka na ngang magisip! Mahihirapan ka pa eh! "
Tapos tumayo na ako at siniringan sya. Kinuha ko na yung cake at lumabas ng cafe.

" Tamo to! Iniwan na naman ako eh! hahahahaha Di mo ako maiiwan! You can't drive! " sabi nya.

Hinablot ko yung supt kong sandals at binato sakanya.

Parang Unidentified Flying Spinning Object.

Nagsusummersault Sa Er yung sandals ko na sapul sa ulo nya.

At least damang dama. 😂

Tumalikod ako. " Oonga I don't know how to drive kaya buti nalang may taxi! Dyan ka na nga! " sigaw ko at sumakay na ng Taxi.

Hinabol nya yung taxi pero umandar na agad, binelatan ko na sya.

hays. Sana ang anak ko hindi magmana sa daddy nya. tsk tsk tsk.

" Baby, Wag muna dapat natin makita si daddy ha? Baka kasi maglihi ako sakanya, magiging kamukha mo pa yung unggoy na yun. Kawawa ka naman. Your fine with mommy " bulong ko.

Half Good Girl. Pero. Pure Maldita 👸🏻

END OF SIASH's POV

LYN's POV

" Anu ba naman yan! It's almost 4:00 pm! Wala parin sila! " sabi ko.
" Oonga eh, Nasan na kaya ang mga yun. " sabi ni Gray.

" Nagaalala ka? " tanong ko.     " Aba! Syempre......HINDE! edi magluluto pa uli ako, pagod na kaya ako! "

Eto talagang si Hubby. Lokoloko parin hanggang ngayon.

Hinila ko sya at umupo kami sa sofa, Inakbayan nya ako.

" Kaya ba dito mo gusto sa bahay natin ganapin yung meeting nating magbabarkada dahil gusto mo iannounce na magkakaanak na tayo? " 

" Yup! Ang gusto ko malaman agad nila! I bet they'll be surprised. " sabi ko
" Tamang tama, Kaya pala masarap ang niluto ko eh! "       " Are You Joking? Lagi naman masarap ang luto mo eh, Ikaw pa? " sabi ko sakanya.     " Fine, Fine ang galing mo talaga mambola. "  sabi nya sakin habang kinurot ang pisngi ko.

" Stooooppppp~ " sabi ko.   " Ang cute mo kasi. I just can't resist. " sabi nya sakin.

" Eh ano namang feeling na magiging daddy ka na? " tanong ko sakanya.
" For the second time nainlove ako. i opened my heart again. I felt so happy. Dahil maggiging daddy na ako. At kahit di ko pa sya nakikita , nainlove na ako sa magiging anak naten. "  sabi nya.

My heart stopped.  ( Syempre, Metaphor lang! edi namatay ako? 😂😂😂 "

" Sa ngayon, alam mo ba kung nakanino ang puso ko? " tanong sakin ni Gray.

At eto lang yung nasa utak ko :
A. Yung puso nya nasa Akin 😍💓💕❤️
B. Nasa magiging anak namin ☺️💕🙈😘
Siguro yan ang isasagot nya! Ene be yen! kunikilig ako XD

" Ei? Na kanino ba? " pakipot kong tanong

" SYEMPRE NASA AKIN EDI KUNG HINDI NAMATAY AKO? HAHAHAHAHAAHAHAHA 😂😂😂 "

* toink *   
napa face palm ako.

Ang sakit mapaasa mga beh 😭

tungunu ka Gray!
Mapapaanak ako sayo ng maaga eh!

" Edi Wow -.- " pansasarkastika ko.

" Hahahaha! Feelingera ka kasi! " pambabarang nya pa.

PIGILAN NYO KO.
MAHAHAMPAS KO NG LAMESA TONG LALAKENG TO.

" Ang swerte mo bata :) Ang cool ng daddy mo 😎 " sabi nya habang hinhimas ang tyan ko.

face palm*

Juskolored.

Sino ba namang matinong tatay na ganito makipagusap sa magiging anak nya.
Diba dapat sya pa nga ang magiging swerte dahil magkakaanak na sya? Hindi yung ang anak ko pa ang magiging swerte dahil sya ang magiging daddy nya!

Totoo nga bang nasa huli ang pagsisisi?
Pero teka, nagsisimula palang ah. Feel ko magisisi na agad ako 😭

END OF LYN's POV

-------------------------------

Salamat sa matiyagang pagbabasa 😂
At ivote nyo naren para mas masaya ha? 😂

ThankYou. Labyu 💋🎉😂

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top