Chapter 7

Ellize's POV

Asan na ba yung mga lecheguys na yon ./.

Gutom na ako mga hayop sila.

" EEEEEELLLIIIIIIZZEEEEEE !!!!! " sigaw ni Hazel.
" Bakit? makasigaw naman to parang nasa magkabilang dulo ng mundo ang kausap. "
" Nasa Tv ang mommy at daddy mo. hehehe " sabi nya.
" Wala ka na bang ibang nabalitaan. Hindi ko alam yan. pramis wala akong ideya tungkol jan. "

" PFFT, EDIWAGMO. 😤 " pagtataray nya.
" an hehehehehe jokie XD ALABYU 😘 " sabi ko.
" K. " sagot nya

tapos pinagpatuloy magbuklat ng news feed nya.

" tanginatanginatangina " mahinang mahinang sabi ni Hazel.
" huy babae, Bat ka na naman nagmumura? " tanonong ko.
" WALAKANGPAKE 😭😭 "
" o bakt ka naiyak. " i sighed.
" Yung iniistalk ko bes. Sinagot na ng nililigawan nya. "

" HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA " malakas kong tawa.

saka nya ako binato ng sapatos.

" Search mo. Si -------- , gwapo din yun. 😏😉 " bulong ko.
" Ah.......s.....OKIEEEE 😍😍😍😍 " masigla nyang sagot

Aw,
Ganun.

Baliw talaga tong babaeng to.

tapos si Jaye naman ayun kasama si Biel. Naghahalikwat ng ref.

" Wow. O.O andaming puds. " sabi ni Biel. " Uhuh. "

pumunta ako sa gulid ng pintuan ang nagsalita.

" Grabe. Makahalikwat naman kayo parang bahay nyo 😂 Oyy Cy Ubos na mga pagkain nyo XD " sabi ko.
" Heh. Ikaw. Gusto mo lang din makikain eh! " sabi ni Jaye.
" Jaye. Alam mo na ang dapat gawin XD " sabi ni Biel

lumapit sakin si Jaye at hinila ako papunta sa ref.
Lumapit din sila kay Hazel at hinila rin papalapit sa ref.

tapos nagsimula na kami, alangan namang pahuhuli ako?

natahimik muna kaming apat......

" One...." sabi ni Hazel
" Two...." sabi ni Biel
" Three..." sabi ni Jaye

" ATTAAAAACK !!! " sigaw ko.

edi ayn. Hehehe dinumog namin ang pagkain sa ref.

tawa kami ng tawa hanggang sa bigla kaming may nakitang box dun sa ilalim.

Ha?
Ano to?

" Bomba ba yan? " tanong ni Jaye
" Heh. Bat naman nila plalamigin ang bomba? " sagot ni Biel

napafacepalm nalang kami ni Hazel.
Paano ba nakin naging kaibigan ang mga to.

pero kinuha na ni Hazel yung cake.

may card dun sa gilid.

// Happy Seensary Lucas 😅😍 ako yung secret admirer mo. oo puta. babae may balak manligaw sayo. //

OMO.
LAMNA.

" EHEM. " sabi naming lahat at lumapit kay Cy daladala yung cake.

pero hindi kami oinapansina dshil mistulang nagda-day dream pa sya.

lumapit ako at pinalo ang pwet nya.

" Aray! Bastos! " sabi nya.
" We need an explanation. " sabi namin.

napalunok nalang sya nung nakita yung cake.

" WAAAAAH BAT YAN ANJAN??!!! " sigaw nya

" Grabe ka naman. Pati ba naman Yung mga oras na naseenzoned ka icecelebrate mo pa. Adik ka din eh. " sabi ni Jaye.

" Sino ba kasing nagsabing halikwatin nyo ang ref namin t-.-t "

" Gagawa gawa ka ng ganyan tapos hindi mo naman ibibigay. " sabi ni Hazel tas tinaas ang kilay nya.

" Eh Ano kasiii. ano... BASTA ANO BA. "
"
" Sus....girls wait.....ayun.....YUN OH! Si Lucas yun diba? HAHAHAHAHA YAN NA SYA. ibigay mo na yan 😉 " panghihikayat ni Biel.

tapos biglang bumulong si Cy kay Biel " Ikaw kaya mauna, ikaw kaya ang umamin sakanya carry mo? ha. ha? "
siniko naman siya ni Biel.

Uh-oh.....Mukhang may hindi ako magugustuhan sa mga sunod na mangyayare.

" Kayo nga. Paano pag di yan tinaggap? " sabi ko.

Aba.
masakit kaya mareject.
" Ang nega mo naman! " sabi ni Jaye.
" Asus, Baka naalala mo lang ang hapdi ng una mong pagibig. " bulong no Hazel.

" Wag mo kong simulan -.- " pagbabanta ko.

Ganito kasi yan.
Dati, Nagkagusto ako sa isang highschool senior. Oo. Laking kagaguhan diba?
Ideal type na kase eh. Matalino. May itsura. Matangkad. Banal. At higit sa lahat.....

First qualification... MALAKI ANG PWET. perfect butt i meant. Pabilog and large.

Diba? San ka pa?

Nakilala ko sya nung napulot nya yung marker ko nung meeting sa student council.
Tapos ayunna. Naabno na ako. Ewan. Ayaw ko na balikan.

Pero nabalitaan ko nalang may girlfriend na pala yung ulol na yon.
Edi ayon. Nasaktan ako. Diba puta? Isang buwang pagibig ang peg.

" Wag na kasi kayong magmahal. Nakakamatay. " i sighed.

" WEW. BEG WERD. 😂 " sabi nilang lahat.

" Bat ba ako ang issue dito?, Di ba sabi ko nga Cy ibigay mo nayang cake na yan kung hindi isasampal ko yan sa pagmumukha nung Lucas na yon. " pagsusungit ko.

" right. Paano mo malalaman kung di mo susubukan? " sabi naman ni Biel.
" Wow expert? HAHAHA " pagbibiro ni Jaye.

" IBIBIGAY NYO BA O HINDE. Paalis na yung Lucas oh. Bilise." panawag pansin ni Hazel

hanggang sa marealize namin na nakauna na pala si Cy.

" Si Speed ba yon?! " sabi ni Jaye.

Nagtataka kami...

Speed?
Speed?
Huh?
Sinong Speed?

" Sino yun? " tanong ni Biel.
" Grabe kayo guys! Di nyo kilala si Speed? yung nasa justice League na mabilis tumakbo! yung red ang costume na may lighting bolts sa gilid ng mask! "

Ahh. Eh SPEED NGA -.-

" Pakihanap nga ng common sense mo bes. Naiwan mo ata. Pakibalikan." sabi ni Hazel.
" 😤😤😤😡😡😡 SI FLASH YON PUTA. " sabi ko.

tas bigla nalang kaming napatingin kayna Cy nung may narinig kami bigla.

Si Cy halos mahimatay na sa kaba nung makalapit kay Lucas.

" I hate stupid girls. Iyo na yang cake mo. "

---------:(----------

" ABA GAGO TO AH. " pagsasaamo ko.
" PUTANGINA. HE DOESN'T HAVE TO BE THAT CRUEL. " sabi naman ni Biel.
" Ow. " sabi naman ni Jaye.
" Tara na! Puntahan na natin baka magakamatay yun dun o kaya magpasagasa sa mga sasakyan! " sabi ni Hazel at hinatak kami pababa.

Habang nagmamadali kami palabas ng gate bigla naming nakasalubong sina Daniel, Mark, Laurence.

Naka cross-arms sila. " Tsk tsk tsk. I smell somthing fishy. " sabi ni Laurence.
" Isara mo yang bibig mo wala kang maamoy. " sagot naman ni Jaye.
" Patay kayo ~_~ " pananakot ni Daniel tapos bigla syang tinadyakan ni Hazel.
" Kill. Sure kill. " sabi naman ni Mark kaya napalunok kami.

Sinalubong kami ni Nathan at Niccolo.
Nakapamulsa lang si Niccolo at nakatingin lang samin ng diresto.

pero si Nathan....nanlilisik..ang......mga....mata.

" Ano na namang kalokohan ginawa nyo?! " sigaw ni Nathan.
" aw :3 Baby Brader kasi ganito--- " magpapaliwanag sana ako nang biglang sinuntok ni Nathan ang pader.

SHEMSSS 😧😧😧 grabi ka.
MASAKET YUN BRADER.

" HUY?! ANO BA? BAKIT KA BA NAGKAKAGANYAN?!! " sigaw ni Biel.
" BAKIT NYO BA KASI KINUNSINTE NA GAWIN NYA YON? KASALANAN NYO TO EH. PINAASA NYO YUNG TAO. KITA NYO NA ANG NANGYARE? Diba Umiiyak lang sya ngayon? Diba nasasaktan sya ngayon? " Sigaw ni Nathan
" Hindi mo kailangan sigawan kami! Alam namin ang ginawa namin at saka hindi naman namin yun ginusto ah?! "
sabi ko.

Saang tae ba naman kaso hinulma yang Lucas na yan.
Nireject pa kasi T.T ayan tuloy napahamak pa kame

Aba syempre i'll defend my girls. duhhh.
" Eh ikaw? Hindi ka ba nakakasakit sa pinagsasabi mo ngayon? " sabi ni biel.
" Oh? Ano bang sinasabi ko? Pinagsasabihan ko lang kasi kayo dahil mali ang ginawa nyo. Sana kasi inisip nyo muna yung maarang mangyare. Hindi basta basta gagawa ng desisyon ng walang kasiguraduhan. " sagot nya.

Nung araw ba na nagpaulan ang langit ng pagkamilosopo sinagip bang lahat ng kapatid ko?
O sa mga oras ngayon sinalo nya lahat ng problema sa mundo?

Aahhh. Baka pinaglihi to sa sama ng loob.
pwede na.

" KUMALMA NGA KAYO. PINAPAINIT NYO ANG ULO KO 😤 " sigaw ni Hazel.
" TAMA NAAAA GUYSSSS LETS CHILL CHILL MUNA " saway naman ni Mark

" Impakto yung Lucas na yun ah. " sabi ni Daniel
" Naman kase. Magcoconfess pa. Haay nako. " bulong ni Laurence
" Ang ingay nyo. grabe. nakakahiya kayo. di ko kayo kilala. sino kayo. jusko. " sabi naman ni Mark.

" Away kayo ng away jan. Tsk. Para namang kayo yung umiyak at nasaktan. " sabi ni Niccolo.

END OF ELLIZE's POV

JAYE's POV

" Kaibigan kaya natin sya so duh. Alangan may pake tayo noh. " sabi ko.
" Right. " sabi ni Ellize.

" Ewan ko sa inyo. " sabi ni Nathan
" Kanina ka pang nangsisisi dyan ah! " sigaw na ni Hazel
" Wala syang sinsisi tinatama nya lang kayo. " sabi ni Daniel
" Talaga namang mali kayo. Pfft. " sabi Ni Laurence.

Aba mga shit kayo.
edi magsama kayo.

" GINUSTO BA NAMIN HA. " maddin kong sambit.
" Inconsoderate. " bulong ni Mark.
" Wag nyo namang ipamukha na parang kasalanan lang namin ang lahat dahil wala naman kaming masamang intensyon! Masama bang magkamali?, DI NAMAN SINASADYA AH, Kung alam lang namin edi sana hindi na namin pinaggawa?! PUTANGINA. Oona kami na! Edi kami na ang masama. " sigaw ni Biel.

" Eh sandali lang, Bakit ba parang pinamumukha nyo na kami pa ang masama? Sinusumbatan namin kayo? Yun ba? Diba pinagsasabihan lang para matuto kayo at di nyo na ulit ulitin? Bestfriends nya tayo. We should do what is best for her. Not the things we knew would hurt her. Concerned lang ako masyado, Hindi nyo ako masisisi if i am that kind of friend dahil alam nating ganun din sya para sa ating lahat. " mahinahong sabi ni Nathan

" Ano? Tapos na ba kayo mag-away? Sige pa. away lang. Kaya nyo yan. Ipagpatuloy nyo. " sabi ni Niccolo.

" Bakit ba di mo to sineseryoso?! " sigaw ni Hazel.
" Eh wag mo naman sya pagtaasan ng boses " sigaw ni Daniel.
" Sino ba ang sumisigaw? " sabi ko
" Ewan ko sainyo mga abnormal! " sigaw nila.

" Pigilan nyo ako uupakan ko na to 😡😡😡 " sabi ni Niccolo
" Edi upakan mo. " sagot ni Cy.

So. heto na naman po kami. Magpapatayan na naman.
Ganito po kami.
Grabe. Friendship Goals ano? 😅

Ewan ko ba.

Pero wait. Si Cy yun ah! She's here.

" Tapos na ba kayong lahat? Baka pwede na kayong lumayas.... mawalang galang lang. Mamemenopause ako ng maaga dahil sainyo. " sabi ni Cy.

" Pero--- " magpapaliwanag sana si Nathan

ngumiti pa si Cy.   ( OMG nakakatakotna to aaaahhh!!!! HORROR 😱😱😱 yung ngingiti nalang basta NAAAANG )

" Wag nyo na akong alalahanin.....sariling katangahan to. Sorry ah? Please wag na kayong magaway pa. Ako lang ang dapat sisihin. Ako lang ang dapat masaktan. Ako yung dapat umako, hindi kayo. Saka ayaw ko muna ng gulo. Masakit pa eh, namamanhid pa yung puso ko. Parang tinamaan ako, Oo tinamaan ng walang hanggang bala ng baril hanggang sa tumigil ang tibok ng puso ko. At siguro tama na yung sakit na yun para mapatunayan sa sarili kong mali yung taong minahal ko. Na sobra na tong katangahan ko. Na dapat hidni ko na ginagawa to. Na dapat magising na ako na hindi para sakin ang lalakeng to kaya dapat hindi na ako desperado para magustuhan nya pa ako dahil kailangan ko nang sumuko dahil wala na akong dapat pang ipaglaban. " sabi ni Cy...

nakangiti parin sya....
pero kitang kita yung mga kuhang pumapatak sa mga mata nya.
Damang dama yung sakit na nadarama nya....

Saka in fairness ang galeng XD hugot of the day naa. Yassss. Status muna mga beshie XD HAHAHAHAHA

People. Minsan lang yan magseryoso. Kaya pagbigyan.HAHAHA dejk

Serious mode back again*

" ....Cy.." bulong ni Nathan

" Sinabi na namang ako lang ang may kasalanan nito diba? Ako lang. Ako lang naman ang nagmahal at nagpakatanga diba?! Kaya pwede ba itigil nyo na yan. Wag na kayong magsisihan! Wag nyong isiping kayo ang may kasalanan! Dahil ako lang. Ako lang... " sabi ni Cy.

tumakbo na sya papasok sa bahay nila at sinara ang pinto.

" Edi sya na. Kanya na. Takte. " bulong ni Niccolo.
Bat ba hindi mapakale tong Niccolo na to. Halahalahalaha. nern. concerned amp.
KADIRE! baka mabato kita ng......ng........Joke lang, wala! baka mabato kita ng.......ok wala talaga.

" Uwi na raw tayo. " sabi ni Daniel.   " Kararating palang namin eh. T,T " sabi ni Marky.
" Tara na nga. " sabi pa ni Laurence.

" Walang uuwi. " sabi ni Niccolo.

" Ha? Bakit? " tanong ni Biel at Nathan. Sabay 😍

hehehehe eyieeee XD

" Pero why nga Cuz? " tanong ko kay Niccolo.

Aahhh. Oonga pala, Pinsan ko yun 😂😅 nakalimutan ko lang ikwento.
Magkapatid ang daddy ko at ang mommy nya. Si auntie Sheen ang mommy nya. Daddy ko naman si Anton.

" Cuz-cuz ka dyan. Tigilan mo nga ako. Obviously, Syempre. dapat lang may meeting tayo tungkol dyan sa Heartbreak issue na yan kasi pag nalaman yan ng lahat syempre kahiya-hiya. damay tayong lahat. " sabi ni Niccolo.

" Ashusss. Ayaw pa kasing sasabihin na you just simply care for Cy. Dddduuuuuuhhhh. " sabi naman ni Ellize.

" Why you care? Are you carebear?? " pagste-straight english ko para sa aking pinsan HAHAHAHA

" Wagkanga. Nakakaano ka -.- " pagsabat ni Laurence.

" Don't me. If you don't care then you not carebear. "  sagot ko.

" ANYENEYENEYEWAAH! 😤😤😤 EWAN KO SAYO BAHALA KA SA BUHAY MO. " dagdag pa ni Laurence.

" Tama na lovers Quarrel jan mga LoveDoveyBirds. ew. " pagsisingit ni Marky.
Napatingin lang kami ni Laurence sakanya.

Gusto nang pakawalan ng bibig ko yung salitang. " pakyu. "
nasa dulo na ng dila ko.
Pero biglang nagsalita si Nathan.

Ay.
Bastos. Panira ng momentum.

" Then we should get going. The quickly we solve this conflict, the problem won't last longer. " sabi ni Nathan.

Wew. Nemen. Streyt. Englesh ne nemen sye eh.

Hay. Eto na naman. Bumebwelo na ule si Ellize.
Ayan na . Ayan, na. Ayana na talaga.
Di yan papatalo.....Mageenglish din yan.

" So We ano, We uhmmm. Anooo. Us....ano....Us Go Der.  Leggo! " ang sobrang fluent na pagkakasabi ni Ellize.

Hindi ko talaga aakalain na magkapatid ang dalawang yan.
Yung isa pinaglihi sa mga libro yung isa pinaglihi sa.....sa....ano....Pwe. I too dont know also. 😂

My grammar is getting gooder already. So proud of Me. 😂👏🏻

habang napatingin parin ako kina Biel at Nathan.  Nasa isang bench lang sila pero nasa magkabilang dulo.
Di rin magkatingininan.

Ano ba.

" Kala mo naman nasa magkabilang dulo ng mundo eh. "  bulong ko.
" Maguusap kaya sila o maguusap? Abangan ang susunod na kabanata. " bulong din ni Hazel

" Omo. Tammo yang dalawang yan. 😝😝😝 nagmomoment pa talaga ha. Sandali nga ---- " sabi ni Daniel.
nagbabalak ata tong manira ng moment. 

Hinilia naman agad sya ni Hazel at piningot. " Baka masampal kita. Magtigil ka dyan. "

San ba kasi pinaglihi yang lalakeng yan, Sukdulan ng kakulitan.

Pero sandali nga. Para san ba talaga to.
Meeting meeting pa eh.

Wala namang ginagawa.
Omoygaaaaad =.=

Sandali sino yun?
Patpat?
Ay hinde.
Stick?
Ay mali.
Ahhhh.
Si Eric pang pala. Hehehehehehe.

Pero....

" Aw....." pagbuntong hininga ni Ellize.

GET REAADYY TO RAMBOOOLLLLL~
>_< patay na. Andito na ang kapatid nya.

" Ano na namang ginawa nyo -.- " tanong nya.
" aww....."
" WAGKANGA. AW KA DYAN NG AWW. PARA KANG ASKAL. =.= " sabi nya kay Ellize.

HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA PAK GANERN!

" Sapakin kita jan e. "

" Ang weirdo kasi ni Cy. Nakakatakot. Nginitian ba naman ako? di naman nya yun ginagawa tapos tahimik lang sya. ang emo. "

" Haays. Dapat bantayan mo yung kapatid mo. baka magpakamatay yun. " sabi ko.
" Kahit wagna. Wala din naman ako mamanahin dun. " pagjojoke ni Eric.

***** akward.

" Ok. sabi ko nga hindi na akong magjojoke. "

" Nakakapagjoke ka pa eh kapatid mo may problema?" sabi ni Ellize
" Ano ba kasi yun? "

" Nareject sya. " sagot ni Biel.

" Aaahh. Jusko ang tagal ko nang hinihintay ngayon lang pala nangyare. mabuti narin yun para hindi na sya umasa. Ayoko din naman sa lalaking yun eh. fucboi kase yun. Mabuti narin at natigil na ang kabaliwan nya sa lalakeng yun. "

Ay. ganun. grabe naman tong kuya na to.

pero sandale. Nasan na ba si Niccolo? aber.

Nawawala sya O.O

Nasan si Niccolo?
Pumanaw na ba sya?
Sumalangit nawa ang kaluluwa nya.

HAHAHAHA DEJK. 😂

END OF JAYE's POV

Niccolo's POV

Pucha naman oh.
Pano ko ba naging kaibigan tong mga to.
Sabi ko magtipon para magkasundo kung paano malulutas yung problema.

Pero baka akalain nyo concerned ako dun sa Cy na yon ah?!
Hoy Hoy Hoy! Hind-----..........ay.....oo......Hinde!.....p-pero......parang....s-siguro.....
Baka 😅

Pero ngayon....naawa ako sakanya eh.
O siguro...nagaalala? ano? ewan.

Pero sa totoo lang.. Bigla akong nakatamdam nang ginhawa nung......nabasted sya...
Kasi tumigil na sya sa pagasa.
Hindi ko naman alam kung anong nakita nya sa lalakeng yun at gustong gusto nya yun.
Di na uso pagpapakatanga. Huli na ata sya sa balita, walang nagpaalala.
At para naman sa lalakeng yun. Gago sya. Sana mas binaitan man lang nya ang pambabasted.

Ewan ko ba. At least ngayon nagkaalaman na.
.........bakit ako masaya????.........

may gusto ba ako sa Lucas na yun? 😂😂😂😂👏🏻👏🏻👏🏻
Dejk.

Bahala na nga. Nasan na ba yung babaeng yun?!
Baka mamaya kung anong mangyare dun????!!
Nagpakamatay na kaya yun?!
Nakidnappp?
Naholdap?
O tuluyan nang bumalik sa planeta nya.

Maalin lang dun.

Habang naglalakad ako, Nakita ko sya bigla.
Ayun tamang tama! tatawagan ko pa sana sya eh. Sayang pa load ko. Tsk.

" HOY! Hinahanap ki------ " sigaw ko pero naudlot...

paglingon nya sakin.....nakita ko.....pumatak yung mga luha sa mata nya......

=.= Kailangan talaga umiyak teh?

" Ang panget mo talaga. Kadiri ka. Tumutulo na yang uhog mo oh. Mahiya ka naman. "  sabi ko.

Hinili ko sya patayo. Tapos tumingin lang sya sakin.

" O? Hindi mo ba ako aabutan ng panyo? Ganun yung mga lalake sa pinapanood ko eh. " sabi nya habang naiyak.

natawa naman ako.

" Ano ako? Hilo? Bat ko hahayaang singahan ang panyo ko? Kadiri ka talaga. Punasan mo yang sipon mo. "
sagot ko naman.

Ano ba tong babaeng to. Walang manners.
Sisinga nalang kailangan pa talaga panyo ng ibang tao?
Sya ba ang maglalaba?

malagkit ang sipon teh, Minsan kulay green, yellow, yellow green o minsan transparent, Tas ipapahawak mo sa ibang tao? kadiri.

" Walangya ka talaga 😭 ".          " Your welcome. " sagot ko.

Pero hindi ko alam. natawa sya. Pero kitang kita ko parin malungkot sya. sa mga mata nya palang....
Ganun ba talaga nya kamahal yung lalakeng yon?
Ginayuma ba to?

Hinila ko sya.
" Oyoyoy. San mo ko dadalhin ha? " sabi nya.
" Sa palagay mo may advantage kung ano mang gagawin ko sayo? Magtigil ka nga jan. Ang dumi ng utak mo. "

Dinala ko lang naman sya sa malapit na ice cream house dun.

pero umiiyak parin sya. Tapos pag tinignan ko nakatulala. parang baliw.

Ayaw ko syang nakikitang nagkakaganyan.....

" O. Tumahan ka lang. Ililibre kita ng ice cream. " sabi ko.
" Ang bait mo ahh? pero salamat nalang. Hindi ko kailangan ng ice cream para maibsan yung sakit. Hindi kaya ng ice cream tapatan yung lamig nya. Pag ako ba kumain ng ice cream sasaya ako? Mabubuo ba ulit yung nadurog kong puso? kakayanin ko ba magmahal ulit? Hinde! " sigaw nya.

NAKAKAHIYA KANG BABAE KA. ANG INGAY MO. ANG LAKAS NG BOSES MO BWISET KA.

" Ganun mo ba sya kamahal? " natanong ko. O shit. bat ko ba tinatanong? pake ko.
" Oo. Ganun. Akala ko kasi kakaiba sya.....may nakita akong kakaiba sakanya. May naramdaman akong hindi ko pa nararamdaman sa iba. Mahal ko sya, Wala syang mahal na iba, Bakit kaya hindi nya ako maggawang mahalin? Hindi nya ako pinaasa. Yuh na yung masakit, Kasi heto ako umasa parin sakanya kahit alam kong wala talaga. Sinayang ko lang eh. Pero bakit ba mahal ko sya?......"

bakit ako nalungkot?
Ano ba tong nararamdaman ko.

" Tanga ka nga. "  mahina kong sambit.

naramdaman ko nalang yung lumilipad na kutsara na nagsusummersault papunta sakin.

ARAY*

" Ano ba?! " sigaw ko.     " Narinig kita ah! Sakit naman nun grabe ka. Pero......siguro nga.......oo. Alam ko naman eh. Pero alam mo ba....pinigilan ko? " sabi nya.

" Wow ha. Hindi halata. "

" Kaso siguro...Ganun lang talaga. Nagmahal ka, edi natural masasaktan ka. "

may nagmamahal naman kasi sayo....di mo lang nakikita.

" Kailan ba yan nagsimula? paano? "

" Mahabang kwento. At hindi ko pa siguro kayang ikwento. " sabi nya.       " K. "

" Ano nang gagawin ko ngayon? Sobrang sakit kasi.....kakayanin ko pa ba magmahal ulit? " tanong nya.

Wow. ang lalim naman ng pinanghuhugutan neto.

" Naiintindihan ko yung sakit na nararamdaman mo. " sabi ko.
" Sira! Ang dami mo rin na pinaiiyak na babae nuh. Wag mo nga ako pinaglololoko. "

" naman. May mahal din kasi ako....ayos lang sakin kung hindi nya ako mahalin pabalik.....pero alam mo yung masakit? " sabi ko..

" Bagong tuli? Diba masakit yun? "

tangina naman oh. Nagdadrama ako dito tapos biglang pagtutuli?
leche.

" Seryoso ako....Sobrang sakit.."
" ang alin? "

" Yung makitang nasasaktan ang taong mahal mo. " sabi ko.

Tumingin ako sa mga mata nya.....tumigil yung tibok ng puso ko....

Nakita ko pumatak yung luha sa mata nya.

" O? Bakit ka umiiyak? " tanong ko.
" Kase......Ramdam ko kung gaano ka nasasaktan. Ramdam ko kung gaano mo kamahal yung tao na yun. " sabi nya.

......kung alam mo lang kung sinong tinutukoy ko.....
kung sinong tinitibok ng puso ko.....

kadire XD ang korny.

Napangiti nalang ako.   " Talaga? sa palagay ko hindi " sabi ko.    " Awts. Talaga? " biro nya.

" Eh....paano mo sya naggawang hindi mahalin? "
" Aaaahh yun ba? " tanong ko.

" Oo! Daliiiiii. nagkakainteres tuloy ako sayo nyan. "

Aba! baka magkagusto ka sakin nyan ah?.
gegege. pagpatuloy mo lang HAHAHAHAHAHAHA

Pssst. Niccolo. Awat. Aasa ka na naman nyan eh.

" Ipangako mo muna na hindi ka na iiyak dahil sa lalakeng yun. " sabi ko.
" Mahirap ipangako.....pero susubukan ko. " sabi nya.

" Sa totoo lang. Hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano ko sya hindi mamahalin. Kaso hindi ko maggawa eh. Paano nga ba? Kaya ko kaya? Kung kaya ko lang.....matagal ko nang naggawa.....Kaso wala. Mahal ko parin eh. Makakayanan mo lang naman gawin ang isang bagay kung gugustuhin mo e. "

bigla syang natawa..

" O? Bakit mo ako tinatawanan?.. " tanong ko.
Mukha ba akong nakakatawa =.=

" Hinde.....edi tanga ka rin pala 😂 " sabi nya.

natawa din ako.

" Oonga no...Hahahahahahha pinaalala mo pa eh. "

" Pwede mo ba akong tulungan? " sabi nya.

Ha?
Nakikiusap ba to?

" May iba pa naman tayong kaibigan aahhh dun ka nalang magpatulong, baka mamaya di ko kaya...." sabi ko

" Gusto pa kitang mas makilala. At alam ko, ikaw lang ang makakatulong sakin... "
" Ano bang tulong yan? "
" Move on. " sabi nya.

" Deal. " sagot ko.

kaso......paano kung mas mahulog ako sayo?
Sasaluhin mo rin ba ako?
Bakit ayaw kong magmove on sayo?
hayst.

Ikaw yung babaeng tinutukoy ko.

" Pag ikaw nakamove on, Sasabihin ko sayo kung sino yung babaeng tinutukoy ko. " sabi ko.
" TALAGA. SIGE! :) " sabi nya.

dunating na yung ice cream.
Akin lang,
nagiinarte sya kanina eh. ayaw daw nya. edi wag.

Tapos may bata sa labas na nahingi ng pagkain.
Tumayo si Cy. Bumili sya ng ice cream tapos lumabas.

Aba bastos to ah. iiwan ako?

pero nakita ko sya.....binigay nya sa bata yung ice cream....tapos nginitian nya.

Alam ko na nasasaktan sya sa mga itas na to... pero humhanga ako sakanya kung paano nya nagagawang ngumiti.

pag balik nya tumayo na ako.  Tapos bigla nya akong niyakap.

.
.
.
.
MANYAKISSSSSSSSSS
.
.
.
.
" B-bakit mo ako niyayakap? " nauutal kong tanong.
" Salamat. 😊 salamat sa pagiging kaibigan ko ngayon. Pinagaan mo ng sobra ang loob ko. Di ko akalain na yung lalake pang tulad mo ang makakatulong sakin. "

that ' Salamat sa pagiging kaibigan ' tho.

aray :^[ ansaket. Friend lang pala. Aasa pa sana ako eh.

" Oona. Bayaran mo nalang ako. " sabi ko.
" Amp?mukhang pera jusko! Jan ka na nga! " sabi nya.

Nauna sya lumabas pero sinundan ko sya.

Nakita ko na may lalakeng sumalubong sakanya.
" Uy! Long time babe~ " sabi nung lalake tapos bigla syang niyakap.

💔 Anong babe?
BABE???
TAMA BA YUNG PAGKAKARINIG KO?!!!BABE. 😡😡😡😡😡😡😤😤😤😤😤😤

Papalapit ako nang bigla ko syang nakitang itulak yung lalake.

" Snobber mo naman. pahard to get ka pa eh. "  sabi nung lalake.

pero bakit tumawa pa si Cy?
baliw ba to?

lalapit na sana ako nang bigla nyang sapakin yung lalake.
napaupo yung lalake dahil sa lakas nung pagkakasuntok sakanya.
sabi na nga ba eh, lalake XD

tapos bigla nya akong tinawag.
" Uy! Tara na. Haaayst. Period ko eh. magpapalit pa ako ng napkin, samahan mo ako bibili pa ako ng pads. " sigaw nya ulet.

HINDI BA TO NAIILANG SA MGA PINAGSASASABI NYA.......kadiri.

pero nung nakatalikod sya nakita ko yung lalake bababatuhin sya nang bato.

" ALIS! " sigaw ko sakanya.
agad akong tumakbo para maiilag sya.

ako yung tinamaan. Pero wala na akong naramdmaan. nadala narin siguro ng pagkabigla.
hahabulin ko pa snaa yung lalake pero pinigilan ako ni Cy.

" Sabi kasing wag kang lumayo sakin, mamaya napahamak ka pa. " sabi ko pero nakatingin lang sya sakin.
" Di ka man lang magpapasalamat? " sabi mo. pero nakatingin parin sya.
" Saang tae ba hinulma yung lalakeng yun? hahahaha " pagbibiro ko pero di effective. nakatingin parin sya.
" Sobrang gwapo ko ba para tignan mo ako ng ganyan katagal? " sabi ko pero bigla nyang hinawakn yung ulo ko.

" Niccolo? dumudugo?!! " sigaw nya
ha?
dugo?

Hinila nya na ako agad. Pumunta kami sa bahay nila.
Dinala nya ako sa salas.

Ays. Bakit hindi pa sa kwarto nya? HEHEHEHEHEHE JOKE LANG.

" Nagaalala ka ba? " tanong ko sakanya habang lumapit sya sakin nang may dala na bandage at panglinis ng sugat.
" Aba? Hinde Hinde. Syempre Oo! mamaya mamatay ka nyan ako pa masisi. " sagot nya.

Ang cute nya na matense. Hahahahaha
pero bakit wala akong maramdaman na sakit? parang natutuwa pa nga ako eh. kasi  malapit sya sa tabi ko.

" Teka teka. marunong ka ba nyan?, baka lalo akong maubusan ng dugo. " sabi ko.
"tiwala lang. o medyo masakit to ha. tiis lang. " sabi nya.

Nilinis nya muna yung sugat ko tapos dinampian nya ng betadine at tinakluban ng bandage.

" Ayan. ayos na. Peede ka nang lumayas. " sabi nya.
" Ang sama mo naman. " sabi ko.
" I know right. "  sabi nya
" Che. Pano ka magkakaboyfriend nyan? " pagbibiro ko.
" Wala Akong Pake =.= Bwiset ka. pinaalala pa e. Saka, makakain ba yun? Di naman diba? wagnalang. " sabi nya.

Makakain...
makakain.....
kainin...
HALA PUTA NAKAKABERDE XD

" May makakain ka kaya dun, yung ano-😂😂😂😂😂 " sabi ko. If you know what i mean. medyo nakakagreen.
" YANG BUNGANGA MO ANG BASTOS HA. GRABE. WALANG MANNERS. " sigaw nya.
" gusto mo ng makakain e. " patawa kong sambit.

" Lalayas ka o isasampal ko sayo tong lamesa. " sabi nya.

" Oona. Sige aalis na ako. "
" Papahatid na kita kay manong ahh. baka ano pang mangyare sayo. Bye na aahh. magpahinga ka. " sabi nya.

" Bye. 👋🏻 " sabi ko.

Nakalabas na nga ako ng gate nang bigla nya akong hinabol. Sumigaw sya kaya natigilan ako.

" Sino na ngayong mamahalin ko?! " tanong nya.

Ako. Mahalin mo na kasi ako. Mahal rin naman kita. Para kwits lang tayo diba? tapos manliligaw ako sayo tapos sasagutin mo ako tapos pag nagtagal tayo mga 12 years papakasal na tayo tapos magkakaanak tayo tapos palalakihin natin sila na magkasama tapos sabay tayong tatanda na masaya dahil magkasama tayong dalawa. OO TAYONG DALAWA LANG BAWAL UMEPAL ANG IBA. heheheheehehehe

syempre sabi yan ng konsensya ko....
Ay hindi lang pala konsensya ko. Pati puso ko.
kaso...ayaw lumabas sa bibig ko.

Nginitian ko lang sya.

" Wag na muna. Ipahinga mo muna yang puso mo. Hayaan mong may Magmahal sayo, hindi yung puro ikaw ang nagmamahal . " sabi ko.

at umuwi na nga ako.

sana pala  matagal na syang nabasted para nagkaganito agad. XD dejk.
sorna.

END OF NICCOLO's POV

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top