Chapter 26


ELLIZE's POV

Nasa kotse na kami ni Nathan pauwi.

At hanggang ngayon naiinis parin ako dahil sa ginawa nya.

Bakit ba kasi ganun sya?

Oo sige. Sabihin nating ' Love is sacrifice ' pero diba Pag mahal mo ipaglalaban mo lalo na kung di pa talaga nagsisimula yung laban?

Tahimik lang akong nakaupo nang bigla akong kinulbit ni Nathan

" Galit ka ba dahil dun sa ginawa ko ? " tanong nya

" Alammo little brader may ikekwento ako sayo. Alamat ng Gago. Isang araw may lalaking gago na nagkakagusto sa isang babae. Kaso yung babae may ibang gusto. Kaso dahil gago sya. Hindi nya pinaglaban yung nararamdaman nya. Hindi man lang nya sinubukan. Sumuko agad sya. Kaya ang ending. Ayun. Gago parin sya. " sabi ko

" Malay mo, yung si Gago na yun, ay hindi naman talaga sumuko, hindi naman talaga sya naduduwag kundi Nagparaya ang tawag dun. Hindi nya sinubukan? samantalang araw araw nyang ginagawa ang lahat para dun sa babaeng gusto nya. Alam nya kasing kahit naman maging sila pero iba yung gusto nung babae, wala ring mangyayari, Hindi yun Alamat ng Gago, Alamat yun ng Matalinong Puso. "

" HEH MAGALING KA LANG MANGATWIRAN E. " sabi ko at tinuktukan sya

" I won't regret letting go of the hand I held before, and if i would ever change my mind? I won't regret anything i did. "

" Kahit naman ganto ako magsalita, kapatid mo kasi ako. Inaalala kita. Paano ka na? "

" Edi ayun. Secretly i will send her to him. Hindi lang naman si Cy ang iniisip ko, pati narin si Niccolo. He is my friend, eh diba ang magkakaibigan sinusuportahan ang isa't isa. "

" Ewan ko sayo. But sorry if i can't do anything... " sabi ko

" Ikaw talaga ang panget mo magdrama. " sagot nya

" Ah panget ako? ginagaya lang kasi kita. " pananarkastika ko.

kaya naman natawa na kaming dalawa.

Hay nako ang peke ng ngiti.

" Sasabihin ko pa ba to sa barkada? malaiban sainyong nakakaalam na, syempre... maliban kay Cy.... kay Niccolo, ako na bahala magsabi. "

" Oo, kailangan mo din siguro. Mahirap yan sarilihin eh. Saka iba pa din pag lalaki sa lalaki. Kita mo naman kaming mga babae kanina, kulang nalang balatan ka ng buhay. Di ka namin kinomfort. Minuta ka lang namin. hehehehe " sabi ko

" Sige. Tawagan ko nalang sila mamaya. "

" But will you not really let Cy know? " tanong ko

tapos biglang may tumawag sakanya.

" Sino yun? "

" Secret. "

" Bakit daw? "

" Secret. "

" CHE. "

" Manong sabi ni papa ibaba daw natin si Ellize dun sa Centre Stadium malapit dyan sa kanto. " sabi nya bigla


tapos itulak ba naman ako palabas saka agad umalis.

putahabnida ka ng slight Nath.

Matapos kita damayan eto igaganti mo.

pero biglang nay nagtext sakin

' Pumunta ka na ng stadium. Putang ina mo pag hindi. '

ABA BAT AKO MINUMURA NG PUTANG INANG TO.

' Ayoko. Sino ka ba. Mamaya rapist ka. '

' Wagka magalala, kung rapist man ako, marunong naman akong mamili ng rarapin at hindi ikaw yun. Safe ka sakin. '

' Aba puta. Nangiinsulto pa. Oona. Papasok na. '

Sino naman kaya to. Mukha namang hindi si papa nagpapunta sakin e.

Pagpasok ko unti unting nagbukas yung mga ilaw.

Ahhh. Edi hindi to rape. Maliwanag e. Tapos maluwag.

Kung rape to edi sana madilim tapos liblib na walang makakarinig hehe

naglalakad lang ako papunta sa unahan hanggang sa nakita ko yung lamesa namay remote.

' Pindutin mo yung green button. Sabi ko yung green. Wag stupid. '

may nakalagay pang note.

ABA ANONG AKALA NETO SAKIN UTAK MUNGGO AKO.

ABA BASTOS TO A.

naiinis kong pinindot yung remote tapos biglang nagsimula magplay yung nasa projector.

Mukha ni Eric.

HA ANO.

BAKIT PAGMUMUKHA NYA

AY SPG OMYGAD

ANO TO.

BAKIT MUKHA NYA

ANG PANGET
ANG PAYAT

EWW

PAKIPATAY PLEASE.

" unang una sa lahat. Wag mo tong papatayin kasi mahirap tong gawin. " sabi nya sa video

okay HAHAHAHA

" Kesa naman babuyin mo ko sa personal, Video nalang para masaya. "

puta naman ang dami pang sinasabi ano ba kasi yun.

" Saka mahirap pag personal. Edi tayong dalawa lang dito, mamaya i-rape mo pa ako. Mahirap na. "

ABA ANG BABOY NAMAN NITO

" Alam mo namang napakagwapo ko diba. "

Puta papatayin ko na to. Napakawalang kwenta pala.

" Madaming babae ang pinagnanasaan ako. "

SPELL WALA AKONG CARE.

" Napakaswerte mo kasi nageffort ako. "

" Gusto ko lang sana sabihin.... "

tapos medyo nawala yung tingin nya sa camera.

" pssssaat anuna! sayang battery ko gago bilis! " sabi ng isang pamilyar na boses. Halatang halata kay Daniel

" HAHAHA uulitin ba natin? " sabi uli ng isa pang pamilyar na boses na halatang halatang kay Mark

" Sigena uuwi na ako. Wala kayong kwenta kasama hmp.Sabi nyo manonood tayo ng ano e. Hindi pala"
hard na sambit ni Niccolo

" ITAPAT NYO SAKIN READY NA AKO. BILIII " utos ni Eric dun sa video.

" Ellize tutal naman parehong nagsisimula yung pangalan natin sa letter E... "

ay puta ano bang pinagsasasabi nito. Anong kinalaman ng pangalan naming nagsisimula sa letter E.

Nakadrugs ba to.

Papatokhang ko na to.

" gusto kitang kapartner sa prom. Wala sa bokobularyo ang salitang No. Kaya ako na ang nagsasabi. Ikaw ang kapartner ko. Okay! "

nagulat ako bigla.

Tapos namatay na yung video.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.

" Eric! " pananawag ko sakanya ng pauilit ulit.

Ang dami ko gustong itanong.

Gusto kong itanong kung ano bang kulay isusuot nya. HAHAHAHA para parehas kami puta HAHAHA
kung anong oras nya ako susunduin.
kung anong oras nya ako ihahatid pauwi.
kung marunong ba sya magmake up.

HAHAHAHAHA

at kung bakit ako......

tapos biglang may nagplaypa na isa pang video.

Ay di pa pala tapos. HAHAHAHAHA

" Ay oonga pala. Ellize pakipatay ng mga ilaw dyan ha? Hehehe dun sa likod ng stage mo patayin. Wag mong sunugin ang buong stadium ha. Tapos wag kang magkaklat dyan. Tapos idaan mo nalang samin yung projector ko ha. Yung remote wag mong iwawala. Babay. "

wow. nagbilin pa.

makatarungan ba naman yung ikaw na nga yung papupuntahin.

ikaw pa yung pagliligpitin sa kagagawan nya.

So ok din naman.

Pero malamang naman ang mangyayari ay tulad dun sa mga palabas sa tv.

Kunware wala si boy pero yung totoo may surprise lang sya sa labas hehehe

Hay nako Eric. magpapanggap nalang akong nashock ako.

Sige magwawait ako dun sa pasabig mong yon.

Kasi halos magiisang oras na wala parin akong napapala o nahahagilap na Eric.

" PUTA TALAGA WALA KANG KASING SIRAULO ERIC!!! " sigaw ko nalang

Inayos ko na ang lahat saka binitbit lahat ng katarantaduhan nya pauwi.

Paglabas ko biglang may kumulbit sakin.

" PUT---- "

" Ako to. " sabi ni Eric

" GAGO. GAGO. GAGO. GAGO. PROMPOSAL BA YUN? WALA AKONG CHOICE? TAPOS KAPAL MO AKO PA PINAGLIGPIT MO! "

" Hehehehe kasi naman alam kong malalate ako. Nanggaling pa kasi ako dun sa appointment nung direktor. "

" Huh? "

" Diba dati? magaaudition na sana ako kaso ayun nga mas pinili kita. Ngayon binibigyan nila ako ng second chance. Bwehehe. " masayang sambit nya

" TALAGAA?? CONGRATS!!!! SUPPORT AKO KAHIT SUPOT KA! WOWWWWW YESSSSS HAHAHA KAYA MO YAN GALINGAN MO HA. SURE NANG MAKUKUHA MO YUNG ROLE!!! " masayang sigaw ko

tapos nagtatalon ako

" WAG KANG TUMALIN BAKA MALAGLAG PROJECTOR KO MAHAL YAN! " nagaalalang sigawnaman nya sabay kinuha sakin yung dala dala ko.

" hmppp. Feeling ko Eric ako yung lucky charm mo HAHAHA " sabi ko habang naglalakad kami.

Hooo feelingera ko diba HAHAHA

" Hahahaha siguro nga. Wag kang lalayo sakin ha. " sabi nya kaya nagkatingonan nalang kami.

okay ang akward.

" Bakit ako ang pinili mo. "

" Kasi ewan ko. Ikaw yung naiisip kong maging kapartner sa prom eh. Walang ibang babae na sumagi sa isip ko tuwing pinaguusapan. Siguro nga tama ka. Baka nga ikaw ang lucky charm ko. " sabi nya na napangiti

" Binibro mo lang--- "

" Hindi ah. Seryoso ako. " sabi nya

" Eh bakit walang spark. " nakakalokong tanong ko sakanya HAHAHA

" Kumuha ka ng tinidor, isaksak mo sa outlet. Ewan ko nalang kung di ka makakita ng spark. " sabi nya

" Sus. Ang kagwapuhan mo kaya parang forever. " banat ko

" Pangmatagalan? " tanong nya

" Syempre hindi. Walang ganun. " pambabarang ko

at tumakbo habang natawa HAHAHAHAHAHA

tapos bigla syang tumigil.

" Ellize....seryoso ako. Alam mo ba kung sino nagmamah-ari ng puso ko? " seryosong sambit nya habang umawak sya sa kamay ko. Saka lumapit sakin.

" MALAMANG SAKIN EDI KUNG HINDI NAMATAY AKO HAHAHAHAHA " sabi nya at naunang maglakad.

" Ay ganun? pakihintay nalang ng pake ko. Natraffic yata sa Mars. " sagot ko

kaya nagtawanan nalang kami.

May pizza parlor dun tama. Kaya pumasok muna kami para kumain.

" Ellize, bakit parang malungkot si Nathan? " tanong nya sakin habng naghihintay kami ng order

" Nako. Sya nalang magsasabi sayo. Kailangan nya kayo ngayon. " matipid ko namang sagot.

tapos medyo nilangaw na naman yung convo namin. HAHAHA naubusan na yata kami ng paguusapan HAHAHA

kaos biglang umepal ng tawag si Mark.

dahil epal din ako HAHAHA pinindot ko yung loud speaker

" O baket? " tanong ni Eric

" RICC TULONGG "

" BAKIT SABI "

" Susungkitin ko ang lahat ng bituin para sayo~ "

" Aba puta aanhin ko naman ang mga bituin na susungkitin mo. "

galit na sabi ni Eric at pinatay ang tawag.

tapos kumain kami ng pizza.

" Eric...siguro may gusto ka sakin. " sabi ko

tapos bigla syang nagsmirk.

ang dugyot nya magsmirk.

yung para bang ang dugyot.

tapos ang akward ng atmoshpere.

............

" Eh ikaw ba, Ellize may nagugustuhan ka na ba? " tanong nya

" Ewan ko. baka. siguro. wala. HAHAHAHA " nakakalokong sagot ko

" Ang stupid mo naman sumagot. "

" Aba. lul. Eh ikaw? "

" Hahahaha wala pa naman akong nililigawan eber. "

" Pero alam mo Eric, siguro kung ako magkakaron man ng lovelife. Syempre mas gugustuhin ko yung tipo na pang matagalan, yung una at huli. Diba kasi parang ang saya lang nung ganun.. kaso aware akong walang perfect relationships. " paglilitanya ko.

" Eh bakit, Ang love kasi masyadong delicate. Imbis na kiligin, dapat nga matakot pa. Kasi once na dumating yan, hindi mo mapipigilan ang sarili mo. Kahit anong pagdedeny mo. Kaso kung gaano ka kayang pasayahin ng love, mas kaya nun doblehin pa yung sakit. Perfect Relationships do exist. But being too perfect causes love to end. "

" eh wala naman akong dapat ipagalala HAHAHAHA wala namang may interes sakin ehh. "

" Bakit ba ganyan ang tingin mo sa sarili mo? masyado mong dinodown ang sarili mo. " sabi nya

" Kasalanan ko bang masyado kang confident sa sarili mo. " saad ko HAHAHAHA

" Kasi kailangan ko yun para matupad yung mga gusto ko. Kailangan ko ng confidence para ipakita sa ibang tao na kaya ko. "


" Gusto mo ba talaga yung acting? "

" Uhmm. More than gusto. HAHAHA kasi passion ko na to. Alam kong hindi magiging madali, Tapos yung ibang tao hindi pa ako pagkakatiwalaan. Pero hanggang alam kong may mga taong naniniwala sakin, Masaya na ako. "

" Well pinapabilib mo ako ngayon Mr Eric. " sabi ko

" Teka nga, this is not about me. iniiba mo usapan e! ang gusto ko lang sabihin bakit ba masyadong mong dinodown ang sarili mo! sa palagay mo lagi walang magkakainteres sayo, walang may pake sayo. Malabo lang talaga yata yang mata mo. Meron kaya. " sabi nya

" Sige nga? Eh sino? "

" ako. "

.
.
.
.
.
.

Hinihintay kong sabihin nyang joke lang yun.

" Hindi ako nagbibiro. Hindi rin ako nagmamadali. Oo, palagi kitang tinitrip but that doesn't mean na ayaw ko sayo. Hindi ko to matatawag na love sa ngayon, pero willing ako subukan. Hindi pala subukan, Willing ako ituloy tong nararamdaman ko. "

" ERIC ASDFGHJKL GAGO KA BA. BAKA NAMAN NAGDADRUGS KA. HINDI KITA ISUSUMBONG KAY DUTERTE BASTA TIGIL TIGILAN MO NGA AKO. "

" Ok. " simpleng sagot nya tapos tumahinik nalang sya bigla.

bumilis na sya bigla maglakad.

teka naman kasi, nagpoporcess oa kaya sa utak ko haller.

Lagi nya lang kasi akong tinitrip kaya nakakaulol na.

Hindi ko madeteemine kung alin ang biro kung kailan sya nagseseryoso kaya pasenysa naman.

Kaso ano ba yung sinasabi nya....

Interesado ba talaga sya sakin?

hindi ko lang masabi pero gusto kong maniwala.

At yun ang ikinakatakot ko, baka maniwala agad ako.

tapos sasaluhin nya ako. Kaso alam ko madami pa syang gustong tuparin.

Mahalaga ang pagkakaron ng career para sakanya.

Kaso yun din ang magiging dahilan ng struglle para sa aming dalawa.

Baka kasi hindi magwork...Baka masayang....

tapos kakaisip ko may nakabunggo tuloy ako.

ay ang epic T.T

" Ellize lumapit ka kasi sakin! ano bang pinagiiisip mo dyan. Wag mo masyado gamitin utak mo, baka maexpire agad. " pagsusungit nya

tapos sumakay na kami ng taxi pauwi.

kaso seryoso lang sya T.T mukhang naoffend nga sya huhu

" Bayad po, manong. " sabi nya tapos bumaba narin ako.

" O? hindi ka ba magbabayad? kalahati lang yung binayad ko. Alangan namang bayaran kita. Ano ka? chix?"

" OONA ANG HARD MO NAMAN SAKIN HMP. Manong bayad po. "

akala ko makakalibre na ako. pffffffft.

" Pero Ellize. kahit inachara mo ako kanina. Ikaw parin ang partner ko sa prom. Saka nakakainis ka. goodnight. " sabi nya

" aba. bakit ako nakakainis. "

" Nakakaputa na ha. Akala mo ba sa lahat ng oras nagbibiro pa ako? hoy. seryoso ako. "

" sorry na ehehehehehe "

" Hehe mo yang mukha mo. Sige na, pumasok ka na sa inyo, goodnight na, wag ka nang magpuyat. Ang laki ng eyebags mo. "

Nadamay pa ang nananahimik kong eyebags :(

END OF ELLIZE's POV

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top