Chapter 25
NICCOLO's POV
Naglalakad lakad lang ako ngayon mag-isa.
Syempre kasi hindi ako dalawa.
naglalakad lakad lang ako sa campus nang madaanan ko yung mga Junior Year sa pagshooshoot ng movie project nila.
" I HAD THE BIGGEST MISTAKE OF FALLING IN LOVE WITH MY BESTFRIEN---- "
Wow ang ganda naman ng pambungad sakin.
Nakakakilig talaga kaya bago pa man matapos nung babae yung linya nya
DUMAAN AKO SA TAPAT NG CAMERA KAYA KAILANGAN NILA ULITIN YUNG SCENE NILA.
tapos napadaan naman ako dun sa isa pang group.
" Bestfriend mo lang ako! "
ANO BA
NANANDYA BA.
Bakit ba lahat nalang ng magbestfriend nagkakagustuhan ha?
SO ANO YUN.
Susi ba ang pagiging magbestfriend para maging Magjowa? ha? ganon?
Eh ano bang pakialam ko sa mga magbestfriend na nagkakainlovan?
diba wala.
care of me of what.
Ang mahalaga magaling ako magenglish.
At mas magaling ako kay Nathan.
Hindi naman sa nagyayabang pero mas gwapo ako kay Nathan.
Mas ma-appeal din naman ako kay Nathan.
Mas cute pa ako din ako kesa kay Nathan.
Mas may ilong din naman ako kesa kay Nathan.
Mas magaling din ako magbasketball kesa kay Nathan
Hayst. Nalamangan nya lang ako pagdating sa katalinuhan.
ok sige, pati narin sa height leche.
wala eh.
Bakaw siya.
Nung nagpaulan ng katalinuhan at katangkaran sinalo nya lahat.
Nalate ako ng dating eh. Sayang diba?
Almost perfect na sana ako. hays.
Hanggang sa nagsimula nang umulan.
At mukha ba akong may dala na payong diba.
At kesa tumakbo at sumilong na tulad ng ginagawa ng iba,
Ako dere deresto lang para maulanan nalang ako.
Para magkasakit ako para hindi ako papasok ng school,
diba.
my brain is healthy ( taba ng brain )
hanggang sa bigla nalang mya payong na sumulpot kaya nagulat ako.
" AY PUT--- "
" SIGE. ITULOY MO. IHAHAMBALOS KO TONG PAYONG NA TO SAYO. "
" O. Bat ka andito Cyrille. Bat di mo yata kasabay si Nathan, Anong meron. " walang kaganang ganang sambit ko.
" Sabi nya kasi mauna na raw ako, Badtrip ka yata ahh. Hehehe bat full first name ko sinabi mo, pwede namang Cy, nagsasayang ka ba ng laway HAHAHAHA "
" ah ok. "
ewan ko.
basta wala ako sa mood.
" Uy ilong ranger?! okay lang ba yang ilong mo? bat you is silent. Cellphone ka ba. HAHAHAHAHAHA " pagbibiro nya.
kaso tinignan ko lang sya.
"HAHAHA..HAHA....HA.....ha......ok joke. " sabi nya
" Umuwi ka na. " sabi ko
" Ihahatid kita sa sasakyan nyo. Wala kang payong baka magkasakit ka nyan. "
sabi nya sakin ng seryoso.
" Bahala ka. "
at habang tahimik kaming naglalakad biglang tumawag ang driver namin sakin at sinasabing di daw nya ako masusundo.
Dahil malakas ang signal at capacity ng tenga ni Cy syempre narinig nya.
" Yehet~ SAKTOO. sabay na tayo magcommute tara daliiii " sabay nya ako hinila papunta dun sa antayan ng jeepney.
" Safe ba dyan. "
" Baka may magnanakaw dyan. "
" Baka may hostage. "
" Baka lasing yung driver. "
" Ikaw nalang. Magtataxi ako. "
sunod sunod kong sambit
" Sabayan mo na ako please. "
" First time ko kaya to. "
" Ikalma mo yang ilong mo. Ako bahala sayo. Basta tandaan mo. Pag may tumigil na jeep SAKAY AGAD. This iz Sparta ang peg dapat! kasi mahirap na sa kalaban. " seryosong sambit nya,
Maniniwala ba ako dito. Mukha syang nagjojoke sa mga sinasabi nya
hanggang sa biglang may dumating na jeep at kulang nalang magkaron ng stampid.
kaya pala this is sparta daw
" HAAAY ANO NA BAT KA NANONOOD TARA NA! " sigaw nya at sabay ako hinatak.
Kaso ang daming nanunulak sa likod,
" PUTA MAGHINTAY NGA KAY--- " sabi ko sabay sila inambahan ng suntok kaso bigla nya ako piningot papasok.
" A-A-ARAY KO NAMAN! " naiinis sa sambit ko.
hanggang sa umandar na yung jeep.
Inabot nya bigla yung bayad, " Manong bayad po. "
" Estudyante? " tanong nung driver
" Hindi hindi, Trabahador po kaming naka school uniform --- " kaso biglang sumagot si Cy,
" Opo manong. "
" Hoy ilong wagka nga managot. "
" Dalawa?" tanong uli nung driver
" Opo, isang pangit at isang gwapo. " sagot ko
" ANONG GWAPO? MYGAAAAWD " pagrereklamo naman nya
" Saan ang baba? " tanong pa nung driver.
" Sa gitna po ng kalsada para patay ako tapos makukulong kayo. " pamimilosopo ko pa
napafacepalm nalang si Cy.
" Saan galing tong bente? " tanong pa nung driver uli.
Para palang iniinterview dito di ako informed.
" Sa bulsa po. " naiiritang sagot ko na.
" MANONG PASENSYA NA PO TALAGAA SA KASAMA KOSorry po " sabi ni Cy at bumaba ng jeep.
so ano yun? maiiwan ako dito ganun?
" Hoy. Tara na, maglalakad na tayo. "
" ABA BAK--- "
kaso kinaladkad nya na ako.
" Bitawan mo nga ako! baka malipatan pa ako ng mga germs mo. " sabi ko
" Ano ba. Ang init init ng ulo mo. Bakit ba. Nireregla ka no. "
At hindi ko na sya pinansin.
pero sinundan ko nalang sya maglakad.
Ay grabe. Ang bagal nya talaga maglakad. Nalakabwisit. Gustong gusto ko na umuwi.
Kung nagtaxi lang sana kami edi kanina pa sana akong nakauwi diba.
Pwede naman syang maglakad pauwi kasama yung Nathan nya. TSK.
Nagmasid masid nalang ako sa paligid habang naglalakad nang bigla syang sumigaw.
Nauna na pala ako.
" Teka! Pahintay! Sandali lang! "
Lumuhod muna sya ng bahagya at pinisil pisil yung paa nya.
Tapos parang kumikirot yata yung paa nya.
" O tapos hindi mo naman palay kaya maglakad. Aalis-alis ka ng jeep tapos hindi mo naman pala kaya. Kung nagtaxi tayo edi sana kanina pa tayo nakauwi! " sinermonan ko pa sya.
" Pasensya na... " mahinang sambit nya at ngumiti ng konti habang nakatungo.
biglang may tumawag sakanya.
Pero halata namang si Nathan yung nasa linya ehh.
' Oy piglet. Okay ka lang ba? Kasama mo ba si Niccolo? '
" Oo hahaha, Okay lang ako. "
' Sige bye na ha, ingat kayo pauwi. '
tapos namatay na yung tawag.
" Sige tara na " nakangiting sambit nya.
Naglalakad na ulit kami kaso bigla nalang syang lumuhod uli.
" O ano na nama--- "
" Hindi, hindi wag mo na ako pansinin. Sige umuna ka na, natatanaw pa naman kita ehh, sususnod nalang ako sige na. " sabi nya
Ano ba kasing problema nya.
" Ipaputol mo na nga yang paa mo. Wala namang silbi tsk. " bulong ko sa sarili ko.
tapos bigla syang tumakbo at nauna sya ng konti sakin.
" Akala mo ha HAHAHA pwede yata akong pang track and field HAHAHA "
bakit ba ang saya saya nya kahit iba yung pakikitungo ko sakanya.
Habang naglalakad ako napatingin ako sa paa nya.
Bakit may dugo sa medyas nya?
" HOY CYRILLE. UMUPO KA MUNA DUN SA BENCH. " utos ko
" Eh diba gusto mo na umuwi? bakit pa ba tayo uupo? "
" Hindi ka magaling na artista umupo ka na sabi eh. "
kaya naman sumunod sya.
Inalis ko yung sapatos nya. Inalis ko yung medyas nya.
At nakita ko may sugat pala sya sa paa.
" Bakit ka ba nagkasugat ha?! Hindi mo naman iniingatan ang sarili mo nakakainis ka! "
" Eh kasi.... dahil yun sa sapatos ko. Masikip kasi eh tapos pinilit ko lang magkasya- "
" O? ALAM MO NAMANG MASIKIP PERO SINUOT MO PARIN. "
" Bigay yun sakin kagabi ni Daddy... At kita ko na tuwang tuwa sya kanina nung nakita nyang sinuot ko yung bigay nya. Sayang kasi kung itatago ko lang. Saka konting pagtitiis lang naman to. Kaya ko naman hahahaha "
siniringan ko nalang sya at nilagyan ng band aid yung sugat nya.
Umupo nalang din muna ako.
Magpapahinga muna siguro dapat kami.
" Bakit ka pa kasi umalis sa jeep. "
Dahil ba sa pamimilosopo ko..??
" Kasi may matanda tayong katabi. Nakita mo ba? halatang nasisikipan sya at hindi sya makaupo ng maayos. Eh malapit na naman tayo. Kaya ano ba naman yung konting konting tiis nalang. "
" O ayan ka na naman. Tiis ka ng tiis kaya ano. Diba ikaw yung nasaktan. Dyan sa paa mo. "
" Sorry. " sabi nya at nakangitintapos tumungo.
Tumayo ako at kinuha yung bag nya.
" O halika na. " sabi ko
Tumalikod ako.
" Sumakay ka na. "
" H-Huh? "
" Bingi ka ba. Masakit yang paa mo diba? Ano? Pipilitin mo? Bahala ka. "
" Sigena...pasensya. "
tapos habang naglalakad ako buhat buhat ko sya.
Kita kong pinagtitinginan kami ng ibang tao.
" Awts ang sweeeeeet~ " bulong nung ibang babae
Kung may tayo lang sana 💔😢
" Alam mo ba eto yung pinaka ayaw ko. " biglaan nyang sabi
" Ayaw mo? "
" Oo ayaw ko. Ayaw kong nakakaabala pa ako ng ibang tao, pero kasi kailangan ko lagi ng kasama hahaha "
" Wag mo akong isipin. At bakit ba nagkaganyan ang paa mo. Kung lakad lang yan, edi hindi yan magkakasugat ng ganyan. Naglaro ka na naman no. Nakipaglaro ka na naman sa mga grade schoolers. Nagtatakbo ka na naman noh. "
" Hindi ahh. Kasi ganito yan. Nung dismissal na. Hinanap kita. At sa laki kaya ng capmus syempre kailangan kong takbuhin yun no para mahanap agad kita. "
" Bakit mo ba ako kasi hinahanap.... "
" Sabi kasi ni Nathan wala ka daw payong, sya naman daw meron. Umuna na raw ako at hanapin ka. Baka daw kasi maulanan ka. Magkakasakit ka pa. "
...............
.....................
Sinabi ni Nathan yun?
Gusto nyang sabay kami umuwi ni Cy?
pero bakit?
Hindi ba may gusto sya kay Cy?
Kung dati nga, sobra sya kung makabakod kay Cy ehh.
saka ramdam ko namang mahal nya si Cy.
Kaso bakit nya kami pinaglalapit.
Alam kong pansin nya na may gusto rin ako kay Cy.
Bakit ganito?
Hindi ko sya maintindihan.
Kaya lang naman mainit yung ulo ko kasi nagseselos ako sa kanila
Nagseselos ako sa nakita ko kanina.
Hinahanap ko kasi si Cy kanina.
Yung natutulog sila sa library? ako yung nangbalibag dun sa pinto kaya yata sila nagising.
Tapos nakita ko rin na tinulungan sya ni Cy sa pagbibitbit ng mga dala dala nya nung nanggaling ako sa banyo.
Kita ko rin sila magkasabay kumain, maglakad, magkwentuhan, magkasama... tumawa....
Kita kong masaya sila.
Pero nasasaktan ako. Nagagalit ako sa sarili ko.
kaso mas parang nalulungkot ako.
Alam ko kasi na pwede namang ako yung lagi nyang kasama, ako yung laging kasabay nya, ako yung laging kasabay nya maglakad, kasama nyang kausap, at kasama nyang tumawa kaso lagi nalang si Nathan.
Gusto ko syang ipagdamot sa iba.
Nagseselos ako lagi sa kanilang dalawa.
Kulang na nga lang mawalan ako ng pagasa. Kasi sila? Bagay na bagay talaga.
Madalas nga silang napapagkamalang sila.
Mukhang wala akong pagasa ehh.
Alam naman ng lahat kung gaano sila kaclose.
Si Nathan? lagi namang sinasasabi ng iba na sya yung deserving.
kaso nasasaktan ako hahaha.
PEROOOO HAAAA
hindi ako galit sa kanila. Wala akong sama ng loob sa kanila kasi hindi naman nila kasalanan kung close sadya sila diba?
Bestfriends are best of friends no matter what happens.
Kaso bakit to ginagawa ni Nathan.
tapos bigla akong nakatanggap ng text.
' Niccolo ha. Bantayan mo si Cy! pinagkakatiwala ko sya sayo! pinagkakatiwala ko sayo si Cy.....este, ang bestfriend ko pala. Pag may nangyari sakanya, itatapon kita sa bermuda triangle. labyu. '
HOW HAPPEN.
BAKIT SYA NAGBIBILIN SAKIN.
parang iba yung nararamdaman ko sa text nya.
TEKA.
sumusuko na ba sya?
Pinaparaya nya na ba sakin....
Bakit nya ba talaga to ginagawa, Malapit na ako mabaliw.
Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila
" AY NICCOLO! thankyou haa. Sorry sa abala ha? "
" Wala yon. Ako ang dapat magsorry. Sorry kung ganun ugali ko. badtrip lang ako kanina. Sorry... "
" Alam ko namang nireregla ka ngayon kaya i understand. " sabi nya
" AY OONGA PALA! "
" Bakit? "
" Sabi pala ni Nathan. kaya daw wag ko daw hayaang magkasakit ka, kasi kung nagkataon sakanya ka lang daw magpapagawa ng assignments, sakanya ka lang daw kokopya, at hihingi ng notes. Nakakabwisit daw yung katamaran ko at hindi naman daw sya makakatanggi kahit kanino kaya daw ayun. "
ay ok.
so yun pala yung dahilan sa lahat ng to.
BWISIT KA TALAGA NATHANIEL!!!!
" Sige uuna na ako, bye--- "
" Niccolo sandali muna.... "
" SHIT MAGJOJOKE KA BA? UTANG NA LOOB WAG * sabay takip tenga* "
" ABA HEH ANO BA T.T "
AY SHIT.
AY POTA PALA YUNG RPOMPOSAL
SHITTT
alangan naman ngayon ko gawin.
Diba ang jahe naman.
saka walang kaeefort effort. baka ireject ako T_T
ay sige next time nalang.
para prepared ako hehehe
" Wae? " sagot ko
" Dun nga pala sa tanong mo....pumapayag ako. Salamat " masayang sabi nya na medyo may halong kaba
nakatingin lang ako sakanya.
Huh?
Anong tanong.
Wala akong tinatanong.
" Pumapayag saan? " nagtatakang tanong ko sakanya.
" JUSKO ANG SLOW MOO. NAGMOMOMENT NA KO DITO TAPOS GAGANYAN KA. NAKOOO TIGIL TIGILAN MO KO NICCOLO. PUMAPAYAG AKONG KAPARTNER MO SA PROM. KAHIT DI KA NAGPROMPOSAL AT PINATANONG MO LANG DAW SAKANYA KASI DAW KINAKABAHAN KA SABI NI NATHAN. "
END OF NICCOLO's POV
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top