021

1 year later.

« yoona's point of view

"Ano ba! Ilayo mo nga sakin 'yan! Nakakainis ka!" Inis na sabi ko kay Taehyung.

Dito ko na pinagpatuloy sa ibang-bansa ang pag-aaral ko. Natapos narin ako sa pagpapagamot at sa awa ng Diyos, tuluyan ng gumaling ang sakit ko.

Sa ngayon, si Taehyung na ang kasa-kasama ko pag pumapasok ng school sapagkat pareho naman kami ng pinapasukan. Lumipat kasi ang pamilya nila dito at aksidente naman kaming nagkita.

"Haha! Ikaw naman. Ang pikon mo talaga." Tsaka pinanggigilan niya ang pisngi ko.

"Uy tama na." Ewan ko lang kung maayos ba ang salita ko kasi kinukurot parin niya ang pisngi ko.

Tumigil rin naman siya kaya minasahe ko kaagad ang aking pisngi.

"Ikaw talaga! Hays."

Napahalakhak naman siya at inilagay ang mga kamay sa bulsa at diretsong tumingin sa aking mata.

"Huy! Anong tinitingin-tingin mo diyan? Nasobrahan ba kagandahan ko? Haha!" Pabiro ko'ng sabi sapagkat napatulala na siya sa mukha ko.

Para naman siyang natauhan at mabilis na hinatak ang kamay ko papuntang school.

"Luh? S–sandali nga! Ang bilis mo naman, e!" Usal ko habang hatak-hatak parin niya ang kamay ko.

Nang makarating na kami sa gate tsaka niya ako binitawan.

"Hehe peace! Male-late na kasi tayo, e." Sabi niya kaya naman napatingin ako sa relo ko.

"Ay! Oo nga, 'no? Sige tara na." Aya ko sa kaniya. Saka sabay na kami naglakad papunta sa mga room namin.

Pero bago pa man kami magkahiwalay ng daan kaagad niya akong nilapitan at hinalikan.... sa noo.

---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top