Freshmen Week

"Uy, Freshmen week daw this week. Punta kayo?" 

"Ewan. Tinatamad akong gumising ng maaga eh."

"Bakit kelangang maaga?"

"Kasi after ng HATAW daw magstart. Six am pa naman yung HATAW." -.-

"Gusto kong mag-jogging. Tara, attend na lang tayo."

Nakikinig lang ako sa ingay ng mga ka-dormmate ko. Ang aga-aga naman kasi, nambubulabog na iyong isa sa sobrang excited niya sa freshmen week na iyan. Wala ng ibang bukambibig kundi 'freshmen week'. 

"A-attend ka?" sumilip si Andy sa higaan ko. Nasa top deck ako ng higaan niya. 

"Kung maraming pupunta, oo." inaantok na sagot ko.

"Punta tayo?" nanlalaki ang mata niya. Alam ko, excited din siya. Ako lang yata ang hindi.

"Attend ka?" tinanong ko pa talaga. Di lang kasi ako makapaniwala. Kung KJ ako, mas KJ siya. Kaya nga kami magkasundong dalawa eh. 

"Exciting eh." aba, aba, aba. At kelan pa siya nagkaroon ng excitement sa katawan?

Tiningnan ko siya ng maayos. Mukhang excited na excited nga. Kasi kita ko na iyong mga ngipin niya na hindi niya madalas ipakita --- dahil sa braces niya. "Okay." simpleng sagot ko saka pumikit. Kulang pa kasi ako sa tulog.

HATAW NA.

"Good Morning Freshies! I'm Harry, your Ate Hair." pagpapakilala nong lalaking parang babae samin. Kilala ko siya. Siya iyong presidente ng isang org sa university. Iyong org nila iyong nagpapadala ng exchange student sa ibang bansa, like US, Japan, at Malaysia. Gusto ko sanang magtry sa org nila, kaso mahirap daw pumasa. "Alam niyo naman kung bakit kasyo nandito, right? Well sa mga di pa nakakaalam, this fun activity will serve as your orientation. Talagang concern lang kaming mga seniors ninyo kaya namin in-organize ang ganitong activity para sa freshmen na katulad ninyo. Well, enough about that. So before we begin, first thing's first. You need to group yourselves into eight." Nagkatinginan kaming magkakaibigan. Kapag nag-count off, magkakahiwa-hiwalay kami.

"Disperse tayo, dali!" sabi ni Nikki.

Ako, pumunta ako sa pinakadulo ng linya namin.

"Count off from one to eight. Let's start with you." tinuro niya iyong lalaking nakaupo sa pinakadulo. Naka-hood siya. Iyon lang ang nakikita ko tsaka iyong back view niya. 

"One." 

Infairness, maganda iyong boses.

"Five"

"Six."

Malapit na ako.

"Seven."

"Eight."

Ako na. "One."

Nang matapos na ang counting, nagsalita ulit si Ate Hairy. "Okay. So group yourselves according to your numbers! All one, stand at that corner, All two stand here. All three,..."

Tumayo na iyong iba kaya tumayo na rin ako at pumunta sa tinuro ni Ate Hairy na corner daw para sa Group 1. 

Nandun iyong lalaking nag-umpisa ng counting. Malamang, one siya kasi nga siya iyong nag-umpisa diba.

Tumayo lang ako sa likod niya. Hindi ako nagsalita. Hanggang sa isa-isa ng nagsidatingan ang mga magiging team members ko. Nadismaya ako nang makitang wala man lang akong kasama sa mga kaibigan ko. Hinanap ko sila. 

Lalo akong nagmaktol. Kasi lahat sila nasa Group 8. Ako lang ang one. Nasobrahan siguro ako ng bilang.  

"Hello. Lahat kayo one?" biglang may dumating na lalaki. Napakunot ang noo ko. 

Kailangan pa bang itanong iyon? Kaya nga nakatayo kami rito diab? Kasi nga One kami. Jeez... Minsan talaga, hindi common sa ibang tao ang common sense. 

"I'm Macky. So I'll be your leader." Uy, self-appointed. "Let's introduce ourselves muna para alam natin pangalag ng isa't isa." sabi niya tapos bigla na lang sakin sila lahat tumingin.

Naumid ang dila ko nang makita ko ang hitsura nong lalaking nakatalikod sakin. Anak ng ---! Ang guwapo niya!

Nakuuuu! Saan na naman pumupunta 'tong utak ko? Mana talaga kay Magdalena. Tumikhim ako. Kasi bigla akong kinabahan, e magpapakilala lang naman ako. "Ahm... I'm... I'm Yumi."

"Addy." sabi kaagad nong lalaking guwapo. 

"Bambee." sabi naman nong babae. Kami lang ata ang babae sa grupo namin. Pero mas mukha siyang astig. May dala kasi siyang racket pangbadminton, tapos kita mo talaga sa kanya na may pagkaboyish siya.

"Sol." maikling pagpapakilala naman nong isa.

"Okay gather up, everyone." sigaw ulit ni Ate Hairy. Lahat kami tumingin sa kanya. "This is going to be a fun game. Mag-iikot kayo sa buong university to find clues for your next location. Unahan 'to, guys ha. So I hope you all do your job as a team member, and have fun. Manalo man o matalo, iyon pa rin ang mahalaga."

----

Unang challenge was a little bit hard. Kasi kailangan mong ipasok iyong thread sa karayom --- nang naka-blindfold! Pero siyempre, may tutulong na member. Siya iyong magsasabi ng direksyon. Aba! Baka abutin kami ng next century kapag walang tutulong diba?

"Oh, Yumi, ikaw na lang magpasok."

Loading...

"Ha?"

"Oo nga, puro kami lalaki." sabad ni Addy.

"Ha?"

"Buwisit 'to. Anong akala mo sakin, macho?" - sinamaan ni Bambee ng tingin si Addy. 

Uy, close na sila agad?

"Sige na." tapos tinulak na ako ni Macky sa unahan. Hindi na ako nakapalag kasi hinila na ako nong organizer ng game. Pinapuwesto niya ako sa pinakagilid kasi nga kami iyong Group 1.

Maya-maya binigyan na nila ako ng blindfold. "You can practise while waiting."

So nag-practice kami ni Bambee. Siya ang kinuha kong mag-a-assist kasi babae. I have atendency kasi na maging awkward sa lalaki. Kaya nga wala akong masaydong guy friend eh. Gay, puwede pa. 

"Sa kanan! Sige, ikanan mo pa. Konti lang." sabi ni Bambee.

 May bumulong sa tabi ko. "Kaliwa."

"Addy! Wag ka ngang magulo diyan." narinig kong sigaw ni Bambee.

Maya-maya lang, narinig ko na sila.

"Yehey!!!"

Tinanggal ko na iyong piring sa mata ko.

"Magaling ka naman palang sumunod ng instruction. Okay na iyon." sabi ni Addy na halos katabi ko na pala. Bigla kaong na-conscious, kasi baka amoy pawis ako. Nag-jogging, sumayaw-sayaw at nag-aerobics pa kasi kami kanina bago ito nagstart. Pasimple akong lumayo.

"Okay." sabi ko lang.

So nong nagstart na iyong game, kami iyong unang nakatapos ng first challenge. Tumatakbo na kami papunta sa next location. Iyong tatlong lalaki, nauna na. Si Bambee, nasa unahan ko pa, kaso ang bilis din niyang tumakbo. Naman! Kailangan ko na yatang magjog araw-araw para mas gumaan tong katawan ko.

Lumingon si Bambee. "Ayos ka lang?" binagalan niya iyong takbo niya.

"Ha? Oo. Una ka na. Hahabol din ako." sabi ko. Pero hindi naman siya nakinig. Hay. Napilitan tuloy akong tumakbo ng mabilis.

"Ayos ka lang?" narinig kong tanong ni Addy na naabutan kong nakatayo dun sa toktok nong hagdan na dadaanan namin papunta sa kung saan --- sinusundan lang naman namin iyong leader namin.

Teka nga. Ba't ba sila tanong nang tanong kung ayos lang ako? Mukha na ba akong haggard na haggard? Mukha ba akong lampayatot na kapag tumakbo lang ng isang metro, matutumba na agad?

Again, for the second time, sinabi ko sa kanya ang sinagot ko kay Bambee kanina. "Oo. Una ka na. Hahabol din ako." Pero naglakad lang din siya katulad ni Bambee, na ngayon ay nasa likuran ko lang.

Seriously, pakiramdam ko parang ang hina-hina ko. Kung tratuhin ako ng dalawang 'to, para akong may sakit. -.-

Sa University Library kami sunod na pumunta. Nandon na iyong dalawang team members namin, si Sol tsaka iyong self-proclaimed leader namin, si Macky.

Hindi ko na alam ang mga nangyayari, kasi nagsidatingan na rin iyong ibang teams. Ang alam ko lang, binigyan kami ng isang palanggana ng tubig. Ang rule, ipapatong namin iyong palanggana sa isa sa mga tuhod namin for 30 seconds at bawal na may matapon na tubig. Eh madali lang naman iyon.

Nong nag-position na kami, katabi ko si Sol (kanan) at si Bambee (kaliwa). Tapos biglang hinatak ni Addy si Sol nung pinapatong na namin iyong palanggana. Nagtataka lang na tiningnan ni Sol si Addy, pero di na siya nagtanong. Hindi ko na lang pinansin iyon, kahit na nagtataka rin ako. Tuloy, di nabalance ng maayos iyong palanggana kasi may space iyong pagitan namin ni Addy. Nabasa tuloy ako ng tubig.

Inulit pa namin iyong ng isang beses.

Medyo nailang pa ako non. Nung nadikit kasi sa legs ko iyong tuhod ni Addy, I felt weird. Napatingin ako sa kanya, at napatingin din siya sakin.

Ano iyon? Naramdaman din ba niya iyon?

Hindi ako napakali. Pero tinapos namin iyong 30 seconds. And within that 30 seconds, mayrong umusbong na kakaiba sa dibdib ko.

"Here's your clue." sabi nong nakabantay sa station na iyon. Naunahan na kami ng ibang grupo. Pero hindi pa naman kami iyong huli. Di bale na lang. Umpisa pa lang naman. Makakahabol pa kami.

"White House?" nagtatakang sabi ni Macky nong nabasa niya iyong clue. "San iyong White House?" tanong niya samin.

"Diba bahay ng president iyon?" sabi naman ni Bambee.

"Ah! Baka sa bahay ng University Pres. ang sunod na location?!" excited na sabi ni Macky.

"Eh wala naman dito iyong bahay niya. Alangan namang lalabas tayo ng school premises para lang sa treasure hunting na to?" Sabi ko. 

"Tama si Yumi." sang-ayon naman ni Addy mula sa likuran ko. Nagulat ako. Nasa likuran ko lang pala siya. 

Eh so what? Bakit ka kinkabahan diyan?

Oo nga. Ba't ako kinabahan don?

"Wait guys. Maybe it's the President's Offfice." Singit ni Sol. 

"Tama! Sa Office!" tapos nagtatatakbo na naman kami papunta sa office ng school president. 

Nakakpagod. Ba't pa kasi may pa-decode-decode pa ng clue?

True enough, nasa labas na ng building ang ibang freshmen.

Wait. What are they doing?

Sabi ko sa isip ko nang makita ko ang pinaggagagawa ng iba.

They were stripping!

Kinuha ni Macky iyong instruction sa naka-assign sa station na iyon. "Ang sabi sa rule, kailangan nating abutin ang dulo ng kalsada gamit ang suot natin." sabi ni Macky.

Nagkatinginan kami ni Bambee. Kase pareho kaming babae. Tapos nagsimula na kaming magbilangan ng gamit. Ako, suot ko lang iyong jogging pants ko, t-shirt, jacket, running shoes at iyong panyo ko, plus iyong medyas.

"Okay, let's do this guys." sabi ni Sol na naghuhubad na ng T-shirt niya, katulad ng iba. 

Ohmegaaaad! Ano ang nangyayari sa world!!?

Ano ang huhubarin ko?

Nakita kong hinubad nong katabi namin iyong shoe laces niya. 

Tama!

Sinimulan ko na ring hubarin ang shoe lace ko. Sinali ko na rin pati sapatos tsaka iyong medyas. Tinapon ko iyon kay Macky na gumagawa na ng isang linya gamit ang mga gamit namin. 

Lintik! Pagkatapos nito ano?  

"You can take off your hoodie." sabi nong katabi ko, si Addy. 

Bumagsak ang panga ko. Kasi naghuhubad siya sa harapan ko mismo. At sus! Ang katawan... ma'mhen! Iyong katawan niya...

"Akin na hoodie mo."

Napatanga ako sa kamay niya.

Asus! Yumi. Nawalan ka na yata ng hiya. Nasaan na ang pride mo?! Nakakita ka lang ng makisig at guwapo, nagbreakdance na iyang utak mo!  

"Sa-sandali." binigay ko muna iyong panyo ko sa kanya saka tumayo at hinubad ang jacket ko.

Dinugtungan agad niya iyong mga gamit nina Macky nang makuha niya iyong mga gamit ko. Lahat kami nakatutok, kung aabot ba iyong mga gamit namin sa kabilang kalsada.

"Guys, kulang pa." lumingon samin si Addy. "Isa na lang."

Nagkatinginan kami. Halos hubad na iyong tatlong lalaki, puwera na lang sa jogging pants nila. Kami ni Bambee, well, we're girls so taking off our t-shirt was not an option, neither the pants. Pati nga iyong dalang racket ni Bambee, sinali na rin niya.

Katulad din namin iyong ibang grupo. Kulang din sila ng gamit.

Napahawak si Addy sa baba niya. Nag-iisip siguro.

"Yumi, may sando ka naman sa loob. Puwede na nating idagdag iyong t-shirt mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Macky.

AKO? MAGHUHUBAD PARA LANG SA GAME NA 'TO?! NO WAY!!

Narinig kong bumuntong hininga si Bambee. Iyong mukha niya, parang galit.

Oh my... nagalit ata sakin.

Na-guilty tuloy ako. Kasi parang ako lang ang hindi sumeseryoso sa game na 'to. Eh maitim naman iyong sando ko. Hindi naman siguro ako masisilipan kapag naghubad ako diba? Atsaka hindi naman magtatagal eh. 10 seconds lang.

I sighed as a sign of defeat. "Fine." I mumbled as I started pulling off my shirt. Ngayon lang 'to, Yumi. Ngayon lang.      

"OMGEEEEEE!"

Natigil ako sa ginagawa ko dahil sa matinis na sigaw na iyon sa likuran ko, at nang buong babae sa paligid. Nataranta tuloy ako.

What? What happened? Nakita ba katawan ko? May buhok ba sa kili-kili ko? Ano?!!

"Sino siya? Anong name niya?" narinig kong tanong sakin nong nasa likuran ko. Nasa ibang grupo siya.

"Huh? Sino?" loading na naman ako.

May tinuro siya. "Siya. Iyong gwapong ka-team niyo."

Nakita ko kung sino ang tinuro niya. At nalaglag ang panga ko, sa ikalawang pagkakatao. At pakiramdam ko, umabot iyon hanggang sahig.

Si Addy kasi, naka boxers lang! Pati jogging pants, hinubad na!

Bakit niya ginawa iyon? Diba ako na iyong magsasakripisyo ng puri kanina?

"Hello?" napatingin ako sa maarteng babaeng katabi ko. Ngumiti siya sakin.

Plastic.  

"Addy." maikling sagot ko. Para bang labag pa sa loob ko na sabihin ang pangalan ni Addy. 

Eh bakit ba? Sa nagseselos ka eh.

Selos? Sino? AKO?

 Tss! Asa pa.

---

Medyo natagalan pa kami sa pagsusuot ng sapatos namin. Pero ayos lang, since pangatlo kami sa nakapasa sa challenge na iyon. 

Sunod na pinuntahan namin, iyong pinakasecluded area ng university, kung nasan ang College of Forestry. Ang layo. Kaya pagdating namin, hingal na hingal kami. Pero dahil naghahabol kami, hindi kami puwedeng magpahinga.

Binigay na agad nong babae iyong challenge.  

Rubber pass iyong tawag. Binigyan kami ng isa-isang banana cue stick nong babae. "Okay so ang mechanics ng game is you have to pass this rubber band around your teammates with that stick. Take note: HANDS OFF. Kapag ginamit niyo iyong kamay niyo, uulit kayo from the start. Ilalagay niyo sa bibig niyo iyong stick and then you take the rubber band from your teammate and pass it at the back. Iyong nasa dulo, pag na sayo na iyong rubber band, you run here and pass it to the one standing in front. Understand?"

 Nagpositioning na naman kami. Tumayo sa front si Bambee, sunod si Macky, then Addy, tas si Sol sa hulihan.

Hindi ako makadecide kung saan ako tatayo. Kasi ayoko sa hulihan. I feel awkward towards guys kaya uncomfortable ako sa laro. Like seriously, I should've thought about this through first before I decided to join this game. Masyado akong KJ eh.

Ah basta. Sa unahan na lang ako.

Tumabi ako kay Bambee. "Dito na lang ako." sabi ko sa kanya.

"Sure." Tapos ngumiti siya sakin. Para kasing naiintindihan niya ako kung bakit ako natagalan kanina.

Magsastart na sana. Ready na ako. As in okay na iyong position ko. Ang kaso, may panira.

Bigla na lang kasing tumakbo si Addy sa harap ko.

"Bakit ka nagpalit ng puwesto?" angal ko sa kanya. Tinusok ko siya sa likod.

Pero di man lang siya lumingon sakin nong sumagot siya. "Mas okay sakin 'to."

Puwes sakin hindi!

Kaasar!

At siya pa pumuwesto sa tabi ko!

Gusto ko sanang makipagpalit kay Bambee. Mas okay pa si Macky kasi di kami talo non, kaysa sa guwapong panira na 'to. Kaya lang, pumito na iyong Game organizer, hudyat para umpisahan na ang challenge.

Kumabog bigla iyong dibdib ko sa kaba. 

Humarap na sakin si Addy, with the stick in his mouth and there was the rubber hanging. 

Syeeeet! I really feel awkward doing this! 

Dahil sa kaba, di ako maka-concentrate. Ang simple nga ng laro eh, kasi kukunin mo lang iyong rubber band sa stick. Ang kaso, hindi talaga ako maka-concentrate, dahil sa mukha niya. He was not looking at the rubber band, or at the stick, or -- kahit saan! But instead, he was looking at me! Sa AKIN siya nakatingin ng diretso! Dinidistract ako ng sarili kong teammate! >////<

Hayun tuloy, nahulog iyong rubber band. Kailangan naman naming umulit.

abcdefghjk talaga!!!

Sinamaan ko siya ng tingin nong humarap na siya sakin. Buwisit ka!

Tapos pumikit ako, para di ko siya makita. Sumilip lang ako ng konti para makit ko iyong rubber band. At iyon! Nakuha ko na! 

Pinasa ko iyon kaagad kay Bambee. Hindi na nahinto ang pasahan, hanggang sa nakarating kay Sol iyong rubber band at naipasa na nito kay Addy. 

And suddenly I thought, Addy saved me actually for standing in front. Kasi kung hindi, baka mas mabulilyaso ang laro kapag sakin pinasa ni Sol ang huling pasa. Baka malaglag ko pa, katulad kanina. At ulitin na naman namin from the beginning. Well, that could've been the worst scenario.

Nagpahinga kami ng konti ni Bambee after that. Hindi kami tumakbo papunta sa next location. Naglakad lang kaming dalawa na parang namamasyal lang kami. Kinakawayan pa nga namin iyong ibang teams kapag nauuna sila samin. Nag-usap kami, nagkakuwentuhan. Hanggang sa napansin kong parang may kulang sa kanya. 

"Teka! Iniwan mo ba iyong Badminton Racket mo?" tanong ko nong napansin kong walang nakasukbit sa balikat niya.

Natigilan siya. "Ay! Sh*t!" tapos walng sabi-sabing tumalikod siya at tumakbo pabalik. Pero maya-maya ay lumingon siya sakin. "Mauna ka na! Kukunin ko lang iyong racket ko!" sigaw niya. Tapos ay tumakbo na ulit siya.

Kay mag-isa na lang akong naglakad-lakad. 

Hanggang sa nakaramdam ako ng uhaw. 

T.T Wala pa namng tndahan dito. Kasi lahat na lang ng madaanan ko, puro kahoy. 

Bakit kasi hindi ako uminom ng marami nong namigay ng libreng juice iyong mga seniors kanina? 

Lesson learned: Kapag may libre, grab the opportunity!

Pero wala eh. Uhaw pa rin ako. Baka mamaya mag-collpase na lang ako rito. 

"Yumi." 

Wala sa loob na lumingon ako dun sa tumawag sakin. At iyon nga, nakita ko na namna si Addy --- na may dalang mineral water. I gulped involuntarily at the sight of it. At mukhang ang lamig-lamig pa.

Saan ba siya bumili? Bakit di man lang niya kami sinabihan?

"Gusto mo?" alok niya tapos iniumang niya sakin iyong bote. 

Nagdalawang-isp ako.

"Ayaw mo?" tanong niya ulit.

Yumi, ano nga ulit iyong natutunan mo kanina?

Kapag may libre, grab the opportunity. 

 O. Eh ano pang inaarte-arte mo?

Kinuha ko na iyong tubig sa kanya. Tipid lang siyang ngumiti saka ako nilagpasan. Tumakbo na siya hanggang sa di ko na siya nakita.

Tiningnan ko iyong bote. Medyo may bawas na iyon.

Bahala na nga.

Tinungga ko na iyong laman hanggang sa naubos ko.

Ang lamig talaga sa pakiramdam! Hay! Now I feel energized!

Hoy, Yumi na maharot! You just kissed indirectly! 

Penyete nemen. Bakit kinikilig ako? Kadiri nga iyong ginawa ko eh. Uminom ako sa bote na ininuman ng lalaking hindi ko kilala at hindi ko ka-anu-ano.  

So what? Wala namang nakakaalam kundi kayong dalawa lang diba?  

Bakit ba ang evil-evil ng isip ko ngayon?

---

Sa next location, dalawang tao lang ang puwedeng pumasok. Since late kani ni Bambee, sina Macky at Addy ang pumasok kasi sila daw iyong nauna doon sabi ni Sol.

Habang naghihintay, nagka-usap kami ni Sol. Sobrang palabiro pala niya. Halos nakabuka na yata ang ngala-ngala ko sa kakatawa. At nalaman ko na pareho kami ng course na dalawa. BS Nusring din siya.

"San na iyong tubig ko?"

Pareho kaming natahimik ni Sol. Dumating na pala sina Addy at Macky. Hindi namin alam kung natalo kami o hindi. Kasi si Macky nakangiti, mukhang enjoy na enjoy nga eh. Itong si Addy, parang ewan. Parang nauutot na hindi mautot. Ang sama ng timpla ng mukha. Parang nakalunok ng ampalaya.

Problema neto?

"San na iyong tubig ko?" ulit lang niya.

Akala ko ba binigay niya sakin iyon?

"Naubos ko na." sabi ko sa kanya. tapos di na siya nagsalita. pinaisod pa niya si Sol para makaupo siya, eh puwede naman siyang umupo dun sa bakanteng upuan. Kita na nga niyang nagkukuwentuhan pa kami ng co-maj ko.

Hindi na siya nagsalita.

Naisip ko na hindi pa nga pala ako nakakapagpasalamat sa kanya kanina kasi nga tumakbo na siya kaagad.

"Nga pala. Salamat sa tubig kanina."

Tumango lang siya. Tapos nakita kung lumabas iyong isang cute na cute na dimple sa pisngi niya. Ngumiti ba siya?  

Ang guwapo ng ungas kapag nakangiti siya. Ghaaad! Ang puso ko! Help! Help!

---

Nasa huling challenge course na kami. Halos ilang oras na rin pala kaming naglalakad at nagtatatakbo. Pawis na pawis na rin ako.

HInanap ko iyong panyo ko sa bulsa ng jogging pants ko nang maalala kong hindi ko pa nakukuha iyon since nong nagsihubaran ang madla sa harap ng opisina ng school president.

Saan na napunta iyon?

Hay. Pambihira! Favorite ko pa naman iyon. Siguradong hindi ko na mahahanap iyon.

Tumatakbo na naman iyong mga kasama ko. Excited lang talaga silang umuwi para maligo. Ako nga rin eh.

Sa may kalayuan, napansin kong may nakatayo sa pader, nakasandal at nakahalukipkip. Sumbrero pa lang, alam ko na kung sino iyon. At iyong puso ko, hala! Ayun, nagdisco! Kumendeng-kendeng, at nagtata-tumbling! 

Umarangkada na naman ang pintig ng pulso ko. Ano to?

Nang medyo malapit na ako, umayos siya ng tayo. "Tagal mo." salubong niya agad sakin.

"Oo na, mabilis ka ng maglakad." dinaanan ko lang siya, pero nakasabay na siya sakin kaagad. 

Naku naman! Kailangan talagang sabay?

Tapos di na siya nagsalita. E di na rin ako nagsalita. Baka kung ano pang masabi ko sakanya. Basta ang alam ko lang, ang saya ko nong mga oras na iyon. Kaya di ko mapigil ang ngiti ko eh.

"Para kang tanga diyan." nakatingin pala siya sakin. 

"Ikaw din naman ah." sabi ko rin, kasi nakangiti din kasi siya. Ang guwapo talaga niya!

Tapos ngumiti lang kami habang sabay na naglalakad. We look like idiots, but i don't care.

May tumawag sa pangalan niya. Lumingon siya. Ako naman, napalingon din. Kaya lang nakuha ng ibang bagay ang atensyon ko. 

Nakita ko kasi iyong panyo ko... nasa bulsa niya. 

Anong ginagawa non dun? Bakit nasa kanya?

Akala ko pa man din nawala na iyong panyo ko. 

Gusto ko sanang itanong kung nakita niya iyong panyo ko, kaso dumating na kami sa next location namin.

"O, dumating na pala kayo. Bilisan niyo! Kanina pa kami ihip nang ihip dito. Pumuti na rin pati buhok ko sa ilong." sabi ni Macky na halos hindi ko na nakilala dahil sa nagkalat na pulbo sa mukha niya.

Ano na namang klaseng challenge 'to?

Pagtingin ko, ganon din di Sol at Bambee.

Sabay kaming natawa ni Addy sa mga hitsura nilang tatlo.

"Kayo namang dalawa diyan. Tingnan lang namin kung di kayo magmukhang ganito." Sabi naman ni Bambee.

"Hanapin niyo iyong piso diyan, tapos kapag nahanap niyo, kunin niyo gamit ang bibig. Hands off, okay? Ayokong madisqualify tayo." mataray na sabi ni Macky.

Ano daw? Gagawin namin iyon ni Addy? Sira na ba utak nila?

"Tara." parang wala lang sa ugok na iyon na yayain ako.

Pumuwesto na siya sa palangganang puno ng puting pulbo, tapos kinawayan pa niya ako para lumapit.

Pangit talaga!

Nang makalapit ako, "Ready ka na?"

"Sa kapal niyan, hindi natin mahahanap iyong piso --" natigilan ako sa sunod na ginawa niya. Kasi inipit niya bigla iyong buhok ko sa likod ng tenga ko. 

"Wala ka bang hair clip? Madudumihan iyong buhok mo kapag nagsimula na tayo." 

"Uh... me-meron." buwisit! buwisit! buwisist!

Pumito na sila. Bumaba ang ulo ni Addy at nagsimulang mag-ihip. Hindi ko tuloy siya nasabayan kasi sakin sumabog iyong pulbo. Inihit ako ng ubo.

Maya-maya pa ay nakangiti na si Addy, nasa gitna ng ngipin niya ang pisong pinapahanap samin. "Sheri." sabi pa niya.  

Natawa na lang ako bigla sa hitsura niya. Halos matakpan na kasi ang buong mukha niya ng pulbo. Iyong mata lang niya tsaka iyong ngipin lang niya ang nakaligtas. :D

Di ko tuloy napigilang kurutin iyong pisngi niya. >.<

___

Ang saya nong araw na iyon.

Kahit ngayong nakagraduate na ako, licensed na rin, parang gusto ko pa ring balik-balikan ang araw na iyon. Ang araw na nakilala ko si Addy.

Civil Engineer na siya ngayon. Sa totoo lang, di ko na alam kung nasan siya. pati Facebook account niya, di ko mahanap. Haha! Stalker lang ang peg?

After nong Freshmen week, hindi ko na siya nakita. Kung nakikita ko man siya, nasa malayo lang. As in kilo-kilometrong layo. Idagdag pa kung gano kalayo ang building ng college namin sa college nila. Kaya iyon, hindi na nasundan ang kabanata naming dalawa, kung meron man. At hanggang ngayon, nasa kanya pa rin ang panyo ko.

Hindi ko alam kung naaalala pa niya ako, o iyong mga araw na iyon. Basta ako, siya pa rin ang Jollibee ng buhay ko.

Bakit Jollibee? Wala lang. Trip lang. :)

________________________________________

AyamiLu ^^v --->

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top