CHAPTER ONE (Four Years Ago)


FOUR YEARS AGO

Macario

Wala ang atensiyon niya sa pagmamaneho. Hindi na niya pansin ang ilang mga sasakyan na nauuna sa kanya at binubusinahan siya. Ang utak niya niya ay nanatiling lumilipad dahil sa nangyari kanina at sa nalaman niyang desisyon ng mga partners niya.

I am sorry, Macario. Hindi na naming itutuloy ang partnership with you. We found someone who is more famous and name is more reputable than you.

Napadiin ang pagkakahawak niya sa manibela. Ang akala niyang break na hinihintay niya para magkaroon ng sarili niyang construction company ay nauwi lang sa wala. Hindi niya akalain na ang kaibigan niyang si Ariel na kasama niya magmula pa noong nag-aaral sila ang susulot sa investor na nakilala niya.

Ipinarada niya ang sasakyan sa harap ng bahay at huminga ng malalim. Tiningnan pa niya ang sarili at sinigurong hindi kakikitaan ng kahit na anong pag-aalala ang mukha niya. Ayaw niyang ipakita sa girlfriend niya na mayroon siyang iniisip ngayon. The last thing he wanted to tell Misha was bad news because he knew, she couldn't take it well. Siguradong pag-uumpisahan lang iyon ng away nilang dalawa. At ayaw niya na nag-aaway sila. Napapagod na siya dahil nitong mga nakakaraang araw ay napapadalas ang pag-aaway nila.

Inayos niya ang sarili at bumaba sa sasakyan. Pagbukas niya ng pinto ay naabutan niya ang babae na nakaupo sa sofa at halatang hinihintay siya.

"Hi, babe." Pinilit niyang ngumiti at lumapit sa babae. Humalik siya sa pisngi nito pero damang-dama niya ang pagiging malamig nito.

"Did you eat dinner? What did you cook? I'm starving," pilit na pilit pa rin ang ngiti niya kahit na nga nakikita niyang seryosong-seryoso ang mukha ni Misha na nakatingin sa kanya.

Tinanggal niya ang suot na kurbata at inihagis iyon sa sofa. Dumeretso siya sa kusina at nakita niyang walang lutong pagkain. Walang nakahain na plato sa mesa. Tumingin siya sa babae at nakita niyang nanatili itong nakaupo doon.

"Everything all right?" Tanong niya dito at muling nilapitan. Wala na siyang pakialam kung matindi man ang pinagdadaanan niya ngayon. Mas importante na malaman niya kung may problema ang girlfriend niya.

"Macoy, I need to tell you something. I am going to leave you."

Napakunot lang ang noo niya nang marinig sinabing iyon ng babae. Hitsurang seryoso ito pero pinilit niyang tumawa dahil iniisip niya na prank lang ito ng girlfriend. Misha loved to play pranks on him. Last time nga may tumawag pa sa kanyang lalaki at sinabing boyfriend daw nito. He was so furious then and he learned that it was her cousin Monty at sinabing nagpa-prank nga lang para i-post sa TikTok Account nito. Apparently, Monty was a frustrated influencer kaya kahit anong content ay ginagawa para makakuha ng views at followers.

"Is this another prank?" Hindi pa rin mawala ang pagtawa niya. Well, this time he could say that Misha was doing it well. Seryosong-seryoso talaga ito habang nakatingin sa kanya. Naupo siya sa sofa sa tabi nito at sinubukan itong muling halikan pero agad na umiwas ang babae.

"We need to talk. I mean, I cannot take this relationship anymore." Walang kangiti-ngiti sa labi ang babae.

Napapailing siya at napapangiti pa rin.

"Where the hell is Monty? Saan nakatago ang camera? How many views is he going to get if he uploads this prank?" Sabi pa niya.

Napahinga ng malalim si Misha. "This is not a joke, Macoy. I am calling it quits."

Doon na nawala ang ngiti sa labi niya. Tingin niya ay hindi na nga ito nagbibiro.

"What the hell are you saying?" Seryoso na ring tanong niya.

"Kuntento ka na ba sa ganito? Kuntento ka na bang tumira sa masikip na bahay na 'to? What kind of life are you going to give me in the future? To ours kids?"

Napatiim-bagang siya. "What is wrong with this house? I built this for you. Saka ito na naman ba ang pagtatalunan natin? Mish, sinabi ko naman sa iyo maghintay ka lang. Darating din ang break ko. For now, kailangan ko munang ma-establish ang pangalan ko. Kailangan ko munang mapatunayan sa mga new incoming investors na deserving nila akong maging puhunanan. We talked about this." Padaing na sagot niya.

"Yeah. We talked about it for years. For three years. At three years ka na rin na nagtitiyagang maging karpintero diyan sa mga sinamahan mong contractors. Sila yumayaman. Ikaw? Anong nangyayari sa iyo? Ginagamit ka lang nila."

"You don't understand. Hindi ganoon kadali iyon. Wala pa akong pangalan. Nag-uumpisa pa lang ako kaya kailangan ko ng connections. And I told you I that met someone and he was going to invest for my own construction firm." Paliwanag pa niya. Pero hindi na niya sinabi na ang nakilala niyang iyon ay sa kaibigan na niya mag-i-invest at hindi na sa kanya.

Napapailing si Misha. "Hindi ko maintindihan kung bakit nagtitiyaga ka ng ganyan. Your family is rich. Your dad owns the biggest Home Depot and construction supplies in the country. Ang yaman-yaman 'nyo tapos nagtitiis ka ng ganyan."

Pinigil ni Macoy ang sarili. "Again, I don't want to associate myself to them. Kung makikilala ako, sisiguraduhin kong nagawa ko iyon dahil sa sarili kong pagsisikap. I won't ask any help from them. I can do this on my own."

"'Yan ang problema sa iyo. Masyado kang ma-pride. Paano ako? You promised to give me a better life. Nagsasawa na ako sa ganito. I can't take this shit." Damang-dama niya ang finality sa tono ni Misha at tumayo ito tapos ay tinungo ang silid nila.

Agad niyang sinundan ang babae at nakita niyang inayos nito ang mga maletang nakahanda na sa isang sulok ng silid.

"And you packed? You're fucking leaving me?" Hindi siya makapaniwala na talagang totohanin nito ang sinasabi.

Humarap ito sa kanya at ngayon ay lumambot na ang hitsura.

"I was pregnant." Mahinang sabi nito.

Napatitig siya dito at hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman. Buntis na si Misha? Ang tagal na niyang pinapangarap na mabuntis ang babae at magkaroon sila ng anak. Wala na itong magiging dahilan para hindi sila magpakasal. Iyon lang naman ang sinabi nito sa kanya. Magpapakasal kapag nabuntis na ito.

"W-what? Y-you're pregnant?" Ang lakas ng kabog ng dibdib nya dahil sa excitement na nararamdaman. Natabunan noon ang sama ng loob na nararamdaman niya magmula pa nang dumating siya dito sa bahay.

"Was pregnant." Pagtatama ng babae.

Kumunot ang noo niya at kita niya ang pag-iling-iling ni Misha.

"I had the baby aborted." Tanging sabi nito.

"W-what?" Hindi siya makapaniwala sa naririnig. Pakiramdam niya ay nabibingi siya. "No. You cannot do that. That's our baby, Mish. We always wanted to have a baby." Lumapit pa siya sa babae at sinubukang hawakan ang mga kamay nito pero mabilis itong pumiksi na parang pinandidirihan siya.

"You always wanted to have a baby. Not me," umiiling na sabi nito. "This is not the life I wanted, Macoy. Nang magsama tayo sinabi mo bibigyan mo ako ng maayos na buhay. And I believed you. Iniwan ko ang pagmo-model ko dahil akala ko magbubuhay-reyna na ako kasama ka. But what did I get? This fucking misery. Patong-patong na utang. Nagsasawa na akong magtago sa mga credit card collectors na tumatawag araw-araw. The endless notice from the banks. I can't live with that."

Namumuo ang luha sa mata niya habang nakatingin sa babae.

"You killed my baby?" Hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi na niya napigil ang pagtulo ng luha mula sa mga mata.

"Technically that was my baby. And this is my body. I can decide to do whatever I want. I don't want that baby. That critter will just ruin my body and my life. Sinira mo na nga, dadagdag pa ba siya?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "You are not the man that I used to know. When I met you, you are full of dreams. You have so much ideas. So much vision. But right now, all I can see is a loser and I don't want to see myself with a loser."

Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari kaya parang slow motion ang lahat kahit na nang kuhanin ni Misha ang mga maleta nito at ilabas sa silid nila. Sinundan lang niya ito ng tingin habang pababa ito ng hagdan. At nang ma-realize niya na talagang aalis na ang babae ay mabilis niya itong hinabol.

"N-no. Mish. Come on. Let's talk about this. H-hindi puwedeng basta ganito na lang. Three years. Are you going to waste our three years?" Naabutan niya itong nasa labas na ng bahay nila. Nakita niyang may nakaparadang sasakyan sa tapat noon at nakilala niyang si Monty ang nagmamaneho.

Painis na binawi ng babae ang pagkakahawak niya dito.

"Yes. Three years is nothing. Actually, I wasted my three years with you. I should have known. Your handsome face is not enough to give me a better life." Napahinga pa ito ng malalim at tinapunan ng tingin ang sasakyan na naghihintay. "And for the record, Monty is not my cousin. He is my boyfriend. But the one that I aborted was your baby. Sorry." Wala siyang maramdamang kahit na katiting na simpatya mula kay Misha. Nagkibit-balikat pa ito na parang walang anuman dito ang sinasabi. Hindi alintana na para nang pinipiraso ang dibdib niya sa sakit na nararamdaman dahil sa nalaman.

Hindi na niya ito pinigilan nang tuloy-tuloy itong sumakay sa naghihintay na sasakyan. Sinundan lang niya ng tingin habang papaalis ang kotse. Nang wala ito sa paningin niya ay para siyang nanghihinang napaupo sa harap ng pinto.

Pakiramdam niya ay sasabog ang ulo niya sa pumapasok na eksena. The rejection from the investors. Ariel's face laughing at him. Misha.

Napakuyom ang kamay niya nang maalala ang sinabi nito.

"I had the baby aborted."

That was his. His own flesh and blood that she killed.

Bakit nangyayari ito sa kanya ngayon? Bakit kailangan sabay-sabay? Ano na ang gagawin niya? Uuwi na ba siya sa kanila katulad ng inaasahan ng Daddy niya? Na kahit anong gawin niya ay walang mangyayari sa buhay niya kung walang tulong nito? Tama ba talaga ang ama niya? Loser ba siya talaga?

Tumayo siya at parang robot na tinungo ang silid nila ni Misha. Every part of that room felt empty. Nakita niya ang ilang mga bills at notice of disconnection sa ibabaw ng mesang naroon. Hindi niya kayang magtagal pa doon. Binuksan niya ang cabinet ng mga damit niya at binuksan ang isang drawer doon. Nakita niya ang handgun at dinampot. Tiningnan ang kung kumpleto ang bala sa loob. Kakalinis lang naman niya noon kaya sigurado siyang hindi iyong papalpak.

Dumeretso siya sa kotse niya at pinaharurot iyon paalis sa bahay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta hanggang sa matagpuan niya ang sarili na ipinaparada sa tapat ng isang bar ang sasakyan. Tiningnan niya ang baril tapos ay itinaas iyon at inilagay sa loob ng bibig niya ag barrel. Pumikit siya. Isang kalabit lang at tapos ang lahat ng problema niya. Matatapos ang lahat ng sama ng loob niya.

Ang tagal niya sa ganoong posisyon. Nakapikit lang siya at damang-dama niya sa bibig ang malamig na bakal ng dulo ng baril na hawak. Ang isip niya ay nagtatalo kung ipuputok ba niya o hindi. Naalala niya ang mga sinabi ni Misha. Ang pagpapalaglag nito sa anak nila. Ang mga sinabi ng supposed to be investor niya. Lahat ay nagdudulot ng sama ng loob sa kanya. Ang masasakit na salitang sasabihin ng daddy niya kapag nalaman nitong failure na naman siya. At gusto na lang niya na matapos ang lahat ng ito.

Because maybe Misha was right. His father was right. He was a loser and he couldn't have a life that he was always dreamed about.

He was about to pull the trigger when he heard a loud honk from another car in the parking lot. Agad niyang inalis ang baril na nasa bibig niya at tumingin sa paligid. Nakita niyang nagbabaan sa kotse na malapit sa kanya ang apat na babae at nagtatawanan pa ang mga ito na pumasok sa loob ng bar. Napahinga siya ng malalim at napatingin sa baril. All right. Not now. He was going to do it later para siguradong walang mang-iistorbo sa kanya.

Inilagay niya ang baril sa glove compartment ng kotse. Bumaba siya at pumasok sa loob ng bar. Nakakabingi ang lakas ng sounds na sumalubong sa kanya. Maingay ang mga taong naroon. Lahat ay nagsasaya. Siya? Narito siya para uminom. Para malunod. Para mamanhid. Napakasakit ng nangyayari ngayon sa kanya. Wala siyang mapagsabihan. Walang puwedeng makinig. Lahat ng nangyayari ay sinasarili na lang at ang gusto na lang niya ay tumigil ang sakit. Pakiramdam niya ay nag-iisa siya. Walang karamay.

Pag-upo pa lang niya sa bar area ay sumenyas na siya sa bartender ng dalawang shot ng scotch. Agad niyang ininom iyon. Muli ay dalawang shot pa at ganoon din ang ginawa niya. Gusto niyang wala siyang maramdaman kung tatapusin na niya ang lahat ngayong gabi.

Marahan niyang pinahid ang luhang namumuo sa mga mata niya bago muli ay umorder ng huling shot. He was ready. After this, he was ready to end everything. He was ready to pull the trigger when the goes back inside his car. Wala na rin namang silbi ang buhay niya ngayon at siguradong kung mamatay man siya, wala rin namang iiyak sa pagkawala niya.

Pagkaubos niya ng last shot ng scotch ay dumukot siya ng pera at ibinayad sa waiter. Tatayo na lang siya nang isang babae ang biglang umakbay sa kanya tapos ay humahagikgik.

"Hi, handsome. Alone? Can I buy a drink?" Pagaril ang paraan ng pagkakasabi noon ng babae.

Marahan siyang lumayo dito. The last thing he wanted to happen right now was to be bugged by a drunk woman.

"Get lost." Inis na sabi niya. Wala siyang panahon sa pakikipagharutan ng kung sinong babae. Matagal na siyang hindi tumitingin sa ibang babae kundi kay Misha lang.

"You are so sexy. Smell nice too." Pagkasabi noon ay bumungingis ang babae tapos ay tumingin sa gawi ng mga kasama nito. Nakita niyang nagtatanguan ang mga kasama nito at nagta-thumbs up.

"This is just a dare and I hope you are cool with this." Tumatawa pang sabi nito at walang sabi-sabing hinawakan ang mukha niya at pabigla siyang hinalikan sa labi. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top