72 ¦ seventy-two
ROSÉ'S POV
Kaagad akong pinagbuksan ng isa sa mga kasambahay dito sa bahay nila Seulgi pagka-katok ko sa gate. Malapit na mag 6 pm nang makapag-decide akong pumunta dito.
Sa totoo lang, kinakabahan talaga ako ngayon. Nakaipag-debate pa yata ako sa sarili ko kung dapat ba akong pumunta o hindi pero ang ending, nandito na ako.
"Ma'am Rosé, gusto nyo pa ba ng juice?"
Umiling agad ako. "Hindi na po. Hintayin ko lang si Seulgi dito." Ngumiti ako sa kanya at tumango sya kaya umupo na lang ako sa sofa.
Tanda ka pa noon, ang huling beses na pumasok ako dito sa bahay nila ay yung binibigyan pa ako ni Seulgi ng mga mamahaling damit at sapatos nyang hindi na nya gusto... Those were the times that we're still okay.
Na-mimiss ko na yung dating kami.....
"Rosé."
Napatayo ako sa kinauupuan ko pagkakita kay Seulgi na bumababa sa hagdanan nila.
Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak sa harapan nya ngayon. Gustong-gusto ko syang yakapin at hingan ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa kanya noon pero hindi ko alam kung paano ako magsisimula.
Alam ko sa sarili kong naging selfish ako, na-insecure, na-threatened, na-inggit, at marami pang iba, pero hinding-hindi kailanman mawawala yung pagmamahal at pagmamalasakit ko sa kanya hindi lang bilang pinsan nya kundi bilang kaibigan nya simula mga bata pa lang kami.
Palagi na kaming magkasama ni Seulgi mula nursery hanggang ngayon na senior highschool na kami. Marami kaming magagandang memories tungkol sa isa't-isa at hindi ko man lang naisip na possible palang mabaliwala ang lahat ng iyon pagkatapos nung ginawa ko sa kanya at kay Jimin noon.....
"Ohmygod, are you crying?!"
"Huh? A-ano... Hindi ah!" Tanggi ko pa sabay pahid sa mga luha ko.
Muli ko syang tinignan at nakita kong nagbabadya naring bumagsak ang mga luha sa mata nya.
She genuinely smiled at me which made me think at pagkatapos non ay agad syang yumakap ng mahigpit saakin.
"Rosé..... I'm sorry....." Umiiyak nyang sabi dahilan para mas lalo lang ulit akong maiyak.
Niyakap ko rin sya at hinagod ang likuran nya.
"Huy Seulgi, ano ka ba? Ako nga 'tong dapat na humihingi ng sorry sayo... Sorry sa lahat lahat ng ginawa kong kasalanan noon. Promise, hindi ko na talaga uulitin yun... Kung hindi dahil saakin, hindi na sana kayo naghiwalay ni Ji-"
Umatras agad sya saakin at nakita kong pinahiran nya agad ang mga luha nya.
"Wag mo na ngang i-bring up pa yan. Okay na, Rosé... Pinapatawad na kita."
Hindi ako nakapagsalita at napatulala lang sa kanya habang naka-awang ang bibig ko.
Did I heard that right?
"H-huh?"
Ngumiti sya at hinawakan ang isa kong kamay.
"Pinapatawad na kita... Kalimutan na natin yun. Bumalik na lang tayo doon sa dating closeness natin... Pwede ba yun? Saka, nakalimutan mo na ba? Ikaw kaya yung the best kong pinsan!" Tumawa sya kaya napa-ngiti na rin ako kahit naluluha nanaman ako.
"Malamang, ako lang naman pinsan mo diba?" Sagot ko kaya parehas kaming natawa.
Niyakap ulit namin ang isa't-isa at nung parehas na kaming kumalma, inaya nya akong pumunta sa dining area nila para samahan syang mag-dinner.
"Tapos ayun..... Na-realized kong itigil na yung pangingielam sa kanya... Sa totoo lang, nalito lang siguro ako noon. Akala ko kasi mahal ko pa sya kahit hindi na talaga." Pagtutuloy nya sa kwento nya.
"So you mean, nakipag-kita si Jimin sayo noon para sabihing may balak syang ligawan ako?" Nagtataka kong tanong.
"Oo... Alam mo, nung sinabi nya yun, wala nga akong naramdaman eh. Hindi ko alam kung nasaktan ako, na-offend, nairita, or natuwa. Ewan ko ba." Tumawa sya at uminom ng tubig.
"Hey, don't worry, okay? Wala na akong pake sa kanya, promise. You can date him all you want." Sabi pa nya.
May kung anong saya akong naramdaman pagkarinig sa mga sinabi ng pinsan ko.
"Besides, sa gandang kong 'to? I'm sure na mas marami pa akong makikilalang lalaki na mas better at mas matangkad lalo sa kanya." Biro pa ni Seulgi kaya natawa na rin ako.
"Sira ka talaga HAHAHAHA."
Naglalakad na ako ngayon papasok sa subdivision namin. After kasi naming mag-dinner, nagpaalam na akong umuwi dahil gabi na at may pasok pa kami bukas.
Sobrang gaan lang sa pagkiramdam ko pagkatapos ng lahat ng nangyari ngayong araw. Pakiramdam ko eto na yung pinakamasayang araw ng buhay ko pero at the same time, nakukulangan ako.
Hindi ako dumirecho ng lakad pauwi saamin. Sa halip, dumaan muna ako sa bahay nila Jimin dahil nakapag-desisyon na ako sa kanina ko pa paulit-ulit na iniisip pagkatapos nung sinabi ni Seulgi saakin.
Wala na akong pake kung ano mang mangyayari in the future pagkatapos nitong gagawin ko.
This is now or never.....
"Rosé?!" Gulat na gulat nyang sabi pagkatapos nya akong pag-buksan ng gate.
"Hi..." Nginitian ko sya.
Tumingin-tingin sya sa paligid namin kaya ganun din ang ginawa ko pero nagulat ako nung bigla nya akong hinila papasok sa kanila.
"Bakit ka nandito? Gabing-gabi na, Rosé. Saan ka ba nanggaling? Parang hindi ka pa umuuwi sa inyo ah?" He looked so pissed while asking me.
"May gusto kasi akong sabihin sayo ng personal."
"Hindi ba makakapag-hintay yan hanggang bukas?"
"Jimin kasi mas gusto kong sabi-"
"Teka nga... May problema nanaman ba tayo? Wag mo sabihing pahihintuin mo ako sa panliligaw mo at sasabihin mong mag-iwasan nanaman tayo kasi hindi tayo pwede?"
Napa-irap na ako sa kanya. Bakit ba kasi ayaw nya muna akong patapusin sa mga sasabihin ko?!
"Tama ako diba? Yun ba yung pinunta mo dito? Rosé naman eh..... Seryoso na ako oh. Mahal na nga ki-"
I kissed his lips to shut him up.
Unti-unti kong nilayo ang sarili ko sa kanya.
"What was that for?" Nagtatakang tanong nya saakin. Kumunot pa ang noo nya habang pinagmamasdan ako.
"Pwede na ba akong magsalita without your interruption?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.
Tumango lang sya saakin.
Muli akong lumapit sa kanya para hawakan ang dalawa nyang kamay at nilagay iyon sa pagitan ng bewang ko.
"Pumunta ako dito para sabihing..." I placed both of my hands behind his neck.
"Sabihing?" Hinigpitan nya ang hawak saakin saka hinuli ang mga tingin ko.
"Para sabihin sayo na sinasagot na kita."
______________________________
happy 10k reads sa free fall!!!
THANK YOU SO MUCH GUYS! ♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top