49 ¦ forty-nine
ROSÉ'S POV
Friday na ngayon at kakatapos lang ng klase namin kaya ibig sabihin lang non ay wala nanaman kaming pasok kinabukasan kaya naman ngayong araw namin naisip ni Jimin na mag-date.
Medyo marami pa ang kasama namin dito sa loob ng classroom at kasama doon ang mga kaibigan namin kaya naman naghihintay muna kami ni Jimin hanggang sa maka-alis na sila bago kami lumabas.
"Di ka pa ba uuwi?" Tumabi si Lisa saakin sa bakanteng upuan na pagmamay-ari ni Taehyung.
"Una na muna kayo, may dadaanan pa kasi ako eh." Nginitian ko sya at inayos ang laman ng bag ko.
"Okay, bye. See you on Monday." Aniya at bineso ako sa pisngi.
Sunod na nakipag-beso saakin ay sila Jisoo at si Jennie na may alam sa totoong dahilan kung bakit hindi pa muna ako uuwi.
"Goodluck sa date nyo, pokpok."
Mahinang bulong nya saakin at nang samaan ko sya ng tingin, natawa lang si gaga at lumabas rin agad kasama sila Lisa at Jisoo.
"Let's go?"
Agad akong tumingin sa liluran ko at nakitang nakatayo si Jimin sa gilid ko. Tinaasan nya ako ng kilay at halatang hinihintay nya ang sagot ko.
"Sige, tara na."
Habang naglalakad kami papuntang parking lot sa university, magkalayo kami sa isa't-isa dahil alam naming marami nanaman ang makiki-chismis pag nakita nila kaming magkasama.
Alam ko namang hindi ko na dapat pinapansin ang mga ganong bagay dahil sa totoo lang, wala naman talaga akong pake sa kung anong sasabihin nila. Ang tanging problema ko lang ngayon, ay baka may makarating na kung anong chismis sa pinsan kong mukhang may balak na makipag-balikan kay Jimin.
Sana hindi totoo iyon...
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko pagkasakay dito sa loob ng sasakyan nya.
"Kahit saan, basta kasama ka." Sabi nya at nginisian ako.
"Corny mo gago." Inirapan ko sya at nagsuot na lang ng seatbelt.
"Na-gago pa ako. Tss....." Sabi pa nya bago simulan ang pagdadrive ng sasakyan.
"Nagtatanong ako ng maayos tapos hindi mo siniseryoso yung sagot."
"Seryoso ako, Rosé."
Napatingin tuloy ako sa kanya.
Minsan talaga hindi ko na maintindihan kung ano ba talagang nangyayari saaming dalawa. Minsan okay kami, minsan mag-kaaway, at minsan para kaming mag-jowa dahil sa mga ginagawa nya.
Sa totoo lang hindi ko rin alam in the first place kung bakit ako pumayag na makipag-date sa kanya.
Buong akala ko, kaya ko syang iwasan ng matagal at kalimutan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya, pero bandang huli, lalo lang yata akong nahuhulog sa lalaking 'to...
"Alam mo kung nakakamatay ang tingin, kanina pa siguro ako hindi humihinga dito."
Biro pa nya kaya naman agad kong iniwas ang tingin sa kanya at binaling iyon sa labas ng bintana.
Matapos ang ilang minuto, natanaw ko na kung saan kami papunta at umaliwalas ang mukha ko nang malaman kong sa mall ang punta namin.
After nyang i-park ang sasakyan nya, sabay na kaming bumaba at lumakad papasok sa entrance ng mall.
Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Jimin ang kamay ko at wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang sya.
"Masanay ka na. Dito rin naman bagsak natin eh." Naka-ngising sabi pa nya at binalingan ako ng tingin.
"Ang landi mo naman." Mahinang sabi ko sa kanya saka inirapan sya.
"Atleast sayo lang."
Shit lang Park Jimin..... Bakit ka ganyan?!
"Ano order mo?" Tanong nya saakin nang makarating kami sa loob ng Starbucks. Dito kami pumunta dahil perahas naman kaming ayaw muna mag-dinner.
"Caramel Frappe na lang." Sagot ko at umupo na sa bakanteng upuan. Kukuha na sana ako ng pera sa wallet ko pero agad akong pinigil ni Jimin.
"Grabe ka naman, Rosé. Ngayon ka pa talaga nahiyang magpalibre saakin kung kailan willing akong ibili ka ng kahit ano mapasaya ka lang?"
Hindi nanaman ako nakapag-salita sa mga sinabi nya kaya natawa na lang si Jimin sa reaksyon ko
"Dyan ka na. Oorder na'ko." Aniya.
JIMIN'S POV
Pa-sikreto kong kinunan ng picture si Rosé habang nandito kami sa loob ng arcade na naglalaro sa claw machine. She was so focused on getting that stuffed animal. Kaya ko naman syang bilhan ng mas maganda at mas malaki pa dyan pero mas nag-eenjoy akong panuorin syang na si-stress dahil ang cute cute nya.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya at uminom na lang ulit sa hawak kong frappe bago pa sya lumingon sa gawi ko.
"Scam yung claw machine, bwisit." Rinig kong sabi nya at agad akong natawa sa reaction nya.
"Racing tayo?" Aya ko sa kanya at agad naman syang pumayag kaya hinila nya ang kamay ko papunta sa race-car game sa may bandang gilid.
"HAHAHAHAHAHA! Natalo kita!" Tuwang-tuwa na sabi nya pagkatapos naming maglaro.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa parking lot. Napag desisyonan na naming umuwi dahil gabi na rin at baka ma-traffic pa kami.
"Pinagbigyan lang kita, wag kang mayabang dyan." Umismid ako at umiling.
"Pinagbigyan kase ano? Kasi gusto mo ako? Sus! Mema-rason ka lang eh. HAHAHAHAHA!" Pang-aasar pa nya.
Sa sobrang ingay nya dahil sa pagcecelebrate ng pagkatalo ko, hinila ko agad sya sa gilid ko at inakbayan pagkatapos.
And there you have it, nanahimik na sya.
ROSÉ'S POV
Kanina ko pa talagang gustong sikuhin ang sikmura ni Jimin dahil kanina pa sya naka-akbay saakin.
Akala ba nya nag-eenjoy ako?!
Para nang sasabog yung puso ko!
"Magsalita ka naman dyan, babe."
"Babe your ass."
"Bastos mo naman." Biro pa nya.
Sinamaan ko sya ng tingin kaya agad nyang inalis ang pagkaka-akbay nya sa balikat ko at natawa na lang sya pagkatapos.
Pinagbuksan nya ako ng pinto sa shotgun seat sa sasakyan nya at pagkatapos non ay sumakay na rin sya at sinimulan nang mag-drive pauwi.
Parehas kaming maingay sa loob ng sasakyan dahil sinasabayan namin yung mga kantang tumutugtog na galing sa cellphone ko.
May mga awkward moments saaming dalawa kapag nagkakatinginan kami pero agad rin yon nawawala dahil parehas kaming natatawa sa isa't-isa pagkatapos.
"Baka naman wala nanamang tao dyan sa inyo ha." Sabi ni Jimin pagkarating namin sa tapat ng bahay namin.
"Ano naman kung wala? Kaya ko naman mag-isa." Sabi ko sabay tanggal sa suot kong seatbelt.
"Basta sa susunod na wala kang kasama sa bahay nyo, sabihan mo agad ako. Welcome na welcome ka sa bahay namin lalo na sa kwarto ko." Malanding sabi nya kaya agad kong pinalo ang gilid ng braso nya.
"Napaka-harot mo naman. Alis na nga ako." Banta ko.
"Luh? Joke lang eh." Sabi pa nya.
"Thank you nga pala for tonight ah? Nag-enjoy ako sa first date natin." Sabi ko habang direktang nakatingin sa harapan namin.
Hindi ko magawang sabihin yon ng naka-harap sa kanya dahil baka maistatwa nanaman ako sa kilig.
"You're welcome. Tara na, baba na tayo." Aniya.
Tumango ako at lumabas na sa sasakyan nya bitbit ang bag ko. Tumayo sya sa gilid ko at tinapik ang braso ko.
"Goodnight." Nakangiting sabi nya.
"Sige pasok na ako." Nginitian ko rin sya at lumakad na ako para pumasok sa gate namin.
Binalingan ko ng tingin si Jimin at kita kong hinihintay nya akong makapasok sa loob bago sya tuluyang umalis.
Inipon ko ang lahat ng hangin at lakas ng loob sa abot ng makakaya ko at muling lumakad papunta sa kanya.
Humalik ako sa pisngi nya at nakita ko ang gulat nyang reaksyon. Tinignan nya ako sa mga mata ko pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Goodnight, Jimin."
____________________
oo guys, goodnight na HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top